You are on page 1of 16

Department of Education

National Capital Region

3 S CHOOLS DIVIS ION OFFICE


MARIK INA CITY

AGHAM
Ikalawang Markahan – Modyul 4
BAHAGI NG KATAWAN NG MGA
HAYOP

Neriza G. Timola

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
0
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo bilang isang


mag-aaral. Ginawa ito upang matulungan kang matutunan ang
bahagi ng katawan ng mga hayop at ang gamit ng mga ito. Ang
saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa
iba't ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay
kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-
aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang karaniwang
pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod
ng iyong pagbabasa ay maaaring mabago upang tumugma sa
aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin na:


• Nauuri ng mga hayop batay sa kanilang katawan at
gamit nito. (S3LT-llc-d-5)

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Natutukoy ang gamit ng bahagi ng katawan ng mga


hayop.
2. Nauuri ang mga hayop ayon sa kanilang pantakip sa
katawan, paraan ng pagkuha ng pagkain at paggalaw.
3. Nakasusulat ng pangungusap tungkol sa kahalagahan ng
bahagi ng katawan ng hayop at kahalagahan ng mga ito
sa kapaligiran.

Subukin

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra
ng tamang sagot upang mabuo ang pahayag.

1. Ang pantakip sa katawan (body coverings) ng mga hayop ay


nagbibigay sa kanila ng ______________.
A. babala B. pinsala
C. proteksyon D. kasamaan

2. Ang sumusunod na mga hayop ay magkakauri ayon sa


kanilang galaw maliban sa ______________.
A. aso B. pusa
C. leon D. kangaroo

3. Ang mga asong tulad ng German Shepherd ay nagiging


katuwang ng mga pastol sa pagbabantay ng ______________.
A. kabayo B. oso
C. kambing D. tupa

4. Ang ginagamit ng mga paruparo upang makasipsip ng nectar


ng bulaklak ay tinatawag na ___________.
A. bibig B. proboscis
C. dila D. tuka

5. Ang fur (balahibo) ng tupa o sheep ay kalimitang ginagawang


mga damit panlamig maliban sa _____________.
A. gloves B. sweater
C. medyas D. sinturon
6. Ang ahas at isda ay ilan sa mga halimbawa ng mga hayop

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
na mayroong pantakip sa katawan na tinatawag na _________.
A. Fur (balahibo) B. shell
C. Feather (balahibo ng pakpak) D. scales(kaliskis)

7. Ang sumusunod na mga larawan ay mauuri ayon sa kanilang


pagkakatulad maliban sa ___________.

A. B.

C. D.

8. Ang sumusunod na mga hayop ay magkakauri ayon sa


kanilang pantakip sa katawan maliban sa isa. Ito ay ang ______.
A. leon B. ibon
C. tigre D. pusa

9. Pagmasdan ang larawan. Ang nawawalang


bahagi ng katawan na kailangan nito upang makakain ay
ang _____________.

A. B.

C. D.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
10. Ang sumusunod na mga larawan ay maiuuri ayon sa kanilang
pagkakatulad maliban sa ___________.

A. B.

C. D.

Aralin
Bahagi ng Katawan ng mga
1 Hayop

Balikan
Magandang araw! Kumusta ka? Halika! Samahan mo akong
mamasyal sa Manila Zoo kasama sina nanay at tatay.

Ngayong araw, pupunta kami nina nanay at tatay sa Manila


Zoo. Nang makarating kami, namangha ako sa ganda ng paligid.
“Wow! Ang ganda naman po rito!” agad kong nasabi kina nanay
at tatay. Pagpasok pa lamang kasi, agad kaming natuwa sa
dami ng mga hayop at magagandang halaman sa aming
paligid. Napansin ko ang mga paruparong nakadapo sa
makukulay na bulaklak na sumisipsip ng nectar mula sa mga ito.
“Ang gaganda!” napalakas kong sabi. Nagliparan tuloy ang
ibang paruparo. Nakatutuwa talaga ang makukulay nitong mga
pakpak.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Maya-maya pa’y nakarinig ako ng malakas na tunog. Mula
pala ito sa malaking Elepante na may mahabang ilong. Kulay
abo ang balat nito at palakad-lakad. Sa tabing kulungan naman
ay may matatangkad na Giraffe na kumakain ng mga prutas at
gulay gamit ang kanilang mahabang nguso. Sabi ng tagapag-
alaga nito, kahit may tinik pa raw ang kainin nitong halaman,
hindi pa rin daw ito matitinik. Ang galing!

Naglakad-lakad pa kami nina nanay at tatay hanggang sa


nakarating kami sa kulungan ng mga kuneho. Ang liliit ng mga ito.
Tumatalon pa at naabutan naming pinakakain ito ng gulay. Kulay
puti ang fur nito at mukhang malambot. Nakakita rin pala ako ng
iba’t ibang isda na lumalangoy sa loob ng malaking aquarium.
Lahat sila’y may nakatutuwang kulay ng kaliskis o scales.

Pero, ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang mga ibon. Iba


iba ang kulay ng pakpak (feathers) nito. Naranasan kong bigyan
ng patuka ang mga ito at sa palad ko pa kumain. Medyo masakit
nang dumapo sila sa akin dahil sa matutulis nilang kuko at nang
tumuka sila ng pagkain, nakakikiliti sa palad. Ang saya talaga ng
araw na ito! Hindi ko malilimutan ang pagpunta namin sa Manila
Zoo.

Tuklasin

Nagustuhan mo ba ang pagpunta natin sa Manila Zoo? Kung


gayon, kumuha ka ng isang buong papel at gayahin ang kahon
na may linya sa loob na makikita sa ibaba. Sa loob ng kahon,
gumuhit ka ng isang hayop na nagustuhan mo mula sa iyong
nabasa. Ilarawan ang hayop na iyong iginuhit at isulat ito sa
patlang sa loob ng kahon. Kulayan ang iyong ginawa. Gamiting
batayan ang Pamantayan sa Pagmamarka sa paggawa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Kumusta? Alam kong nasiyahan ka sa pagguhit at
pagkukulay. Alam mo ba na ang bawat hayop ay may iba’t
ibang pantakip sa katawan o body coverings? Ito ang
nagbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa init o lamig ng
panahon depende sa lugar na kanilang tinitirhan. Pinanatili nito
ang tamang temperatura sa kanilang katawan upang hindi sila
ginawin.

Kumusta ka? Ako ay isang


Chameleon o Hunyango. Kalimitan
akong gumagamit ng camouflage
o pagpapalit ng anyo upang
makapagtago laban sa mga
gustong manakit sa akin.

Mga Uri ng Pantakip sa Katawan o Body Coverings:

Kaliskis (Scale) Balahibo (Fur) Pakpak (Feather)

isda buwaya aso kabayo ibon manok


ahas baka pusa baka bibe (duck)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Paraan ng Pagkuha ng Pagkain o Food Getting:

Bibig (Mouth) Tuka (Beak) Dila (Tongue) Trompa (Proboscis)

aso ibon palaka bubuyog


pusa manok hunyango paruparo

Paraan ng Paggalaw o Body Movement:

Lumalangoy Lumilipad Naglalakad o Tumatalon/Lumulukso


Tumatakbo

isda ibon aso palaka


dolphin paruparo pusa kuneho

Hello! Anong pangalan mo? Ako,


German Shepherd ang tawag nila
sa akin. Ako ang katuwang ng mga
pastol sa pagbabantay ng
kanilang mga tupa o sheep. Halika!
Ipakikilala kita sa aking kaibigan!

Kumusta? Isa akong tupa o sheep. Ako


at ang mga katulad ko ay palaging
binabantayan ni German Shepherd
upang manatiling ligtas. Alam mo ba?
Ang aming Fur ay tinatawag na wool. Ito
ay kalimitang ginagawang damit
panlamig tulad ng medyas, gloves,
sweater at bonnet.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
Teka, sandali! ‘Wag kang matakot. Ako ay
isang paniki o bat. Pero alam mo ba na
ang mga katulad namin ay hindi dapat
katakutan? Hindi totoong sumisipsip kami
ng dugo. Sa katunayan nga, mga prutas
ang kalimitan naming kinakain.
Nakatutulong din kami, tulad ng mga ibon
dahil naikakalat namin ang mga buto sa
paligid na nagiging dahilan upang
magkaroon ng bagong halaman o puno.

Suriin
Upang lubos mo pang maunawaan ang aralin, kumuha ka ng
panulat at isang buong papel. Pagtapat-tapatin ang mga hayop
na nasa Hanay A sa mga katangiang naglalarawan sa mga ito
na maaaring maging Pantakip sa Katawan, Paraan ng Paggalaw
o Pagkuha ng Pagkain na nasa Hanay B. Gumamit ng iba’t ibang
kulay ng pangkulay sa pagtatapat-tapat nito.

Hanay A Hanay B

1. Isda A. Feather (balahibo ng pakpak)

2. Ibon B. Lumilipad

3. Palaka C. Scales (kaliskis)

4. Kabayo D. Dila

5. Paruparo E. Tumatakbo o lumalakad

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Pagyamanin

Basahin ang mga parirala sa loob ng kahon sa ibaba. Kunin mo


ang iyong panulat, papel at pangkulay. Gayahin ang tsart sa
ibaba sa iyong sagutang papel. Mula sa mga pariralang nasa
loob ng kahon, iguhit ang inilalarawan nito at ilagay sa tamang
hanay. Kulayan ang iyong iginuhit.

pakpak ng ibon tuka ng ibon pakpak ng kalapati


proboscis ng bubuyog buntot ng isda kaliskis ng isda

Pantakip sa Katawan Paraan ng Paggalaw Paraan ng Pagkuha


ng Pagkain

Isaisip
Subukin pa natin ang iyong mga natutuhan. Handa ka na ba?
Kung gayon, kunin mong muli ang iyong sagutang papel at
panulat o lapis. Gayahin mo ang graphic organizer na nasa
ibaba. Tingnan mo ang bawat larawan sa loob ng kahon. Sa
ibaba nito, isulat mo ang gamit ng bahagi ng katawan na ito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
kaliskis ng isda
Bibig ng kabayo _________________ Paa ng aso
_________________ _________________ _________________
_________________ _________________

Bahagi ng
Katawan ng mga
Hayop

Buntot ng isda Feather ng ibon

_________________ Tuka ng ibon _________________

_________________ _________________ _________________


_________________

Isagawa
Sa isang bond paper, iguhit ang paborito mong hayop. Sa likod
nito, sumulat ng tatlong (3) pangungusap na nagpapaliwanag
kung bakit ito ang paborito mo at ang kahalagahan nito sa ating
kapaligiran. Balikan ang Pamantayan sa Pagmamarka sa Tuklasin
upang maging batayan sa pagmamarka.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Tayahin
Basahin at unawain ang mga bawat pangungusap. Tukuyin at
bilugan ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang pahayag.

1. Ang mga asong tulad ng German Shepherd ay nagiging


katuwang ng mga pastol sa ________________ ng mga tupa.
A. pagbabantay B. pagpapatulog
C. pagpapakain D. pagpapatakbo

2. Ang pantakip sa katawan (body coverings) ng mga hayop ay


nagpapanatili sa kanilang katawan ng tamang ______________.
A. ganda B. saya
C. kulay D. temperatura

3. Ang sumusunod na mga hayop ay magkakauri ayon sa


pantakip sa katawan maliban sa isa. Ito ay ang ___________.
A. ahas B. kabayo
C. buwaya D. isda

4. Pagmasdan ang larawan. Ang nawawalang


bahagi ng katawan na kailangan nito upang makagalaw ay
ang _____________.

A. B.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
C. D.
5. Ang sumusunod na mga hayop ay magkakauri ayon sa
kanilang galaw maliban sa ______________.
A. kuneho B. isda
C. kangaroo D. palaka

6. Ang ginagamit ng mga palaka upang makakuha ng pagkain


ay tinatawag na ___________.
A. bibig B. proboscis (trompa)
C. dila D. tuka

7. Ang sumusunod na mga larawan ay maiuuri ayon sa kanilang


pagkakatulad maliban sa ___________.

A. B.

C. D.

8. Ang fur (balahibo) ng tupa o sheep ay kalimitang ginagawang


damit panlamig tulad ng _____________.
A. gloves B. sapatos
C. pitaka D. sinturon

9. Ang mga aso at kabayo ay mga halimbawa ng mga hayop na


ang paraan ng paggalaw ay ___________.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
A. paglipad B. pagtalon
C. paglangoy D. paglakad o pagtakbo
10. Ang sumusunod na mga larawan ay maiuuri ayon sa kanilang
pagkakatulad maliban sa ___________.

A. B.

C. D.

Karagdagang Gawain

Sa isang buong papel, sagutin ang tanong tungkol sa


kahalagahan ng mga bahagi ng katawan ng mga hayop na
iyong napag-aralan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Ano ang maaaring mangyari kung mapipinsala o


masusugatan ang isang bahagi ng kanilang katawan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Sanggunian
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Images from Creative Commons


https://search.creativecommons.org/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13
Images from Pixabay Free Vectors
https://pixabay.com/
Bat
https://pixabay.com/vectors/animals-bat-decoration-halloween-1298132/
Chameleon
https://pixabay.com/vectors/chameleon-reptile-lizard-nature-48011/
Eagle
https://pixabay.com/vectors/bird-eagle-head-snake-eagle-2029234/
Fish
https://pixabay.com/vectors/catfish-fish-tail-river-nature-48009/
German Shepherd
https://search.creativecommons.org/photos/7dd645a4-d9b1-4057-9e64-
c7c17dd8037a
Proboscis of Mosquito
https://pixabay.com/vectors/mosquito-sting-dragonfly-wing-fly-1743558/
Scales of Fish
https://pixabay.com/vectors/background-fade-halloween-1292947/
Sheep
https://pixabay.com/illustrations/sheep-lamb-young-animal-cute-kid-
3539678/

Susi sa Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
14
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Neriza G. Timola
Mga Tagasuri: Vilma B. Camba
Frenchy Hernandez
Tagasuring Panloob: Jessica S. Mateo
Galcoso C. Alburo
Tagasuring Panlabas: Paul S. Magbanua (PNU)
Tagasuri ng Wika: Analisa B. Calimag
Tagaguhit ng Kober: Dennis Baquial
Charo Marie Defeo-Baquial
Tagaguhit at Tagalapat: Marie Cris D. Cruz
Jemwel Dela Paz
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jessica S. Mateo
Superbisor sa Agham

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
15

You might also like