You are on page 1of 12

Sorsogon State College University

Magallanes Campus
Magallanes Sorsogon

Masusing Banghay Aralin


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV
7:30-8:30

Mga Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makapamili ng pararamihing hayop
2. Nakikilala ang mga hayop na dapat alagaan o pararamihin
3. Matutukoy ang kahalagahan ng mga hayop

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagpili ng pararamihing hayop
B. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 3, Eden F.
Samadan, Marlon L. Lalaguna et al., pahina 427-432,
C. Mga kagamitan: kartolina, larawan ng iba’t ibang hayop, manila
paper, pentelpen, lapis, crayola
D. Konsepto: Mga uri ng pararamihing hayop
E. Metodo at estratehiya: Inductive Method,
F. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga aalagaang hayop.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-


aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Bago natin simulant ang aralin.
Tumayo muna ang lahat para sa ating
panalangin.
-Sa ngalan ng Ama ng Anak ng
-Mabelle pamunuan mo ang
Espirito Santo Amen.
panalangin.
 Pagbati Magandang umaga din po
Magandang umaga, Ma’am

Wala po Ma’am
May lumiban ba sa klase?

Mabuti naman at walang lumiban sa


klase ngayong aral
A. Pagganyak

 Paghahanda
-Pagbalik tanaw
-Tungkol saan ang tinalakay natin
kahapon?
Arlyn
-Tinalakay natin tungkol sa
paggawa ng plano ng
pagpaparami ng alagang
hayop upang kumita.

Mahusay

Sapag gawa ng plano ng pagpaparami


ng alagang hayop para kumita, ano
ang natitipid?

-Makakatipid sa halaga at
panahong iuukol
-Napaka galing

 Motibasyon
May ipapakita akong mga larawan at
tutukuyin niyo kung ano ang mga ito.

-Ok po Ma’am

Ano ang nakikita niyo sa larawan?

-Ma’am kalapati, kuneho,


Aso, Pusa, Mga isda sa
Acquarium at Dagang Costa
po.

Ok, mahusay

B. Paglalahad ng Aralin
-Meron na ba kayong ideya kung ano
ang tatalakayin natin ngayon? Ang tatalakayin po natin
ngayon ay patungkol sa
pagpili ng pararamihing
hayop.

-Tama ang pag-aaralan natin ngayon


ay ang pagpili ng pararamihing hayop
C. Pagtalakay sa Paksa
Mga Alagang Hayop sa Tahanan

Kalapati

- Ang pag-aalaga ng kalapati ay


madaling pagkakitaan bukod sa
nakalilibang. Ang isang inahin ay
nagsisimulang mangitlog sa gulang na
tatlong buwan pa lamang. Ang itlog ay
mabilis din mapisa kaya mabilis
dumami at ito ay kasing sustansya ng
itlog ng pugo. Masarap din ang karne
ng kalapati.

Kuneho

- Ang kuneho ay isa ring hayop na


madaling alagaan. Tulad ng ibang
hayop, ito ay nagbibigay ng karne na
kasing sustansya ng karne galing sa
manok. Maliban dito, ang kuneho ay
madalas ginagamit sa mga
eksperimento ng mga siyentipiko at sa
paaralan. Ang balat nito ay ginagamit
na palamuti ng damit, tsinelas,
sombrero, at iba pang bagay.

Aso

Ang aso ay isa sa mga mainam


alagaan. Maraming mag-anak ang
naglalaan ng panahon sapag-aalaga
nito, maging mahirap o mayaman.
May nag-aalaga ng aso upang
magsilbing bantay ng bahay. Mayroon
namang nais ay maging kasa-kasama
sa mga gawain. May makikita ring mga
tao na kadalasan ay matatanda o may
mga kapansanang nag-aalaga upang
magsilbi nilang gabay sa paglalakad at
pamamasyal. Inaalagaan din sila upang
makasama at maging isang tunay na
kaibigan. Mahalaga naman na pipiliin
ang asong aalagaan. Higit na mainam
mag-alaga ng tuta kaysa asong malaki
na dahil iyong natuturuan ng mga
kakaibang bagay na maaari nilang
gawin gaya ng pag-upo, pagpulot o
pag-abot ng nahulog o nakatagong
bagay, pag-ihi, at pag dumi sa tamang
lugar.

Pusa
Ang pusa ay isa ring mabuting
alaga sa tahanan. Mahusay itong
manghuli ng daga dahil sa matalas ang
kaniyang paningin, pang-amoy at
pandinig. Ito ay humuhuni (purr) o
ngumingiyaw kapag masaya at may
gustong ipaalam. Ang inang pusa ay
gumagawa ng tunog kapag tinatawag
niya ang kanyang mga kuting.

Mga isda sa aquarium

Sa

kasalukuyan, maraming uri ng isda ang


maaaring alagaan at palakihin sa
aquarium. Ang aquarium ay isang
lalagyang may tubig kung saan
inaalagaan at pinalalaki ang mga isda.
Ito ay ginagawang palamuti o
atraksyon sa tahanan, opisina o
maging sa mga ospital. Isang
katamtamang sukat ng aquarium 30
cm x 15 cm (12 in x 18 x 6 in). Madali
itong pangalagaan.
Ayon sa bihasa at nakakaalam,
ang goldfish ang pinakamadling
alagaan sa aquarium. Ito ay matibay
ang katawan at malusog. May orange,
golden-yellow, black and white at mga
kumbinasyon ng kulay. Ang mga ito ay
nabibili rin sa maraming tindahan ng
mga alagang hayop (pet shops).
Janitor’s fish, at iba pa.
Maaari rin ipagbili ang mga isda
sa aquarium katulad ng Goldfish,

Dagang Costa

Mainam ding alagaan ang dagang


costa at ito ay nagbibigay aliw sa nag-
aalaga. Isa siyang uri ng daga na
matuturuan sa ipapagawa sa kanya
tulad sa mga carnival ito ay ginagamit
sa laro sa ibabaw ng mesa na may mga
kahon na kapag naririnig nila ang
signal ay tatakbo sila sa loob ng kahon
sa may numero. Kapag nakataya ka sa
sinuutan ng dagang costa, panalo ka.
Naipagbibili din ang mga dagang
costa sa mga tindahan ng alagang
hayop (pet shop).

Mga batayan sa Pagpili ng


Pararamihing Alagang Hayop.
1. Nakapagbibigay ng
karagdagang pagkain sa
hapagkainan.
2. Mabilis lumaki at madaling
dumami.
3. Nakatutulong sa
pagpapaunlad ng
kabuhayan ng mag-anak.
4. Nakapagbibigay aliw at
mabuting kasama sa bahay.
5. Madaling alagaan at
pakainin ng karaniwang
pagkain.
6. Naipagbibili at nagbibigay
karagdagang kita ng
pamilya.

A. Paglalahat
Kung talagang nakinig sa pinag-aralan
natin ngayong araw.
Magbigay nga ng alagang hayop sa
tahanan.

Ok, Frank
Ma’am ang mga alagang
hayop na maaaring alagaan sa
tahanan ay kalapati, kuneho,
Aso, Pusa, Mga isda sa
Acquarium at Dagang Costa.
Ok magaling frank, halatang nakikinig
ng mabuti.

Ibigay naman ang dalawa na batayan


1. Mabilis lumaki at
sa pagpili ng pararamihing hayop
medaling dumami
2. Nakatutulong sa
pagpapa-unlad ng

Ok, Rosemarie kabuhayan ng mag-


anak.

Ok, mahusay rosemarie

Magbigay nga ulit ng apat pang


batayan sa Pagpili ng Pararamihing
Alagang Hayop. 3. Nakapagbibigay ng
karagdagang pagkain
Ok, Mabelle sa hapagkainan.
4. Mabilis lumaki at
madaling dumami.
5. Madaling alagaan at
pakainin ng
karaniwang pagkain.
6. Naipagbibili at
nagbibigay
karagdagang kita ng
pamilya.

Magaling Mabelle.

Natutuwa si Ma’am dahil nakinig nga


kayo ng mabuti sa ating pinag-aralan.
Ngayon ay alam ko na handa na kayo
sa ating gagawing pangkatang gawain.

Handa na po ba?
Handang handa na po Ma’am

A. Paglalapat
Matapos mong basahin ang
kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop
sa tahanan, handa na ba kayo pumili
sa aalagaan ninyo?
1. Magpangkat ng apatan at
pumili ng inyong lider.
2. Iguhit ang napili ninyong
aalagaang hayop sa manila
paper.
3. Ipaskil sa pisara ang ginuhit
ninyong alagang hayop.
4. Pag-usapan ng bawat
pangkat ang napili ninyong
aalagaang hayop at
ipaliwanag ang batayan ng
pagpili ninyo.
5. Hikayatin ang kaklase ninyo
na magparami din sa napili
ninyong alagang hayop.

IV. Pagtataya
1. Piliin ang limang hayop sa bilog
A na maaaring paramihin at
isulat sa loob ng bilog B.
2. Isulat sa loob ng bilog C ang
limang batayan sa pagpili ng
pararamihing hayop.

A
Palaka Tipaklong
Manok Itik
Pusa kabayo
Baka Ibon
Pugo Daga
Kambing Aso
Paruparo Gansa

1.

2.

3.

5.

C.

1.

2.

3.

5.

Takdang Aralin
1. Maghanap ng taong may mga alagang hayop.
2. Itanong mo kung alin sa mga alaga niya ang
pararamihin at bakit iyon ang napili niya?
3. Ibahagi sa mga kaklase ang nagawang pakikipanayam.

Inihanda ni:
JACOB, APRIL JOY G.
BEED III

You might also like