You are on page 1of 6

Masusing Banghay-aralin sa EPP

Para sa ika-limang Baitang


I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. malaman ang wastong pag-aalaga ng mga hayop at ang kasaysayan ng mga ito;
b. makapagbibigay ng kabutihangdulot ng pag-aalaga ng mga hayop;
c. mabigyang halaga ng kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop na may
dalawang paa, pakpak o isda.
II. Nilalaman

A. Paksa: Agriculture – Pag-aalaga ng Hayop


B. Kagamitan: Mga larawan, video clip, at T.V., Power Point Presentation
C. Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin Amen.
Magandang hapon mga bata! Magandang hapon po Ma’am.

May liban ba sa klase? Wala po ma’am.


Mahusay.
Ano ang inyung gagawain kung ang guro ay nagsasalita Makinig ng Mabuti.
sa harapan? At bakit kailangang makinig ng mabuti?
Upang maunawaan ng Mabuti ang leksyon.
B. Balik-aralin
Ano ang leksyon natin noong nakaraan?
Tungkol po sa pagtatanim ng gulay.
Mahusay.

C. Pagganyak

(Jumbled Letters
Activity)
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga salita na
may kinalaman sa kapakinabangan ng paksang
tatalakayin.
1. Apto - nagbibigay ng karne at sariwang itlog na
mayaman sa protina.
2. Tkii - mainam magbigay ng itlog na ginagawang 1. Pato
balut. 2.Itik
3. Snguab - karaniwan itong inaalagaan sa sapa at 3.Bangus
palaisdaan. 4.Pugo
4. Upgo - maliit na ibon na mainam magbigay ng 5.Tilapia
itlog at karne.
5. Paitila - nabubuhay ang mga ito sa tubig-tabang at
tubig-alat ng mga tropikal na pook tulad ng
Pilipinas.

Base sa letra na inyung binuo, ano sa tingin niyo ang


paksang tatalakayin natin? Ang tatalakayin natin ay tungkol sa pag-
aalaga ng hayop.

D. Paglalahad
Ang paksang tatalakayin natin ay tungkol sa pag-aalaga ng
hayop.

E. Pagtatalakay

Kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga


hayop na may paa, pakpak o isda.

1. Manok
a. Ito ay sariwang karne at itlog na
masustansya sa protina.
b. Ang mga dumi naman ng manok ay
pinatutuyo upang gawing pataba sa mga
halaman.
c. Maari ring gawing palamuti ang mga
balahibo nito o gawing materyales sa
mga proyekto.

Mainam na alagaang manok para sa karne:


a. Arbon Acre

b. Cobb

c. Hubbard
d. Pilch

e. Dekalb

Mainam na manok para sa karne at


pangingitlog
a. Plymouth Rock

b. Rhode Island Red

c. New Hampshire
2. Pato, itik, bibe at Pugo
a. Nagbibigay din ito ng itlog at karne na
mayaman sa protina.
b. Ang itik ay mainam magbigay ng itlog na
ginagawang balut at ang pato naman ay mainam
pagkuhanan ng karne.
c. Ang pugo din ay nagbibigay ng itlog at karne.

3. Dalag, bangus, hito at tilapia


Ang pag-aalaga ng dalag, bangus, hito at tilapia ay isang
kawiliwiling libangan.
Madaling alagaan ng tilapia.
Karaniwan itong inaalagaan sa sapa o palaisdaan. Ngunit
kung walang sapat na lugar maaring maghanda ng drum
o timba upang doon sila ay alagaan.

Mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng


mga hayop na may dalawang paa, pakpak
o isda
a. Napagkukunan ito ng pagkain gaya ng karne at
itlog.
b. Nagbibigay dagdag kita sa mag-anak o pamilya.
c. Nagdudulot ito ng kasiyahan o nagbibigay
libangan sa pamilya
d. Natutugunan ang problema ng bansa sa
kakulangan ng pagkain at kawalan ng trabaho.
e. Nakakatipid sa gastusin ang pamilya.

F. Paglalahat
Anu-ano ang mga hayop na may dalawang paa, pakpak o
isda? Ano ang kabutihang dulot nito?
Manok, itik, tiplapia, hito at bangus.
Magbigay ng halimbawa ng manok na mainam para sa Nakakatipid sa gastusin ang pamilya.
karne.
Magbigay ng halimbawa ng manok na mainam sa karne Rhode Island
at itlog.
Magbigay ng halimbawa ng isda. Manok
Ano ang magandang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tao
at sa pamayanan? Tilapia
Natutugunan ang problema ng bansa sa
kakulangan ng pagkain at kawalan ng
trabaho.

G. Paglalapat

Papangkatin sa tatlong pangkat. Ibigay ang hinihingi sa


bawat grupo.

Unang pangkat - Uri ng manok


Pangalawang pangkat – Uri ng isda
Pangatlong pangkat – mainam na manok para sa itlog at
karne

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Cobb, Arbor Acre, Pilch at iba pa ay mainam alagaan para sa?
a. Karne
b. Itlog
c. Balahibo
d. Itlog at karne

2. Ito ay may pabilog na katawan at maiksing paa at leeg?


a. Manok
b. Pugo
c. Pato
d. Itik

3. Ano ang tawag sa lalaking manok?


a. Inahin
b. Dumalaga
c. Sisiw
d. Tandang

4. Ang isdang ito ay nabubuhay sa tubig tabang?


a. Galunggong
b. Tulingan
c. Bisugo
d. Tilapia

5. Ang Plymouth Rock, Island Rhode Red at New Hampshire ay mga manok na mainam
sa?
a. Karne
b. Itlog
c. Balahibo
d. Itlog at Karne

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng larawan ng hayop na may dalawang paa, pakpak o isda na
gusto nyong alagaan at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

Napakahusay 5 Mahusay 4 Paghusayin Pa!


3
Kalinisan
Malinis ang
pagkakaguhit
Simbolong
Naiguhit
Angkop ang
bagay na
iginuhit
Kaangkupan
ng Konsepto
Angkop ang
paglalahad ng
nilalaman sa
konsepto ng
iginuhit

Inihanda ni:
Maria Loren Y. Lactam
Intern

You might also like