You are on page 1of 2

Department of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division of Bulacan
District of San Miguel South
MAGMARALE ELEMENTARY SCHOOL
Centro, Magmarale

BANGHAY – ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5

School: Magmarale Elementary School Grade Level: 5


Teacher: Mrs. Amelia C. Caralde Subject Area: EPP
Date & Time: Quarter: Second
School Head: Mr. Jesus R. Mesina, Jr.

I. MGA LAYUNIN
 Natutupad ang mga tungkulin sa pag-aayos ng tahanan.
 Natutukoy ang mga bahagi ng tahanan at mga gawain dito.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Pagsasaayos ng Tahanan
B. Kagamitan: Mga larawan (bahagi ng tahanan)
C. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
D. Pagpapahalaga: Masusing pakikinig

III. MGA PROSESO NG PAGKATUTO


A. Balik-aral
 Bakit mahalagang panatilihing malinis at maayos ang ating tahanan? Ano ang
mensaheng ipinapahiwatig ng maayos na tahanan?
B. Pagganyak
 Pagpapakita ng iba’t-ibang uri ng tahanan sa kasalukuyan at ang bahagi nito.
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga kuro-kuro sa kanilang mga napuna.
C. Paglalahad
 Paglalahad sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng mga bahagi ng
tahanan.
 Pag-usapan ang mga nasa larawan.

D. Pagpapalalim
 Ano ang mga bahagi ng tahanan?
 Bakit kailangang malaman ang mga bahagi ng tahanan?

E. Paglalahat
 Ano ang mga tungkulin sa pag-aayos ng tahanan?
 Ano-ano ang hakbang sa pangangasiwa ng tahanan at paano ito makatutulong
sa pagsasaayos ng tahanan?

F. Paglalapat
Pangkatan
 Buuin ang puzzle picture na hinanda ng guro.
G. Pormatib na Pagtataya
Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap at M kung mali.
1. Magandang isabit sa dingding ng sala ang mga larawan ng pamilya.
2. Tanda ng kabutihang asal ang pagkatok sa palikuran bago pumasok dito.
3. Bumili ng malaking muwebles kahit maliit ang bahay.
4. Gawing pantay-pantay ang pagtatakda ng mga gawaing-bahay.
5. Nakasasakit sa mata ang paggamit ng kurtina sa mga bintana.
H. Pagpapahusay na Gawain
 Magsaliksik ng mga makabagong pamamaraan ng pag-aayos ng tahanan.
I. Repleksiyon/Pagninilay-nilay
 Isulat sa papel ang inyong karanasan sa pagdidisenyo ng isang tahanan.

Prepared by:

AMELIA C. CARALDE

Teacher III

Noted:

JESUS R. MESINA, JR.

Head Teacher III

You might also like