You are on page 1of 3

Baguio City Academy Colleges, Inc.

Benitez Compound Magsaysay Avenue, Baguio City


Tel. No. 442-2538/0999-470-0366
SY 2020-2021
IKATLONG MARKAHAN

FILIPINO
BAITANG 7

MODYUL 2
Ikalawang Linggo: Enero 25-30, 2021

“ANG TATLONG PRINSIPE ng


KALINAW”

Pangalan: _________________________ Petsa ng simula:___________

Baitang: ___________________________Petsa ng pagtapos:_________

Guro: MEDINA DAPALOG ESTIOCO


09493026551 / 0966722087O
Email: medinaestioco81@gmail.com

ARALIN 4: A. ANG TATLONG PRINSIPE ng KALINAW


Page 1 of 3
B. KAANTASAN ng PANG-URI PASUKDOL
C. PAGGAWA ng DIYALOGO na GAMIT sa KOMIK STRIP
Alamin
Ang modyul na ito ay para sa agwatang pagkatuto upang maipagpatuloy mo ang iyong pag—aral kahit
wala ka na sa paaralan.Ang mga gawaing inihanda ay lilinang sa iyong kaalaman sa paglalarawan at
pag-unawa.
Nakapaloob sa modyul na ito ang layunin:
 napag-uugnay-ugnay ang mga pangyayari sa kuwento;
 nakikilatis ang mga pangyayaring maaaring maging totoo o imahinasyon lamang,
 nakikilala ang mga kuwentong maituturing na alamat;
 nakapagbubuo ng sariling alamat;at
 naikukuwento sa pamamagitan ng online class ang ginawang alamat.
Maaari kang gabayan sa pagsagot ng iyong mga magulang o mga nakatatandang kasama sa bahay.
Inaaasahang pagkatapos ng gawaing ito, Ikaw ay nakapagpapapamalas ng pag-unawa sa nasabing
aralin.

TUKLASIN
Sa anumang kuwento ,nabasa man o napakinggan,nagagawa ng mambabasa na
makapagpahayag ng tungkol dito. Gumamit ng sagutang papel para dito. (6 PUNTOS)

1. Paano nagiging batayan ang napanood,nakita, at nararanasan sa pagsulat ng


alamat?
2. Bakit mahalagang may batayan sa pagsulat ng alamat?

LINANGIN
BASAHIN MO
Isang hamon at mabigat na pananagutan ang maging isang pinuno. May kaganapan hindi
lamang sa sarili.Higit sa lahat sa kaniyang pinamumunuan, layong maglingkod nang tapat
tungo sa pagtaatgumpay, nais ding makita ang ganap na pagbibigkis at pagkakaisa ng
nasasakupan.Isaalang-alang ng isang katiwasayan,kaunlaran,at kasarinlan. Ikaw, ano ang
batayan mo ng isang mahusay na pinuno?
Basahin at unawaing mabuti ang alamat na makikita sa pahina 264-266 upang masagot
ang mga sumusunod na gawain sa ibaba.

GAWAIN 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gumamit ng sagutang papel para dito.( 8puntos)
1. Paano inihanda ni Lakan_Ilaw ang kapakanan ng kanilang kaharian at mga
mamamayan?
2. Ilarawan ang paraan ni Lakan-Ilaw sa pagpili ng hahalili sa kanya sa pamumuno sa
Kaharian ng kalinaw?
3. Bakit si Tanglao ang hinirang ni Lakan-Ilaw na hahalili sa kaniya? Makatuwiran baa
ang kaniyang pagpili?Ipaliwanag.
4. Patunayan na ang wika ang nagiging lunas sa di-pagkakaunawaan.Magbigay ng
ilang patunay.

GRAMATIKA
BASAHIN MO
Basahin at unawaing mabuti ang paksang Kaantasan ng Pang-uri na mababasa sa pahina
270. Pagkatapos basahin sagutin ang mga pagsasanay na makikita sa ibaba. Gumamit ng
sagutang papel para dito.
A. Mga pokus na tanong (4 puntos)
1. Paano ginagamit ang mga pang-uri ayon sa kaantasan sa ilang pangungusap sa
bawat talataan?
2. Bakit mahalagang makita na sa paghahambing ay mas may nakahihigit?

Page 2 of 3
GAWAIN 1 (20 puntos)
Isulat sa patlang ang L kung ang pangungusap ay lantay, PH kung pahambing at PS kung
ito naman ay pasukdol. Isulat ang tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang
tambilang.

__________ 1. Mabango ang bulaklak.


__________ 2. Magulo ang bansang may extrajudicial killings.
__________ 3. Ang uod ay mas maikli kaysa ahas.
__________ 4. Si Obama ay mas mabuti kaysa kay Trump.
__________ 5. Pinakamabilis si Arman sa mga batang atleta.
__________ 6. Pinakamababa ang halaga ng piso ngayong 2017.
__________ 7. Mataba ang batang kapatid ko.
__________ 8. Malawak ang kanilang bukid.
__________ 9. Kamukha ni Lloyd si Daniel.
__________ 10. Higit na maputi ang sampaguita kaysa sa rosal.
__________ 11. Kamukha ni Samantha ang kanyang ina.
__________ 12. Simputi ng singkamas ang kanyang kutis.
__________ 13. Kapwa matalino ang magkakapatid na Daniel at Moises.
__________ 14. Pinakamataas ang kanyang marka sa Flipino sa lahat ng kanyang mga
asignatura.
__________ 15. Ako ang pinakasuwerteng bata sa buong mundo dahil sa iyo, Inay.
__________ 16. Mayaman ang kanyang lolo.
__________ 17. Guwapo at artistahin ang kanyang Kuya Jerry.
__________ 18. Matangkad ang sikat na manlalaro.
__________ 19. Mas malambing ang tinig ni Elsa kaysa ni Dana.
__________ 20. Higit siyang matapang kaysa kanyang pinsan.

RETORIKA
Basahin at unawaing mabuti ang paksang Paggawa ng Diyalogo na Gamit sa Komik
Strip na mkikita sa pahina 272. Pagkatapos sagutin ang gawaing makikita sa ibaba.

GAWAIN 2 (10puntos)
Sumulat ng sariling diyalogo na may komik strip tungkol sa paksang .”Wika at Turismo.
Kaagapay sa Pag-unlad ng Bansa. “Sikaping gumamit ng pasukdol ng kaantasan ng pang-
uri sa diyalogo. Isaalang-alang ang mga tinalakay tungkol sa pagbuo ng diyalogo na gamit
ang komk strip. Gumamit ng sagutang papel para dito.

ILAPAT
Gawin ang pagtataya sa binuong diyalogo na gamit sa komik strip sa pamamagitan ng
sumusunod na kraytirya.

Kraytirya 4 3 2 1
1. Masasalamin sa diyalogo at komik istrip ang katotohanan
ng pangyayari.
2. Masining ang pagkakabuo ng diyalogo at ang
pagkakadrowing nito sa komik strip.
3. Naipakita ang pagiging orihinal ng akda.
4. Angkop at wasto ang gamit ng kaantasan ng pang-uri sa
ilang diyalogo
5. Isinaalang-alang ang mga elementong kailangan sa
pagsulat ng diyalogo.
6. Binigyang –pansin ang wastong mekaniks sa pagsulat ng
bawat diyalogo na may komik strip.

Page 3 of 3

You might also like