You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

10
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON V
SANGAY NG SORSOGON
BULUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulusan, Sorsogon

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 10

Pangkalahatang Panuto:
 Basahin at unawain ang bawat tanong.
 Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
 Kung walang pagpipilian, sagutin ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Para sa bilang 1-6


 Basahin ang mitong Si Pygmalion at si Galatea. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong.

Si Pygmalion at si Galatea
Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga
kababaihan dahil sa ugali ng mga ito. Labis siyang namumuhi at naniniwala siyang
ugat ng kasalanan ang kababaihan kaya’t isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya
iibig at magpapakasal kaninuman. Ang kanyang oras ay iginugugol niya sa paglililok
hanggang makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang babae na
nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa isang babae. Isinuot niya sa
estatwa ang pinakamagandang kasuotan at pinakamakinang na alahas.
Pinangalanan niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana
ang opinyon ng iba. Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag alaman ni
Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na pagmamahal ni
Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig at kanyang binigyang buhay ang babaeng
pinakamamahal ni Pygmalion. Sina Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang
masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na sina Paphos at Metharme.
Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa, ang kanilang pamilya ay taon-taon na
nag-aalay sa templo ng Aprodite.

1. Ano ang pananaw ni Pygmalion kaugnay ng kababaihan noong una?


a. pahalagahan ang mga kababaihan
b. ugat ng kasalanan
c. iibigin niya ng labis
d. pakakasalan sa lahat ng simbahan

2. Anong damdamin ang nabuo sa puso ni Pygmalion kaugnay ng babaeng kanyang


nililok?
a. pagkamuhi c. pagmamahal
b. pagkaawa d. pagkatakot

1
3. Paano niya ipinakita ang labis na pagmamahal sa babaeng ito?
a. Ipinantahi niya ang estatwa ng bagong kasuotan.
b. Ibinili niya ang estatwa ng bagong alahas.
c. Ipinasyal niya ang estatwa sa parke.
d. Isinuot niya sa estatwa ang pinakamagandang kasuotan at pinakamakinang
na alahas.

4. Paano nagkaroon ng katuparan ang kanilang pagmamahalan?


a. binigyan ng kayamanan ni Aprodile si Galatea.
b. binigyan ng alahas ni Aprodite si Galatea.
c. binigyan ng magarang kasuotan ni Aprodite si Galatea.
d. binigyang buhay ni Aprodite si Galatea.

5. Bakit taon-taon nag-aalay sa templo ni Aprodite ang pamilya?


a. bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa.
b. bilang pagtanaw ng utang na loob sa diyosa.
c. bilang pagsamba sa diyosa.
d. bilang pagpapakita ng pagmamahal sa diyosa.

6. Alin sa mahalagang kaisipan ang ipinahayag sa mitong Pygmalion at Galatea?


a. Ang pag-ibig ay maaaring makapinsala
b. Ang pag-ibig ay kayang hamakin ang lahat kahit mahirap na sitwasyon
c. Ang pag-ibig ay minsan nauuwi sa pagkahibang
d. Ang pag-ibig kapag tunay ay walang makahahadlang

Para sa bilang 7-12


 Kilalanin kung Payak, Maylapi, Inuulit o Tambalan ang kayarian ng bawat salita

______________ 7. Maanghang ______________ 11. malamig-lamig


______________ 8. sulat ______________ 12. Bahaghari
______________ 9. Tikloptuhod
_____________ 10. Naglilinis

Para sa bilang 13-17


 Suriin kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang Aksiyon, Karanasan
o Pangyayari

13. Sumigaw ng malakas si Psyche.


14. Namuhi si Pygmalion sa mga babae dahil sa mga ugali nito.
15. Nagliparan ang mga kaldero ng mag-away sina nanay at tatay.
16. Naglakad papuntang palengke si Eva.
17. Buong gabi niyang ka text si Joshua kaya bumagsak sa pagsusulit si Anna.

2
Para sa bilang 18-23
 Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

18. Ayon sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay
(dahil sa, sapagkat) hirap na nararanasan niya.
19. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at (unang, saka) isinalang sa apoy.
20. Hindi nagtagal kumulo ang tubig. Sa (unang, sumunod) palayok iniligay ng ama
ang carrot.
21. kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng
pagsubok (kung kaya, sapagkat) ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari
sa paligid mo.
22. Maging matatag sa harap ng mga pagsubok (gayon din, isa pa) patuloy kang
lumikha
ng positibong pagbabago.
23.(Pagkatapos, sa dakong huli) ngumiti ang anak kasunod ang tugon “ako ay magiging
butil ng kape…” katulad mo mahal na ama.

Mula sa Mensahe ng Butil ng kape

Para sa bilang 24-28


 Ipaliwanag ang alegoryang ginamit sa bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

24. Nagmistulang ligaw na tupa ang anak ni Mang Serafin dahil sa bisyo.
a. taong napariwara c. taong may sakit
b. taong matalino d. taong guminhawa ang buhay

25. Ang alibughang anak ay umuwi at humingi ng tawad sa kaniyang ama pakalipas ng
isang taon.
a. anak na nagbigay biyaya sa magulang
b. anak na nagbigay swerte sa magulang
c. anak na nagbigay yaman sa magulang
d. anak na nagbigay hinanakit sa magulang

26. Siya ang krus na pasan ko sa buhay.


a. anting-anting c. yaman
b. swerte d. problema

27. Ang tinig ng ligaw na gansa nahuli sa pain umiyak. Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
hindi ako makaalpas.
a. isang dalaga c. isang ina
b. isang binata d. isang matanda

3
28. Dapat tayo ay magpasalamat sa araw-araw na buhay dahil may mga taong hindi na
makabangon sa banig ng karamdaman.
a. higaan c. sakit
b. trabaho d. ospital

Para sa bilang 29-34


 Gamitin ang mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng daloy ng pangyayari
upang mabuo ang diwa ng talata.
Piliin sa loob ng kahon ang tamang pananda
Saka una bunga nito kaya pagkatapos
Pati sumunod ikatlo tuloy

29. _____________ ay inilahok ang carrot sa kumukulong tubig. 30. _____________ ay


ang itlog. 31. ____________ ang carrot ay lumambot at ang itlog ay buo at naging
matigas dahil sa pagkakalaga. 32. ___________ ay ang butil ng kape ang inilahok sa
kumukulong tubig. 33. ____________ ay ipinahigop ng ama sa anak. Kung ikaw ay tulad
ng butil ng kape ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. 34. ____________
anak, ikaw ba ay carrot, itlog o butil ng kape?

Para sa bilang 35-40


 Tukuyin ang damdaming nakapaloob sa bawat pahayag.

35. Nagmakaawa siya na bigyan ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa
kanya.
a. pagkadismaya c. pagmamakaawa
b. pagkapahiya d. pagtatamo

36. Napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap sa buhay
na hindi magkakaroon ng katuparan.
a. pagkalungkot c. pagkagalit
b. pagkainggit d. pagkaawa

37. Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.
a. pagtataka c. pagkaawa
b. pagkagalit d. panghihinayang

38. Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos.
a. pagkaawa c. pagtataka
b. pagkalungkot d. panghihinayang

4
39. Nalibang si Psyche sa mansion, kumain siya ng masarap na pagkain. Buong araw
siyang inaliw ng mga musika ng lira.
a. pagkagulat c. pagkalugod
b. pagtataka d. pagsisisi

4. Binabalikan niya sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon nang nakalipas.
Ang kanyang kagandahang naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang
siya’y maging tampulan ng paghanga.
a. panghihinayang c. pagtataka
b. pagkalugod d. pagkainggit

Inihanda ni:

CIRCE L. GEGAJO
T III

You might also like