You are on page 1of 9

6

FILIPINO
KUWARTER 1 – MODYUL 3

MELC: Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwentong


binasa, alamat na napakinggan o nabasa bago, habang at matapos ang pagbasa

K to 12 BEC CG: F6PN-ld-e-12/F6PB-IIIf-24

1
UNANG BAHAGI-PANIMULANG GAWAIN

A. Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Magandang araw mahal kong mag-aaral. Kumusta ka na?


Panibagong aralin na naman ang iyong matutunghayan sa araw na ito. Handa na bang
maglakbay ang iyong kaisipan para sa bagong kaalaman?

Sa araling ito, matutunan kung paano nakapagbibigay ng hinuha sa maaaring


kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwentung binasa, alamat na napakinggan o nabasa bago,
habang, at matapos ang pagbasa.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng hinuha tungkol sa


maaaring kalalabasan ng mga pangyayari sa binasa.

B. Pagtalakay at mga Halimbawa

Ang hinuha ay palagay o matalinong hula sa mga maaaring mangyari gamit ang
mga himaton (clues) pahiwatig, bakas o palatandaan.

Makapagbibigay lamang tayo ng mabisang hinuha kung lubusang naunawaan ang


binasang kuwento/alamat o seleksyon nabasa o napakinggan at naunawaan natin ang mga
pahiwatig o palatandaang ibinigay.

Ginagamit natin ang mga sumusunod na salita sa pagbibigay ng hinuha:


baka wari sa palagay ko
siguro tila sa tingin ko
marahil maaari posible

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap gamit ang mga salitang
ginagamit sa pagbibigay ng hinuha.

. 1.Maaaring ilagay ang mga gulay sa malaking sisidlan upang hindi malanta.
2.Marami siguro silang ani sa kanilang gulayan.
3. Tila isang panaginip ang kaniyang nasaksihan.
4.Marahil malaki ang kanilang kinita sa pagtatanim.
5.Baka may angking galing ang may-ari.

2
IKALAWANG BAHAGI-PANLINANG NA GAWAIN
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Pagkatapos ay lagyan ng tsek (/) ang
pangungusap na nagbibigay ng tamang hinuha at ekis (X) naman kung hindi.
Ang Gulayan
Masayang-masaya sila sa pangunguha ng mga sariwang gulay. Si Brandon ay pumili
kaagad ng napakalaking kalabasa at inilagay ito sa malaking lalagyan. Siyang-siya naman si
Mang Johnny habang nangunguha ng sitaw at talong.
Nakangiti naman si Aling Mikay habang namimitas ng upo, okra, ampalaya at patola.
Inilagay ang mga ito sa maluluwang na bayong. Ang mga gulay ay dadalhin nila sa bayan.
Umaasa sila ng malaking kita.

_____ a. Sina Brandon,Mang Johnny at Aling Mikay ay magkakapitbahay.


_____ b. Ang mga inaning gulay ay baka dadalhin nila sa bayan upang ipagbili.
_____ c.Ang pagtatanim ng gulay ay maaaring makadagdag sa pagpaparami ng pagkain.
_____ d. Ang pamimitas ng gulay ay nakakatamad at nakakabagot na gawain.
_____ e. Ang mga gulay ay inilalagay sa malalaking bayong, marahil upang hindi malanta
ang mga ito.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang isang alamat. Ibigay ang hinuha sa mga maaaring kinalabasan ng mga
pangyayari sa kuwento.

Noon….. Lason pa ang Lansones


Masaya at matiwasay ang balangay ng Laguna. Pinamumunuan ito ni Raha
Matuwid, isang bantog na mandirigma. Iginagalang siya ng kanyang mga nasasakupan.
Walang masamang loob dahil sa iginagawad niyang kaparusahang kamatayan sa
pamamagitan ng pagpapakain ng lansones. Ang lansones ay lason.
Sa balangay na ito ay may mag-asawang palaaway. Walang araw na hindi sila nag-
aaway at nagtatalo. Gumagamit ng kamay na bakal si Carlo sa paggugulpi kay Maria.
Nang hindi na makatiis si Maria sa ginagawa ng kanyang asawa, naisip na niyang
magpatiwakal. Kumuha siya ng lansones sa kanilang bakuran at bago isagawa ang pagkitil sa
kanyang buhay ay taimtim na nanalangin siya sa Diyos. Humingi siya ng tawad .
Nakita ni Carlo ang gagawin ng asawa ngunit hindi man lang niya pinigilan. Kinain
ni Maria ang lansones. Laking pagtataka niya dahil hindi namatay ang asawa. Bagkus naging
kaakit-akit si Maria kaysa dati.
3
Agad na sinadya ni Carlo ang raha at ibinalita ang mahiwagang pangyayaring
kaniyang nasaksihan.
Nagtanong ang Raha kung saan kumuha ng lansones si Maria. “Sa bakuran po namin.
Ang punongkahoy pong ito ay hitik sa bunga”, mabilis na tugon ni Carlo.
Tinawag ng Raha ang kanyang mga kawal upang kumuha ng lansones. Agad namang
tumalima ang mga kawal sa utos ng Raha. Sinubukang ipakain ang lansones sa mga
bilanggong hinatulan ng kamatayan ang lansones. Walang namatay sa kanila. Nasarapan ang
mga bilanggo. Bagay na ipinagtaka ng Raha. Tumikim din ang Raha. “Aba matamis”,
bulalas ng Raha.
Mula noon, ang lansones ay kinain na ng mga tao. Tunay na mapait ang mga buto nito.
Mapait upang ipaalaala ang naging buhay ni Maria sa kalupitan ng asawang si Carlo.
( Unknown Author: m.pinoyedition.com)

1.Noong unang panahon ang lansones ay lason, Sa iyong palagay, bakit kaya nakalalason
ang bunga nito?
A. Maaaring isinumpa ng diwata
B. Nilikha ito ng Diyos na may mapait na bunga
C. Walang pakinabang sa mga naninirahan sa lugar.
Hinuha: __________________________________________________________

2. Sa Balangay ng Laguna, Bakit kaya kamatayan kaagad ang kaparusahan sa mga


nagkasala?
A. Kamatayan ang parusa sa kanila para wala ng taong gagawa ng kalokohan at
kahangalan.
B. Kamatayan ang iginagawad upang wala ng susunod na tao sa mundong ibabaw.
C. Sa palagay ko upang lahat ng tao sa lugar ay maging matuwid.
Hinuha: __________________________________________________

3.Kung ikaw ang nasa katayuan ni Maria, ano ang posibleng gagawin mo?
A. Posibleng tarayan at awayin ko ang asawa ko upang hindi ako saktan.
B. Susubukan ko rin na kainin ang lansones upang maglaho na sa mundo
C. Para sa akin, hihilingin ko sa Diyos na magbago ang asawa ko.
Hinuha:___________________________________________________________

4.Sa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng mapait na buto ng lansones sa alamat na
binasa mo?
A. Ipinaaalaala nito ang mapait na karanasan ni Maria sa kanyang asawa
4
B. Malupit si Carlo sa kanyang asawa na si Maria dahil mabait at maganda.
C. Minsan ang bunga ng lansones ay nakakalason.
Hinuha: __________________________________________________________

5.Nakakita na ba kayo ng mag-asawa na palaging nag-aaway sa kanilang bahay? Sa inyong


palagay ano kaya ang kahihinatnan nila?
A. Magiging isang masayang pamilya sila sa kanilang pamayanan
B. Maaaring magkawatak-watak ang pamilya
C. Masidhi ang pagmamahalan nilang mag-asawa kaya sila nagbabangayan.
Hinuha: _________________________________________________________________

Gawain 3. Panuto: Basahin ang kuwento pagkatapos ay buuin ang concept web ayon sa
mga hinuhang mabubuo sa mga pangyayari.
Ang Kagubatan
Ang kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginawang pagpuputol sa
mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga
kaingero sa dito. Ginawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at
nawawala ang matabang lupa. Dahil dito, wala ng mga makakapitan ang mga ugat na
sumisipsip sa tubig mula sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa
at pagbaha sa mababang lugar. Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ng
kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at ang kalagayan ng
susunod na salinlahi. Iligtas natin ang ating kalikasan upang matamo ang pinapangarap na
mundo sa hinaharap.

1.

Kung patuloy ang mga gawain


na nakakasira sa kagubatan,
ano ang maaaring maganap
sa hinaharap?

2. 3.

5
IKATLONG BAHAGI - PANAPOS NA GAWAIN
Gawain 1.Panuto: Ibigay ang hinuha sa mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa kuwaderno.
1. Ang mga tao sa Barangay Sto. Cristo ay mahilig magtapon ng kanilang basura sa ilog.
Ano ang maaaring mangyari sa kanilang barangay sa ginagawa nila?
a. Magiging maganda at maayos ang pagdaloy ng tubig sa kanilang ilog.
b. Magkakaroon sigurado ng pagbaha sa lugar
c. Matutuwa ang mga namumulot ng basura dahil marami silang makukuha
d. Magkakaroon ng kaaya-ayang samyo ng hangin sa kanilang lugar dahil sa basura.
2. Naaksidente ang mga magulang ni Ericka habang sila ay naglalakbay patungo sa
kanilang trabaho, sa kabutihang palad, madali silang naisugod sa pagamutan.
a. Masasawi ang kaniyang magulang sa aksidente dahil sa kapabayaan nila.
b. Maliligtas sila sa kapahamakan.
c. Magbibigay ng kahirapan sa pamilya dahil Malaki ang gastos sa hospital.
d. Mabibigyan ng maraming oportunidad sa buhay dahil sa aksidente.
3. Nagtapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng Covid-19 sa lugar
nina Jamila, kaya ang mga tao ay parang nakawala sa hawla, labas dito, labas doon
ang ginagawa nila. Ano ang maaaring idulot nito?
a. Magkakaroon ng mataas na kaso ng Covid-19 virus ang mga tao sa lugar.
b. Marami ang magsasaya at magdiriwang na tao sa pagtatapos ng ECQ.
c. Malalayo na sila sa banta ng nakakahawang virus dahil nakakalabas na sila sa
kanilang tahanan.
d. Magiging maayos ang kalagayan ng kanilang lugar sa pagkakatanggal ng
tagabantay.
4. Sama-samang nanalangin at nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanilang
natatanggap ang pamilya Martin.
a. Patuloy ang pagpapalang kanilang matatanggap
b. Daranas ng maraming pagsubok at kahirapan ang pamilya.
c. Maiinggit ang kanilang mga kapitbahay dahil sa mga biyayang natanggap
d. Magiging isa sa pinakarespetado at pinakasikat na pamilya sa buong mundo.
5. Pagkatapos ng recess time sa paaralan. May isang bata na itinapon na lang ang
pinagkainan na balat ng saging sa daraanan.. Ano ang iyong hinuha na maaring
mangyari?
a. Posibleng may bata na makaapak sa balat ng saging at madulas.
b. Magiging makulay at kaaya-aya sa paningin ang mga itinapon na balat ng saging
c. Ang pagtatapon ng balat ng pinagkainan ay isang katangian na maaaring tularan.

6
d. Magkakaroon ng isang matamis na ngiti ang batang nakaapak at nadulas dahil
dito.
6. Ang mga bata ay nawili at naging libangan ang paggamit ng mga gadyet at nakatuon
lang ang isipan sa social media o di kaya’y sa mga laro sa internet. Ibigay ang hinuha
sa posibilidad na epekto nito.
a. Magiging bihasa sa paggamit ng gadyet ang mga bata sa kanilang tahanan.
b. Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad ng kakayahan sa kanilang pag-aaral
c. Mapapabilis ang pagkatuto sa lahat ng bagay dahil sa makabagong kagamitan.
d. Maaapektuhan nito ang kalusugan ng bata at bababa ang kalidad ng edukasyon.
7. Maraming likas na yaman ang ating bansa. Ngunit unti-unting nasisira ang mga ito
dahil sa pang-aabuso ng mga mamamayan.
a. Marami ang pagkukuhan ng likas na yaman
b. Magiging industriyalisadong pamayanan
c. Nakaaakit ng maraming mamumuhunan
d. Paiigtingin ang mga batas na naglalayong maprotektahan ang mga likas na yaman.
8. Upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na virus, ano ang nararapat mong
gawin bilang isang responsableng mamamayan?
a.Laging sundin ang Health protocol na ipinatutupad ng kinauukulan
b. Maging alerto sa lahat ng bagay
c. Makiisa sa paglilinis ng barangay
d. Makilahok sa iba’t ibang gawain ng mga tao
9. May pagpupulong na magaganap ang mga opisyal ng barangay Mayumi dahil sa
may agarang usapin ngunit nagkasakit ang kanilang kapitan na mangunguna
sa pulong.
a. Baka hindi matuloy ang pagpupulong.
b. Itutuloy pa rin ang pagpupulong
c. Ikakansela ang nasabing pag-uusap
d. Maaaring paki-usapan niya ang pangalawa sa kanyang puwesto upang humalili sa
kanya.
10.Nagbabadyang tumaas ang presyo ng mga petrolyo. Ibigay ang hinuha sa maaaring
idulot nito.
a. Tataas ang presyo ng mga produktong gumagamit nito
b. Ang bansang Pilipinas ay uunlad sa pagtaas ng mga produkto.
c. Marami ang maghihikahos sa buhay sa taas ng bilihin.
d. Magkakagulo ang bansa
Karagdagang Gawain:

7
Panuto: Basahin ang mga pangyayari at ibigay ang inyong hinuha .

Pangyayari Hinuha

1. patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog


2. paglanghap ng makapal at maitim na
usok ng mga sasakyan
3. pagputol ng puno sa kagubatan
4. pagbabara ng mga estero
5. pagbuga ng usok ng mga pabrika
6. paggamit ng dinamita sa pangingisda
7. pagtapon ng mga kemikal sa ilog at
dagat
8. paninigarilyo sa mataong lugar
9. pagmimina sa mga bundok
10.pagkakaingin sa mga kabundukan

8
SANGGUNIAN
A. Aklat
Hap S. Reyes/Love Aragon et.al Reevee Book Supply 2012 p.2-4
Filipino 6 SLM
m.pinoyedition.com

B. Internet Sources
https://web.facebook.com/groups/29243
https://www.youtube.com/watctch?v=channel/UCwf1

You might also like