You are on page 1of 9

COLEGIO DE STA.

ROSA
Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________

Ang Asno at ang Lobo


May isang Asnong tahimik na nanginginain sa isang malawak na
damuhan. Nagulat na lang siya nang may isang gutom na gutom na Lobong
padambang tumalon sa kaniyang harapan.
Aruy! Aruy! palahaw na iyak ni Asno.
Takang-taka ang naglalaway pang Lobo kung bakit nag-iiyak sa sakit
ang bibiktimahin. Umarte ang Asnong papilay-pilay maglakad.
Parang awa mo na. Natinik ng matulis na bakal ang kanang paa ko.
Pakitanggal mo ang tinik bago mo ako gawing pananghalian. Parang awa mo
na kaibigang Lobo.
Hindi mo ako kaibigan. Ayoko lang na matinik din ang aking lalamunan
kung gagawin kitang pananghalian.
Inangat ng Lobo ang itinuturong paa ng Asno.
Wala naman akong makitang tinik a. nagtatakang sabi ng Lobo.
Tignan mong mabuti. Aruy!
Nang yumuko ang Lobo upang muling magsuri ay itinaas ng Asno ang
kanang paa at malakas na sinipa ang bibig ng mambibiktima. Bagsak ang
Lobo. Agad na tumakbo ang Asno papalayo sa Lobo.

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________
Ang Gansang Nangitlog ng Ginto
May isang matandang babae na nag-aalaga ng Gansa. Ang Gansa ay
nangigitlog paminsan-minsan.
Isang araw ay nagulat ang matanda nang mapansing nangingintab ang
itlog ng Gansa. Dali-dali niya itong pinulot at sinuri.
Gintong Itlog! tuwang-tuwang nagsisigaw ang matanda. Nangingitlog
ng ginto ang Gansa ko!
Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog na bigay ng Gansa. Lalo
siyang natuwa sapagkat araw-araw nangingitlog ang alaga niya. Naging
mayaman ang matanda. Nakabili siya ng malawak na lupa, nakapagpatayo ng
malaking bahay at nakapamuhay nang masagana.
Hindi naging lubos ang kaligayahan ng matanda. Para sa kanya,
napakabagal ng araw-araw na pangingitlog ng Gansa. Malalim siyang nag-isip.
May sapantaha ang matandang tiyak na marami ang gintong itlog sa loob ng
tiyan ng Gansa.
Nakatitiyak ako na kung papatayin ko ang Gansang ito at kukunin ko
ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging pinakamayaman ako sa bayang ito!
Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa. Nanghinayang siya
sapagkat wala kahit isa man lamang na gintong itlog siyang makita.
Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng
kaniyang alaga.

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________

Ang Sakim na Aso


May isang sakim na Aso na lagi nang nagnanakaw ng mga pagkain ng
mga inosenteng Tuta.
Isang araw ay gala nang gala ang Aso sa paghahanap ng magugulangang
Tuta. Masuwerte ang ganid sapagkat isang Tutang may sakmal na pata ang
makakasalubong nito sa daan. Nagkunwaring hindi pansin ng bruskong Aso
ang Tuta pero nang mapalapit ay bigla nitong inagaw ang taba at nagtatakbong
papalayo.
Nang mapagod sa katatakbo ang Aso ay nagpalinga-linga ito. Nag-aalala
ang ganid na baka may higit na malaki pang Aso na gustong agawin sa kanya
ang masarap na pata ng baboy. Upang makasiguro, hindi siya nagdaan sa
kasukalan kundi sa makitid na tulay.
Habang naglalakad na sakmal ang inagaw na pata ay nasalamin niya sa
malinaw na tubig ang sarili. Sa pag-aakalang higit na malaki ang sakmalsakmal ng higit na maliit na Asong nasasalamin sa tubig, tinakot ng ganid ang
anino sa pagtahol nito. Nabitawan ng Aso ang pata na lumubog sa malinaw na
tubig. Sisinghap-singhap ang ganid na Aso sa panghihinayang.

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________

Ang Inahing Manok


Minsan, may isang Inahing Manok na nakakita ng mga butil ng palay.
Pinakikusapan niya ang Pusa, ang Bibe, ang Baboy at ang Kambing na
magsipagtanim. Nalungkot ang Inahin nang hindi siya paunlakan ng mga
kaibigan.
Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim. Ilang araw lang ay
sumibol na ang mga binhi. Nang maglakihan at maging ginto na ang mga butil
ay pinakiusapan niyang muli ang mga kaibigan upang tulungan siyang magani. Hindi na naman siya tinulungan ng mga kaibigan.
Nang mapagsama-sama na at maisalansan ang mga inaning palay ay
kinailangang bayuhin na ang mga ito upang ihiwalay na ang malinis na butil
ng bigas.
Matrabaho rin itong gawain kaya pinakiusapan niyang muli ang mga
kaibigan. Hindi na naman siya sinamahan ng mga kaibigan. Napilitang
bayuhin at ihiwalay ng Inahin ang bigas sa ipa. Ang mapuputing bigas na inani
mula sa mga butil na palay ay isinaing ng masipag na Inahin. Nang ihain na
niya ang mapuputing kanin ay isa-isang nagdatingan ang mga kaibigan na
nakikiusap na makasalo sa pagkain.
Ikinalulungkot ko, mga kaibigan. Ang kaning aking itinanim, binayo, at
isinaing ay sapat lang para sa pamilya namin.

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________

Ang S.A.R.S.
Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga doKtor at sayantist sa gamot na
maaaring ilunas sa nakamamatay na sakit na Severe Acute Respiratory
Syndrome o lalong kilala sa tawag na SARS.
Sa Hong Kong, kung saan laganap at malala ang sakit na ito ay umabot
na sa bilang na walumput isa (81) ang namamatay. Pinakamataas ang bilang
na ito kung ikukumpara sa iba pang mga bansang naging apektado rin ng
nasabing sakit tulad ng China, Indonesia, Singapore, Thailand, Vietnam,
Canada at Taiwan.
Sa kasalukuyan, ang tanging gamot na naibibigay ng mga doctor sa mga
pasyenteng may SARS ay anitibiotics, ang anti-viral na kombinasyon ng
ribavirin at corticosteroids, upang mabawasan ang pamamaga ng kanilang mga
baga.
Dahil sa wala pang natutuklasang gamot na tiyak na makalulunas sa
sakit na ito, pinapayuhan ang lahat na panatilihing malinis ang kanilang
katawan at paligid. Huwag mag-atubiling kumunsulta agad sa pinakamalapit

na doktor kung may nararamdamang kakaiba sa katawan. Ipagbigay-alam din


kaagad sa mga kinauukulan kung may kakilalang maaaring may taglay ng
SARS upang maiwasan ang pagkalat pa nito.

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________
Napag-alaman ni Dr. Karen Allen, isang sayantist ng medisina sa
University of New York, na ang pag-aalaga ng mga hayop ay nakatutulong
upang maiwasan ang alta presyon at iba pang sakit na dulot ng kalungkutan.
Ganito rin ang natuklasan ni Dr. Boris Levinson, isang psychiatrist na
Amerikano nang gamitin niya ang alagang aso sa mga pasyenteng may
karamdaman sa pag-iisip. Samantala, sa Pilipinas, matagal nang ginagamit
ang aso upang makatulong sa mga batang may problema sa pagsasalita. Isa na
rito ang proyektong Gift of Joy na sinimulan ni Joy Gonales noong 1998. Ang
proyektong ito ay namimigay ng mga aso sa mga kabataang may kapansanan
sa pag-iisip. Isa sa mga nabiyayaan ng programa ang batang si John Franco,
anim na taong gulang. Sa pamamagitan ng oral motor therapy, naturuang
magsalita si John sa tulong ng asong si Boo. Nagulat ang mga guro ni Franco
dahil tuwid na itong magsalita at kumanta.

Kahit ang mga btang biktima ng mental retardation ay natutulungan din


ng aso. Halimbawa na rito si Denisse Tan. Noong una siyang dalhin sa Gift of
Joy, hindi siya nakapagsasalita, nakikipaglaro sa kapwa-bata at walang
kakayahang umintindi. Ngunit sa tulong ng asong si Anino, unti-unting
naturuan si Denisse ng mga nabanggit na kakayahan.
Napatunayan sa mga pag-aaral na malaki ang nagagawa ng alagang
hayop dahil nakapagbibigay ito ng walang katulad na pagmamahal sa amo.

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________

Liham sa Isang Kaibigan


Mahal Kong Rose,
Kumusta na ang maganda at mabait kong kaibigan? Alam kong
nagtatampo ka na sa akin dahil baka iniisip mong nakalimutan na kita mula
nang lumipat kami rito sa Maynila. Ang totoo, miss na miss na kita. Nami-miss
ko na rin sina Medz, Neng at Adi. Lagi kong naaalala ang masaya nating

paglilibot sa mga mall sa Bian at Sta. Rosa. Gustong-gusto ko na ulit


maglakwatsa kasama kayo kahit sabi nga ni Adi at puro window-shopping
lang ang kaya nating gawin. Kasi ba naman nauubos lagi ang allowance natin
sa kakakain kaya tuloy lagi tayong walang pera. Ayan, bigla ko tuloy naisip ang
pangako natin sa isat isa na pag nagkatrabaho na tayo, sa unang suweldo
natin ay sabay-sabay tayong pupunta sa pinakamalaking mall sa Makati at
uubusin natin sa pagsa-shopping at pagkain sa pinakasikat na fine-dining
restaurant ang suweldo natin. Hay, ang sarap mangarap, no?
Naku, kaya nga pala ako sumulat ay dahil gusto kong imbitahan kayong
lahat dito sa amin sa susunod na Linggo, sa Mayo 21, piyesta kasi rito sa lugar
namin. Maghahanda raw kami sabi ni Mama bilang pasasalamat sa aming
Patron.
O paano, hanggang dito na lang muna. Ipabasa mo sa tatlo nating
kaibigan itong sulat ko, ha! Para alam nilang kinukumusta ko rin sila.
Aasahan ko ang pagpunta nyo rito sa amin. Ngayon pa lang ay excited na ko
sa pagkikita natin ulit.
Nagmamahal,
Lei

COLEGIO DE STA. ROSA


Intramuros, Maynila
ORAL READING TEST SA FILIPINO
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ___________

Pakikipagbati sa Kagalit

Natural lamang sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng kagalit dahil sa


magkaibang paniniwala sa buhay. Ang hindi natural, sapagkat mahirap gawin
para sa iba ay ang magligtas at tumulong sa taong kaaway o kagalit.
Sa awit na Florante at Laura, bagamat magkalaban ang kanilang
kaharian at magkaiba sila ng relihiyon, nagawa pa rin ni Aladin na iligtas si
Florante sa tiyak na kamatayan. Hindi inalintana ni Aladin kung si Florante
man ay isang Kristiyano at siya ay isang Moro. Ganito rin ang ginawa ni Flerida
nang iligtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo. Ang kabutihang loob na ito nina
Aladin at Flerida ang nagging daan upang ang kani-kanilang kaharian ay
magkasundo at magkabating muli.
Marami ang nagsasabi na mahirap subalit kahanga-hangang Gawain ang
makipagbati sa isang kagalit. Ikaw, nakahanda ka bang makipagbati sa iyong
kagalit kung mayroon man?

You might also like