You are on page 1of 2

Ang Pagsusulit na Hindi Ko Naipasa

ni Bernice Brooks
mula sa Stuff You Dont Have to Pray About

isinalin ni Carlo Fernando Padin

Dumating na ang huling markahang pagsusulit. Magdamag akong nag-


aral ng akig mga leksyon. Ngayon, habang nakasalampak ako sa upuan,
napakabigat na ng pakiramdam ko. Kakatapos lang ng dalawang magkasunod
na pagsusulit para sa araw na iyon. Pakiramdam koy matataas ang magigng
grado ko sa taong ito. Gustong-gusto ko nang matapos ang huling pagsusulit.

Naiinip na ako sa pagdating ng aming guro nang may isang taong


pumasok at nagsulat sa pisara ng ganito:

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ang pagsusulit ay hindi gaganapin


sa silid na ito. Hinihintay kayo ng inyong guro sa gymnasium.

Ano ba yan? naibulong ko sa sarili, ngayon, kailangan ko pang lakarin


ang buong paaralan para lang matapos ang pagsusulit na ito.

Nagmamadaling umalis ng silid ang buong klase upang magtungo sa


gym. Walang nais na mahuli sa huling pagsusulit, ni walang nag-uusap sa
sobrang pagmamadali.

Madadaanan ang kantina patungong gym. May isang lalaking


nangangapa sa harap nito. Nakilala ko ang taong. Siya ay kabilang sa klase ng
mga mag-aaral na may kapansanan. Bulag siya at maaaring nadapa siya at
naiwala ang kanyang tungkod.

May tutulong naman sa kanya maya-maya lang. Wala akong panahon


para huminto kahit sandali ngayon ang sabi ko sa sarli.

Kaya nagpatuloy ako kasama ang buong klase para kunin ang naturang
huling pagsusulit.

Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad, isang babae ang nagmamadaling


lumabas ng silid-aklatan. Karga niya sa kanang kamay ang isang bata habang
mga aklat naman sa kaliwa. Biglag nahulog ang mga aklat at nagsimulang
umiyak ang bata habang pinupulot ng babae ang mga ito.

Dapat ay iniwan na lang niya ang bata sa bahay, sabi ko. Nilagpasan ko
siya tulad ng ginawa ng iba at nagmadali sa paglakad.

Sa bandang kanto ay may isang asong nakatali sa puno. Malaki at


palakaibigan ang aso. Lagi namin siyang nakikita doon, ngunit ngayon ay
hindi niya maabot ang inuman ng tubig na iniwan para sa kanya. Pumipiglas
siya sa pagkakatali habang mahinag kumakahol.

Nasabi ko tuloy, Anong klaseng amo ang magtatali ng kanyang aso at


ilalagay ang inuman ng tubig sa hindi nito maaabot? Ngunit nagmadali pa rin
ako.

Nang malapit na kami sa gym, isang kotse ang dumaan at huminto


malapit sa tapat ng gym. Nakilala ko ang babaeng iyon bilang guro sa Filipino
ng ikalawang baitang. Napansin ko rin na naiwan niyang bukas ang ilaw ng
kanyang sasakyan.

Tiyak na hindi niya magagamit ang kanyang sasakyan mamayang pag-


uwi niya, bulong ng kaklase ko.

Nakarating na rin kami sa gym kung saa nag-aantay ang aming guro.

Tumayo ang guro at tinitigan kami. Matagal ang katahimikan. Alam


naming lahat na ang kanyang mga pagsusulit ay kakaiba sa lahat, at
kinakabahan kami kung ano ang inihanda niya para sa araw na iyon. Lumapit
siya sa pintuan, at isa-sang pumasok ang bulag na mag-aaral, ang babaeng
may kargang bata, ang aso habang hawak ito ng kanyang amo, at ang guro sa
Filipino.

Ang mga taong ito ay una nang kinausap ng aming guro upang maging
bahagi ng aming pagsusulit kung naunawan nga ba o hindi ng klase ang aral
sa likod ng kwento ng Mabuting Samaritano at ang taong ninakawan. Lahat
kami ay hindi nakapasa.

You might also like