You are on page 1of 39

Biktima ng demolisyon sa San Juan nanawagan ng mabilisang imbestigasyon January 29, 2011 by Macky Macaspac Nagmartsa ang mahigit

500 residente ng Brgy. Corazon de Jesus, San Juan patungong Mendiola, Manila para kondenahin ang marahas na pagbuwag sa protesta na kontra sa demolisyon sa kanilang mga bahay noong Enero 25. Hinamon ng Sandigang Maralitang Nagkakaisa (Samana) ang gobyernong Aquino na kagyat na mag-imbestiga sa naganap na demolisyon. Hiniling din ng grupo na disiplinahin ng gobyernong Aquino ang administrasyon ng lungsod San Juan, sa pamumuno ni Mayor Guia Gomez at Rep. JV Ejercito, dahil sa marahas na demolisyon na nagresulta sa pagkakasugat ng 50 residente, kabilang ng mga matatanda at bata, at pag-aresto at pagdetine sa mga tumututol na residente. Ayon kay Anthony Caber, residenteng nasugatan sa demolisyon, nagsimula ang pandarahas alas-otso ng umaga noong Enero 25, nang dumating ang demolition crew kasama ang pulis na may dalang dalawang trak na bombero. Hawak ng isang residente ng Brgy. Corazon de Jesus, na isa sa mga sugatan sa demolisyon noong nakaraang araw, ang isang plakard na naghihikayat na sundin ni Pangulong Aquino ang Proklamasyon 54 ni dating pangulong Arroyo na nagpapayag sa mga residente ng naturang barangay na tumira sa lugar at hindi dinemolis. (Macky Macaspac) Pilit umanong binubuwag ng demolition crew ang barikadang kanilang itinayo bilang depensa sa kanilang kabahayan. Pagkababa pa lang ng demolition team sa kanilang mga trak, napansin na naming may intensiyon silang saktan kaming mga taga-Corazon de Jesus, ani Caber. Unti-unti umanong binabaklas ng demolition team ang kanilang barikada. Hindi kami pumayag na mabuwag ang barikada. Dumepensa lang kami kahit inaakyat nila ang barikada, bigla na lamang silang nambato ng bote, aniya. Aminado siyang napilitan umano silang gumanti ng pagbato sa kapulisan at demolisyon team bilang depensa. Kitang-kita ko po ang ang isang pulis na bumato sa akin. Tinakpan ko kasi ang kapatid kong mayroong kapansanan dahil siya ang tatamaan, ani Caber, na nagtamo ng sugat sa kanang mata, na kasalukuyan pa ring natatakpan ng gasa. Sa kanyang pahayag sa midya, inakusahan ni Rep. Ejercito ang mga residenteng nagbarikada na sila umano ang nagbato ng tear gas sa mga pulis. Pinabulaanan ito ni Caber, na nagsabing imposibleng magkaroong sila ng akses sa tear gas. Kitang kita rin umano sa mga dokumentasyon na pulisya at demolition crew ang nandahas sa mga nakabarikada. Yung mga sinasabi nilang mga gamit tulad ng mga itak, nakuha nila ang mga iyon sa mga bahay na nademolis nila. Hindi naman basta-basta nakakabili ang ordinaryong tao ng tear gas, paliwanag niya. Ayon naman kay Arnold Repique, tagapangulo ng Samana, sa kabila umano ng kautusan ni Pangulong Aquino na itigil ang demolisyon sa Corazon de Jesus, ipinagpatuloy pa rin umano nina Gomez at Ejercito ang pagwasak sa mga kabahayan. Binakuran umano ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang komunidad na dinemolis kinaumagahan. Mga kabataang miyembro ng Gabriela, nanawagan ng agarang imbestigasyon sa marahas na pagtataboy sa mga maralita ng Brgy. Corazon de Jesus. (Macky Macaspac0

Nagpapakita lamang ng pampulitikang arogansiya ang mga Estrada, sa pagtanggi nilang sumunod sa kautusan ng Malakanyang na moratoryo sa demolition. ani Repique. Ipinunto rin ni Repique na hindi pa tapos ang kanilang laban para sa kanilang mga batayang karapatan sa pabahay, trabaho at panlipunang katarungan. Ang makabagong laban sa Pinaglabanan ay hindi pa tapos. Handa ang mga residenteng ipagtanggol ang kanilang mga karapatan, pagtatapos niya. Pagtigil sa pagtaas ng matrikula, iginiit ng mga estudyante January 28, 2011 Daan-daang estudyante ang nag-martsa tungo sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) para kondehanin ang anilay pagtalikod ng pamahalaang Aquino sa panawagan ng mga kabataan na itigil ang pagtaas ng matrikula. Sa tala ng National Union of Students in the Philippines (NUSP), tumaas ang national average ng matrikula mula P257.41 kada yunit hanggang P501.22 o 94.72 porsiyento sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Tumaas naman nang 123.06 porsiyento ang matrikula sa National Capital Region, ayon pa rin sa NUSP. Mula P439.59, umabot na sa P980.54 kada yunit ang karaniwang binabayaran ng mga estudyante sa ibat ibang pamantasan sa Kamaynilaan. Duda naman ang mga estudyante kung ititigil ni Pangulong Aquino ang pagtaas ng matrikula sa ilalim ng kanyang administrasyon. Mabibigo lamang ang mga estudayanteng aasa na puputulin ni Aquino at ng CHED ang polisiya ng nakaraang mga administrasyon kaugnay ng pagderegulisa sa matrikula at iba pang bayarin, ani Vanessa Faye Bolibol, pangkalahatang kalihim ng National Union of Students in the Philippines (NUSP). Samantala, nais ding paimbestigahan ng NUSP ang di makatwiran at kahinahinalang mga bayarin sa ibat ibang pribado at pampublikong pamantasan. Sa Unibersidad ng Santo Tomas, umaabot umano nang halos 40 porsiyento ang ganitong mga bayarin ng kabuuan binabayaran ng mga estudyante kada semestre. Ilan umano dito ay redundant gaya ng magkaibang Student Athletic and Sports Fee at Athletic Fee. Sa Lyceum of the Philippines, nababayad umano ang mga estudyante para sa mga serbisyong di naman nila natatamasa, gaya ng dental at medical fee. Marami ding katulad ng kaso sa mga state colleges and universities gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ayon naman kay Vencer Crisostomo, tagapagsalita ng Anakbayan, Ang sinasabing price crisis ay dapat maging sapat na dahilan para kay Aquino para iutos sa CHED na itigil ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa lahat ng pamantasan ngayong taon. Nagbanta naman ang mga estudyante ng isa pang bugso ng mga kilos-protesta kung hindi tutuparin ni Pangulong Aquino ang kanilang kahilingan. Hamon kay P-Noy: Buksan ang kaso ng Mendiola Massacre by Ilang-Ilang D. Quijano January 20, 2011

Hinamon ng mga magsasaka si Pang. Benigno Aquino III na muling paimbestigahan ang pagpaslang sa 13 magsasaka sa tinaguriang Mendiola Massacre, kasabay ng isasagawang kilosprotesta isang araw bago ang ika-24 anibersaryo ng masaker sa Enero 22. Sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), magmamartsa patungong Mendiola ang tinatayang 3,000 magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan para igiit din ang kagyat na pamamahagi ng 6,543-ektaryang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ni Aquino. Ayon kay Willy Marbella, deputy secretary general ng KMP, nararapat lamang na muling buksan Aquino ang kaso ng 1987 Mendiola Massacre dahil sa malaking bahagi, ang may kagagawan sa masaker ay ang kanyang ina. Wala rin umano sa mga responsableng kumander ng pulisya at militar ang naparusahan. Pagbabalik-tanaw Noong Enero 22, 1987, pinaputukan ng mga pulis at sundalo ng Philippine Marines ang kilosprotesta ng mahigit 10,000 magsasaka sa Mendiola Bridge para singilin si dating pangulong Corazon Aquino sa bigong pangako nito na gawing sentrong programa ng kanyang gobyerno ang tunay na reporma sa lupa. Pagbabalik-tanaw ni Antonio Flores, tagapagsalita ng KMP, isa siya sa mga lider-magsasaka na nakipagpulong kay dating pangulong Aquino sa Malakanyang bandang Hunyo 1986, apat na buwan matapos mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos. Mataas ang moralidad namin noon dahil tinanggap pa ng pangulo ang isinumite naming dokumento para sa isang Genuine Agrarian Reform Program, aniya sa isang press conference kahapon. Binanggit din noon ni Aquino na gagawin niyang modelo ang sariling Hacienda Luisita sa Tarlac. Pero noong Disyembre, sa pulong ng pambansang konseho ng KMP, nakita namin na walang nangyayari sa pangako ni Cory. Kaya napagkaisahan namin na maglunsad ng kampuhan sa Ministry of Agrarian Reform (MAR), sabi ni Flores. Pero nang umabot nang isang linggo ang kampuhan ng mga magsasaka sa MAR nang hindi sila hinaharap nang maayos ng dating kalihim na si Heherson Alvarez, idiniretso ng mga magsasaka ang kanilang protesta sa Mendiola. Doon, pinaulanan sila ng bala ng pulisya at militar, na ikinasawi ng 13 at ikinasugat ng daan-daan pa. Dumanak ang dugo noong Enero 22, 1987 dahil sa kabiguang dinggin ang panawagan ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa. Anila, mauulit ang mga masaker na gaya nito kung di pa rin ito didinggin ni Pang. Benigno Aquino III Pangalawang beses pa lamang makarating sa Maynila noon ang mangingisda mula sa Quezon na si Pedro Gonzalez, ngayoy pangakalahatang kalihim ng Pamalakaya (Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas)- Timog Katagalugan. Hindi niya akalaing papaulanan sila ng bala. Takot na takot ako. Nakatakbo ako, pero nakita yung mga kasamahan kong binibitbit ng Metrocom. Kuwento niya, sinagip siya ng sumisimpatiyang mga drayber ng dyip na nakaparada sa harap ng Far Eastern University. Samantala, ayon kay Marbella, hindi pa rin umaangat ang kabuhayan ng karamihan sa kamaganak ng mga biktima ng masaker. Gaya ng 44-anyos na si Josephine Dumanico, asawa ng nasawing magsasaka na si Ronald Dumanico. Taga-Brgy. Anibong, Pagsanjan, Laguna, binisita siya ng mga lider ng KMP kamakailan. Yung bubong nila, pinagtagpi-tagpi lang na dahon ng niyog. Wala pa rin silang sariling lupa, aniya.

Sasama umano sa kilos-protesta sa Enero 21 ang mga kamag-anak ng mga biktima ng masaker mula sa Laguna at Bataan.

Magsasaka ng Hacienda Luisita, muling pinresyur ang Korte Suprema by Ilang-Ilang D. Quijano February 22, 2011 Nagtungo ngayong araw sa harap ng Korte Suprema ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita para muling igiit ang pagbabasura sa Stock Distribution Option (SDO) at pamamahagi ng lupain sa 6,453-ektaryang asyenda ng pamilya Cojuangco-Aquino. Ilang araw bago ang selebrasyon ng anibersaryo ng unang People Power, binatikos din ng mga magsasaka ang umanoy pagtatangka ni Pang. Benigno Aquino III na pagtakpan ang pagiging kontra-magsasaka nito at ng kanyang ina. Sinira ni Cory Aquino ang diwa ng People Power nang minasaker niya ang mga magsasaka sa Mendiola noong Enero 22, 1987. Malala pa rito, isinabatas niya ang inutil at kontra-magsasakang Comprehensive Agrarian Reform Program. Ipinangako ni dating pangulong Aquino na ipamamahagi ang Hacienda Luisita, pero hindi niya ito ginawa, sabi ni Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon. Ang hindi pagbabasura ng Stock Distribution Option ay nagdudulot ng land speculation at ibayong pangangamkam ng lupa sa Tarlac, ayon sa AMGL. (Macky Macaspac) Nakabinbin sa Korte Suprema ang petisyon na ipawalang-bisa ang SDO, na nauna nang iniutos ng Presidential Agrarian Reform Commission matapos ang masaker sa Hacienda Luisita noong 2004. Ayon sa mga magsasaka, nanatili silang walang lupa at pawang mga alipin, kahit na tinaguriang shareholder ng Hacienda Luisita Inc. Noong nakaraang taon, isang compromise agreement ang pinasok ng manedsment at umanoy pekeng mga lider-magsasaka na pumapabor sa SDO. Kabilang sa petisyon ng mga magsasaka ang pagbasura sa compromise agreement. Nananawagan kami sa Korte Suprema na maging indipendiyente, na huwag matakot kay Pangulong Aquino at sa mga Cojuangco. Nais naming makakita ng institusyong nagsusulong ng pundamental na mga reporma, dagdag ni Canlas. Pagbubulgar ng mga magsasaka, nagdudulot na ang di-maresolbang isyu sa Hacienda Luisita ng land speculation at pangangamkam ng lupa sa mga karatig-lugar sa Tarlac. Dahil ito sa inaabangang pagpapalawak ng Metro-Luzon Urban Beltway (MLUB), kabilang ang Subic-ClarkTarlac Expressway na hagip ang ilang bahagi ng asyenda.

Dumagsa ang mga landgrabber at speculator sa kanayunan dahil sa inaabangang mga haywey sa programang MLUB, ani Canlas. Bukas, tutungo naman ang mga magsasaka sa Kongreso, kung saan igigiit nila ang pagbabasura ang CARP Extension with Reforms at ang pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill, isang panukalang batas para sa libreng pamamahagi ng lupa. Isang hakbang umano ito sa pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa sa bansa. Maka-maralitang mga batas, hinamon na isama sa priority bills ni P-Noy February 14, 2011 by Pinoy Weekly Staff Pagkatapos iulat ng gobyerno na lumaki ng 970,000 ang bilang mga mahihirap sa bansa, higit na kinakailangan ngayon ang mga polisiyang makatutugon sa batayang pangangailangan ng mga mamamayan, giit ng Anakpawis Partylist. Inilabas kamakailan ng National Statistics Office na halos isang milyon ang nadagdag sa mahihirap na Pilipino. Umaabot ito sa 23.1 milyon ang bilang ng mahihirap na Pilipino noong 2009, mas mataas sa 22.2 milyon noong 2006. Sa sunud-sunod na pagtaas ng mga presyo ngayong taon, tiyak na mas maraming anakpawis pa ang nalulubog sa kumunoy ng kahirapan araw-araw, ani Joel Maglunsod, executive vicepresident ng Anakpawis Partylist. Kaya aniya, Higit na napapanahon ngayon na isulong ang mga batas at polisiyang makapagaangat sa buhay ng mamamayan gaya ng makabuluhang dagdag sahod, reporma sa lupa, pagpigil sa deregulasyon ng presyo ng langis at mahahalagang industriya. Binanggit ito ni Maglunsod kaugnay ng anunsiyo ng Malakanyang na mayroon na itong 17 priority bills na ilalako nito sa mga mambabatas ng Kongreso. Hindi pa ibinubunyag ng Malakanyang kung anu-ano ang panukalang batas na mga ito. Babantayan ng Anakpawis kung makakasama sa mga prayoridad na batas ni Pangulong Aquino ang House Bill 374 o ang Genuine Agrarian Reform Bill, at ang House Bill 375 o ang P125 dagdag-sahod. Isasalang ang dalawang naturang panukalang batas sa pagdinig sa Kongreso sa darating na Pebrero 16. Sasabayan ito ng mga grupo ng manggagawa at magsasaka ng pagkilos. Bagong metodolohiya ng NSCB, kinuwestiyon Samantala, kinukuwestiyon ng grupong panaliksik na Ibon ang bagong metodolohiya ng National Statistical Coordination Board (NSCB), na lalo pang pinabababa ang bilang ng mahihirap na Pilipino nang 5.3 milyon. Ipinako ng NSCB ang opisyal na poverty threshold o hangganan ng kahirapan sa P46 kada araw lamang. Ito ang halagang tantsa nilang kailangan ng isang Pilipino upang matugunan ang lahat ng batayang pangangailangan. Kung ginamit ang orihinal na metodolohiya, nasa 28.5 milyon na ang bilang ng mahihirap. Kailangan ding bigyang-diin na ang tantsa ng lumang metodolohiya ay mababang tantsa pa rin dahil ipinagpapalagay nitong kailangan lamang ng P52 kada araw para di mabilang na mahirap, ayon sa Ibon.

Inihalintulad ng Ibon ang ginawang ito ng administrasyong Aquino sa pagbago ng administrasyong Arroyo sa depinisyon ng tantos ng disempleyo noong Abril 2005, kung saan pinababa ang bilang ng mga walang trabaho nang may 1.5 milyon. Dapat makitil ng gobyerno ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kita ng mga Pilipino sa halip na pababain ang hangganan ng kahirapan, dagdag pa ng Ibon. Paghuli sa namumunong rebeldeng lider, pananabotahe sa usapang pangkapayapaan? by Kenneth Roland A. Guda February 15, 2011 Duda ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa timing ng pagkakahuli diumano ng mga ahente ng militar sa Baliuag, Bulacan kay Alan Jazmines, pinaghihinalaang nangungunang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Pebrero 14, alas-sais ng gabi. It is disappointing to learn that on the eve of the peace talks this incident happened, sabi ni Jigs Clamor, tumatayong pangkalahatang kalihim ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan. Nabalitang nahuli si Jazmines sa bisperas ng pormal na pagsisimula ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyernong Aquino at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na kumakatawan sa CPP, New Peoples Army (NPA), at iba pang rebolusyonaryong grupong naglulunsad ng armadong pakikibaka laban sa namumunong gobyerno at sistema. Inanunsiyo ni Lt. Gen. Arturo Ortiz, hepe ng Philippine Army, ang pagkakaaresto kay Jazmines ng mga elemento ng 56th Infantry Battalion, 7th Military Intelligence Battalion ng 7th Infantry Division, 703rd Brigade, Intelligence Security Group, at lokal na pulis ng Bulacan. Ayon sa ulat ng magasin na Newsbreak, sinabi ni Jazmines sa mga umarestong sundalo na saklaw siya ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) at NDFP na hindi maaaring arestuhin ang mga konsultant at negosyador ng magkabilang panig habang nagaganap ang negosasyon. Nakatakdang pag-usapan ng magkabilang panig sa Oslo, Norway ang hinggil sa sosyoekonomikong mga reporma na siyang ugat ng pag-aalsa ng NDFP. Nagmartsa ang mga grupong pangkarapatang pantao at militanteng mga organisasyon sa paanan ng Mendiola Bridge malapit sa Malakanyang noong Pebrero 14 para magbigay-suporta sa usapang pangkapayapaan. Hiniling din ng grupo na kagyat na palayain ang mga konsultant at negosyador ng NDFP na inaresto at ikinulong ng gobyerno, kabilang sina Angelina Bisuna Ipong, Glicerio Pernia, Eduardo Serrano, Eduardo Sarmiento, Jovencio Balweg, Randy Malayao, Emeterio Antalan, Eduardo Friginal, Jaime Soledad, Alfredo Mapano, Tirso Alcantara, Ma. Luisa Purcray, Edwin Brigano at Pedro Codaste. Nanawagan din sila na ilitaw at palayain ang mga rebeldeng konsultant na pinaghihinalaang dinukot at ikinulong ng gobyerno, kabilang sina Leo Velasco, Leopoldo Ancheta, Rogelio Calubad (na dinukot kasama ang anak na si Gabriel noong 2006), Prudencio Calubid, at iba pa. Ilan sa kanila ay mahigit limang taon na sa kulungan at lahat ay biktima ng panunupil at opensibang legal ng administrasyong Arroyo, ng mga militar at kapulisan laban sa mga lehitimong organisasyon, ani Fr. Dionito Cabillas, pangkalahatang kalihim ng Samahan ng mga

Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda). Iginiit din ni Cabillas na bilang goodwill sign at pagkilala sa Jasig ng gobyernong Arroyo, dapat umanong kagyat na palayain ang mga konsultant ng NDF. Dating aktibistang estudyante si Jazmines noong panahon ng diktadurang Marcos at naging isa sa mga tanyag na bilanggong pulitikal ng diktadura. Nagdeklara ang mga bilanggong pulitikal na magsasagawa sila ng isang linggong pag-aayuno para ipanawagan ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal sa bansa. Usapan nagsimula na, ibat ibang grupo sumuporta Muling nagkaharap ang magkabilang panel ng GPH at NDFP upang simulan ang usapang pangkapayapaan, na natigil ng anim na taon. Ang pag-uusap ay gaganapin sa bansang Norway at bilang third party facilitator. Ang pag-uusap ay tatagal nang isang linggo, mula Pebrero 15 hanggang 21. Sa nasabing pag-uusap, tatalakayin ang pinakalaman ng usapang pangkapayaapaan ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (Caser), bago ang iba pang adyenda na nauna ng pinagkasunduan sa The Hague Joint Declaration. At bilang goodwill gesture sa pagbubukas ng usapan, nagdeklara ang NPA ng isang linggong tigil-putukan. Ayon sa memorandum ng CPP sa lahat ng yunit NPA sa buong bansa na ipinalabas noong Pebrero 12, inatasan nito na itigil ang lahat ng opensiba laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga katulad na operasyon. May ulat si Macky Macaspac

Pambansang kilos-protesta laban sa pagtaas ng presyo ng langis ikinasa March 26, 2011 by Macky Macaspac Maglulunsad ng isang pambansang kilos protesta ang mga militanteng grupo sa darating na Marso 31 upang tutulan ang walang humpay na pagsirit ng presyo ng langis at ang diumano, overpricing nito. Sa isang press conference, inilatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Anakpawis at Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) ang plano ng protesta na diumanoy hindi lamang sa Metro Manila magaganap kundi sa buong kapuluan. Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, matindi umano ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis hindi lamang sa mga drayber ng pampublikong sasakyan na kadalasang gumagamit ng mga produktong langis. Apektado rin ang mga manggagawa, magsasaka at ordinaryong mga mamamayan dahil hinahatak umano ng pagtaas ng presyo ng langis ang mga batayang bilihin at serbisyo. Ang P404 na minimum na sahod ay hindi na sapat, ang totoong halaga ng minimum na sahod ngayon ay P240 pesos na lamang, ani Labog. Kalakhan umano ng mga mamamayan ang hindi na makayanan ang taas ng mga bilihin, dahil sa hatak ng presyo ng langis.

Sinabi din ng grupo na simula ng umupo ang administrasyong Aquino, wala umano itong aksiyon upang awatin ang mga kompanya ng langis sa pagtaas ng presyo ng kanilang produkto. Hinayaan umano ng Department of Energy na umabot sa halagang P46.50 ang diesel mula sa presyo nitong P32 at ayon sa grupo, lumalabas umanong mayroong overpricing na P7.50 ngayong Marso mula sa P6.72 kada litro sa pasimula ng taong 2011. Inutil ang DOE, ani Labog. (Basahin ang kaugnay na artikulo) Sa pambansang protesta ng militanteng mga grupo, kanila umanong ipapanawagan sa administrasyong Aquino ang kagyat na pagpapatigil sa pagtaas ng presyo ng langis o price freeze, pagtanggal sa Expanded Value Added Tax (EVAT), pagbasura sa Oil Deregulation Law at pagsasabansa sa industriya ng langis bilang pagwasak sa monopolyo ng mga kompanya ng langis. Ayon naman kay Joel Maglunsod, pangalawang tagapangulo ng Anakpawis Party-list, itutulak nila sa Kamara ang kagyat na pagsasabatas ng House Bill 4317 o panukalalang batas na magpapawalang bisa sa Oil Deregulation Law at ang panukalang batas para sa dagdag-sahod, ang P125 across the board wage increase. Ang mga batas na ito, kung maaprubahan ay magbibigay sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino ng pahinga mula sa matinding kahirapan at kagutuman, ani Maglunsod. Inilinaw naman ni George San Mateo, tagapangulo ng Piston, na hindi tigil-pasada ang kanilang ilulunsad sa darating na Marso 31. Lalahok daw ang mga drayber sa kilos protesta ng mga mamamayan sa pamamagitan ng karaban ng mga drayber at opereytor patungong mula sa Quezon City Circle patungong Mendiola. Partikular dito sa Metro Manila walang tigil-pasada, magkakaraban ang 200 sasakyan at sasanib sa ibat ibang sektor sa Welcome Rotunda at magmamartsa patungong Mendiola, paglilinaw ni San Mateo. Sinabi rin ni San Mateo na sa rehiyon ng Mindanao, ilang bahagi ng Visayas at Central Luzon ay magkakaroon ng tigil-pasada ang mga drayber bilang protesta.

Kabataan, CHED nagbanta sa mga paaralan ukol sa no-permit, no-exam policy March 23, 2011 Binalaan ng Kabataan Partylist at ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga paaralang nagpapatuloy sa polisiyang no permit no exam sa isang joint press conference, sa gitna ng kasalukuyang mga huling pagsusulit ng mga estudyante sa mga pamantasan at kolehiyo. Milyong estudyante sa kolehiyo ang nag-umpisa nang kunin ang kanilang final examinations sa panahon na ito, at sinisiguro namin na silang lahat, lalu na yung may suliraning pampinansiya na kumpletuhin ang pagbabayad ng kanilang matrikula, na mapayagang mag-exam ng kanilang mg paaralan, ang pahayag ni Rep. Raymond Palatino ng Kabataan Party-list. Dugtong pa ni Palatino na academically questionable ang patakaran ng mga paaralan na sukatin ang talino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang kakayanang magbayad sa

itinakdang deadline ng paaralan. Ang ganitong kagawian ng mga paaralan ay patunay ng corporate profiteering at taliwas sa anumang katangiang mapag-aruga na dapat katangian ng mga paaralan. Marami nang reklamo ang natanggap ng tanggapan ng party-list ukol sa ganitong kalakaran sa mga paaralan, na nagdudulot pa ng mas malaki pang problema bukod sa pampinansiya. Nagkakaroon ng trauma ang mga mag-aaral na hindi makapagbayad ng kanilang matrikula at iba pang bayarin dahil hindi makakuha ng pagsusulit, at hindi naipapasa ang kanilang mga kurso. Kaya naman udyok ni Palatino sa CHED na huwag payagang i-bypass ng mga paaralan ang awtoridad ng kagawaran. Dugtong pa niya na kailangang panatilihin ng CHED ang mandato nitong mag-monitor at tahasang i-penalize ang mga paaralang tahasang hindi nagpapahintulot na pag-eksaminin ang kanilang mga mag-aaral na may pagkakautang sa paaralan. Ipinamalas ng CHED ang kasalukuyang validity ng CHED Memo No. 2 na nagaatas sa mga paaralan na buwagin ang anumang polisiya na nagiging balakid upang hindi makakuha ng exam (pagsusulit) ang mga mag-aaral nito. Nangako naman si CHED Executive Director Julito Vitriolo paparusahan ng kagawaran ang mga paaralang hindi tutupad sa polisiya, at nagsabing maaaring sampahan ng kaso ang mga paaralang lalabag dito, hanggang sa hindi pagbigay ng kagawaran ng aplikasyon ng pagtaas ng matrikula. Diin ni Vitriolo na sa ilalim ng section 99 ng Manual of Regulations for Private Higher Education, walang mataas na institusyong pang-edukasyon ang magtatanggi ng final examination sa kanilang mga mag-aaralal na may obligasyong pampinansiya, kasama ang hindi bayad na matrikula at ibang bayarin sa paaralan sa loob ng school term. Ipinasa ni Palatino ang HB no. 809 o ang Anti-no permit, no exam Act of 2010 na magsasabatas ng mas matalas na bersiyon ng mga CHED memo. Kasama sa panukalang batas ang mga penalties tulad ng piyansa hanggang sa pagkansela ng mga permit ng paaralan. Nakatakdang dinigin ang panukalang batas sa Marso 23. Hagupit ng tsunami sa Pilipinas March 12, 2011 8:15pm Ilang minuto pa lamang sumasapit ang Agosto 16,1976 nang biglang umurong ang tubig sa baybayin ng Moro Gulf ng Celebes Sea na sumakop sa ilang lalawigan sa Mindanao. Kasunod nito ay ang may 30 minutong pananalasa ng tsunami na kumitil sa buhay ng mahigit 5,000 katao. Bago ang tsunami, nagkaroon din ng paglindol sa Mindanao na naramdaman partikular sa Region 9 at 12. Batay sa testimonya ng ilang nakaligtas, napansin na umurong ang tubig sa baybayin bago dumating ang malalaking alon na rumagasa kalupaan na umabot ang layo ng hanggang 700 kilometro. Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng tsunami ay ang South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao, Lanao del Sur, Zamboanga del Sur, Basilan, Sulu, Pagadian City, Cotabato City, at Zamboanga City. Sa nabanggit na mga lugar, pinakamaraming nasawi sa Zamboanga del Sur na umabot ang bilang sa halos 600 katao. Bukod pa rito ang mahigit 500 katao na nawala. Umabot naman sa mahigit 400 katao ang nasawi sa Pagadian City, at mahigit 200 ang nawala. Bukod sa bilang ng mga nasawi at nawala, mahigit 9,000 tao pa ang nasaktan, at mahigit 90,000 ang nawalan ng tirahan. Pinapaniwalaan na kaya marami ang nasawi sa naturang trahedya dahil

naganap ito sa hatinggabi kung saan mahimbing nang natutulog ang mga naging biktima. FRJimenez, GMA News

Isang milyong lagda para sa tunay na reporma sa lupa by Kenneth Roland A. Guda April 30, 2011 Naglunsad ng signature campaign ang Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) para makalikom ng isang milyong pirma na isusumite sa Kongreso bilang suporta sa pagsasabatas ng House Bill 374 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).

Laman ng GARB, na isinumite sa Kamara ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, ang walang kondisyon at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang siyang nagbubungkal nito at nagtatanim. Sinabi ni Nestor Villanueva, tagapagsalita ng Kasama-TK, na wala na silang ibang nakikitang dahilan para antalain pa ang pagsasabatas ng HB 374 matapos mapatunayang bigo ang kasalukuyang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) at nagdaang mga reporma sa lupa ng gobyerno. Ayon sa pag-aaral ng Kasama-TK, sa loob ng dalawampung 20-taong pag-iral ng CARP at magdadalawang taon nang Carper, hindi nito nabuwag ang monopolyong kontrol sa malalawak na lupain ng malalaking landlord sa bansa na pinangungunahan mismo ni Pang. Benigno Noynoy Aquino III at mga kaanak niya. Sa Timog Katagalugan pa lamang, may kalahating milyong ektaryang lupain pa ang kontrolado lamang ng 835 na mga panginoong maylupa, habang nasa 70 porsiyento pa ng kabuuang populasyon sa kanayunan ang walang pag-aaring lupa. Tatagal nang 100-araw ang kampanyang pagpapapirma ng mga magsasaka at plano naming isumite sa Kongreso ang nakalap na lagda sa ikalawang taong anibersaryo ng Carper sa Agosto, pahayag pa ni Villanueva. Lalahok din sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1 ang mga magsasaka sa naturang rehiyon. Sinabi ni Villanueva na sa pagkilos na ito, inaasahan nilang na makakakalap agad sila ng hindi bababa sa 5,000 pirma mula sa mga manggagawa. Naghahangad rin ang mga manggagawa ng tunay na pagbabago sa lipunan at kapanalig namin sila sa paniniwalang ang tanging matuwid na daan tungo rito ay ang pagkumpiska sa mga lupaing kontrolado ng malalaking panginoong maylupa at libreng pamamahagi nito sa mga maralita sa kanayunan, dagdag ni Villanueva. Samantala, inanunsiyo rin ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na mangangalap rin sila ng mga lagda sa buong bansa, kasabay ng malalaking kilos-protesta ng mga manggagawa para sa kahilingang umento sa sahod. Kumpiyansa si Villanueva na makukumpleto nila ang isang milyong pirma bago ang Agosto. KMU hinamon si Noynoy sa debate hinggil sa dagdag-sahod April 25, 2011 by Kenneth Roland A. Guda Hinamon ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pang. Benigno Noynoy Aquino III sa isang pampublikong debate hinggil sa panawagan ng mga manggagawa para sa makabuluhang dagdag-sahod. Gusto naming hamunin sila (sa Malakanyang) sa isang pampublikong debate nang madurog na ang kanilang mga kasinungalingan, sabi ni Elmer Bong Labog, tagapangulo ng KMU. Maaaring maging proposisyon, ani Labog, ay: Be it resolved that a significant wage hike is both necessary and possible. Sinabi pa ni Labog na paulit-ulit na raw kasing nagsisinungaling si Aquino hinggil sa panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod habang nasa loob ng komportableng opisina kung saan di siya masasagot ng mga manggagawa.

Sinabi ni Abigail Valte, deputy presidential spokesperson, na walang kapangyarihan ang pangulo na magbigay ng dagdag-sahod, laluna kung across-the-board ito. Kung gusto, maraming magagawa. Maaari niyang isertipika bilang urgent ang House Bill 375 na P125 across-the-board na dagdag-sahod na isinumite sa Kamara ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, paliwanag ni Labog. Nasa opensiba sa propaganda umano ang Malakanyang para depensahan ang mariing pagtanggi nila na bigyan ng makabuluhang dagdag-sahod ang mga manggagawa, sa kabila ng tumitinding krisis sa ekonomiya. Kabilang sa kasinungalingang ipinagkakalat diumano ng Malakanyang: na magdudulot ng pagsara ng mga pabrika, tanggalan at inflationary spiral ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. Ito ang mga kasinungalingang di napapagod ang rehimeng Aquino na ipakalat. Mababaw, maka-kapitalistang mga reaksiyon ito sa mga panawagan (ng mga manggagawa), paliwanag ni Labog. Ayon sa Ibon Foundation, independiyenteng institusyon sa pananaliksik, makikita sa datos ng gobyerno na mangangahulugan lamang ng 15 porsiyentong pagbawas sa malalaking kita ng mga kapitalista ang P125 across-the-board na dagdag-sahod. Masyadong maliit umano ang ibabawas sa kita ng mga kapitalista, kaya di posibleng maging dahilan ito ng pagsara ng mga pabrika, tanggalang malawakan at inflationary spiral, sabi pa ni Labog. Sabihin lang niya kung saan, at kailan tara na, dahil di mo at ng iyong mga opisyal mapigilang magsinungaling hinggil sa makabuluhang dagdag-sahod, ayon sa lider-obrero. Operasyon ng pulisya sa Pangasinan, apektado ng oil price hike Mike Sabado April 26, 2011 7:13am Higpitan ng sinturon ngayon sa mga istasyon ng pulis sa buong bansa sa paggamit ng kanilang mga police mobile sa pag-iikot para magpanatili ng kaayusan. Dito sa Pangasinan, aminado ang kapulisan na apektado ang kanilang gasoline allocation budget sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon kay P/Supt. Michael Nicolas, Deputy for Operations "fixed rate iyong amount kaya kapag tumataas, lumiliit ang liters ng gas." Kung minsan umano, alanganin ang ilang pulis sa krudo ng kanilang mga service car lalo na sa pagresponde sa kanilang mga operasyon. Magkaganito man umano ang sitwasyon, hindi pa rin naman sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin sa pagtitiyak ng seguridad sa kanilang nasasakupan. Gamit ang Crime Clock Analysis ng isang bayan, mas malalaman umano ng isang istasyon ang lugar at oras na mag-iikot sila para lalong makatipid. Ayon pa kay Col. Nicolas, para lang makatipid, nagsasakripisyo rin ang ilang pulis at minsan ginagamit na ang kanilang pag-aaring sasakyan... Isa rin sa solusyong naisip ng mga otoridad para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng

gasolina ay ang pagsusulong nila ng bike roving para hindi na gumamit ng krudo, mas makakapag-ehersisyo pa ang mga pulis para na rin sa kanilang kalusugan. --Glamorfe Calicdan Pastoral Letter na naglalaman ng pahayag ng simbahang katolika ukol sa RH Bill, babasahin sa mga misa sa Linggo! Joyce Segui May 26, 2011 1:02am Isang Pastoral Letter ang ipinalabas ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas patungkol sa kanilang panig ukol sa hindi pa rin matapos-tapos na isyu ng Reproductive Health Bill. Pahayag ni Archbishop Socrates Villegas, "Nakakalungkot na ang RH Bill ginagawang divisive ang simbahan, wala nang charity at disrespectful na sa isa't-isa". Tila isang eskandalo umanong maituturing dahil nalilito na ang ilang mamamayan sa batuhan ng magkaibang mga opinyon. Nilinaw din ng simbahan na hindi sila ang kalaban kontra kaunlaran dahil sila ang nakakakita ng maaaring consequences ng panukala. Bagamat sang-ayon sa pagiging responsableng magulang, dapat din umanong isaalang-alang ang pagiging responsable sa lahat ng ginagawa. Dagdag pa ni Arsobispo, "Lovemaking comes with responsibility". Hindi rin daw sila patitinag kahit pa malaking tao at sikat na personalidad ang sumuporta sa RH Bill dahil hindi daw ibig sabihin na nasa mayorya ka ay ikaw na ang tama. Nakatakdang basahin ang pastoral letter sa mga misa sa Linggo bilang bahagi ng homily. --Glamorfe L. Calicdan EXCLUSIVE: Mahigit tatlumpong kabahayan, sinalanta ng buhawi sa Cabiao, Nueva Ecija! GMANews Stringer Junjun Sy May 25, 2011 6:43pm Umabot sa 33 kabahayan sa barangay Sta Rita, Cabiao Nueva Ecija, ang sinalanta ng buhawi habang kasagsagan ng malakas na ulan sa lalawigan. Sa tindi ng hagupit ng buhawi, walo sa may tatlumput tatlong bahay ang labis na nasira at halos walang natira maging ang kanilang mga gamit ay tinangay din ng hangin at ang iba naman ay nabasa ng tubig. Ang ibang mga bubungan ng bahay ay inabutan pa ng GMANews na nakasabit sa mga punong kahoy at meron ding mga naputol na punongkahoy na sumabit pa sa kable ng kuryente. Ayon sa mga residente, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumama sa kanilang lugar ang ganito kalakas na buhawi. Si Mang Narciso Galang, isa sa mga residenteng grabeng nasalanta ng buhawi, isasara sana niya ang tolda ng kanyang bahay na nakapuwesto sa gilid ng ilog nang matanaw niya ang papalapit na buhawi galing sa malapit na sapa. Malakas yung kidlat dun tumama, ngayon ang lakas nung hangin tapos nakita namin yung buhawi papunta dito kaya sinalpok itong bubungan namin inangat po yung balangkas pinatakbo ko yung anak ko sa taas..yung tubig umalagwa ho yung tubig at nahati..".. At upang hindi na muling tangayin ang natitirang bubungan ng kanilang bahay ay pinagtulungtulungan na lamang nilang talian ng lubid ang bubong ng bahay para matiyak na hindi ito

matatangay ng malakas na hangin. Si Aling Emilita CAdenas naman masuwerte ding nakaligtas sa bagsik ng buhawi matapos pabagsakin ng buhawi ang kanilang buong bahay. Mabuti na lamang daw ay agad siyang nakaalis kasama ang kanyang dalawang anak, at mula sa kanilang bumagsak na bahay ay nakituloy na lang ang mag-iina sa kanilang kapitbahay. Hinahanap ko yung mga anak ko hindi ko makita kasi nasa libutan sila e nung nakita kong dumadating na yung ipo-ipo dumangaw ako sa may pinto tinawag ako ng pinsan ko sabi pumunta ka na dito e nung saktong paglabas ko bumulusok na po yung bahay..wala nga kasi tumakbo nga ako sa kabila kaya halos basa lahat".. Ang pamahalaang bayan ng CAbiao ay agad naman daw nagpadala ng tulong sa mga residente matapos ang pananalasa ng buhawi. Ayon kay Cabiao Mayor Gloria Cresto-Congco, agad umano siyang nagpunta sa lugar para makita ang lagay ng mga bata at residenteng naapektuhan ng buhawi. Handa rin umanong tumulong ang local na pamahalaan para muling maipatayo ang bahay ng mga apektadong residente. Inaaayos na rin ng mga tauhan ng Nueva Ecija Electric Cooperative o NEECO ang linya ng kuryente para maibalik ang supply ng kuryente sa lugar matapos masira ang ilang kable ng kuryente dahil sa buhawi. Sa kabila pananalasa ng buhawi ay laking pasasalamat naman ng mga apektadong residente sa lugar dahil walang anumang naitalang namatay o nasugatan sa kanila. --Glamorfe L. Calicdan Emergency meeting, isinagawa bilang paghahanda ng lalawigan ng Pangasinan kay Bagyong Chedeng! Charisse Victorio May 25, 2011 4:34pm Base sa satellite and surface data ng PAGASA... Nasa 365km east of Catarman, Northern Samar ang bagyong Chedeng na may maximum sustained winds na 115 kilometer per hour. Inaasahan ding palalakasin nito ang southwest monsoon na siyang magdadala ng malakas na pag-ulan. Dahil dito, agad nagpatawag ng emergency meeting ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC upang alamin ang paghahanda na ginagawa ng iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan. Sakaling tumama ang Bagyong Chedeng sa lalawigan, zero casualty ang target ng PDRRMC. Sinabi ni PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, mula nang masalanta ang lalawigan ng mga malalakas na bagyo, namulat na ang mga Pangasinense na maging alerto at maging handa sa mga panahon ng kalamidad. Tuwing may kalamidad gaya ng malakas na bagyo, mahigpit na binabantayan ang mga lugar na peligroso gaya ng mga low lying areas, riverbanks at coastal municipalities. Dito pinag-iingat naman ang publiko dahil walang dapat asahan sa panahon ng kalamidad kung ang ating mga sarili. --Charisse Victorio

Reproductive Health bill, dapat bang isabatas? June 1, 2011 3:44pm Ang talakayan nina Dr. Junice Melgar (pro-RH) at Atty. Dindo Garciano (anti-RH) tungkol sa kontrobersiyal na Reproductive Health bill sa News To Go kasama si Howie Severino noong Mayo 11, 2011. Howie Severino (H): May isang issue ngayon na mainit na pinagtatalunan ng bansa. May mga nagsasabi na posible itong maging sagot sa lumalalang kahirapan ang Responsible Parenthood bill o ang dating tinatawag na Reproductive Health bill. Kasama nating ngayon si Dr. Junice Melgar, executive director ng Likhaan Center for Womens Health at isang organizer ng Day of the Purple Ribbon na gagawin ngayong araw. Siya ay pro-RH. Kara David (K): Syempre dito sa News to Go, balanse tayo Howie. Para naman sa kabilang panig, ito po yong anti-RH. Narito naman si Atty. Dindo Garciano, director and immediate past president ng Alliance for the Family at nakasama rin sa RH panel ng Catholic Bishops Conference on the Philippines (CBCP). H: Unahin natin si Dr. Melgar. Sa dinami-dami ng argumento, ano ang pinakalamakas na basehan para ipasa ang RH o yong tinatawag na Responsible Parenthood bill? Dr. June Melgar (JM): Medical doctor ako kaya 'yong health aspect. Una, nag-aattempt talaga ito na ilatag yung services that will l provide life-saving services for pregnant women and their babies. No. 2, it will also provide services that will prevent abortion and unintended pregnancies which are the root of abortion. So kasama do'n 'yong sexuality education. Tingin ko part 'yon ng prevention. No. 3 is that it will try to fix some of the weaknesses in the health system. Like making sure na meron kang enough midwives and health professionals attending birth, na meron kang enough facilities, meron kang emergency obstetric facilities that can attend not just to obstetric emergencies pero magagamit din 'yan pag napilayan, yung mga ganyang emergencies, medical emergencies. No. 3, it will make sure that Philhealth assists people in need, 'yong mga mahihirap through their benefits. K: Atty. Garciano, kayo naman. Ano sa tingin niyo ang pinakamatibay na basehan para hindi naman ipasa itong RH bill? Atty. Dindo Garciano (DG): Bilang nagtuturo naman ng Policy sa University of Asia and the Pacific, naniniwala ako na ang RH bill is a legislative initiative therefore, a policy initiative. Ang polisiya ay isang gamot. Kung gumawa ka ng policy, meron kang ginagamot. Ang sabi ng mga proponents ng RH bill ay ang gusto raw gamutin dito ay 'yong high incidence of pre-natal deaths and post-abortion cases.

K: Oo, mataas ang maternal deaths natin. DG: So naniniwala ako, bilang na-train sa Policy Sciences, na hindi naaakmang gamot o hindi magiging responsive na gamot ang isang legislation para dito sa sinasabing sakit na ito. Sapagkat itong legislation na ito ay may apropriasyon na tatlong bilyong piso taun-taon na magiincrease ng an average of 15% a year. So on the part of the Policy Sciences, on the policy perspective, hindi sound policy na gumastos ka ng tatlong bilyong piso taun-taon para lang maipambili mo ng condom at artificial methods para gamutin itong sakit na ito. Sapagkat meron naman tayong mga tinatawag na executive remedies, bakit hindi gumawa ng mga administrative remedies? Bakit kinakailangan ng isang panukalang batas na kontrobersyal? K: So ang problema niyo po ay 'yong pondo? Masyadong malaki 'yong pondo na ilalaan para do'n sa ganitong klaseng services? DG: You know, ang ating pangulo ay nagcertify as urgent ng isang fiscal responsibility bill. Sinasabi niya na maraming unfunded mandates, na hindi mapondohan sapagkat kakarampot ang ating pananalapi. Kaya malaki ang ating fiscal deficit. Dapat daw i-certify as urgent. Kung magdadagdag ka pa ng tatlong bilyong gastusin para lamang pambili mo ng contraceptives, ng condom para sagutin itong sakit na sinasabing ito ay hindi magiging akma ito sa sinasabi ng pangulo na dapat nating i-manage 'yong fiscal deficit natin. Kaya nga pinapa-certify as urgent do'n sa state of the nation address niya 'yong fiscal responsibility bill. Because the RH bill o HB 4244, for us, for me, personally, for the advocacy, is a subsidy bill. Ginagawang libre ang distribution ng condom at contraceptives sa grass roots level. At alam ko po ito sapagkat ako'y dating punong-bayan. Mayor ako dati ng Baras, Rizal. At nakita ko, tinutulan ko noong ako ay mayor na gawin ito ng mga health centers sapagkat saganang akin, hindi dapat makialam ang estado sa kagustuhan ng mga mag-asawa kung ano'ng gusto nilang gawin. H: Dr. Melgar, tamang paggamit ba 'to ng taxes? JM: Tingin ko 'pag binilang natin 'yong maternal deaths, tapos 'yang maternal deaths may kaakibat na infant death, because infants whose mothers die actually do not (usually) survive beyond the first month after their delivery or even beyond the year. So ang bilang na 4,500, that's very conservative, ang sinasabing 2800, 2700. Actually, if you count that, that ranks among the top 9, top 10 causes of mortality of women, across all ages na 'yan. So talagang tingin ko, urgent siya and very preventable. Very preventable by the measures na nasa bill, yung maternal care but also family planning because family planning alone can reduce at least 35% of the deaths. No. 2, hindi lang 'yong mga namamatay na 'yan, malaki 'yan, pero 'yong nagkocomplicate mula sa pregnancy and child birth, 400,000 'yan. That's the number 1 cause of morbidity. It's higher than tuberculosis, higher than hypertension. Definitely the highest form of morbidity for women. So kung hindi yan urgent, hindi ko na lang alam kung ano ang urgent. H: Attorney, naniniwala ba kayo na malaking problema talaga ang maternal mortality? DG: Well, kung sa statistics na sinasabi ng mga pro-RH na malaking problema ito, bakit kailangang legislative ang kailangang pag-usapan? Palagay ko po, ako'y naging mayor nga, 'yan po ay trabaho ng local chief executive. 'Yan po ay trabaho ng chief executive, ng administrative bodies, ng executive bodies, ng Department of Health. In fact, pag ginawa mong batas ito, nagiging contoversial sapagkat sa paggawa ng batas, sa paggawa ng polisiya, may mga tinatawag tayong mga iko-consider na policy players. And major policy players are always considered in the crafting of policy so that there will be no implementation problem. And one of the major policy players in the country, in the world, of course, is the Catholic Church. It's a policy player. K: Atty. Garciano, ang sinasabi niyo, in principle, naniniwala kayo sa RH bill? Ang ayaw niyo lang is to make it a legislative act?

DG: No, no. Hindi ako naniniwala sa RH bill. K: Hindi rin talaga kayo naniniwala? Not just because it's a legislative act? DG: No, because the RH bill targets population and not poverty. It targets limiting our population by promoting and advertising the free distribution of condoms. K: So do'n kayo may problema, 'yong promotion ng artificial contraceptives? DG: Yes. And looking at the problem from the population perspective, there are a lot of economists and experts who say na walang kinalaman o walang correlation, walang causality ang populasyon at ang kahirapan. So the focus of this RH bill is not poverty. The focus of this RH bill is to lessen the population. That is why there is an initiative to promote. K: So ayaw niyo pong i-lessen ang population? DG: Well, there is no problem with respect to population. K: Ok, Dr. Melgar? JM: Tingin ko po merong problema sa population dahil malaki ang bilang ng unintended, unwanted pregnancies. For example, ang contrast niyan sa rich, gusto nila ng 1.7 children, they have 1.9. So talagang napakalapit. Kung ikaw ay napaka-poor, 'yong poorest segment, they only want 3 children but they're having 5. So you multiply that across all the poor women, ang dami no'n. I call it parang "surfeit", 'yong sobra sa kaya at gusto nila na births and pregnancies. K: May sinabi si Attorney kanina na ang ayaw daw nila ay 'yong pinangungunahan ng estado kung anong family planning method ang gagamitin ng mga mag-asawa 'pag nagpamudmod daw ng mga artificial contraceptives. Hindi ho ba kayo naniniwala do'n? JM: Naniniwala kami sa ebidensiya ng survey. And when you study the surveys, actually, ang unmet need natin napakalaki. 'Yong women that would not have wanted to be pregnant but got pregnant, 20% yon. Ang estimate nila if you total women not using any contraceptives but don't want to have children and the women not using effective contraceptives, mga 50% 'yon. 'Yon tingin kong kailangang habulin kasi 'yon ang may gusto. K: Ng RH bill? JM: Oo, ng modern methods because the no. 1 choice of method by women is pills. No. 2 is ligation. So, actually, makikita mo do'n na gusto talaga nila 'yong effective. I think that speaks of the very stark need of women to control, kung marami sila, attorney, na pagbubuntis na hindi talaga nila kayang pakainin din. Kaya hindi ko alam kung ano'ng mas moral pa do'n? Di ba dapat tinutulungan sila ng gobyerno para they can have the children they would like to have, that they can feed, that they can send to school, na ma-assure din nilang 'yong kanilang quality of life? DG: Alam niyo binanggit niyo po ang pagkain, binanggit niyo ang kahirapan. Ang solusyon ay hindi condom, hindi contraceptives. Ang solusyon ay iukol sa pagkain, iukol sa kalusugan, iukol sa pabahay, iukol sa ikabubuhay 'yong tulong ng gobyerno. Hindi 'yong... 'yong tatlong bilyon. Marami ka nang mabibiling pagkain do'n. Maitutulong mo na 'yon sa conditional cash transfer ni (DSWD) Secretary Soliman. Bakit hindi mo ibigay 'yan kay Dinky at ipagpatuloy yung CCT dahil maganda ang CCT. Pero bakit ka gagawa ng isang legislation na maglalaaan ng tatlong bilyon taun-taon para lamang ipambili mo ng condom at contraceptives? Hindi po iyon akma sa tamang pamamahala ng ating pananalapi. 'Yan po, kaya sinabi ko kanina, 'yan po ay executive remedies. It may be the job of Secretary Soliman, it may be the job of Health Secretary Ona but definitely, it is not the job of the legislature. And if you will be targeting the population, you know, one of the factors of production is labor. Alam niyo sinasalba na po tayo ng ating mga OFW. Ang daming

mga naka-deploy na mga OFW at karamihan po dito, if not 70 to 80%, ay nanggagaling po sa mga mahihirap na pamilya. Bakit po natin pipigilin ang pagdami ng ating mga kababayan na pwede nating pakinabangan in the future? There is an Indian economist by the name of Jagdish Bhagwati. Sinabi ni Jagdish Bhagwati that human resources pave the way for economic difference. Kasi kung wala kang tao, wala kang resource, di ba? So kung sinasabi na there is overpopulation... K: So you don't think we're over populated? DG: No we're not. Maybe we are overpopulated in the metropolis but definitely we are not overpopulated as a country. H: Pero sinasabi ni Dr. Melgar na dapat bigyan ng choice or options 'yong mga pamilya. DG: Ang sinasabi ay choice so dapat hindi makialam ang state. Because if there is legislation, there is compulsive authority. So compulsive authority is intrusion to the exercise of private initiatives. JM: Can I respond to that? Because I think if you read the RH bill closely, lahat po ay rights-based ang informed choice. Kung ikaw po ay isang babae na gusto mong sampung pregnancies, ang gagawin ay tutulungan ka talaga to achieve that, if that's your wish. Ang gagawin ng estado ay to make sure that each of those pregnancies will not put the woman in jeopardy. Hindi siya mamamatay. Walang gano'n po na kapag gusto mo ng sampu ay babawalan ka. Ngayon, kung ikaw ay isa lang ang gusto mo o ayaw mong magkaanak, dapat tinutulungan ka whatever your wish is. K: So kunyari, kung pumunta ka sa health center at sabi mo "gusto ko natural family planning," tuturuan ka? Halimbawa gusto ko IUD, ganyan? JM: Oo. How to do it properly. It will be method-based. DG: Sinasabi nga po, I've been there. Naging mayor po ako. H: So sinasabi niyong may coercion involved dito? K: Na 'pag sinabi mo natural, sasabihin sa'yo, "hindi, mag-pills ka na lang?" DG: Mag-pills ka, bibigyan ka ng condom libre. Batas e, that's why it's coercive. JM: Hindi. Kasi kaya nga gusto natin i-legislate 'yong tamang standard ng family planning kasi kami sa NGOs, we've been doing that. 'Yong respectful ka, you respect, you facilitate their decision and enable them to implement their decision. Kaya gusto nating ipalaganap 'yong ganon, walang judgment, whatever. You need a law because attorney, 'yong local governments tsaka DOH natin, hindi nagkakatugma. So you just need to have uniform standards applied to all. K: Kasi I understand na meron ding mga local governments na kahit gusto mo ng pills, hindi ka pwedeng makakuha. DG: Pag meron kang batas, kasi wala pang batas e, may litigation. Pag may violation ng batas may litigation, may aawayin sigurado. Magkakaroon ng set ng kanya-kanyang interpretasyon. Why put a law that is (1) controversial and offends a major policy player, (2) will pave the way for litigation, (3) will appropriate P3 billion a year which is not a sound policy, (4) will have a coercive effect? Sa sinasabi ni Doctor na problema, why not intensify the campaign administratively on the executive levels? That is the job of the local chief executives. Ang sinasabi ni doktora kailangan ng batas, ngayon ang provisions ng RH bill o 'yong HB 4244 na 'yon are already covered by respective legislations. The rights of women, for example, are covered by the Magna

Carta for Women. The other provisions of the RH bill right now are covered by international commitments we have signed. There is only one provision in that RH bill na hindi covered. 'Yon ang provision on appropriation. H: Attorney, can I just bring up a final point? Nabanggit kasi kanina 'yong maternal health, 'yong public health. Di ba sinabi ni Pope Benedict na justifiable na ang paggamit ng condoms to prevent the spread of HIV o AIDS. Sumasang-ayon ba kayo dito na pwedeng gamitin 'yong condoms para sa public health? DG: Both of us are not churchmen, so both of us are not competent to discuss that. I think you should ask somebody who is knowledgeable on the interpretation on what the Pope says. H: Pero 'yong posisyon niyo dito ay bilang CBCP panel having dialogues with the government. Lumambot ba 'yong posisyon niyo when it comes to condoms? DG: Hindi. The Pope declaration as I have said is not my competence to interpret. But ang sinasabi ko nga, the CBCP's position, I was in the panel up to now, has never softened. Matibay ang sinasabi ng mga obispo ngayon, lalong-lalo na na pinatibay ng pag-alis sa dialogue. There are non-negotiable stands na hindi pwede talagang pag-usapan. Asinasabi natin, the state should not spend precious resources just to target the population and just to buy condoms and contraceptives. That's P3 billion a year. It's a subsidy bill. K: Ok. Maraming-maraming salamat. Marami pang pag-uusapan ang RH bill na ito at may debate nga dito sa News TV about that. Maraming salamat Dr. Melgar and Atty. Garciano. Para mas maging maalam sa usapin ng Reproductive Health, abangan po ang RH Bill: The Grand Debate dito lamang po sa GMA News TV. H: Sa May 22 na po 'yan, Linggo, mula 8:45 hanggang 10:45 ng gabi - GMA News

Desisyon ng Korte Suprema sa kasong Cadapan-Empeno, magpapatibay sa kaso vs militar by Macky Macaspac at Darius Galang June 21, 2011 Ipinakikita ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng kasong pagdukot kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno na malinaw na may kinalaman sa pagdukot sa kanila si retiradong Hen. Jovito Palparan, at iba pang opisyal ng militar. Ito ang pahayag ng mga grupong pangkaparatang pantao matapos maglabas ng utos ang Kataas-taasang Hukuman na inuutusan ang Armed Forces of the Philippines na palayain sina Empeno at Cadapan, kasama ang magsasakang si Manuel Merino, sa lalong madaling panahon. Napapanahon ang desisyong ito dahil kasasampa lang namin ng kasong kriminal sa Department of Justice laban sa mga akusado, sabi ni Ghay Portajada, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos, grupo ng mga kaanak ng mga sapilitang dinukot diumano ng militar. Ayon sa National Union of Peoples Lawyers (NUPL), ang pagpapanagot umano sa mga militar bilang mga akusado sa pagkawala ng mga biktima ay pagbibigay tiwala ng korte sa

pinaparatang na arbitraryong detensiyon sa mga bikitma laban kay Palparan at iba pang akusado. Kaya ang SC ay nagsumite na ng probable cause laban sa mga akusado, sabi ng abogadong si Ephraim Cortez, assistant secretary general for legal services ng NUPL. Sinabi pa ni Cortez na ang malakas umano ang testimonya ng testigong si Raymond Manalo laban sa mga militar. Sinabi ng Korte na ang testimonya ni Manalo ay tahasan, konsistent at kapani-paniwala bilang batayan ng kasong kriminal. Hindi rin ito nabubuwag ng kahit anong malisyosong paninira-puri, aniya. Palparans denial of any of the allegations should be treated as simple yet puerile defenses, not exemption from criminal charges. His arrest is imminent, idinagdag pa ni Cortez. Patuloy na itinatanggi ni Palparan na may kinalaman siya at ang yunit ng militar sa pagkawala nina Cadapan, Empeno at Merino. Sa pahayag niya sa midya, sinabi ni Palaparan hindi raw niya maipapatupad ang kautusan ng korte na ilitaw ang mga biktima, I cannot really follow the order. I cannot release someone who is not in my possession, who is not in my custody, pahayag ni Palparan sa midya. Sinabi pa ni Palparan na pagkat retirado na siya, wala na siyang kontrol sa mga dati niyang tauhan sa militar, at hindi na rin siya maaaring makapagpalaya sa tatlo. Sinabi rin ni Commodore Miguel Jose Rodriguez, tagapagsalita para sa AFP, na hindi nila maaaring palayain ang tatlo dahil wala ito sa kanilang kustodiya.

Halos limang taon matapos ang pagdukot kina Empeno at Cadapan, patuloy na hinahanap sila ng mga kaeskuwela sa UP. (Darius Galang) Samantala, binatikos ng mga guro at estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang mga pahayag ni Palparan. Hindi puwede na sabihin niyang nakaretiro na siya, wala na siyang pananagutan doon sa naganap. Walang ibang puwedeng managot kung hindi siya lamang dahil siya ang nasa puwesto noon at gayundin si Gloria Macapagal-Arroyo, ani Ramon Guillermo, pambansang tagapangulo ng All UP Academic Employees Union. Hindi siya absuwelto kahit retirado na siya, reaksiyon naman ni Gem Garcia , tagapangulo ng University Student Council ng UP. Sinabi rin ni Garcia na tinukoy na umano sa writ of amparo na nasa kustodiya ng mga militar ang mga kapwa estudyante nila, at kinatigan ng korte. GMA, et al, dapat ding managot Sa kabila naman ng positibong pagkatig ng Korte Suprema sa writ of amparo, nadismaya ang mga militanteng grupo sa pag-absuwelto kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kaso ng tatlo. Sabi ni Portajada, sa desisyong itoy parang sinabi na rin Korte Suprema na hindi pambansang patakaran sa ilalim ng dating kontra-insurhensiyang programang Oplan Bantay Laya at mga pagdukot at paglabag sa karapatang pantao. Mabigat rin ang pananagutan nila (Arroyo), katulad rin ng pananagutan ng mga direktang lumahok sa pagdukot at pagkawala ng mga aktibista at simpleng mamamayang Pilipino, ani Portajada.

Inalis ng CA sa listahan ng bilang akusado si Arroyo at pinagtibay naman ito ng Korte Suprema, Preliminarily, the Court finds the appellate courts dismissal of the petitions against then President Arroyo well-taken, owing to her immunity from suit at the time the habeas corpus and amparo petitions were filed, ayon sa desisyon. Mga estudyante ng UP na naging volunteer sa isang grupo ng mga magsasaka sina Empeno at Cadapan, samantalang magsasaka sa Hagonoy, Bulacan si Merino. Hinihinalang dinukot sila ng mga militar noong Hunyo 2006, sa tahanan ni Merino sa Bulacan. Kinatigan ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Setyembre 17, 2008 na nag-aatas kay dating General Jovito Palparan, Lt. Col. Rogelio Boac, Lt. Col. Felipe Anotado, Lt. Francis Mirabelle Samson, Arnel Enriquez at Donald Caigas, na dating nakadestino sa 7th Infantry Division at 24th Infantry Battalion, na kagyat na palayain ang tatlong biktima. Ang kautusan ng Court of Appeals at ng Korte Suprema ay nagmula sa isinampang writ of amparo ng mga pamilya ng mga biktima noong Oktubre 24, 2006, matapos ibasura ng CA ang naunang isinampang writ of habeas corpus. GMA sinampahan ng kasong sibil ng simbahang Protestante by Macky Macaspac June 17, 2011 Pagsama ng mga opisyal ng UCCP ng kaso laban kay dating pangulong Arroyo. (Macky Macaspac) Sinampahan ng kasong sibil si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa Quezon City Regional Trial Court (RTC). Pinagunahan ni Bishop Reuel Marigza, pangkalahatang kalihim ng UCCP, ang reklamo kasama ang anim na kaanak ng mga biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo. Hinihiling ng mga nagsakdal sa korte na bayaran ni Arroyo ang mga biktima ng P5.4 Milyon bilang bayad-pinsala. P1-M dito ay para sa UCCP, P500,000 para sa bawat isa sa anim na pamilya, P300,000 para kay Pastor Berlin Guerrero at P500,000 para sa legal na gastusin. Napapanahon na upang panagutin si Arroyo sa mga paglabag na nagawa ng mga militar noong panahon na siya ay nanunungkulan pa, ani Bishop Marigza. Sinabi rin ni Marigza na wala nang hadlang upang kasuhan si Arroyo dahil wala na siyang immunity tulad noong siya pa ang pangulo ng Pilipinas. Ayon sa kasong isinampa ng UCCP, direktang may kontrol at command responsibility umano ni Arroyo sa Armed Forces of the Philippines, pero hindi niya napigilan ang malawakang paglabag sa karapatang pantao, na nagresulta sa ekstrahudisyal na pamamaslang, ilegal na detensiyon, pagharas at pagtortyur sa mga pastor at iba pang taong-simbahan. Ang anim na biktima na kasama sa isinampang kaso ay sina: Joel Baclao, UCCP Coordinator ng Disaster Relief Program sa Bikol na pinaslang noong November 2004; Rev. Edison Lapus, conference minister ng Northeastern Leyte Conference, pinaslang noong May 12, 2005;

Pastor Andy Pawican, licentiate pastor, nakadestino sa Pantabangan, pinaslang noong May 21, 2006; Rev. Raul Domingo, deputy minister ng Palawan Associate Conference, pinaslang noong Agosto 20, 2005; Noli Capulong, pangulo ng UCCP Christian Witness and Service Program sa Calamba, pinaslang noong Mayo 27, 2006; Pastor Berlin Guerrero, licentiate pastor ng North-East Southern Tagalog Conference na diumanoy dinukot, ilegal na ikinulong at tinortyur noong Oktubre 24, 2007. Ang UCCP ang pangalawang grupong nagsampa ng kasong sibil laban kay Arroyo kaugnay ng mga paglabag sa karapatang pantao. Samantala, hindi pa rin pinapanagot ng kasalukuyang administrasyong Aquino ang nakaraang pangulo sa isyu ng mga pampulitikang pamamaslang, pagdukot, pagtortyur at iba pang abuso ng militar. (Macky Macaspac) Sa mahigit 1,000 biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo, 18 ang biktima ng pamamaslang, isa ang biktima ng sapilitang pagkawala, tatlo ang inambus at nasugatan at apat ang biktima ng pagdukot, ilegal na detensiyon at tortyur na pawang kasapi o mga pastor ng UCCP. Sa ilalim ng kampanyang Oplan Bantay Laya ng militar, kasama rin ang UCCP sa mga organisasyong pinaratangan na prente umano ng rebeldeng grupo at inilabas sa dokumentong Knowing Thy Enemy ng militar. Ang malisyoso at walang katotohanang pagbabansag na ito ang nagbigay ng di-makatarungang permiso upang ang mga taga-UCCP ay iniyutralisa sa ngalan ng pambansang seguridad, ayon kay Marigza. Idinagdag pa ni Marigza na bilang commander in chief ng AFP, hindi naparusahan si Arroyo sa kabila ng malalang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, gayundin ang mga salarin na militar. Nauna nang nagsampa ng kasong sibil ang tinaguriang Morong 43 laban sa dating pangulo, ngunit ito ang unang kasong isinampa na tanging si Arroyo bilang commander in chief ng AFP ang akusado.

Tax measures bilang tugon sa fiscal problem ng Baguio City sa susunod na taon Alfie Tulagan July 28, 2011 3:50pm Maaaring magpatupad ng tax measure ang Lungsod ng Baguio para masolusyunan ang kanilang inaasahang fiscal problem sa 2012. Dahil ito sa pagbabawas ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng lungsod dulot ng pagkakaroon ng labing anim na bagong lungsod sa bansa. Sinabing ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan, "For 2011, 1.091 Billion ang ating budget. You can just imagine kung imi-maintain natin yan, still 31 million is a big amount na aasikasuhin natin". Pero tiniyak ni Domogan na hindi nila gagamitin sa anumang iligal na sugal sa pagkakakitaan ng lungsod. Ito rin ang binanggit ng alkalde sa kanyang katatapos na State of the City Address (SOCA) nitong Lunes. Paiigtingin din ng syudad ang pagkolekta ng mga buwis mula sa real estate at pagbabago sa local tax code. Iginiit din ni Mayor Domogan na dapat tutukan ang koleksyon ng buwis sa John Hay and sa mga sales sa locators sa Loakan Economic Zone. Maaari rin silang magpataw ng mga garbage and environmental fees para matugunan ang nakaltas na IRA share ng lungsod. --Glamorfe L. Calicdan Bunsod ng Bagyong Juaning, pagguho ng lupa, naganap sa ilang lugar sa Benguet Alfie Tulagan July 28, 2011 2:49pm Ilang insidente ng landslide ang iniwan ng Bagyong Juaning sa Benguet. Isa ang Sitio Cadian, Brgy. Topdac, Atok, Benguet sa nakaranas ng pagguho ng lupa. Ang malaking bahagi ng lupa sa bundok na ito, bumigay pasado alas tres kahapon matapos lumambot ang lupa dulot ni Bagyong Juaning. Ayon sa mga residente, nagkaroon na ng mga maliliit na pagguho ng lupa simula noong unang linggo ng Hulyo. Napalala lang umano ito dahil sa epekto ni Bagyong Juaning. Mahigit apat na barangay ang apektado ng naturang pagguho. Kabilang dito ang mga barangay ng Topdac, Poblacion, Naguey at Pasdong. Ayon sa Punong Barangay ng Poblacion, Atok, Benguet "Malaking epekto dahil ang mga farmers, naantala. Pag natulog ang produkto nila ng isang gabi, bababa na ang presyo niyan. Pati na rin 'yung pag-uwi naaantala na rin". Ang ilang residente naman, buong tapang na tumatawid sa kalsada kahit balot pa ito ng makakapal na putik. Ayon sa kanila, nakakaramdam din sila ng nerbiyos at takot sa tuwing may nangyayaring landslide. Sa pamamagitan ng backhoe, mahigit dalawang oras tinanggal ang gumuhong lupa sa kalsada. Ito rin kasi ang tinatawag na Jose Mencio Road na may alternatibong daan mula naman sa bayan ng Kibungan.

Tapos na ring nalinis ang naitalang landslide sa Acop-Kapangan-Kibungan Road. --Glamorfe L. Calicdan Isang Swiss National, arestado sa pangingikil sa mga empleyado ng City Hall sa Laoag! GMANews Stringer Dennis Gabriel Alipio July 28, 2011 4:14pm Arestado ang Swiss National matapos ireklamo ng pangingikikil ng ilang empleyado ng city hall sa Laoag City, Ilocos Norte. Nakilala ang Swiss National na si Rene Kurt Meierhans, 68 anyos na galing pang Olongapo City. Ayon sa pulisya, ilang opisyal at empleyado sa city hall ang nabiktima ng suspek na nagkunwaring naholdap at nanghihingi ng pera. Agad itong ipinaalam sa Bureau of Immigration at napag-alamang overstaying at wala ring maipakitang passport. Base sa nakalap na impormasyon, pumasok sa bansa si Meierhans noong June 2007. Maayos naman ang magdamag na pamamalagi nito sa loob ng kulungan. Agad namang nagpalabas ng commitment order para sa pansamantala itong ma-detain sa BJMP. Mamayang gabi, inaasahang dadalhin siya sa Maynila para sa kanyang summary deportation. --Glamorfe L. Calicdan

Kaso ng dengue sa R1MC, patuloy na lumolobo Joyce Segui August 26, 2011 5:30pm Mula sa pasilyo hanggang sa loob mismo ng conference room ng Region 1 Medical Center (R1MC) sa Dagupan City ay puno pa rin ng mga pasyente na maysakit na dengue. Sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue, patuloy din ang pagdagsa sa ospital ng mga pasyente. Mula Enero hanggang Agosto 25, umabot na sa 395 dengue cases ang naitala sa nasabing ospital, malayong mataas umano kumpara sa 155 lang na kaso noong nakaraang taon Mahigit isangdaang pasyente ang naka-confine sa 60 patient-capacity pedia ward ng ospital. Ang ilang kama, dalawahan na. Kung gusto naman ng solong pwesto, maaaring magdala ng sariling higaan. Gaya na lang ng ilang pasyenteng namataan ng GMANews na nagdala na ng sariling folding bed. Tiniyak naman ni Dr. Michael Canto, Spokesperson ng R1MC, na binibigyan nila ng sapat na atensyon ang bawat pasyente sa ospital. Gumagawa sila ng paraan upang maging komportable ang mga pasyente dito. Ikinatuwa naman ng mga health authorities ang mataas na dengue awareness ng publiko ngayon, gaya na lang ni Aling Jona, na piniling ipakonsulta ang anak na may sakit

Inaasahan naman na mas tataas pa ang kaso ng dengue sa mga susunod na buwan base na rin sa trend na kanilang naitala. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews Charter Change, itinutulak ni PNoy? by Pinoy Weekly Staff August 8, 2011 Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan Nasa adyenda ba ni Pang. Benigno Aquino III ang Charter Change? Ito ang tanong ni Gabriela Rep. Luz Ilagan, na nagbabala laban sa umanoy posibleng stealth tactics ng gobyernong Aquino sa pagtutulak sa Cha-Cha. Bukas, nakatakdang talakayin ng Committee on Constitutional Amendments ang House Concurrent Resolution 10, na nananawagan sa Kongreso na i-convene ang sarili bilang Constituent Assembly para matalakay ang panukalang mga pagbabago sa pang-ekonomiyang mga probisyon ng 1987 Konstitusyon. Kahina-hinala ang timing, ayon kay Ilagan, na ipinuntong gaganapin ang pagdinig hinggil sa Cha-Cha sa gitna ng mga pagdinig sa pambansang badyet at imbestigasyon sa dayaan sa eleksiyon at korupsiyon. Ayon sa mambabatas, kailangang gawin sa ilalim ng pagmamatyag ng publiko ang importanteng mga diskusyon hinggil sa posibleng mga pagbabago sa Konstitusyon. Target ng Cha-Cha na baguhin ang protectionist provisions para maipatupad ang programang Public-Private Partnerships (PPPs) ng gobyerno, babala ni Ilagan. Aniya, Ang todo-todong pagpapatupad sa programang PPPs ni Aquino ay nangangailangan ng pagbubukas sa mga dayuhan ng estratehikong mga industriya, pagmamay-ari ng lupa, likas na yaman, at pampublikong yutilidad. Hindi natin dapat hayaan ang ganitong sell-out ng ating pambansang patrimonya.

PHO, iginiit na wala pang sapat na dahilan upang magdeklara ng dengue outbreak sa Pangasinan Joyce Segui August 15, 2011 7:55am Lumobo na sa 1,214 ang naitalang kaso ng dengue sa Pangasinan ayon sa pinakahuling monitoring ng Provincial Health Office o PHO, labingisa dito ang nasawi. Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng dengue, ipinatawag na ng Sangguniang Panlalawigan si Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman sa kanilang regular session kaninang umaga. Dito isa-isang iprinisenta ang mga lugar na mahigpit na binabantayan ng PHO, partikular ang nasa top 15 watchlist Sa kabila ng paglobo ng bilang ng kaso ng dengue, wala pa naman umanong dahilan para magdeklara ng dengue outbreak sa lalawigan. No declaration of outbreak under consultation na din yung mga towns", ang sabi ni Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman. Naniniwala umano si 2nd District Board Member Jeremy Rosario na hindi pa kailangang magdeklara ng dengue outbreak sa lalawigan.

Marami umanong dapat ikonsidera bago magdeklara ng dengue outbreak o isailalim ang lalawigan sa state of calamity dahil sa dengue cases. Kelangan ding makita na nagkakaroon na ng uncontrolled situations sa kabila ng mga interventions at ang masusing konsultasyon sa mga LGU at Municipal Health Officers. Sa kabila nito, pinag-aaralan na din umano kung maaring gamitin ang 30% quick response fund mula sa calamity fund ng mga lokal na pamahalaan para sa mga kampanya kontra dengue. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews

Magkakasunod na insidente ng pag-salvage, tinututukan ngayon ng kapulisan ng Pangasinan Joyce Segui August 15, 2011 8:13am Parehong may tama ng bala sa ulo, saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan senyales na pinahirapan muna saka itinapon sa irrigation canal ang dalawang biktima ng hinihinalang summary execution na natagpuan nito lang Sabado sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Sta. Barbara at San Fabian, Pangasinan Bagamat natukoy na ang kanilang pagkakakilanlan, blangko pa rin ang mga otoridad sa mga taong nasa likod ng krimen Malaki umano ang posibilidad na isang grupo lang ang gumawa nito dahil sa parehong istilo ng pagpatay Lahat ng grupo na may record inaalam na, pero hindi pa pwede magconclude", ayon kay P/Supt. Geraldo Roxas, Spokesperson ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO). Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya huling nakita na magkasama ang dalawa bago natagpuang patay, kaya naman inaalam na rin ang background ng mga ito na posibleng makatulong sa pagtukoy ng motibo sa pagpaslang. Sa kabila ng magkakasunod na insidente ng summary execution, tiniyak naman ng Pangasinan PPO na under control ang peace and security sa lalawigan. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews Unang pagdeklarang labag sa batas ang komunismo sa Pinas September 3, 2011 10:42pm Kilala niyo ba kung sino ang itinuturing isa sa mga nanguna sa pagtatatag ng komunismo sa Pilipinas, at kung kailan ito unang idineklarang labag sa batas? Ang lider obrero na si Crisanto Evangelista na pinuno ng Katipunan ng Anak Pawis (KAP), ay siya ring namuno sa pagtatag ng Partido Komunista sa Pilipinas (PKP) na itinatag noong November 1930. Ang malakas na unyunismo ng grupo ni Evangelista ay sinasabing ikinabahala ng pamahalaan nang panahon iyon. Noong Mayo 1931, sinalakay ng mga awtoridad ang lugar na pinagdausan ng pagtitipon ng grupo ni Evangelista. Dinakip ang mga pangunahing lider ng grupo kabilang na si Evangelista at kinasuhan sila ng ilegal na pagtitipon at sedisyon. Setyembre 1931 nang hatulan ni Judge Mariano Albert ng Manila Court First Instance, ang mga lider ng komunismo na makulong.

Ito rin ang panahon na unang idineklara ng korte na labag na sa batas ang KAP at PKP na mas kilala na ngayon bilang Communist Party of the Philippines. - GMA News Bagyong Pedring nanalasa sa Luzon September 27, 2011 bababa sa 11 katao ang nasawi sa Luzon, libu-libong mamamayan ang apektado sa Bicol, Gitnang Luzon at rehiyon ng Ilocos-Kordilyera, at binaha ang maraming kalsada at komunidad sa Kamaynilaan, sa pagdating ng bagyong Pedring sa Luzon ngayong araw, Setyembre 27. Isa sa pinaka-malaking bagyong dumaan sa bansa ang Pedring, na may laking 650 kilometrong diyametro at may inisyal na bilis na 140 kilometro kada ora, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Pinaka-apektadong probinsiya ang Aurora at Isabela, kung saan naganap ang landfall alas-singko ng umaga ng Setyembre 27. Nawalan ng kuryente ang maraming probinsiya ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila kung saan, ayon sa Manila Electric Company (Meralco), mayroong 37 porsiyentong inisyal na nawalan ng kuryente. Inaasahang aalis ang bagyo patungong West Philippine Sea (South China Sea), labas sa Philippine Area of Responsibility sa Setyembre 28, hapon hanggang gabi. Para sa mga sitwasyong emergency, maaaring kumontak sa sumusunod na mga numero: PAGASA 4438526 NDRRMC 9111406 or 9122665 PNP 117 COAST GUARD 5276136 MMDA 138 or 8824151 to 77 RED CROSS 143 or 5270000 MERALCO 16211 MAYNILAD 1626 MANILA WATER 1627.

Protestang bayan isasabay sa welgang transportasyon September 18, 2011 by Macky Macaspac Inihayag ng ibat ibang progresibong organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang kanilang suporta sa ilulunsad na welgang transportasyon sa Setyembre 19. Sinabi ng Bayan na sasabayan nila ng isang protestang bayan ang tigil-pasada ng mga drayber at opereytor upang hilingin ang kagyat na pagrolbak ng presyo ng langis at pagbasura sa Oil Deregulation Law. Kasabay ng pagbibigay nila ng suporta, nagpaumanhin rin ang mga grupo sa anumang abalang lilikhain ng kanilang protesta. Pansamantala lamang ang maidudulot na abala ng protesta, at nais naming makasama ang mas malawak na taumbayan upang hilingin ang pagbaba ng presyo ng langis at maibasura na ang oil deregulation, sabi ni Eleonor de Guzman, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Bayan. Ayon sa grupo, hindi lamang sektor ng transportasyon ang pinahihirapan ng walang habas na pagtaas ng presyo ng langis. Ani Leleng Zarzuela, tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), Awtomatikong tumataas ang lahat ng bilihin, sa oras na tumaas ang presyo ng langis.

Ayon kay Zarzuela, hindi na maka-agapay sa hirap ang mga maralitang wala namang permanenteng trabaho sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain, tubig at kuryente. Sinabi pa niyang magtatayo sila ng mga protest center sa mga maralitang komunidad at hihikayatin ang mga kapwa nilamahihirap na drayber na huwag pumasada at sumuporta sa protesta. Sa Davao City, nagsagawa ng fun run ang kababaihan ng Gabriela at Gabriela Women's Party bilang pagsuporta sa panawagang rolbak ng presyo ng langis at pagkilos sa Setyembre 19. (Karlos Manlupig) Sinabi naman ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) na kahit ang mga kawani ng gobyerno na nasa Salary Grade 5 ay hindi ligtas sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Napupunta ang sa sahod ng mga kawani sa pamasahe, paliwanag ni Gaite. Aniya, halos walang natitira para sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng isang pamilya. Katulad din ang hinaing ng mga kawani sa hinaing ng mga manggagawa sa pribadong sektor na matagal nang humihingi ng umentong P125 across the board. Matagal na ring ipinaglalaban ng Courage ang P6,000 na umento sa buwanang sahod ng mga kawani sa gobyerno. Hindi rin nakaligtas sa mga grupo ang pagbabanta ng gobyerno laban sa magwewelgang drayber at opereytor. Nagpatawag ito ng dayalogo sa sektor transportasyon noong Setyembrer 14 para lamang magbitiw ng mga pangakong walang laman at pagbabanta sa mga lalahok sa transport strike, ani Celso Rimas ng National Federation of Labor Unions Kilusang Mayo Uno (Naflu-KMU). Sinabi pa ni Rimas na malinaw umanong ipinakita sa dayalogo ang kawalang pagtugon sa hinaing ng mga drayber, manggagawa at taumbayan laban sa mga kompanya ng langis. Sa halip na magbanta ang gobyerno na tatanggalin ang prangkisa ng mga lalahok sa welga, bakit hindi tanggalin ng gobyerno ang prangkisa ng Big 3? reaksiyon naman ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan, militanteng grupo ng mga kabataan. Sinabi pa ni Crisostomo na hindi nagagalaw ng gobyerno ang Big 3 at ang mga mamamayan ang patuloy na tinatakot sa paggiit nila ng makatarungang kahilingan. Patunay lang na protektor ng Big 3 si Aquino, aniya. Hinamon pa ni Crisostomo si Pangulong Aquino na kagyat na irolbak nang di bababa sa P9 ang presyo ng mga produktong petrolyo bago pumutok ang sunud-sunod na welga. Samantala, hinikayat naman ng alyansang pangkababaihan na Gabriela kahit ang mga grupong umatras sa welga, tulad ng Pasang Masda, Fejodap at PACDO-ACTO, na sumama pa rin sa welga sa Lunes. Dapat magkaisa ang mga tsuper at mga komyuter na labanan ang pagtaaas ng presyo ng langis at sa overpricing, ani Nerissa Guerrero, national council member ng Gabriela. Aniya, dapat umanong magkatuwang na ipaglaban ang pagrolbak sa presyo ng langis sa halip na humiling ng panibagong dagdag-pasahe. Wala din naman itong silbi dahil napupunta lang ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, sabi pa ni Guerrero. Sa mga nakaraang pagkakataon, nauunang humiling ng dagdag pasahe ang mga naturang grupo

Patuloy rin ang paghikayat ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) sa mga drayber, komyuter at iba pang motorista na suportahan ang ilulunsad nilang welga. Ayon kay George San Mateo, pangkalahatang kalihim ng Piston, ang isyung ipinaglalaban nila ay hindi lamang para sa kapakanan ng kanilang sektor. Apektado ang lahat sa overpricing at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, aniya. Sa lahat ng drayber sa Metro Manila at sa ibang panig ng bansa, miyembro ka man ng Piston o ibang pederasyon, sa Lunes ay araw ng ating protesta. Hinihikayat ko na sumuporta kayo dahil at the end of day lahat po tayo ay magkakarga ng krudo upang makapagserbsiyo sa mga mananakay, at tayo pa rin ang may problema sa mataas na presyo ng langis, paghihikayat ni San Mateo. Occupy NHA, vs demolisyon, para sa abot-kayat disenteng pabahay, isinagawa October 23, 2011 Hango sa Occupy Wall Street ang isinagawang pagkampo ng mga maralitang tagalungsod sa tarangkahan ng National Housing Authority (NHA). Tinaguriang Occupy NHA, isang barung-barong ang itinayo sa harapan ng tanggapan ng mga nakatira sa Brgy. Central at Sitio San Roque upang iparating sa pamunuan ng NHA na handa nilang ipaglaban ang kanilang karapatan sa paninirahan sa kani-kanilang mga lugar. Bahagi rin sa pagkilos ang Concerned Organizations against Transfer, Layoff, Demolition and Privatization for the Quezon City Central Business District (Contra-CBD). Binabatikos nila ang administrasyong Aquino sa pagbubulag-bulagan nito sa mga hinaing ng mga mamamayan ukol sa trabaho at pabahay. Itinayo ang isang kubol sa harapan ng NHA. Saad ng isang karatula, "Tutal pinapalayas nyo kami sa tirahan namin, dito na lang kami sa NHA titira." (Darius R. Galang) Ito ang umpisa ng aming kampanya para pakilusin ang lubu-libong maralitang mawawalan ng tahanan, at singilin ang mga korporasyon ng mga murang pabahay at ang mga kasabwat nila sa pamahalaan na patuloy na nambibiktima sa mga maralita, a ni Carlito Badion, tagapagtipon ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD), malawak na alyansa ng mga maralitang tutol sa demolisyon sa Kamaynilaan. Ngunit pinakakagyat anila ang nakaambang demolisyon sa kanilang mga komunidad sa darating na Oktubre 27. Kasama rin sa mga hinaing ng mga mamamayan ng North at East Triangle ang pangamba ng kawalan ng hanapbuhay sa pagkawala ng kanilang mga panirahan sa lungsod kapalit ng mga itinatayong mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnerships. Saad ni Santiago Dasmarias Jr., tagapagtipion ng Contra-CBD, nakikita sa mga nabibiktima ng QC-CBD ang masasamang epekto ng pribatisasyon ng pabahay at iba pang serbisyong pampubliko. Ang programang Public-Private Partnerships ng administrasyong Aquino sa aktuwal ay bumibiktima sa libong pamilya, sumisira sa maraming tahanan at nag-aalis ng kabuyhayan ng marami, paliwanag ni Dasmarias. Samantalang ginagamit ang rekurso at puwersa ng estado upang maibalik sa mga pribadong may-ari ang lupang kinatatayuan ng maraming komunidad, binabarat naman ng gobyerno ang programang pabahay para sa maralitang mamamayan.

Galit na binatikos ni Carlito Badion, tagapagtipon ng Alyansa Kontra Demolisyon, ang kainutilan ng ahensiya ng NHA sa hinaing ng mga maralitang tagalungsod sa panirahan at kabuhayan. (Darius R. Galang) Planong magsumite ng petisyon kay Chito Cruz, general manager ng NHA, ang mga lider ng grupo. Nilagdaan na ito nina Badion, Estrelieta Bagasbas ng September 23 Movement, at Aurorita Consougra ng Nagkakaisang Mamamayan ng NGC. Laman ng liham ang kanilang petisyon sa katiyakan ng paninirahan, at pagtigil ng mga demolisyon sa kanilang mga kabahayan, sa gitna na rin ng krisis pangekonomiyang kinakaharap ng kani-kanilang mga pamilya. Ngunit hindi na sila hinayaang makapasok sa gusali. Nauna rito, sinugod ng grupo ang National Government Center at ang Quezon City Hall. Nanatiling nakatirik ang kubol sa buong magdamag ng Oktubre 24, bago tumungo sa PublicPrivate Partnership Center sa Edsa-Kamuning, Quezon City kinabukasan. Suspensiyon ng Juvenile Justice Law, tinutulan October 13, 2011 Hindi pabor ang mga indibidwal at grupo na nagtataguyod ng karapatan ng bata sa panukalang suspensiyon sa Juvenile Justice and Welfare Act. Sa press conference ngayong araw, nagpahayag ng pagkadismaya ang ibat ibang grupo dahil kinukonsiderang amyendahan o suspendihin ang isang progresibong batas na nagtataguyod ng kagalingan ng mga batang nasasangkot sa krimen. Hindi pa nakakapag-ulat ang gobyerno kung paano nito naipatupad ang batas sa loob ng limang taon. Hindi pa rin na-account ang natanggap na badyet at kung paano iyon ginastos para sa pagpapatupad nito, ani Melissa San Miguel, tagapagsalita ng Salinlahi Alliance for Childrens Concerns. Tumututol din sa pag-amyenda o suspensiyon ng Juvenile Justice Law ang Humanitarian Legal Assistance Foundation, Philippine Action for Youth Offenders, Open Heart Foundation Worldwide, Inc., at Gabriela Womens Party. Ipinapanukala ng Senado na ibalik sa siyam na taon ang edad na may criminal liability, mula sa kasalukuyang edad na 15 taon. Ayon sa mga grupo, ang pangunahing problema ay ang hindi pagbuhos ng sapat na badyet para sa hustong pagpapatupad ng batas. Sa nakalipas na mga taon, ang Juvenile Justice Welfare Council ay tumatanggap ng mas mababa pa sa isang porsiyento ng kabuuang badyet ng Department of Justice, sabi ni San Miguel. Tinukoy din ng grupo ang kawalan ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa mayorya ng mga barangay sa buong bansa. Ang BCPC ay ang itinalagang mag-koordina at tumulong sa mga lokal na gobyerno sa pagbubuo ng komprehensibong plano para sa mga batang may suliranin sa batas at pangasiwaan ang pagpapatupad nito. Sa kabuuang bilang na 39,535 mga barangay, 16,041 (o halos 40 porsiyento) lamang ang may gumaganang BCPC. Bukod pa rito, pinuna ng mga grupo ang pagkukulang ng gobyerno na tugunan ang kalunuslunos na kalagayan ng mga batang Pilipino, na nagdudulot sa kanilang pagiging mas bulnerable na masangkot sa krimen at karahasan.

Noong 2008, nasa 35.77 porsiyento ng mga batang may edad 6 hanggang 11 at 54.4 porsiyento ng may edad 12 hanggang 15 ay mga out-of-school youth. Ang kanilang exposure sa buhay-lansangan ay nagiging sanhi upang madali silang magamit ng mga grupo ng sindikatoHanggat sila at ang kanilang pamilya ay nabubuhay sa kahirapan, ang mga krimen, gawa man ng bata o matanda, ay magpapatuloy lamang, dagdag ni San Miguel. All-out justice na giyera ni PNoy sa Basilan, kinontra ng grupong Moro by Macky Macaspac October 27, 2011 Ipinaalala ng isang grupong nangangalaga ng karapatan ng mga mamamayang Bangsamoro na walang pinag-iba ang direktiba ni Pang. Benigno Aquino III na all-out justice kontra sa ilang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan sa mga direktibang all-out war ni dating Pang. Joseph Estrada at all-out peace ni Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon sa Suara Bangsamoro, mistulang pagpapalit lamang ito ng panawagan o termino. Alinsunod pa rin ito sa militaristang patakaran ng gobyerno sa paglutas ng suliranin sa Mindanao. Sinabi pa ng Suara na kahit palitan ang termino pareho pa rin ang kahihitnan nito: Magbubunsod umano ito ng inhustisya, paglabag sa karapatang pantao, pagkamatay, pagkawasak ng kabuhayan at magtutulak sa pag-atras ng usapang pangkapayapaan sa Mindanao. Kung tunay na ayaw ni Pangulong Aquino ng all-out war, dapat na ipakita niya ang kanyang kapangyarihan bilang Commander-in-Chief ng AFP: Iutos niya sa militar na itigil ang kasalukuyang agresyon sa mga komunidad sa Basilan at Zamboanga Sibugay, ani Neil Murad, pangkalahatang kalihim ng Suara. Matapos ideklara ni Aquino na tutol siya sa all-out war at magbigay ng direktiba na all-out justice ang tugon sa pagsugpo sa ilang elementong kriminal sa Mindanao, lumikas naman ang aabot sa 20,000 mamamayan sa Basilan at Zamboanga Sibugay. Ayon mismo ito sa datos ng National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC). Lumikas ang mga sibilyan matapos ang isinagawang air strikes ng AFP. Sinabi pa ni Murad na nakikiramay ang kanilang grupo sa pamilya ng 19 sundalong namatay sa labanan noong Oktubre 18 sa pagitan ng MILF at AFP. Pero hindi umano dapat gawing dahilan ang pagkamatay nila upang atakehin ang mga komunidad ng sibilyan sa Basilan at Zamboanga Sibugay. Kung hinahabol nila ang iilang elementong kriminal, bakit binobomba ang buo-buong komunidad? pagdidiin ni Murad. Ayon pa sa grupo, noong taong 2000, nagdulot ang all-out war ni Estrada sa paglikas ng 200,000 katao. Daan-daan ang ilegal na inaresto at tinortyur, at marami ang mga sibilyan namatay. Ang all-out peace naman ni Arroyo, kinatampukan ng dalawang mayor na giyera laban sa MILF noong 2003 at 2008. Nagdulot naman ito sa paglikas ng 750,000 katao. Ayon pa sa Suara, bago pumutok ang pinakabagong kaguluhan sa naturang mga lugar, noong Abril 2011 ay aabot pa sa 125,000 katao ang nanatili sa mga ebakwasyon sa buong Mindanao. Natipid na pondo ng PNoy govt, dapat daw gawing Xmas bonus sa mga kawani

November 24, 2011 7:35pm MANILA Maaaring maging galanteng Santa Claus si Pangulong Benigno Noynoy" Aquino III ngayong Pasko sa mga kawani ng pamahalaan kung ipamamahagi niya bilang bonus ang malaking natipid ng gobyerno ngayong taon. Sa isang pahayag nitong Huwebes, sa tinatayang P175.9 bilyon na pondo na naipon dahil sa ginawang pagtitipid ngayong taon, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo Anagara, na kayang-kaya ni Aquino na magbigay ng tig-P10,000 Christmas bonus sa 1.1 milyong kawani ng pamahalaan. Dahil sa ginawang pagpigil na gumastos ngayong taon, naibaba ng pamahalaang Aquino ang budget deficit ng bansa sa P53 bilyon, malayo sa P260 bilyon na naitalaga noong nakaraang taon. Sa 2012, tinatayang maibaba naman sa P180 bilyon ang deficit, kumpara sa naunang pagtaya na P300 bilyon. Dahil dito, sinabi ni Angara na kayang magbigay ni Aquino ng mas maagang Christmas bonus sa mga government worker ngayong 2011. By law and tradition, it is the President who orders the additional Christmas bonus for government workers, taking into consideration the status of government finances at the end of the year," paliwanag ng kongresista. Noong nakaraang taon, kahit hindi pa umano maayos ang paglalatag ng pananalapi ng gobyerno, nagawa ni Aquino na magpalabas ng Administrative Order No. 3 para magbigay ng P10,000 Performance Enhancement Incentive (PEI) sa lahat ng kawani ng pamahalaan. Sa P10,000, sinagot ng pamahalaan ang P7,000 at ang natitirang P3,000 ay mula naman sa natipid ng bawat ahensiya ng gobyerno. Ang PEI sa mga kawani ng lokal na pamahalaan at government corporate sectors ay sagot naman kani-kanilang ahensiya. Para kay Angara, kaya ngayon ng gobyerno na itaas sa P11,000 ang PEI ngayong 2011. An P11,000 PEI is affordable and reasonable. It means a Christmas bonus equivalent to P916 per month per employee. As to budget impact, it will cost about P12.8-billion, which is less than 10 percent of the projected savings," pahayag ng kongresista, anak ni Sen Edgardo Angara. Dagdag pa ng kongresista, babalik din naman sa pamahalaan ang malaking bahagi ng ipamimigay na bonus dahil gagastusin ito ngayon Pasko kunsaan ang mga produkto at serbisyong kukunin ay may singil na 12 percent value added tax. -- FRJ, GMA News 2 opisyal ni PNoy sa sangay ng pananalapi, ipina-subpoena sa Kamara November 30, 2011 1:10am MANILA Inaprubahan sa House committee on ways and means ang mosyon na ipa-subpoena sina Finance Sec. Cesar Purisima at Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim JacintoHenares, nang hindi sumipot sa pagdinig ang dalawa nitong Martes. Ang mosyon sa dalawang opisyal ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ay hinirit ni Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo at inaprubahan naman ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas, pinuno ng komite. Ang pagdinig ng komite ay kaugnay sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular 40-2011 ng BIR noong Setyembre na nagtatakda ng karagdagang impormasyon tungkol sa kinikita ng taxpayers.

I will ask the BIR to explain why the commitment given earlier to the committee on ways and means to withdraw this requirement for additional information is again being taken back," ayon kay Mandanas. Inimbitahan pa rin ng komite ang dalawang opisyal sakabila ng ipinadala na umanong sulat ni Purisima sa komite na nagsasaad na optional" na lamang ay hindi na mandatory" ang pagsusumite ng karagdagang impormasyon sa mga nagbabayad ng buwis. Ayon kay Mandanas, ang kontrobersiyal na circular ay mistulang pagbuhay umano sa sinuspinding Annual Information Return (AIR). When government infringes upon the privacy rights of the people especially with the disclosure of incomes that have already been taxed, you will have the risk of capital flight, massive bank run and investors being further discouraged from investing in an economy that relies heavily on foreign and local investments for growth," ayon naman kay Gunigundo. Nagpahayag din ng pagkadismaya si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez dahil sa pagmamatigas umano ni Henares na ituloy ang pagpapatupad ng naturang circular sa kabila ng mga kritismo tungkol dito. "Before doing any action, we should invite the DOF Secretary to state his position whether his commissioner violated his earlier suspension order and if he can ask her to withdraw RMC 402011," ayon sa kongresista. - GMA News Bagong testigo, idinawit si Gloria Arroyo sa 2007 'poll fraud' November 29, 2011 3:06pm Idinawit ng panibagong testigo si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nag-utos umano kay dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na siguraduhin ang pagkapanalo ng senatorial bets ng administrasyon sa kanilang probinsya noong 2007 elections. Sa pagdinig ng Senado nitong Martes, inihayag ng dating election consultant ni Andal Sr. na si Ahmad Mamucao na nakipagkita umano si Gng. Arroyo sa dating Maguindanao governeor at iba pang opisyal nitong Abril 2007. "The purpose of that separate meeting is the 12-0 [order]. Dun nagsalita siya na kailangan 120," ayon kay Mamucao. Kasalakuyang sumasailalim sa hospital arrest sa St. Luke's Medical Center (SLMC) sa Taguig City ang dating Pangulo matapos maghain ang Commission on Elections (Comelec) ng kasong electoral sabotage laban sa kanya nitong Nobyembre 18. As of posting time, hindi pa makuha ng GMA News Online ang panig ng kampo ni Gng. Arroyo. Sa mga naunang ulat, patuloy ang pagtanggi ng kampo ni Arroyo sa mga paratang pagkadawit umano ni Gng. Arroyo sa poll fraud noong 2004 at 2007 elections. Ayon kay Mamucao, matapos umano ang nasabing pulong, binigyan siya ni dating Maguindanao provincial administrator Norie Unas ng P17,000 at inutusang tumulong sa pagbubuhat ng mga kahon sa Bukidnon. Si Udas ang unang tumestigo sa umano'y pagkasangkot ni Gng. Arroyo sa sinasabing dayaan noong 2007 polls.

Ayon pa rin kay Mamucao, inatasan siyang kitain sina "Rudy" at "Alex." Aniya, pinakilala sa kanya si "Rudy" bilang pinsan umano ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri, na nagbitiw sa kanyang posisyon noong Agosto matapos maglabasan ang mga testigo na nagsabing may dayaan ngang naganap noong 2007 polls, partikular na sa Maguindanao. Ayon kay Mamucao, kasama ang pamangkin ni Unas, nakarating sila ng Cotabato City at agad na tumungo sa Bukidnon.

Dumating umano sila sa isang warehouse, na mayroong malaking tarpauline ni Zubiri sa tabi nito, kung saan sa unang pagkakataon, pinakilala sa kanya sina Rudy at Alex. "Pagpasok ko doon pinaatras ko yung trailer, pumasok ako sa bodega. Nakita ko parang gym, boxing gym. Marami pong posters ni Migz Zubiri," aniya. Aniya, nang kunin na nila ang mga kahon, tinanong ni Mamucao ang kanyang mga kasamahan kung anong nasa loob nito ngunit hindi siya sinagot. "[Sabi ko] ano po laman ng mga yan, sabi niya pare ikarga mo na lang, wag ka na magtanong, sundin mo na lang ang utos," aniya. Hindi umano mapigilan ni Mamucao na tumingin sa loob ng mga kahon. Doon niya nakita ang blank ballots, election returns, at certificates of canvass. Sa kanilang pagbalik sa Manila, kinita ni Mamucao ang political officer ni Gng. Arroyo na si Bong Serrano na kasama ang isang tauhan ni Zubiri na si "Lea." Binigyan umano siya ni Serrano ng P25,000. Ayon kay Mamucao, maaaring umabot ng P10 milyon ang gastos sa operasyong ito. Amanda Fernandez/RSJ, GMA News

Mga paratang ni Corona, sinagot ng Palasyo December 15, 2011 2:17pm Bilang sagot sa mga paratang ni Chief Justice Renato Corona laban kay Pangulong Benigno Aquino III, inihayag ng tagapagsalita ng Palasyo nitong Miyerkules na ang pagka-impeach sa Chief Justice ng ay tanda lamang ng pagsisikap ng gobyerno upang matanggal ang mga balakid sa pagtugis sa mga tao sa likod ng mga katawalian ng nakaraang administrasyon. What we are doing right now under the Aquino administration is trying to dismantle the Arroyo apparatus of trying to protect her from accountability, pahayag ni Palace spokesman Edwin Lacierda. Naging kritikal si Aquino kay Corona matapos iton hirangin ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Chief Justice, ilang araw lamang matapos manalo sa 2010 presidential polls si Aquino, at ilang linggo bago bumaba sa kanyang pwesto si Gng. Arroyo. We have removed the (former) Ombudsman, we've appointed many women of unquestionable integrity before the other constitutional commissions, and we believe that Mr. Corona is a stumbling block to our reform [efforts], dagdag ni Lacierda. Diktatorya ni Aquino

Mga ilang minuto lamang matapos ang talumpati ni Corona sa harap ng kanyang mga tagasuporta noong Miyerkules, sinagot ng Palasyo ang parating nitong nagiging "diktador" si Aquino. At ngayon, sasabihin ko po sa kanilang lahat: Akoy tumututol sa walang-tigil na pang-aalipusta, pangduduro at pananakot. Akoy tumututol sa dahan-dahang binubuong diktadura ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ayon kay Corona sa kanyang talumpati. Noong Lunes, 188 na mga kinatawan Kamara ang pumirma sa makasaysayang impeachment ng isang Chief Justice sa bansa. Ipinasa na sa Senado ang Articles of Impeachment, na naglalaman ng mga paratang na may nagawang paglabag sa Saligang Batas si Corona, maliban sa mga kasong "graft and corruption" at "betrayal of public trust." Nag-walk out sa kani-kanilang mga opisina ang mahigit 500 na mga hukom at mga empleyado ng mga korte sa Metro Manila nitong Miyerkules upang sama-samang magtungo sa Korte Suprema sa Manila upang ipakita ang kanilang suporta kay Corona. Ang naturang pagkilos ay nagresulta sa pagkakaroon ng "court holiday" noong Miyerkules. Kasalakuyang tinitignan ni Justice Secretary Leila de Lima kung anong posibleng "legal action" laban sa mga nag-walk out. Maliban sa pagtawag kay Pangulong Aquino na diktador, inihayag din ni Corona ang kanyang sarili bilang "first defender of justice" ng bansa. Samantala, sa kanyang sagot kay Corona, itinanggi ni Lacierda na nagiging diktator ang administrasyon ni Aquino. Aniya, We shouldve done that the moment we entered office. Pinayuhan ni Lacierda si Corona na harapin na lamang ang mga kaso niya sa Senado na ikinasa na bilang impeachment court. The charges will stick. The evidence against him will stick, Lacierda. The totality of the conduct of Corona betrays a lack of objectivity, impartiality, dagdag pa niya. 'Independent court' Sa talumpati rin ni Corona, sinabi niyang ang kanyang impeachment ay paraan umano ni Aquino upang madiktahan ang Hudikatura. Itinanggi naman ito ni Lacierda at sinabingh hindi umano nais ng Palasyo na diktahan ang Korte Suprema. We dont want a friendly court; we want an independent court, dagdag pa ni Lacierda. Inihayag din ni Lacierda na maaari din umanong nabahiran ang "objectivity" ni Corona matapos hirangin ni dating Pangulong Arroyo ang kabiyak nitong si Christina bilang board member ng Camp John Hay Management Corporation. Ayon kay Lacierda, kinikilala ng Palasyo si Corona as someone we cannot rely on to observe the rule of law. When there is clearly a lack of genuine rule of law, we have to speak up, aniya. Saan po papasok dito ang kanyang impartiality? Saan papasok dito ang objectivity? ani Lacierda.

Ayon naman kay Corona, hindi na umano dapat idawit ang kanyang asawa sa gusot sa pagitan ng Malacaang at ng Korte Suprema. Ngunit ang kasukdulan ng pambabastos, sa aking pananaw, ay ang pagdawit ng aking maybahay sa reklamong ito. Baka akala nila na sa ganitong paraan ako poy madaling susuko. Mapalad po ako na mayroon akong isang mabait at matatag na kasama sa buhay, na siya ring pinagkukunan ko ng lakas at inspirasyon. Mahal na mahal kita, Tina, aniya. Amanda Fernandez /LBG, GMA News

Daang matuwid ni PNoy, pababa raw sa kadiliman, ayon kay Rep Mandanas December 15, 2011 7:01pm Tinanggal sa kanyang posisyon si Batangas Rep Hermilando Mandanas bilang chairman ng makapangyarihang House Ways and Means Committee. Ang hinihinalang dahilan, ang hindi niya pagpirma sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, na isa ring Batangenyo. Sa panayam ni Kara David sa GMA News TV News To Go nitong Biyernes, isiniwalat ni Mandanas kasapi ng Liberal Party -- na mahigpit niyang tinututulan ang ginagawang paggamit umano ng pamahalaang Aquino sa pondo na para sana sa mga lokal na pamahalaan. KARA: Unang una po bakit hindi po kayo pumirma doon sa impeachment complaint? MANDANAS: Totoo na hindi ako pumirma. Ang dahilan, dahil sa prosesong ginamit. Bigla kaming pinatawag sa pamamagitan ng text message, pumunta dun at nagpunta naman ako. At akala ko ang pag-uusapan ay RH (reproductive health) bill. Eh siyempre ako pro-life ako, laban ako sa RH bill. Pagpunta ko ngayon dun, ang pag-uusapan pala ia-announce na impeachment ng chief justice ng Supreme Court ng Pilipinas. Tapos yung pangalawang announcement ang medyo nabigla na agad ako. Dahil ito e sa topic na ito wala tayong debate, wala tayong deliberation, wala pa tayong written kung ano baga ito. Pero bibigyan naman kayo ng verbal presentation, may power point nitong chairman ng justice (committee). At ito pirma na lang kayo. Alinman sa pumirma kayo o hindi kayo pumirma pero wala na tayong tanungan. E sabi ko naman, hindi naman pwede yon, gusto kong tumayo, hindi nako narecognized. Pinuntahan ko na yung Majority Leader. Tinanong ko, ano ba ito? Bakit ganito? E simple lang ito, sabi saken. Pag pumirma ka, kasama ka ni PNoy (Pangulong Noynoy Aquino), pag hindi ka pumirma, kalaban ka ni PNoy. KARA: MANDANAS: Sino Ang ating, po yung si nagsabi Gonzales, sa yung Majority inyo (Floor) nun? leader.

KARA: Si (Mandaluyong Rep) Neptali Gonzales. MANDANAS: Siyempre ako itinuturing kong mabigat ang aking pananagutan sa bayan. Nalalaman ko na ang desisyon na ito ay hindi lang tayo ang apektado, apektado rin dito yung mga saling-lahi, yung mga magiging Filipino, mga Filipino ngayon at ang ating mukha, hindi lamang sa atin kaya hindi ako pumirma. KARA: MANDANAS: Sa Sa madaling madaling sabi hindi sabi ako po? pumirma.

KARA: Gaano katotoo na ang naging kapalit daw ng hindi niyo pagpirma sa impeachment complaint ay yung puwesto ninyo sa House committee on ways and means? MANDANAS: Depende kung sino ang nagsabi. Kung ang nagsabi sa iyo ay yung nag-alis sa akin, mas alam nila kung bakit nila ako inalis kaysa sa akin. KARA: Pero totoo po ba na October pa lang daw ay tatanggalin na kayo dun sa komiteng iyon? MANDANAS: Kung yun ang sinabi nila, hindi pa naman yon pa sila ang nakakaalam ng totoo. Ang alam ko lang tinanggalan ako at ako ay hindi pumirma. Hindi lang simula pa nung Oktubre, kundi simula pa nung governor ako, simula pa nung ang Liberal ay oposisyon, ay pinaglalaban ko na mayroong akong ipinaglalaban na local autonomy. Yung pera sa internal revenue (IRA), yung pera ng mga lokal na lalawigan, lungsod, barangay at bayan, ay ibigay lahat. Hindi yung mayroon ginagamit ng (pamahalaang) nasyunal. Ang pera ng lokal yun advocacy namin yon. Inihabla ko pa diyan yung administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, nanalo ako sa Supreme Court P60 billion. Ngayon itinutuloy ko pa rin yon kasi nakakita na naman ako. KARA: Ngayon MANDANAS: tatanggalin Hindi na kayo tatanggalin, bilang head tinangal ng na.

KARA: Tinanggal na po masama po ang loob ninyo sa nangyari? MANDANAS: Masama ang loob ko hindi para sa sarili ko, kundi masama ang loob ko dahil sa kalagayan ng ating bansa. Dahil Paskong-pasko pa naman ang daming kaguluhan at saka ang pamamaraan na ginagamit eh siguro matuwid, pero matuwid na pailalim, pababa sa kadiliman, hindi sa matuwid na pataas. KARA: Mananatili po ba kayo sa Liberal Party sa kabila ng nangyari? MANDANAS: Nagresigned na ako. Kinausap ko na si (Transportation Sec) Mar Roxas. Siya ang nakausap ko dahil siya ang president ng Liberal Party. E naghugas kamay naman siya, well itoy mga leadership dyan sa House ang bahala. Teka sabi ng leadership sa House e Liberal ang sinusunod dito, ang partido ang may karapatan dito dahil ang majority. Sabi ko kung ganun pag tinanggal ako, resign ako. Dahil sa akin, kahit nung governor pa ko ng Batangas -- 3 terms akong governor dun-- ang programa ko talaga nun at hanggang ngayon e pagkatao higit sa partido. Napakahalaga niyan, maaaring hindi ako manalo sa eleksiyon, maaaring marami akong makalaban sa administrasyon. Kami nina PNoy inimpeach, sinubukan namin si Gloria, magkasama kamimagkasama kaming nawalan ng pork barrel. Nung humiwalay, nung mahati ang Liberal magkasama kaming pumunta sa Supreme Court (na) kami ang tunay na Liberal at nanalo naman kami sa Supreme Court. Kaya iginagalang ko rin ang Supreme Court at iginagalang ko ang batas ng ating bansa. Kaya ang mahalaga dito, gusto kong ipagpatuloy yun, na ang ating itinutulak, isinusulong ay hindi lang salita yung matuwid na daan na pataas, hindi yung matuwid na daan pababa. At paglilingkod kaagad, hindi puwede halimbawa itong isang isyu. Sabi nga nagkaiba at sinasabi nga yon ang dahilan, aba ang akin bakit ginagamit ng nasyunal ang pera ng lokal? E ang lokal yung pinupuntahan ng mga (tao) lalo ng mahihirap, sa patubig, kalsada, baha, may sakit, walang kwartong mga bata, walang computer. Ang ibig kong sabihin e sila ang basic services delivery kaya yung kanilang pera wag namang gamitin ng nasyunal, against the constitution. Kung sabihin nilang isa yun sa mga dahilan hindi ko sila kokontrahin, pero yung ating paglaban at pagtatanggol sa karapatan at pagsunod sa batas ay kailangan natin yang gawin. KARA: Okey maraming salamat po Congressman Mandanas. -- FRJImenez, GMA News Ex-Pres Arroyo, sinabing hinusgahan na siya ng Aquino gov't December 8, 2011 9:10pm

Sa unang pagkakataon, nagsalita at nagbigay ng kanyang saloobin si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo tungkol sa pinagdadaanan niyang sitwasyon sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ilang oras bago siya ilipat sa Veterans Hospital sa Quezon City, nagpaunlak ng panayam nitong Huwebes ng gabi sa St Lukes Medical Center sa Taguig si Arroyo kongresista na ngayon ng Pampanga kay GMA News anchor Arnold Clavio. Ang bahagi ng naturang panayam ni Arnold kay Gng Arroyo ay ipinalabas sa 24 Oras nitong Huwebes. Sinabi ni Arnold sa kanyang ulat sa 24 Oras na masiglang humarap sa kanila ang dating pangulo. Hindi nito suot ang kanyang neck brace nang makapanayam. Pero ipinakuha umano ni Gng Arroyo sa nurse ang neck brace sa huling bahagi ng panayam dahil nangangawit na raw ang leeg nito na dumaan sa tatlong operasyon. Kasabay ng pagbuti ng kanyang kondisyon, binawasan na raw ang mga gamot na iniinom ng dating pangulo. Dumadaan din sa morning at afternoon exercise ang dating pangulo para sa kanyang sa leeg at balakang. Sinabing kinunan ng buto sa balakang si Gng Arroyo na ginamit sa kanyang leeg. Iniinda pa rin umano ni Gng Arroyo ang hirap sa paglunok at pamamanhid ng braso na sinasabing sanhi ng naapektuhang maliit na ugat na tinamaan sa isa niyang operasyon. Narito ang bahagi ng naturang panayam:

Arnold: Masayang nakikita namin na nakakatawa na po kayo kumpara sa mga imahe na nakita namin nung una. Kamusta na po ang inyong pakiramdam at kalusugan niyo po ngayon? Arroyo: Heto gumagaling na ang operasyon ko (sabay pakita sa tahi sa kanyang leeg) bagamat hindi natin alam kung tuluyang hindi na babalik o whether dito sa aking leeg o sa ibang bahagi ng aking mga buto dahil wala pa tayong official diagnose sa sinusupetyahang metabolic bone disease. Arnold: Arroyo: Arnold: Arroyo: Oo. Ako Ano Ngayon po 43 Wala naman ideal ba kilos ang times nang saken 100 timbang two point 100 hindi naman 90 niyo two ngayon? pounds yon? plus.

Arnold: Dun sa mga kinakaharap niyong pagsubok, sabihin na nating accusations, ano ho yung masasabi niyo doon? Arroyo: Ang masasabi ko Arnold I have peace of mind dahil malinis ang aking konsensiya. Gaya ng sabi ko, na saking pagkapangulo, bukod tanging layunin ko ay maglingkod. Eh ngayon na pre-judged na ko ng bagong administrasyong. Gumagamit pa ng demagoguery para sa ganun siraan ako nang tuluyan. Siyempre kasi kung masisiraan ako mukhang magmamagaling siya mukhang magaling siya. So pero ganun pa man ako ay naniniwala sa rule of law. Arnold: Bale konting oras na lang ho tayo ngayon dito at lilipat na ho kayo ng lugar. Ano ho ang naglalaro sa isip nyo?

Arroyo: Yung parating sinasabi sa aking tatay sa akin, do what is right, do your best and let God take care of the rest." Ako I did what was right according to best light. Ang bukod tanging layunin ko ay maglingkod sa taong bayan. And I did my best I think nobody will quarrel me (for) my kasipagan. So malaki ang aking pananampalataya sa Panginoon. Mapapanood ang buong panayam kay Gng Arroyo sa Tonight With Arnold Clavio sa Biyernes ng gabi sa GMA News TV 11. -- FRJimenez, GMA News

You might also like