You are on page 1of 13

Department of Foreign Affairs Kagawaran ng Ugnayang Panlabas

Layunin: Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (Ingles: Department of Foreign Affairs o DFA) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin na mamahala sa pagpapabuti ng relasyon ng pilipinas sa iba't-ibang bansa. Ito rin ang nangangasiwa sa mga gawain ng mga embahador ng Pilipinas sa ibat ibang bansa at sa mga pandaigdigang samahan. Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Ang Kalihim ay si Albert F. del Rosario.

Reaksiyon: Marami tayong naririnig na mga problema na kinakaharap ng ating mga kababayan sa ibang bansa tulad ng mga bansang may kaguluhang nagaganap. Sana naman bigyan nila ng kaukulang pansin ang mga kabayan natin doon at ayusin na makabalik sila ng ligtas sa Pilipinas. Gayundin dati, ang pagkuha ng pasaporte ay nakukuha natin kaagad, ngunit ngayon aabutin ka pa ng 1 buwan bago mo makuha ang passport mo dahil kailangan mo pang mag apply online for appointment tapos pipila ka para naman mag apply. Paano nalang kung urgent at kailangan mo ng umalis, kung ikaw ay magrerenew? Sana mapaikli pa nila ang procedure ng pagkuha ng pasaporte.

Department of the Interior and Local Government Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal

Layunin:

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas (Ingles: Department of the Interior and Local Government o DILG) Pangunahing tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng kapabilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan. Ito rin ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Ang Kalihim ay si Mar Roxas.

Reaksiyon: Talamak ang mga gawaing illegal sa ating bansa. Isa na ang drug pushing, carnapping, kidnapping at marami pang iba subalit maraming kaso ang tila hindi nareresolba ng ahensiya. Maging mahigpit nawa sila sa pag-promote ng peace and order at wag na muling hayaang mangyari yung hostage taking ng mga Chinese sa Rizal Park, nakakahiya sa bansa natin. Hindi natin nabigyan ng seguridad ang mga dayuhan o turistang bumibisita sa ating bansa.

Department of Public Works and Highways Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan

Layunin: Ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (Ingles: Department of Public Works and Highways o DPWH) ay ang kagawarang tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na nakaatas sa kaligtasan ng lahat ng proyektong sa larangang gawaing pambayan. Ito rin ang responsabulo sa pagpapanatili at pagsasaayos ng mga daan at mga patubig sa buong Pilipinas. Ang Kalihim ay si Rogelio L. Singson.

Reaksiyon: Hindi nila ginagawa ng maayos yung trabaho nila kasi inaayos nila yung mga kalsadang wala namang sira imbis na yung mga kalsadang bako-bako at kung kailan tag-ulan saka sila maghuhukay at mag aayos na nagiging dahilan ng traffic, baha at aksidente.

Department of Transportation and Communications Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon

Layunin: Ang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of Transportation and Communications o DOTC) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkuling mangalaga at magpalawak ng independente, mahusay, at maaasahang sistema ng transportasyon at komunikasyon bilang epektibong kagamitan para sa pagkabangon at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang Kalihim ay si Joseph Emilio Abaya.

Reaksiyon: Problema pa din ang malawakang traffic sa bansa. Sana naman makaisip sila ng solusyon kung paano mawawala ang sobrang traffic sa kalsada at maging sa istasyon ngMRT/LRT lalo na pagdating ng rush hour, siksikan na at parang sardinas na ang loob nito, may kasama pang mga mandurukot sa mga train na ito.

Department of Social Welfare and Development Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

Layunin: Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Ingles: Department of Social Welfare and Development o DSWD) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pangangalaga ng karapatan ng bawat Pilipino sa kagaligang panlipunan at sa pagpapayabong ng Pag-unlad ng lipunan. Ang Kalihim ay si Corazon Juliano-Soliman.

Reaksiyon: Maganda ang programa ng DSWD tungkol sa 4Ps o tinatawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ang proyektong ito ng pamahalaan ay naglalayon na tulungan ang mga mahihirap na may anak na 0-14. Ang Conditional Cash Transfer Program o 4Ps ay programa ng pamahalaan sa mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng tulong pinansiyal. Nakasaad sa programang ito na gagamitin ang pera sa edukasyon at kalusugan ng mga anak ng kuwalipikadong pamilya. Tatanggap ng 300 pesos ang bawat bata para sa edukasyon at 800 pesos naman para sa kalusugan kada buwan. Kahit papano nakakatulong ito sa mga taong hikahos sa buhay at kahit papano, nakakapag aral ang mga bata at may posibilidad na magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga batang natutulungan nito.

Department of Justice Kagawaran ng Katarungan

Layunin: Ang Kagawaran ng Katarungan (Ingles: Department of Justice o DOJ), ay isang departamentong tagapagpatupad Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpatupad ng mga batas ng Pilipinas. Sa kasalukuyan ito ay pinamumunuan ni Leila De Lima simula pa noong taong 2010. Ang misyon nito ay makapagtatag at mapanatili ang pantay at maayos na lipunan sa pamamagitan ng epektibo, mabilis at makataong pagbibigay ng hustisya. Reaksiyon: Sa tingin ko hindi nila ginagawa ng tama yung trabaho nila kasi may mga taong hanggang ngayon di pa rin nakakamit yung hustisya at may mga taong nakukulong kahit na wala naman silang kasalanan kasi kadalasan, mas pinapanigan ng batas ang mga taong ma impluwensiya at may pera. Sana matigil na ang ganitong katiwalian at gampanan ng ating mga Hudikatura ang patas at tamang pagpataw ng kaparusahan sa mga taong may kasalanan.

Department of Agrarian Reform Kagawaran ng Repormang Pansakahan

Layunin: Ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Ingles: Department of Agrarian Reform, o DAR) ay isang kagawarang tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas na itinakdang magsagawa ng lahat ng mga programang repormang panlupa sa bansa, na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon. Ang Kalihim ay si Virgilio R. de los Reyes Reaksiyon: Mukhang hanggang ngayon ay marami pa rin sa kababayan natin ang hindi pa nakakatanggap ng lupang ipamamahagi ng lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga priority at sa matitirang sukat na itinakda ng batas na ito, na nagsasaalang-alang sa mga konsiderasyong pang-ekolohiya, pangkaunlaran, at pagkamakatarungan, at batay sa pagbabayad ng makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng estado ang mga karapatan ng maliliit na may-ari ng lupa, at dapat maglaan ng mga insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa. Tulad ng Hacienda Luisita, nakamatayan na ng iabang pobreng magsasaka ang inaasam-asam nilang magkaroon ng lupa.

Department of National Defense Kagawaran ng Tanggulang Pambansa

Layunin: Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Ingles: Department of National Defense o DND) ay ang departamentong tagapagpatupad ngPamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad saPilipinas. Mayoroon itong kakayanang mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), Office of Civil Defense (OCD), Tanggapan ng Ugnayan sa mga Beterano ng Pilipinas (PVAO), Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas (NDCP), at Arsenal ng Pamahalaan(GA). Ito ay pinamumunuan ng kalihim ng Tanggulang Pambansa na kasapi ng gabinete ng pangulo ng Pilipinas. Ang kasalukuyang kalihim nito ay si Gilbert Teodoro Jr.

Reaksiyon: Sa tingin ko naman ay maayos namang nagagampanan ng namumuno ang pambansang seguridad. At isa sa ahensya na nasa ilalim nito ay ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) o Pambansang Tanggapan sa Pagtugon ng Sakunana ang tungkulin ay tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa oras ng sakuna at kagipitan. Nakita ko ang pagganap nila sa oras ng mga disaster o sakuna na nangyayari sa ating bansa at kaagad nandyan na sila upang tumulong sa mga nangangailangan at saludo ako sa kanila.

Department of Tourism Kagawaran ng Turismo

Layunin: Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism), ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon. Ang Kalihim ay si Ramon R. Jimenez, Jr.

Reaksiyon: Kailangan pa rin na isulong ang turismo dito sa ating bansa. Maraming magagandang tanawin ang makikita dito sa ating bansa, pero karamihan sa ating mga kababayan imbes na I-explore nila ang ganda ng Pilipinas, pinipili pa nilang mangibang bansa at doon bumisita. Dito sa Pilipinas, mura na, makakatulong pa tayo sa ating Turismo. Dapat tayong mga Pinoy mismo ang humikayat sa kanila na bisitahin ang ating bansa.

Department of Environment and Natural Resources Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman

Layunin: Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (Ingles: Department of Environment and Natural Resources o DENR) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagkontrol at pamamahala ng eksplorasyon, pagpapaunlad, maayos na paggamit at pananatili ng likas na yaman ng bansang Pilipinas. Ang Kalihim ay si Ramon J.
P. Paje

Reaksiyon: Maraming proyekto ang DENR na magandang ipatupad upang mabawasan ang problema tulad ng National Greening Program o pagtatanim ng mga halaman o puno, ang Geohazard Mapping and Assessment Program, na ang layunin ay hanapin ang mga lugar na prone sa lindol, landslide, at baha. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang aksidente, sakuna o disgrasya. Ang adopt Enero Program na ang layunin ay linisin ang mga estero upang makaiwas sa baha, polusyon o sakit na dala ng mga basurang ito.

PROYEKTO SA EP

Maneclang, Wenn Joyrenz Calalang, Heleign Landayan, Amira Rivera, Patricia Ellar, Krisna Mae Figueroa, Mary Joyce Atienza, Dunald Galang, Joshua Maun, Joven Michael Espino, Aaron Asuncion, Randolph David, Jan Roland

IBAt -ibang sangay ng


Pamahalaan,

ang kanilang Layunin at ang aming Reaksiyon

You might also like