You are on page 1of 3

Ang Kagawaran ng Kalusugan (Ingles: Department of Health) ay ahensiya ng kalusugan ng Pilipinas. Ang pangkasalukuyang kalihim ay si Francisco T.

Duque III Ang tungkulin ng DOH ay alagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan sa Pilipinas Ang Kagawaran ng Kalusugan (Ingles: Department of Health) ay ahensiya ng kalusugan ng Pilipinas. Ang pangkasalukuyang kalihim ay si Francisco T. Duque III Ang tungkulin ng DOH ay alagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan sa Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of Education o DepEd) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ang pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang-edukasyon at responsable sa sistemang pang elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kilala din sa dati nitong pangalan na Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Ingles: Department of Education, Culture and Sports o DECS). Pinangangasiwaan ng kagawaran ang lahat ng mga pampubliko at pampribadong paaralan SA elementarya at sekundarya. Ito ang nagtatakda ng mga tuntunin at kurikulum para sa mga paaralan...

Ang tungkulin ng DSWD ay pagaalaga ng mga batang nauulila o namamahala sa kalusugan ng mga bata :) -Andrea

Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism), ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon.

Ang Kagawaran ng Pagsasaka (Ingles: Department of Agriculture o DA) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka ganun na din ang pagpapababa ng insedente ng kahirapan sa mga sektor na rural ayon na rin sa nakasaad sa Katamtamang Terminong Plano ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Ingles: Department of National Defense o DND) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad sa Pilipinas. Mayoroon itong kakayanang mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), Office of Civil Defense (OCD), Tanggapan ng Ugnayan sa mga Beterano ng Pilipinas (PVAO), Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas (NDCP), at Arsenal ng Pamahalaan (GA). Ito ay pinamumunuan ng kalihim ng Tanggulang Pambansa na kasapi ng gabinete ng pangulo ng Pilipinas. Ang kasalukuyang kalihim nito ay si Gilbert Teodoro Jr.

Department of Justice ipatupad ang lahat ng batas ng Pamahalaang Pilipinas na responsable sa pangangasiwa ng batas ng pilipinas. Ang pangunahing misyon ng DOJ ay bumuo at panatiliing ang isang maayos na lipunan sa pamamagitan nang pagpapatupad ng mabilis, mabisa at mahabaging pangangasiwa ng hustisya sa Pilipinas

Ang DENR ay isang sektor o departamento ng gobyerno na nangangasiwa at nag-aalaga sa kapakanan ng kalikasan at mga likas yaman o Natural Resources ng bansa.

Ang Komisyon sa Serbisyong Sibil (CSC) (Inggles: Civil Service Commission) ay isang pantauhang sentral na ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas.[1] Ida sa mga tatlong malalayang komisyong konstitusyonal na may pinagpapasiyahang tungkulin sa kabuuan ng pambansang pamahalaan, ito'y ipinapagawa upang harapin ang pinakahuling pagsasaayos sa pagtatalo at aksyong pantauhan sa pangyayari ng serbisyong sibil.[2]

Ang Komisyon sa mga karapatang pantao ay isang malayang tanggapan na nilikha sa pamamagitan ng Saligang-Batas ng Pilipinas, na may pangunahing function ng sinisiyasat ng lahat ng mga paraan ng tao paglabag sa mga karapatan na kinasasangkutan ng mga sibil at pampulitikang karapatan sa Pilipinas. [1] Ang Komisyon ay binubuo ng isang Chairperson at apat na miyembro. Ang Konstitusyon ay nangangailangan na ang isang karamihan ng mga miyembro ng Komisyon ay dapat maging abogado. President Benigno Aquino III na tinatawag na sa dating Akbayan Partylist representative Etta Rosales sa ulo ang komisyon. [2] Sa kabila ng pagtutol mula sa ilang sektor, [sino?] Siya ay itinalaga bilang chairperson.

You might also like