You are on page 1of 6

FILIPINO 4

PANG ABAY – Bahagi ng pananalitang nagbibigay – turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa


pang-abay.
Uri ng pang-abay:
 Pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwa
Halimbawa:

Maingat na isinubo ni Isko ang tinapay.

 Pang-abay na nagbibigay-turing sa pang-uri


Halimbawa:

Totoong masipag ang ating tiyan.

 Pang-abay na nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay


Halimbawa:

Talagang masakit sa kaawa-awang si Tiyan ang mahusgahan nang mali.

A.P 4
Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang institusyong kumikilos upang maisa-katuparan ang mga adhikain ng
bansa.

Ang Kahalagaan ng Pambansang Pamahalaan


1. Pangangalaga at pagpapanatili ng katatagan at katahimikan ng bansa.
2. Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa.
3. Pagpapabuti ng panlipunang kalagayan ng mga mamamayan.

Tatlong Sangay ng Pamahalaan

1. Sangay ng tagapagpaganap (ehekutibo) – Ang kapangyarihang tagapagpaganap ay naka-atang sa


pangulo ng Pilipinas. Siya ay may kontrol sa lahat ng kagawaran tagapagpaganap, kawanihan at
tanggapang pampamahalaan.
a. Pangulo
b. Gabinete ng Pangulo
c. Pangalawang Pangulo
d. Pamahalaang Lokal (Panlalawigan/Panlungsod)
2. Sangay tagapagbatas (lehislatura) – Sila ang nakatalaga ng kapangyarihan na magsagawa, mag
bago at magpawalang bisa ng mga batas.
a. Kongreso – Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan

3. Sangay Tagapaghukon (Hudikatura) – Sila ay may kapangyarihang dinggin at lutasin ang mga
sigalot o suliranin ng mga mamamayan. Binubuo ng 15 na kasapi; ang punong maestrado at 14
na kasamang maestrado.
a. Korte Supremo
b. Mababang Hukuman – Regular na Hukuman at Nagtatanging Hukuman

Paglilingkod ng Pamahalaan

Isa sa mga tungkulin ng pamahalaan ang pagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan. Ang tapat ay
maayos na paglilingkod ng pamahalaan ay kailangan upang matiyak na ang pangangailangan ng bawat
mamamayan ay matugunan.

Mga Programang Pangkalusugan (Department of Health)

1. Kalusugang Pangkalahatan o Universal Health Care


2. Pagsasabatas ng Philippine Mental Health Law o R.A No. 11036
3. No Balance, No Billing Policy o Pagbabawal sa Hospital Deposit
4. Pagsasagawa ng Expanded Program on Immunization (EPI)
5. National Dengue Prevention and Control Porgram.

Mga Programang Pang-Edukasyon (Department of Education)

1. Pagkakaloob ng libreng edukasyon.


2. Pagpapatuloy at pagpapabuti ng K-12 Program
3. Pagbibigay ng libreng tuition fee sa kolehiyo
4. Abot-Alam Program
5. Pagpapabuti ng kalagayan ng mga guro.
6. Pagpapatayo ng mga karagdagang paaralan.
Mga Programang Pangkapayapaan (Department of Interior and Local Government)

1. Pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga rebelde at iba pang organisasyong sumasalungat sa


pamahalaan.
2. Pagpapa-igting ng siguridad sa bansa sa pangunguna ng DILG.
3. Pagtuturo ng edukasyong pangkapayapaan o peace education

Mga Programang Pang-ekonomiya

1. Pagpapalaki o pagpapataas ng produksiyon.


2. Pagkakaroon ng moderno at makabagong teknolohiya at impraestraktura
3. Pagpaparami ng industriya at pagpapataas ng antas ng agrikultura.
4. Pagtataas ng bilang ng lakas paggawa
5. Pagkakaloob ng mga trabaho sa mga mamamayan
6. Paglikha ng Special Economic Zone sa maraming lalawigan sa bansa.

Mga Programang Pang-Impraestraktura

1. Mga Expressway
2. LRT at MRT
3. Mga Paliparan
4. Impraestrakturang pangkalusugan
5. Impraestraktura para sap ag-aayos ng mga ilog at daanan ng mga tubig

You might also like