You are on page 1of 5

Iba’t ibang Sangay ng Pamahalaang Pambansa

Aralin 12
 Lehislatura (Tagapagbatas) - Tungkulin nito ay ang paggawa ng baas na ipatutupad sa bansa.
- Maaari nitong palitan o baguhin ang mga naisulat na batas kung kakailanganin sa takdang panahon.
Dalawang Kapulungan na bumubuo sa Lehislatura:
1. Mataas na Kapulungan o Senado
2. Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan.
 Senado - Ito ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) na senador na pinamumunuan ng pangulo ng senado na inihalal
ng mga kapwa senador.
Maninilbihan ang bawat isang senador sa loob ng anim (6) na taon at maaaring ihalal muli ng isa pang beses.
Kwalipikasyon na maaaring maihalal bilang Senador
1. Isang likas na mamamayan ng Pilipinas
2. Hindi bababa sa edad na 35 anyos sa araw ng halalan
3. Nakapagbabasa at nakapagsusulat
4. Isang rehistradong botante
5. Naninirahan sa Pilipinas nang hindi bababa sa dalawang taon bago ang araw ng halalan.
 Kapulungan ng mga Kinatawan - Ito ay binubuo ng higit sa dalawandaang kasapi na pinamumunuan ng Speaker of
the House.
Kwalipikasyon ng magiging Kinatawan
1. Isang likas na mamamayan ng Pilipinas
2. Hindi bababa sa edad na 25 anyos sa araw ng halalan
3. Nakapagbabasa at nakapagsusulat
4. Isang rehistradong botante
5. Naninirahan sa kanyang distrito nang hindi bababa sa isang taon bago ang araw ng halalan.
6. Para sa mga sektoral na kinatawan, maaaring hindi rehistradong botante.
Mga Tungkulin at Kapangyarihan ng Lehislatura (Tagapagbatas)
1. Pagsasabatas ng mga panukala at paggawa ng mga resolusyon na kinakailangan ng panahon.
2. Pag –aapruba sa mga kasunduan na ipinapasok ng bansa sa pamamagitan ng sangay ehekutibo.
3. Maging miyembro ng Commission on Appointments upang suriin at isapinal ang pagtatalaga ng mga opisyal sa
sangay ehekutibo na itinalaga lamang ng pangulo at hindi dumaan sa isang halalan.
4. Pagdedeklara ng digmaan kapag umabot sa dalawang-katlo (2/3) ang mga bumotong pabor dito na magkasama ang
dalawang kapulungan.
5. Magsasagawa ng imbestigasyon sa iba’t ibang isyu na makatutulong sa paggawa ng mga batas.
6. Maglitis sa mga kaso ng katiwalian ng mga inihalal na pinunong pang – ehekutibo, mga hukom ng Kataas-taasang
Hukuman, mga kagawad ng mga Konstitusyonal na Komisyon.
7. Mag-apruba ng taunang badyet ng bansa.
 Ehekutibo (Tagapagpaganap - Tumutugon sa mga pangangailangan ng mga taong nasalanta.
- Nagtatalaga ng mga mapagkakatiwalaang tao sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
- Nagbibigay ng desisyon sa mga isyu at polisiya na hindi mapagkakasunduan ng taong bayan o ng mga ahensiya ng
pamahalaan.
- Magpasa ng panukalang badyet sa Kongreso
Tungkulin ng Pangulo
1. Magbigay sa lehislatura ng mga panukalang batas.
2. Mag-apruba at magpatupad ng batas na ginawa ng lehislatura
3. Magpasa sa kongreso ng panukalang badyet ng bansa para sa isang taon.
 Hudikatura (Tagapaghukom) - Pangasiwaan ang mababang hukuman at bantayan ang tamang serbisyo ng mga
ito.
- Pag-aralan ang mga hatol sa mga parusang kamatayan o panghabang buhay.

Iba’t ibang Ahensiya ng Pamahalaang Pambansa


Aralin 13
Iba’t ibang Paglilingkod ng mga Kagawaran ng Pilipinas
1. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense or DND)
- Ang kagawarang ito ang naatasang tumulong sa pangulo na gamapanan ang pagiging Commander – in – Chief ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
- Ito ay may tungulin na siguruhing mapangangalagaan ang dignidad ng bansa at seguridad ng teritoryo ng Pilipinas
mula sa anumang mga panganib sa loob at labas ng bansa.
Nasa ilalim ng pangangasiwa nito ang kabuuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na binubuo ng:
A. Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army)
–ipinagtatanggol ang bansa sa panahon ng digmaan.
B. Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy)
– nagbabantay sa mga katubigang sakop ng Pilipinas laban sa mga kaaway mula sa ibang bansa.
C. Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Armed Forces)
– nangangalaga sa seguridad ng himpapawirin ng Pilipinas.
D. Nagsisilbing tagapagpasunod ng mga batas sa uong bansa ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine
National Police or PNP) at National Bureau of Investigation (NBI)
2. Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education or DepED)
- Sinisiguro ng kagawarang ito ang kalidad ng edukasyon at direktang pinangangasiwaan nito ang mga paaralang
pampubliko.
- Ang mga programa ng kagawarang ito ay nakahulma sa naisin ng pamahalaan na umusbong pa ang kaalaman ng
mga mag-aaral upang magkaroon ng kakayahan ang mga ito na makipagtagisan at maging handa sa mga hamon ng
nagbabagong mundo.
Mga Programang Pang-edukasyon
A. Edukasyon para sa lahat o Education for all - Nilalayon nito na mapabuti ang sistema ng edukasyon.
B. Alternative Learning System (ALS) - Naglalayong paglingkuran ang mga sektor na hindi kayang abutin ang
tradisyunal na sistema ng edukasyon.
C. Mga iba pang Programa
- patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan.
- Pagsasaayos at pagpapatayo ng mga pasilidad sa paaralan
- Pagkakamit ng 1:1 textbook to pupil ratio
- Pagbibigay ng computer access sa mga pampublikong mataas na paaralan ng buong bansa.
- Pagpapatupad ng programang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GATSPE)
- Pagkakaloob ng pautang at scholarship sa mga mahihirap at magagaling na estudyante.
3. Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health or DOH)
- Naatasan ang kagawarang ito na ipatupad ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pangangasiwa sa mga ospital sa bansa at pagsiguro na matutugunan ang mga pangangailangan sa gamot lalo na sa
panahon ng epidemya at kalamidad.
Mga Programang Pangkalusugan
 Botika ng Barangay
 Doctors to the Barrio Program
 National Dengue Prevention and Control Program
 Ligtas sa Tigdas ang Pilipinas
4. Kagawaran ng Pambansang Pagawain at mga Lansangan (Department of Public Works and Highways or DPWH)
- Ito ang namamahala sa pagpapatayo ng mga tulay, kalsada, mga pampublikong gusali, paliparan, daungan at iba
pang paraan ng paglalakbay.
- Sinisiguro nito na mananatiling matibay ang mga istruktura sa bansa na masisigurong magagamit nang maayos at
ligtas ng mga mamamayan.
5. Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development or
DSWD)
- Ito ang umaagapay sa mga naghigikahos na mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programang panlipunan na
magbibigay dignidad sa kanilang pagkatao tulad ng pagbibigay ng masisilungan, pagbibigay-tulong sa suplay ng
pagkain at iba pa.
- Naatasan din na bigyang-pansin ang mga isyu na sakop ang kapakanan ng mga bata.
6. Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (National Economic and Development Authority or
NEDA)
- Ito ang nagsisiyasat at nagbibigay ng mga rekomendasyon upang mas maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan
sa parehong lokal at kabuuan ng bansa.
- Isinusulong nito ang iba’t ibang pamamaraan na masigurong maayos ang ekonomiya ng bansa.
7. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment or DOLE)
- Pinangangalagaan nito ang mga karapatan ng manggagawa sa anumang uri ng kompanya o industriyang pampubliko
man o pribado.
- Sinisiguro nito na sumasahod nang tama ang mga empleyado.
- Pinangangasiwaan nito ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na pinangangalagaan ang kapakanan
ng mga manggagawang magtatrabaho sa ibang bansa sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
8. Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture or DA)
- Ito ay tumutulong upang maisaayos ang hanapbuhay ng mga magsasaka at mangingisda.
9. Kagawaran ng Pagbabadyet at Pananalapi (Department Budget and Management or DBM)
- Nangangasiwa ang kagawarang ito sa maayos na pagbabahagi ng pondo ng bayan sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at mga kagawaran nito.
10. Kagawaran ng Pagbabadyet at Pananalapi (Department Budget and Management or DBM)
- Nangangasiwa ang kagawarang ito sa maayos na pagbabahagi ng pondo ng bayan sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at mga kagawaran nito.
11. Kagawaran ng Reporma sa Lupa (Department of Agrarian Reform or DAR)
- Naipinatutupad ng kagawarang ito ang Batas ng Reporma s Lupa (CARP).
- Sinisiguro nito ang makatarungang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa pamamagitan ng programang
pangkabuhayan o mga pautang.
12. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry or DTI)
- Pinangangalagaan ng kagawarang ito ang karapatan ng mamimili, binabantayan ang presyo ng mga bilihin at
isinasaayos ang kabuuang aspeto ng pangangalakal sa loob ng bansa.
Mga Paglilingkod ng iba pang Kagawaran
1. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs or DFA) - Ito ang naatasang isulong ang interes
ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa.
2. Kagawaran ng Gawaing Panloob at Pamahalaang Lokal (Department of Interior and Local Government or DILG) - Ito
ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga polisiya sa seguridad at kaayusan sa loob ng bansa sa pamamagitan ng
paghawak sa puwersa ng kapulisan.
3. Kagawaran ng Katarungan (Department of Justice or DOJ) - Ito ang naatasang tumulong sa sangay Ehekutibo na
ipatupad ang batas at umasikaso sa mga isyung ligal na kinasasangkutan ng pamahalaan.
4. Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance or DOF) - Pinangangasiwaan nito ang maayos na paggamit ng
kaban ng bayan na nagmumula sa mga buwis ng mga mamamayan.
5. Kagawaran ng Transportasyon (Department of Transportation) - Pinangangasiwaan nito ang programa, pakikipag-
uganayan at pagsasakatuparan ng mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang sistema ng serbisyo ng transportasyon.
6. Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon (Department of Information and Communications
Technology or DICT) - Pinangangalagaan nito ang plano, polisiya at pagpapabuti ng public access sa impormasyon at
sistema ng komunikasyon.
7. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman - (Department of Environment and Natural Resources or DENR) -
Naatasan ito na siguruhing napangangalagaan ang kapaligiran at nagagamit nang tama at sapat lamang ang mga likas
na yaman ng bansa.
8. Kagawaran ng Enerhiya (Department of Energy or DOE) - Pinangangalagaan nito ang mga pinagkukunan ng
enerhiya ng bansa tulad ng langis, uling at maging tubig at iba pa.
- Sinisiguro din nito na tama at patas ang pagbabahagi ng enerhiya ng bansa sa mga mamamayan.
9. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology or DOST) - Upang makasabay ang
bansa sa mundo na hinuhulma ng mabilis na mga pagbabago sa mundo ng agham at teknolohiya
10. Isinusulong nito ang mas pinag-ibayong kaalaman sa mundo ng agham na inaasahang magbigay-solusyon sa mga
suliraning pang-ekonomiy at pangkabuhayan ng mga mamamayan.
11. Kagawaran ng Turismo (Department of Tourism or DOT) - Ito ay may tungkuling itaguyod ang turismo sa bansa na
isa sa mga industriyang nagpapasok ng malaking kita sa pamahalaan at panatilihing maganda at kaaya-aya ang iba’t
ibang tanawin sa ating kapuluan.
Aralin 14
Katangian ng Mabuting Pinuno
Pinuno - ang nagbibigay-direksyon sa kahihinatnan ng bansa at buhay ng bawat tao.
 Mahalaga na ang pinuno ay huwaran sa pagsunod sa batas at makatarungan.
 Makabayan ang isang pinuno
 May kakayahang manghikayat sa mga mamamayan na sumunod, tumangkilik at tanggapin ang mga batas at
polisiya ng pamahalaan nang hindi dinaraan sa pananakot at dahas.
 Ang mabuting pinuno ay marunong makinig sa mga opinyon ng iba, maging ito’y magsilbing pagpuna sa kanyang
mga pamamaraan.
 Mapagpakumbaba, magiliw at higit na pinahahalagahan ang maliliit at karaniwang tao.
 Matalino, masipag, at tapat upang makatugon sa mga pangangailangan ng mga tao at mapaunlad ang kanilang
nasasakupan.
 May disiplina sa sarili, may pananagutan, o responsable, makaDiyos, makatao, makakalikasan at makabansa ang
ibang katangian ng isang mabuting pinuno.

You might also like