You are on page 1of 2

YUNIT III

ARALIN I - ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN AT KAPANGYARIHAN NG SANGAY NITO

PAMAHALAAN – ay samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na


naglalayong magtatatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.

Pamahalaan ng Pilipinas – pambansang pamahalaan ng ating bansa.

- Sistemang presidensyal at demokratiko. Pinamumumuan at


pinamamahalaan ng isang Pangulo na siyang pinuno ng bansa katuwang
ang pangalawang pangulo.

Tatlong Sangay ng Pamahalaan ng PIlipinas

1.Sangay ng Tagapagbatas o Lehislatibo - ito ay nasa kapangyarihan ng Kongreso. Ang bumubuo ng


Kongreso ang gumagawa ng batas.

Dalawang Kapulungan ng Sangay ng Tagapagbatas

A. Senado – ang mataas na kapulungan


B. Kapulungan ng mga Kinatawan - mababang kapulungan

Mga Gawain ng Sangay ng Tagapagbatas

1.Pagsasagawa ng mga imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa mga gagawing batas.

2. Nagsasaysay na ang bansa ay nasa estado ng pakikipagdimaan.

3.Maaari ding pagkalooban ng Kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para maisakatuparan ang

Pambansang patakaran.

4. Sa Sangay ng Tagapagbatas din dumadaan ang pagsusuri ng pambansang badyet ng bansa.

Ang kapulungan ng Sangay ng Tagapagbatas ay mayroon ding espesyal na kapangyarihan.

Ang pagpapatibay ng mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa ay isang kapangyarihan ng Senado.

Ang pagsasampa ng impeachment o pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal ay kapangyarihan


ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

2.Sangay ng Tagapagpaganap o Ehekutibo - nasa pamumuno ng Pangulo. Kaagapay niya sa papapatupad


ng batas ang Gabinete na binubuo ng mga Kalihim ng iba’t ibang ahensya.

Mga Gawain ng Sangay Tagapagpaganap

- tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipatutupad upang mapangalagaan

ang kapakanan ng mga mamamayan.

-batay sa Konstitusyon alinsunod sa Konstitusyon sa Paghirang, ang Pangulo ang may


kapangyarihan na humirang ng mga pinuno ng kagawaran, embahador, konsul, mga ranggong

colonel sa sandatahang lakas at iba pang mga opisyal ayon sa isinasaad ng Konstitusyon.

Pangulo - ang punong komander ng sandatahang lakas ng bansa.

-maaari niyang iatas ang pagsupil sa anumang karahasan, pananalakay ,o paghihimagsik .

- maaari niyang isailalim ang bansa sa batas militar.

- taglay din ng Pangulo ang veto power o ang kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang

batas na ipinasa ng Kongreso

-Siya rin ang pumipili ng punong mahistrado (Chief Justice) ng Korte Suprema (Supreme Court),

gayundin sa mababang hukuman , mula sa talaan ng Judicial Bar Council.

3. Sangay ng Tagapaghukom o Hudikatura – ang kapangyarihang panghukuman ay nasa ilalim ng Kataas-

Taasang Hukuman o Korte Suprema at mabababang hukuman.

Korte Suprema - dito dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang

desisyon ng mabababang hukuman.

-dito rin dumudulog ang dalawang sangay ng pamahalaan kung may tanong

tungkol sa legalidad ng batas.

BAKIT MAHALAGA ANG PAMBANSANG PAMAHALAAN?

Ito ay mahalaga dahil ito ang nangunguna sa pagbalangkas ng pamamaraan ng pamamalakad at


pamamahala sa bansa.

-Ito rin ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa bansa.

-Ang pambansang pamahalaan din ang bumubuo ng mga programa sa iba’t ibang larangan na

karaniwang nababatay sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

-Tinitiyak din ng pambansang pamahalaan na maunlad ang ekonomiya ng bansa kung kaya ang

Pamahalaan din ang nangangasiwa ng pambansang badyet.

-Tinitiyak din nito na ang karapatan ng mga tao ay napapangalagaan sa pamamagitan ng mga
serbisyong pangkabuhayan, pangkalusugan, pangkultura, pansibil at pampolitika.

Kahit nasa labas ng bansa ang mamamayang Pilpino, may mga paraan ang pamahalaan upang tiyakin
ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala.

You might also like