You are on page 1of 32

ANG PAMBANSANG

PAMAHALAAN AT
KAPANGYARIHAN NG
SANGAY NITO
LAYUNIN:

• Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.


• Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong
sangay ng pamahalaan (ehekutibo, lehislatura at
hudikatura).
• Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng
pambansang pamahalaan. AP4PAB-III-a-1
• Balik-Aral sa Nakaraang Aralin:
Ano ang kahulugan ng salitang
Pamahalaan?

Para sa iyo, mahalaga ba ang


Pamahalaan? Bakit?
Ano ang kahulugan ng salitang Pamahalaan?

• Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may


kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang
nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay
ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng
nasasakupang teritoryo. Sa makatuwid, ito ay isang institusyong
kumikilos upang maisakatuparan ang lahat ng mga adhikain ng
bansa at ng mga mamamayan.
 Ano- ano ang mga paghahanda sa sarili na dapat isaalang-
alang ng isang namumuno upang maging maayos ang kanyang
pangangatawan?
 Ano- ano ang mga proyektong ipinatutupad ng ating
pamahalaan upang maging malinis at ligtas ang ating
kapaligiran?
 Ano ang masasabi mo sa ating pamahalaan sa panahon ng
pandemyang ating hinaharap? Magbigay ng mga dahilan kung
bakit mo nagustuhan ang kasalukuyang administrasyon.
Ating Tandaan:
• Mahalin at ating igalang ang mga namumuno
sa ating bansa. Ipagdasal natin sila na nawa ay
gabayan sila ng ating Panginoong Hesus sa
kanilang mga desisyon at pagpapasya lalo na
ngayong may malaking suliraning kinahaharap
ang buong mundo dahil sa sakit na dulot ng
Covid-19.
• Napakahalaga para sa isang bansa ang
isang pambansang pamahalaan dahil ito
ang nangunguna sa pagbabalangkas ng
pamamaraan ng pamamalakad at
pamamahala sa bansa. Gayundin ito ang
namumuno sa pagpapatupad ng mga
programa at proyekto para sa mga
nasasakupan nito.
Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong
Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at
nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.
• Ang Pilipinas ay isang republikang may pampanguluhang anyo
ng pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang
kapangyarihan sa tatlong sangay nito: ehekutibo, lehislatibo, at
hudikatura.
• Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang sistema ng
pamahalaan ay ang prinsipyo ng paghahati ng kapangyarihan,
kung saan nasasailalim sa Kongreso ang paggawa ng mga
batas, nasasailalim sa Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga ito,
at nasasailalim sa Hudikatura ang pagpapasya sa mga
kontrobersiyang legal.
Ang mga Sangay ng Ating Pamahalaan
Ang Sangay ng Tagapagpaganap (Ehekutibo)
Ang Sangay ng
Tagapagpaganap ang may
tungkulin na naglalayong
ipatupad ang mga batas ng bansa
upang mapangalagaan ang
kapakanan ng bawat mamamayan.
Ang tungkuling ito ay nakaatas sa
Pangulo, Pangalawang Pangulo,
at mga kasapi ng Gabinete na
binubuo ng mga kalihim ng iba’t-
ibang ahensiya ng ating
pamahalaan. Ang Pangulo ay
inihalal na mamuno ng anim (6)
na taon at hindi maaaring mahalal
ulit bilang Pangulo.
•Alinsunod sa Konstitusyon, kapangyarihan ng Pangulo ang humirang
ng mga kalihim ng bawat ahensiya, kasama na ang embahador, konsul at
iba pang mga opisyal na isinasaad ng Saligang Batas. Bilang punong
Kumander ng Sandatahang Lakas, kung kakailanganin ay maaaring iatas
ng Pangulo ang pagsupil sa anumang karahasan, pananalakay o
paghihimagsik at isailalim ang bansa sa batas militar. Taglay rin ng
Pangulo ang veto power o kapangyarihang tanggihan ang isang
panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Siya rin ang pumipili ng
punong mahistrado ng Korte Suprema, gayundin sa mababang hukuman,
mula sa talaan ng Judicial and Bar Council.
•Anu-ano ang dalawang uri ng
kapulungang bumubuo sa sangay
na tagapagbatas?
•Sinu-sino ang mga bumubuo sa
Mataas na Kapulungan?
Ang mga Sangay ng Ating Pamahalaan
Ang Sangay ng Tagapagbatas (Lehislatura)
Ang Sangay ng
Ang Senado Tagapagbatas ang may
tungkulin na gumawa, bumuo,
at magpatibay ng mga batas.
Isa itong lupong bikameral na
binubuo ng Mataas na
Kapulungan, ang Senado, at ang
Mababang Kapulungan, ang
Kapulungan ng mga Kinatawan
o Kongreso. Binubuo ng
dalawamput apat (24) na
Senador ang Senado, inihalal
ang kalahati nito bawat tatlong
taon. Sa gayon naglilingkod ang
bawat Senador sa loob ng anim
na taon.
•Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng
hindi lalagpas sa dalawang daan at limampung (250)
mambabatas. May dalawang uri ng mga mambabatas:
ang pandistrito at ang pansektor na mga kinatawan.
Kinakatawan ng isang pandistritong mambabatas ang
isang partikular na heograpikong distrito ng bansa.
Binubuo ng isa o higit pa na distritong kongresyunal
ang lahat ng mga lalawigan sa bansa. May mga sarili
ding mga distritong kongresyunal ang ilang mga
lungsod, kasama ang ibang lungsod na may dalawa o
higit pang kinatawan.
Ang mga Sangay ng Ating Pamahalaan
Ang Sangay ng Tagapagbatas (Lehislatura)
Kinakatawan naman ng
Ang Kongreso pansektor na mambabatas ang
minoryang sektor ng populasyon na
sa kasalukuyan ay mayroong
animnapung (60) bilang. Binibigyan
ng pansin ang mga pangkat ng
minorya na ito upang magkaroon ng
kinatawan sa kongreso, kung
sakaling hindi maayos ang kanilang
representasyon sa pamamagitan ng
distritong kinatawan. Kilala rin
bilang kinatawang party list,
kinakatawan ng mga pang-sektor na
mambabatas ang mga unyon ng
manggagawa, pangkat na
nagsusulong ng mga karapatan, at
iba pang kapisanan.
•Maliban sa paggawa ng batas ay nakasalalay rin sa
Kongreso ang pagsasagawa ng imbestigasyon at
pananaliksik para makatulong sa mga gagawing batas at
ang pagsuri sa pambansang badyet, kabilang nito ang
espesyal na kapangyarihan. Halimbawa, ang
pagpapatibay ng mga kasunduan ng Pilipinas sa
ibang bansa ay kapangyarihan ng Senado at ang
pagsasampa naman ng kasong impeachment o
pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal ay
kapangyarihan ng Kongreso.
Ang mga Sangay ng Ating Pamahalaan
Ang Sangay ng Tagahukom (Hudikatura)
Ang Sangay ng Tagapaghukom
ay pinangungunahan ng Korte
Suprema na may kapangyarihan na
nagbibigay interpretasyon ng batas
at litisin ang mga kaso at gawaing
labag sa batas. Ang Kataas-taasang
Hukuman o Korte Suprema ay
binubuo ng punong mahistrado at
labing apat (14) pang kasamahang
mahistrado na pawang hinirang.
Dito dumudulog ang sinumang tao
na hindi sumasang-ayon sa anumang
desisyon ng mababang hukuman,
maging ang dalawang sangay ng
pamahalaan kung may tanong
tungkol sa legalidad ng batas.
•Ang pamahalaan ay bumubuo ng mga programa sa iba-
ibang larangan na karaniwang nababatay sa mga pangunahing
pangangailangan ng bawat mamamayan. Tinitiyak nito na
maunlad ang ekonomiya ng bansa, kaya ito rin ang
nangangasiwa ng pambansang badyet. Siniseguro rin ng
pambansang pamahalaan ang karapatan ng bawat mamamayan
ay napapangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga
serbisyong pangkabuhayan, pangkalusugan, pangkultura,
pansibil at pampulitika. Kahit nasa labas ng bansa ang isang
mamamayang Pilipino ay may kaparaanan ang pamahalaan
upang tiyakin ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala.
Para sa iyo, mahalaga ba ang
Pamahalaan? Bakit?
Ano ang maaring mangyari sa isang bansa
kung walang pamahalaan?
May kapayapaan ba at kaunlaran ang isang
bansa kung walang pamahalaan?
Umisip ng isang bagay o
ideya na maaring ihalintulad
sa pamahalaan,ipaliwanag
kung bakit.
Ano ang kahulugan ng
pamahalaan? Sagutin ng pasalita
sa anyo ng tula.
Dapat bang igalang ang ating pamahalaan?
Bakit? Paano?
Bakit mahalaga sa ating buhay ang
pagkakaroon ng pambansang pamahalaan?
Paano mo maipakikita ang iyong
pagmamalasakit sa ating pamahalaan?
Karagdagang Gawain
Gawain 1
•Ipakita sa pamamagitan ng
dula-dulaan ang kahalagahan
ng pambansang pamahalaan.
Gawain 2
Ano ang kahulugan ng
pamahalaan? Sagutin nang
pasalita sa anyo ng tula o awit.
Gawain 3
•Iguhit ang Malacañang Palace at
ibigay ang kahalagahan nito sa
ating bansa.
Paglalahat:

Ang pamahalaan ay isang samahan o


organisasyong politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang sibilisasyong
lipunan.
Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang
namumuno sa pagtupad ng mga programa para sa
nasasakupan.
Paglalahat:

Ang pambansang pamahalaan ay binubuo ng sangay


na tagapagpaganap, sangay na tagapagbatas, at sangay
na tagapaghukom.Ang sangay na tagapagpaganap ang
nagpapatupad ng mga batas.
• Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na
sangay: ang tagapagbatas, tagapagpaganap, at
tagapaghukom. May kanya-kanyang kapangyarihan
ang bawat sangay na nakapaloob sa Saligang Batas ng
Pilipinas.
Maikling Pagsusulit:
Test I:
Panuto: Ilagay sa patlang ang tsek ( / ) kung tama ang kaisipan at
ekis ( x ) kung mali.
___1. Ang pamahalaan ay binubuo ng isang grupo ng tao
lamang.
___2. Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na
sangay.
___3. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang Pangulo.
___4. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring pambanasang
pamahalaan.
___5. Ang pamahalaan ay isang organisasyong politikal.
Maikling Pagsusulit:
Panuto: Maari mo bang tukuyin kung sa anong sangay ng pamahalaan napabilang ang mga
sumusunod na kapangyarihan na nakatala sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng katumbas na kasagutan
na makikita sa kahon.
a. Sangay na Tagaganap
b. Sangay na Tagapagbatas
c . Senado
d. Kongreso
e. Sangay na Tagapaghukom
_______1. Ito ang tinatawag na mataas na kapulungan.
_______ 2. Ano itong tinagurian na mababang kapulungan?
_______3. Ito ang sangay ng pamahalaan na binubuo ng mataas at mababang
kapulungan.
_______4. Ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay kahulugan sa mga batas ng bansa.
_______5. Ang sangay ng pamahalaan na ito ay ang nagpapatupad ng mga batas ng
bansa.
Karagdagang Gawain
Panuto: Ipaliwanag ang inyong sariling
pananaw at damdamin sa sumusunod na
sitwasyon.
Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng pambansang pamamahalaan?
Karagdagang Gawain
Panuto: Ipaliwanag ang inyong sariling
pananaw at damdamin sa sumusunod na
sitwasyon.
• Maari mo bang ipaliwanag ang istruktura ng
ating pamahalaan at ang mga kapangyarihan na
kaakibat ng bawat sangay nito?
Takdang- Aralin:
Alamin kung sinu-sino ang
kasalukuyang pinuno ng bawat
sangay ng pamahalaan.Isulat ito sa
kwaderno.

You might also like