You are on page 1of 19

Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang.

Isulat sa inyong “Show Me” Board

ang FACT kung ito ay nagpapahayag tungkol sa pamahalaan at BLUFF naman kung

hindi.

1. Ang kapangyarihan ng isang pinuno o opisyal sa ating bansa ay maaring maipasa

sa isang kamag-anak.
2. Ang mga batas, programa at proyekto ay pinangangasiwaan ng pamahalaan.
3. Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng bansang Pilipinas.
4. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan.
5. Tinutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga tao.
6. Prime Minister ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng pamahalaan ng Pilipinas.
7. Hindi kaya ng pamahalaan na panatilihin ang kaayusan ng bansa at hindi kayang

tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.


8. Pinapayaman ng pamahalaan ang mga pinuno ng pamahalaan.
9. Pinapanatili ng pamahalaan ang pambansang kaligtasan sa anumang panganib.
10. Pinapangalagaan ng pamahalaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

BALANGKAS O ISTRUKTURA NG

PAMAHALAAN

ni: John Albert M. Olivares


Ang pamahalaan ay may tatlong
magkakaugnay na mga sangay. Ito rin
ay may kapangyarihan na magbigay
ng mga pangangailangan ng mga
mamamayan ng nasasakupang
teritoryo: ang tagabagbatas,
tagapagpaganap, at tagpaghukom.
Tinatawag din ang mga sangay na ito
ay lehislatibo, ehekutibo, at
hudikatura.
Ano ang Pamahalaan?

Ang pamahalaan ng Pilipinas


“Ang Pilipinas ay isang

demokratiko at republikanong

Estado. Nasa mga mamayan

ang kapangyarihan nito at

nagmumula sa kanila ang

buong pamumunuan ng

pamahalaan.
Ang Pilipinas ay isang republikang may
pampanguluhang anyo ng pamahalaan
kung saan pantay na nahahati ang
kapangyarihan sa tatlong sangay nito. Isang
mahalagang bunga ng pampanguluhang
sistema ng pamahalaan ay ang prinsipyo ng
Artikulo II,

paghahati ng kapangyarihan, kung saan


nasa ilalim sa Kongreso ang paggawa ng Seksyon 1 ng

mga batas, nasa ilalim sa Ehekutibo ang 1987 Constitution


pagpapatupad ang mga ito, at nasa ilalim
sa Hudikatura ang pagpapasya sa mga
kontrobersiyang legal.
Ang pamahalaan ay may tatlong
magkakaugnay na mga sangay. Ito rin
ay may kapangyarihan na magbigay
ng mga pangangailangan ng mga
mamamayan ng nasasakupang
teritoryo: ang tagabagbatas,
tagapagpaganap, at tagpaghukom.
Tinatawag din ang mga sangay na ito
ay lehislatibo, ehekutibo, at
hudikatura.
SANGAY NA TAGAPAGBATAS
Ang Sangay na Tagapagbatas o ang Ang mga kapulungan ng sangay na
Kongreso ang gumagawa ng mga batas tagapagbatas ay may mga espesyal
ng bansa. May dalawang kapulungan ang na kapangyarihan. Ang pagpapatibay
Sangay na Tagapagbatas: ang Mataas na ng mga kasunduaan ng Pilipinas sa
Kapulungan at ang Mababang ibang bansa ay isang kapangyarihan
Kapulungan. Ang Senado ay ang Mataas
ng Senado. Kapangyarihan naman ng
na Kapulungan at ang Mababang
Kapulungan ng Kinatawan ang
Kapulungan. Ang Senado ay ang Mataas
pagsampa ng kasong impeachment o
na Kapulungan at ang Kapulungan ng
pagkatanggal sa puwesto ng mataas
mga Kinatawan ay ang mababang
kapulungan. Bukod sa paggawa ng mga na opisyal.
batas, nakasalalay rin sa Kongreso ang
pagsasagawa ng mga imbestigasyon at
pananaliksik para makatulong sa
kanilang mga gagawing batas.
SANGAY NA TAGAPAGPAGANAP
Ang Sangay na Tagapagpaganap Batay sa Konstitusyon, ang Pangulo,
ang tumitiyak na ang mga batas alinsunod sa pagsang-ayon ng Komisyon
na ginawa ng Kongreso ay sa Paghirang, ang may kapangyarihang
humirang ng mga puno ng mga
naipatutupad upang alagaan ang
kagawaran, embahador, konsul, may
kapakanan ng mga mamamayan. ranggong colonel sa sandatahang lakas.
Pinamumunuan ng Pangulo ang Taglay rin ng Pangulo ang veto power o
sangay na ito. Kaagapay niya sa kapangyarihang tanggihan ang isang
pagpapatupad ng mga batas ang panukalang batas na ipinasa ng
Gabinete na binubuo ng mga Kongreso.

Kalihim ng iba’t ibang ahensiya.

SANGAY NA TAGAPAGHUKOM
Sa Korte Suprema dumudulog ang
Ang Sangay na Tagapaghukom
sinumang tao na hindi sumasang-
ang sangay na nagbibigay ng
ayon sa anumang desisyon ng
interpretasyon ng batas. Ang
mabababang hukuman, maging ang
kapangyarihang panghukuman ay
dalawang sangay ng pamahalaan
nasa ilalim ng Kataas-taasang
kung may tanong tungkol sa
Hukuman o Korte Suprema at
legalidad ng batas.
mabababang hukuman.

Ano ang maaring mangyari


sa ating pamahalaan kung
ang mga namumuno ng
mga sangay ay
magmamalabis sa kanilang
kapangyarihan?
Ano ang pamahalaan?

Ano ang tatlong sangay ng

pamahalaan?

Ano ang mga

ginagampanan ng tatlong

sangay ng pamahalaan?
Ano ang pamahalaan?

Ano ang tatlong sangay ng

pamahalaan?

Ano ang mga

ginagampanan ng tatlong

sangay ng pamahalaan?
GAWAIN SA PAGKATUTO:
Panuto: Piliin ang tamang sagot ng mga tanong sa ibaba sa kahon

at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

A. Sangay na Tagapagbatas
B. Sangay na Tagapagpatupad
C. Sangay na Tagapaghukom

____1. Gumagawa ng batas Pambansang Pamahalaan


____2. Nilulutas ang mga sigalot sa Lipunan
____3. Namamahala sa pamahalaan
____4. Binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo
____5. Tagahukom
____6. Mga Senado at Kongreso
____7. Nagpapasiya sa mga nang-aabuso
____8. Binubuo ng Korte Suprema at mababang Hukuman
___9. Pinamumunuan ng Pangulo ang sangay na ito.
____10. Binubuo ng mga Kalihim at Gabinete

Ang hindi marunong


lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa
paroroonan.
Dr. Jose P. Rizal

You might also like