You are on page 1of 11

1/10

ARALING PANLIPUNAN IV

ARALING PANLIPUNAN IV
Script Writer: AQUIDA P. SANI
Objectives:
Modyul 1
1. Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng
Pilipinas.
• Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa at
lokal)
• Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.
• Natatalakay ang pagpili at ang kaakibat na kapangyarihan
ng mga namumuno ng bansa.
Modyul 2
1. Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng

Pilipinas.
• Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa at lokal)
• Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.
• Natatalakay ang pagpili at ang kaakibat na kapangyarihan
ng mga namumuno ng bansa.

SEGMENT 1: INTRODUCTION

OBB: INSERT SCHOOL PROGRAM ID 910 SECS


MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA: Magandang, magandang, magandang araw sa lahat ng mga mag-aaral


mula sa ikaapat na baitang maging sa ating mga masisipag na magulang. Tayo
ngayon ay nakatutok LIVE sa ating istasyon 96.2 TAMBulls FM radyo ng
karunungan, radyo ng bayan, Kalilangan West District.Ako po ang inyong
teacher on air para

2/10
ARALING PANLIPUNAN IV

sa asignaturang Araling Panlipunan, ang inyo pong lingkod, binbining Aquida


P. Sani ng Pamotolon Elementary School.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA :

Handa na ba ang lahat sa ating aralin sa araw na ito? Kung gayon bawat
isa sa atin ay pinapayuhang kong manatili sa isang komportableng lugar habang
nakikinig ng mabuti sa ating radyo ng karunungan, radyo ng bayan.
Pansamantalang itabi muna ang inyong mga laruan at ituon ang inyong
atensyon sa ating aralin sa hapong ito.

Mga bata ihanda natin ang ating modyul sa araling panlipunan ng


ikatlong markhan mula unang modyul hanggang sa ikaapat na modyul at higit
sa lahat maghanda rin ng papel at panulat. Uulitin ko ihanda natin ang ating
modyul sa araling panlipunan ng ikatlong markhan mula unang modyul
hanggang sa ikaapat na modyul at higit sa lahat maghanda rin ng papel at

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


panulat

TOA:
Mga bata buksan na natin ang ating unang modyul na may pamagat na
Ang Pamamahala sa Aking Bansa. Tara buklatin natin ang pahina 9 at ating
simulang pag-aralan ang Pambanasang Pamahalaan at Ang Kahalagahan Nito.

Sa nakaraang yunit ay natutunan mo ang tungkol sa lipunan,


kultura at ekonomiya ng ating bansa. Kaakibat nito ang kahalagahan ng
lipunan bilang yunit na kinabibilangan mo, natin at ng bawat
mamamayang Pilipino. Napag-alaman mo rin ang kultura ng ibat-ibang
rehiyon, na lalong nagpayaman sa ating sariling kultura at humubog sa
atin bilang mga Pilipino.

3/10
ARALING PANLIPUNAN IV

Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may


kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang
teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Sa
makatuwid, ito ay isang institusyong kumikilos upang maisakatuparan
ang lahat ng mga adhikain ng bansa at ng mga mamamayan.
Napakahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang
pamahalaan dahil ito ang nangunguna sa pagbabalangkas ng
pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa. Gayundin, ito
ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa
mga nasasakupan nito.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:

Mga bata ating ipagpatuloy ang masayang talakayan sa pahina 11.


Tuklasin natin ang mga sangay ng ating pamahalaan.

Ang unang sangay ay ang Sangay ng Tagapagpaganap o Ehekutibo.

Ang Sangay ng Tagapagpaganap ang may tungkulin na


naglalayong ipatupad ang mga batas ng bansa upang mapangalagaan ang
kapakanan ng bawat mamamayan. Ang tungkuling ito ay nakaatas sa
Pangulo, Pangalawang Pangulo, at mga kasapi ng Gabinete na binubuo
ng mga kalihim ng iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalaan. Ang
Pangulo ay inihalal na mamuno ng anim (6) na taon at hindi maaaring
mahalal ulit bilang Pangulo.

Alinsunod sa Konstitusyon, kapangyarihan ng Pangulo ang


humirang ng mga kalihim ng bawat ahensiya, kasama na ang
embahador, konsul at iba pang mga opisyal na isinasaad ng Saligang
Batas. Bilang punong Kumander ng Sandatahang Lakas, kung
kakailanganin ay maaaring iatas ng Pangulo ang pagsupil sa anumang
karahasan, pananalakay o paghihimagsik at isailalim ang bansa sa batas
militar. Taglay rin ng Pangulo ang veto power o kapangyarihang
tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Siya rin
ang pumipili ng
4/10
ARALING PANLIPUNAN IV

punong mahistrado ng Korte Suprema, gayundin sa mababang


hukuman, mula sa talaan ng Judicial and Bar Council.

Ikalawang Sangay: Ang Sangay ng Tagapagbatas (Lehislatura)

Ang Sangay ng Tagapagbatas ang may tungkulin na gumawa,


bumuo, at magpatibay ng mga batas. Isa itong lupong bikameral na
binubuo ng Mataas na Kapulungan, ang Senado, at ang Mababang
Kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Kongreso. Binubuo
ng dalawamput apat (24) na Senador ang Senado, inihalal ang kalahati
nito bawat tatlong taon. Sa gayon naglilingkod ang bawat Senador sa
loob ng anim na taon. Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng
hindi lalagpas sa dalawang daan at limampung (250) mambabatas. May
dalawang uri ng mga mambabatas: ang pandistrito at ang pansektor na
mga kinatawan. Kinakatawan ng isang pandistritong mambabatas ang
isang partikular na heograpikong distrito ng bansa. Binubuo ng isa o
higit pa na distritong kongresyunal ang lahat ng mga lalawigan sa bansa.
May mga sarili ding mga distritong kongresyunal ang ilang mga
lungsod, kasama ang ibang lungsod na may dalawa o higit pang
kinatawan.
Kinakatawan naman ng pansektor na mambabatas ang minoryang
sektor ng populasyon na sa kasalukuyan ay mayroong animnapung (60)
bilang. Binibigyan ng pansin ang mga pangkat ng minorya na ito upang
magkaroon ng kinatawan sa kongreso, kung sakaling hindi maayos ang
kanilang representasyon sa pamamagitan ng distritong kinatawan. Kilala
rin bilang kinatawang party list, kinakatawan ng mga pang-sektor na
mambabatas ang mga unyon ng manggagawa, pangkat na nagsusulong
ng mga karapatan, at iba pang kapisanan.
Maliban sa paggawa ng batas ay nakasalalay rin sa Kongreso ang
pagsasagawa ng imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa mga
gagawing batas at ang pagsuri sa pambansang badyet, kabilang nito ang
espesyal na kapangyarihan. Halimbawa, ang pagpapatibay ng mga
kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa ay kapangyarihan ng Senado at
ang pagsasampa naman ng kasong impeachment o pagkatanggal sa
puwesto ng mataas na opisyal ay kapangyarihan ng Kongreso.
5/10
ARALING PANLIPUNAN IV

Ang Ikatlong Sangay: Sangay ng Tagahukom (Hudikatura)


Ang Sangay ng Tagapaghukom ay pinangungunahan ng Korte
Suprema na may kapangyarihan na nagbibigay interpretasyon ng batas
at litisin ang mga kaso at gawaing labag sa batas. Ang Kataas-taasang
Hukuman o Korte Suprema ay binubuo ng punong mahistrado at labing
apat (14) pang kasamahang mahistrado na pawang hinirang. Dito
dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang
desisyon ng mababang hukuman, maging ang dalawang sangay ng
pamahalaan kung may tanong tungkol sa legalidad ng batas.
Ang pamahalaan ay bumubuo ng mga programa sa iba-ibang
larangan na karaniwang nababatay sa mga pangunahing
pangangailangan ng bawat mamamayan. Tinitiyak nito na maunlad ang
ekonomiya ng bansa, kaya ito rin ang nangangasiwa ng pambansang
badyet. Siniseguro rin ng pambansang pamahalaan ang karapatan ng
bawat mamamayan ay napapangalagaan sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan, pangkalusugan,
pangkultura, pansibil at pampulitika. Kahit nasa labas ng bansa ang
isang mamamayang Pilipino ay may kaparaanan ang pamahalaan upang
tiyakin ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Mga bata nasiyahan ba kayo sa mga bagong kaalamang inyong
natutunan. Kayrami pala nating dapat alamin sa ating bansa, at bilang tayo ay
mabubuti at responsableng mamamayan ng bansang Pilipinas nararapat
lamang na ating isapusong alamin ang mga mahahalagang konsepto tungkol
sa ating bansa.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Tara mga bata muling buklatin ant ating modyul sa pahina 16 at
ating sagutan ang isaisip.
Basahin natin ang Panuto: Panuto: Maari mo bang tukuyin kung sa
anong sangay ng pamahalaan napabilang ang mga sumusunod na

6/10
ARALING PANLIPUNAN IV

kapangyarihan na nakatala sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng katumbas na


kasagutan na makikita sa kahon.

a. Sangay na Tagaganap d. Kongreso


b. Sangay na Tagapagbatas e. Sangay na Tagapaghukom
c. Senado

1. Ito ang tinatawag na mataas na kapulungan.

2. Ano itong tinagurian na mababang kapulungan?

3. Ito ang sangay ng pamahalaan na binubuo ng mataas at mababang


kapulungan.

4. Ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay kahulugan sa mga batas ng


bansa.

5. Ang sangay ng pamahalaan na ito ay ang nagpapatupad ng mga batas


ng bansa.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


Mga bata hindi bat nakatutuwa na kahit papaano ay may
natutunan kayong isang mahalagang kaalaman tungkol sa ating
minamahal na bansang Pilipinas? Kaya ituloy-tuloy natin ito sa
ikalawang modyul na may pamagat na “Antas ng Pamahalaan at Ang
Mga Namumuno Nito:.
Buksan natin ang modyul na ito sa Pahina 8 Aralin 2 Antas ng
Pamahalaan at Ang Mga Namumuno nito. Uulitin ko buksan natin ang
modyul na ito sa Pahina 8 Aralin 2 Antas ng Pamahalaan at Ang Mga
Namumuno nito.
Ating napag-alaman na ang pamahalaan ay isang
organisasyong daluyan ng pamamahala at kapangyarihan ng estado.
Ito rin ang nagmamalasakit sa mga mamamayan at mga taong
kanyang nasasakupan. Ito ay may kakayahang magpaunlad ng isang
lipunan,

7/10
ARALING PANLIPUNAN IV

gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. Ito rin ang


nangangalaga sa kaayusan ng lipunan upang maisakatuparan ang mga
programa nito sa pag-tugon ng anumang panganagilangan ng bawat
mamayang Pilipino.
Ang antas ng ating pamahalaan ay nahahati sa dalawa: ang
lokal at ang pambansang antas. Nasasakupan ng pambansang antas
ang buong bansa na kinabibilangan ng tatlong sangay ng pamahalaan.
Saklaw naman ng pamahalaang lokal ang mga lalawigan, lungsod,
bayan at mga barangay.
Tara mga bata, samahan ninyo akong tuklasin ito, kung kaya
ating buklatin ang ating modyul sa pahina 10 hanggang 12.
Ang Antas ng Pamahalaang Pilipinas.
Pamahalaang Pambansa

Ang kapangyarihan ng isang pambansang pamahalaan ay


sumasaklaw sa buong teritoryo ng estado na kinabibilangan ng
tatlong sangay ng pamahalaan na ating natalakay sa nakaraang
aralin.
Ang Sangay ng Ehekutibo ay ang tagapagpatupad ng batas at
pinamumunuan ng Pangulo o Presidente ng ating bansa.

Lehislatibo ang tagagawa ng batas o tinatawag na


mambabatas- Senado at kapulungan ng mga kinatawan.

Hudisyal ang tagapaghatol na binubuo ng mga hukuman at


ang korte suprema.

Pamahalang Lokal

Ang kapangyarihan ng lokal na gobyerno ay nalilimitahan ng


umiiral na batas. Maari lamang itong mamamahala at magpapatupad
ng kapangyarihan sa mga naitalagang seksyon o dibisyon ng
pambansang teritoryo kagaya ng lalawigan, munisipalidad, lungsod,
barangay at iba pang dibisyon na maaaring itakda ng batas.

8/10
ARALING PANLIPUNAN IV

Lalawigan ay nasa ilalalim ng pamumuno ng Gobernador


katulong ang Bise Gobernador na inihalal ng mga tao at ilang opisyal
na hinirang ng Gobernador ayon sa itinatadhana ng Serbisyo Sibil.
Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga ito ang pagbuo ng
komprehensibong programang panggobyerno at planung
pangkaunlaran para sa lalawingan.

Ang Lungsod o Bayan naman ay pinamumunuan ng mga


Alkalde at Bise Alkalde katulong ang mga empleyado na hinirang ng
Alkalde. Sila ang namumuno ng lahat ng mga programa, proyekto,
mga gawain at mga serbisyo para sa pangkalahatang kapakanan ng
lungsod o bayan.

Ang Barangay ay pinamumunuan ng Kapitan at mga


Kagawad na inaasahang mangunguna sa pagpapatupad ng mga
hakbangin para itaguyod ang isang maunlad at payapang komunidad.
Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga
pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at
Lokal na Pamahalaan o Department of Interior and Local
Government (DILG).

Ang mga Kwalipikasyon ng mga Mamumuno

Pangulo at Pangalawang Pangulo ay kinakailangang


marunong bumasa at sumulat, katutubong mamamayan ng Pilipinas,
apatnapung taong taong gulang sa araw ng halalalan, nakapanirahan
sa Pilipinas sa loob ng sampung taon bago ang araw ng halalan at
isang rehistradong botante.

Senador ay marunong bumasa at sumulat, katutubong


mamamayan ng Pilipinas, edad na tatlumpu’t taong gulang sa araw
ng halalan, rehistradong botante at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob
ng dalawang taon bago ang halalan.

9/10
ARALING PANLIPUNAN IV
Kinatawan ay likas na mamamayang Pilipino,
dalawamputlimang taong gulang sa araw ng halalan, nakakabasa at
nakakasulat, maliban sa Party List dapat siya ay rehistradong botante
ng distritong kanyang kakatawanin at naninirahan sa bansa ng hindi
kukulangin ng isang taon bago ang halalan.
Upang maging kwalipikado sa pagiging Punong Mahistrado,
ang kandidato ay dapat ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, hindi
bababa sa apatnapung taon ang edad, naging isang hukom sa loob ng
labinlimang taon o higit pa sa mababang korte o may kasanayan sa
batas ng Pilipinas. Isang katangian din na tinitingnan ay ang
napatunayang kakayahan, integridad, katapatan, at pagsasarili.

Gobernador at Bise-Gobernador isang Pilipino, dalawamput


tatlong gulang pataas sa araw ng halalan, rehistradong botante at
isang taong residente ng probinsya.

Alkalde at Bise Alkalde isang Pilipino, dalawamput tatlong


gulang pataas para sa highly urbanized cities at dalawamput isang
taong-gulang pataas para sa independent o component cities o
municipalities sa araw ng halalan, rehistradong botante at isang taong
residente ng lungsod o bayan.
Konsehal ng Lungsod o Bayan dapat isang Pilipino, labing
walong taong gulang pataas sa araw ng halalan, rehistradong botante
at isang taong nakapanirahan sa lungsod o bayan.
Barangay Kapitan at mga Barangay Kagawad dapat isang
Pilipino, labing walong taong gulang pataas sa araw ng halalan,
rehistradong botante at isang taong nakapanirahan sa barangay.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Hindi bat isang napakagaling na kaalaman ang ating natutunan


sa ikalawang modyul. Malay natin pagdating ng panahon magiging
isa kayo sa mga mabubuting tagapagpatupad ng batas ng ating bansa.
Kaya mga bata mag-aral kayo ng mabuti ha.

10/10
ARALING PANLIPUNAN IV

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Panuto: Upang matukoy natin ang iyong nalalaman sa araling ito,


maari ba nating sagutin ang Tuklasin nan nasa pahina 9 ng inyong
iklawang modyul, basahin natin ng sabay-sabay ang panuto
Panuto: Sa ibaba ay makikita mo ang isang tsart. Punan mo ito ng
tamamg pangalan ng mga kasalukuyang namumuno sa ating bansa.
Namumuno sa Bansa Mga Kasalukuyang Pinuno
1. Pangulo Rodrigo R. Duterte
2. Pangalawang Pangulo Maria Leonor “Leny” G. Robredo
3. Pangulo ng Senado Vicente C. Sotto III
4. Ispeker ng Mababang Allan Peter S. Cayetano
Kapulungan Lord Allan Velasco noong
Oktubre 12, 2020
5. Punong Mahistrado Diosdado M. Peralta

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


Mga bata ramdam ko ang inyong kasiyahan sa napakaraming
kaalaman na inyong natutunan, sa inyong bakanteng oras muling
pag-aralan ang ating apat na modyul ng ikatlong markahan sa
asiganaturang araling panlipunan at masayang sagutan ang mga
inihandang Gawain at pagsusulit, muli ako’y nagagalak na maging
inyong teacher on air, si teacher akid po nag nag-iiwan ng mensahe;
mga bata magsikap at mag-aral ng Mabuti sapagkat kayo ang
natatanging pag-asa ng ating bayan.
Hanggang sa muli, paalam.
Prepared by: Noted by:

AQUIDA P. SANI JOSEPHINE S. PEPITO


T-I Assigned School Head

You might also like