You are on page 1of 8

1/7

PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

GRADE IV-READING
Learning competency: Noting details
Script Writer: AQUIDA P. SANI
Objectives: Noting Details
Date: March 11, 2020

SEGMENT INTRODUCTION
OBB:

INSERT SCHOOL ID PROGRAM

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Isang napakagandang araw sa ating lahat lalong lalo na sa ating mga
mabubuting mga magulang at sa ating masisipag at magagaling na mag-aaral
sa ikaapat na baitang.
Kayo ay nakasubaybay sa ating Radio Broadclass dito sa ating istasyon
96.2 TAMBULS FM, radyo ng karunungan, radyo ng bayan Kalilangan West
District.
Ako po muli si Teacher Aquida P. Sani mula Pamotolon Elementary School
ang inyong guro sa himpapawid para sa pagbasa ng ating Phil-iri passage sa
ikaapat na baitang.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Mga bata bago natin umpishan ang pagbabasa, siguraduhing mabuti na

kayo ay nasa komportableng lugar habang nakikinig ng masinsinan sa ating
radyo ng karunungan. Kunin ang inyong reading flier sa PHIL-IRI Pangakatang
Baitang 4 at maghanda ng ballpen. Uulitin ko, kuninin ninyo ang inyong reading
flier sa PHIL-IRI Pangkatang Baitang 4 at maghanda ng ballpen. Itabi malayo sa
inyo pansamantala ang inyong mga laruan at ituon ang inyong atensyon sa
ating pagbabasa.

2/7
PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Buksan natin ang ating reading flier sa seleksyon letrang D na may
pamagat na “Galing sa Japan.” Mga bata sino sa inyo ang mayroong kamag-
anak na nagtattrabaho sa ibang bansa? Anong nararamdaman niyo kapag
malayo sa inyo ang inyong kapamilya? Anong nararamdaman ninyo kapag may
dumarating na kamag-anak mula sa ibang bansa?

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA: Alam kong nasasabik na kayong basahin ang ating kuwento, pero bago
muna natin ito basahin ay bigyan natin ng kahulugan ang mga salitang
matalinghaga.
1.Japan- ay isang maunlad na bansa na matatagpuan sa Silangang Bahagi ng
Asya. Ang mga taong naninirahan ditto ay kilala sa tawag na Hapones.
2. paliparan-ay isang luagr kung saan ang sasakyang pagnghimpapawid tulad
ng eroplano ay lumilipad paalis sa lupa.
3. pasalubong- ay isang alaala o regalo tulad ng pagkain, laruan damit at
marami pang iba na ibinigay ng bagong dating galing sa paglalakbay sa isang
lugar o bansa. .

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Ok, mga bata nahihimigan kong kayo’y handa na sa ating pagbabasa.
Ang unang pagbabasa ay gagawin ng guro.
Ang ikalawang pagbabasa ay gagawin ng guro at ng mga mag aaral.
Ang ikatlong pagbabasa ay gagawin ng mag-aaral lamang.
Mga bata uumpishan ko na ang pagbabasa.

3/7
PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Galing Sa Japan
Sabik na sabik na si Jose. Darating na kasi ang nanay niyang si Aling
Malou. Dalawang taon ding Nawala si Aling Malou. Galing siya sa Japan.
Sumama si Jose sa tatay niya sa palilaparan. Hiniram nila ang lumang
jeep ni Tito Boy para makapunta roon. Hindi nagtagal may narinig na tinig si
Jose.
“Jose! Lito!” malakas na sigaw ni Aling Malou nang makita nag mag-
ama.
“Inay” sigaw din ni Jose,sabay takbo ng mabilis palapit kay Aling Malou.
“Marami akong pasalubong sa iyo anak,” simula ani Aling Malou. “May
jacket, bag, damit at laruan.
“ Salamat, Nay,” sagot ni Jose. “Pero mas gusto ko po nandito ka na!
Kasama ka na naming muli”.
Ngayon naman ay basahin natin ng magkasabay ang kwuento.

4/7
PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Mga bata kayo naman ang magbabasa lamang.

Wow! Kay gagaling ninyong bumasa. Apir tayo para dyan.
5/7
PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA: Ngayon ay ating sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Mga Tanong:
1. Sino ang darating sa paliparan? (literal)
a. si Jose
b. si Tito Boy
c. si Aling Malou

2. Ilang taon sa Japan si Aling Malou? (literal)

a. dalawa
b. lima
c. isa

3. Ano kaya ang ginawa ni ALing Malou sa Japan? (Pagsusuri)

a. nagbakasyon
b. nagtrabo
c. namasyal
4. Ano kaya ang nararamdaman ni Jose habang naghihintay sa pagdating
ng nanay niya? (Paghihinuha)
a. nasasabik
b. naiinip
c. naiinis

5. Bakit kaya maraming pasalubong si ALing Malou? (Pagsusuri)

a. gusto niyang iparamdam ang kanyang pagmamahal
b. gusto niyang gastusin at gamitin ang kanyang pera
c. hindi niya gusto ang mga gamit ditto sa Pilipinas

6/7
PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

6. Ano ang kahulugan ang sinabi ni Jose na “Salamat, Nay. Pero ko po

nandito ka na! Kasama ka na naming muli” (Paghihinuha
a. ayaw niya ng mga ibinigay na pasalubong
b. hindi niya kailangan ng mga laruan, damit at bag
c. higit na mahalaga si nanay kaysa pasalubong.
Yehey! Talaga nga namang kaygagaling ninyo. Nasagutan ninyo ang mga
katanungan.
7/7
PHIL-IRI 4
Noting Detail
Grade IV Level

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Mga bata masaya ba kayo sa ating binasang kuwento? Mayroon ba
kayong natutunan? Aba siyempre naman, di ba mga bata? Higit na mahalaga
na makapiling at makasama natin ang ating mga mahal sa buhay gaya ng ating
mga magulang sa kahit ano pa mang bagay ditto sa mundo.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Sa inyong bakanteng oras ay muli ninyong basahin ang ating kuwento na may
pamagat na “ Ang Aso sa Lungga. Sagutan ng may kasiyahan ang mga tanong at
ibigay sa inyong guro ang inyong flier para sa pagwawasto.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

TOA:
Mga bata nagagalak akong makasabay kayo sa pagbabasa sa araw na
ito, muli ako ang inyong teacher on air, teacher akid na nag iiwan ng mensahe
para sainyo, mga bata magsikap at mag aral ng mabuti, sapagkat kayo ang
natatanging pag-asa nitong ating bayan. Hangang sa muli, paalam.
OBB
INSERT SCHOOL PROGRAM
MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE OUT…
-END-
Prepared by:
AQUIDA P. SANI Noted by:
Teacher-I MYRNA J. BASAS
District School Reading Coordinator

You might also like