You are on page 1of 19

PAUNANG PAGTATASA SA PAGBASA

SA FILIPINO
T.P. 2021-2022
FILIPINO - BAITANG 1
Panuto:

1. Ipabasa sa bata ang 5 letra na nasa loob ng kahon.

2. Hayaan siyang pumili ng letrang babasahin.

3. Kung hindi siya pipili ng letra, ituro ang mga ito.

4. Kapag nabigkas niya nang tama ang 5 letra, siya ay nakakabasa.

5. Kung hindi nabasa nang tama ang 4 na letra sa limang letra at pahinto-hinto, siya ay di
nakakabasa.
S m i O A

u b E k T

L n Y r G

d W f P h
FILIPINO - BAITANG 2
PANUTO:

1. Ipabasa sa bata ang isang pangungusap na nakatala sa ibaba.

2. Hayaan siyang pumili ng pangungusap na kanyang babasahin.

3. Kung hindi siya pipili ng pangungusap, ituro ito sa kanya.

4. Kapag nabasa niya nang tama ang pangungusap, siya ay nakakabasa at nasa
malaya.
5. Kapag nabasa niya nang tama ang pangungusap pero may dalawang salita na di
nabasa nang tama, siya ay nasa pampagkatuto.

6. Habang binabasa ng bata ay may tatlong salita na di niya nabasa nang tama,
pahinto-hinto sa pagbasa, siya ay nasa pagkabigo

7. Habang binabasa ng bata ay may apat o higit pang salita na di niya nabasa nang
tama, pahinto-hinto sa pagbasa, siya ay di nakakabasa.
Mga Pangungusap:

1. Mahaba ang kapa ng hari.

2. Walo ang walis na hinawakan ni Nena.

3. Nagmano ang bata sa kanyang lola.

4. Dumalaw ang mag-ina sa kanilang mga kamag-anak.

5. Mabango ang bulaklak ng sampaguita na nasa hardin.


FILIPINO -BAITANG 3
PANUTO:
1. Ipabasa sa bata ang isang pangungusap na nakatala sa ibaba.

2. Hayaan siyang pumili ng pangungusap na kanyang babasahin.

3. Kung hindi siya pipili ng pangungusap, ituro ito sa kanya.

4. Kapag nabasa niya nang tama ang pangungusap,


siya ay nakakabasa at nasa malaya.
5. Kapag nabasa niya nang tama ang pangungusap pero may tatlong salita na di
nabasa nang tama, siya ay nasa pampagkatuto.

6. Habang binabasa ng bata ay may apat na salita na di niya nabasa nang tama,
pahinto-hinto sa pagbasa, siya ay nasa pagkabigo.

7. Habang binabasa ng bata ay may lima o higit pang salita na di niya nabasa
nang tama, pahinto-hinto sa pagbasa, siya ay di nakakabasa.
MGA PANGUNGUSAP:
1. Ang pagmamano ay laging ginagawa ng mga anak sa kanilang
mga magulang.

2. Masayang nagkukuwentuhan ang mag-anak sa hapag kainan.

3. Ang kahirapan ay di hadlang para makapagtapos ng pag-aaral.

4. Biniyayaan sila ng dalawang mababait at masisipag na supling.

5. Binigyan niya ng bulaklak ang kanyang ina sa kanyang


kaarawan.
FILIPINO - BAITANG 4-6

PANUTO:

1, Ipabasa ang talata sa mga bata na nasa baitang apat (4) - anim (6.)

2. Kung hindi babasahin ang talata, ituro ito sa kanila.

3. Kapag nabasa nang tama ang talata, siya ay nasa malaya.

4. Habang binabasa ng bata ang talata at may tatlong salita na mali ang
pagbigkas, siya ay nasa pampagkatuto.
5. Kapag pahinto-hinto sa pagbasa, di maintindihan, at may apat na salitang
mali ang pagbigkas, siya ay nasa pagkabigo.

6. Kung pahinto-hinto sa pagbasa, di maintindihan, at may lima o


higit pang salitang mali ang pagbigkas, siya ay di nakakabasa.
 
Magiliw na Pagtanggap sa Bisita

Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa pagiging magiliw sa


pagtanggap ng mga panauhin. Patunay nito ang maraming turista na
pabalik-balik sa ating bansa upang magbakasyon. Dinadala natin sila sa
mga magagandang pook o tanawin upang maging kasiya-siya at kapaki -
pakinabang ang pagbisita nila sa atin. Ibinibigay natin sa kanila ang
kanilang mga pangangailangan upang maging maginhawa ang
pananatili nila rito. Gumagastos ng malaki ang mga Pilipino sa pagtanggap
sa mga panauhin upang matiyak natin na sila ay nasisiyahan sa panahong
inilalagi nila dito. Maging sa ating mga kamag-anak at kakilala ay
magiliw tayo sa pagtanggap. Bukas ang ating tahanan sa sinumang nais
natin na manatili rito at handa tayong magkaloob ng ating makakayanan
para sa kanila.

Sanggunian: https://www.teacher.com
FILIPINO - BAITANG 7-10
PANUTO:

1. Ipabasa ang sanaysay sa mga mag-aaaral sa sekondarya.

2. Ang unang talata ay babasahin ng mga mag-aaral na nasa baitang pito (7) at
ang pangalawang talata ay para naman sa mga nasa baitang walo (8)

3. Babasahin ng mga mag-aaral sa baitang siyam (9) ang pangatlong talata


samantalang ang pang-apat na talata ay para sa mga nasa baitang sampu(10.)
4. Kapag nabasa nang tama ang talata, ang mag-aaral ay nasa malaya.

5. Habang binabasa ng mag-aaral ang talata at may apat na salitang mali ang
pagbigkas, siya ay nasa pampagkatuto.

6. Kapag pahinto-hinto sa pagbasa, di maintindihan, at may limang salitang


mali ang pagbigkas, siya ay nasa pagkabigo.

7. Kung pahinto-hinto sa pagbasa, di maintindihan, at may anim o higit pang


salitang mali ang pagbigkas, siya ay di nakakabasa.
 
KABATAAN NOON AT NGAYON

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa


kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba
pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,
masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim
sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang
kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin.
Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at
lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan
noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa
pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki
ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon.
Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa
pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang
pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga
gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng
mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang
magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan.
Ang kabataan noon at ngayon ay ang pag-asa ng bayan natin. Kapwa
sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga
mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi
ba’t mayroon tayong “Sampung Lider sa mga Kabataan” na pinipili taon-
taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at
ngayon.

Sanggunian: Avena, Lorenza P et al., Wika at Panitikan I pahina 118-119

You might also like