You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON I
PAMPAARALANG TANGGAPAN NG SANGAY I NG PANGASINAN

PAUNANG PAGTATASA SA PAGBASA SA FILIPINO


BAITANG 4-6
PANUTO:
1. Ipabasa ang talata sa mga bata na nasa baitang apat (4) - anim (6.)
2. Kung hindi babasahin ang talata, ituro ito sa kanila.
3. Kapag nabasa nang tama ang talata, siya ay nasa malaya.
4. Habang binabasa ng bata ang talata at may tatlong salita na mali ang
pagbigkas, siya ay nasa pampagkatuto.
5. Kapag pahinto-hinto sa pagbasa, di maintindihan, at may apat na
salitang mali ang pagbigkas, siya ay nasa pagkabigo.
6. Kung pahinto-hinto sa pagbasa, di maintindihan, at may lima o higit
pang salitang mali ang pagbigkas, siya ay di nakababasa.

Magiliw na Pagtanggap sa Bisita


Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa pagiging magiliw sa
pagtanggap ng mga panauhin. Patunay rito ang maraming turista na
pabalik-balik sa ating bansa upang magbakasyon. Dinadala natin sila sa
mga magagandang pook o tanawin upang maging kasiya-siya at kapaki -
pakinabang ang pagbisita nila sa atin. Ibinibigay natin sa kanila ang
kanilang mga pangangailangan upang maging maginhawa ang pananatili
nila rito. Gumagastos ng malaki ang mga Pilipino sa pagtanggap sa mga
panauhin upang matiyak natin na sila ay nasisiyahan sa panahong
inilalagi nila rito. Maging sa ating mga kamag-anak at kakilala ay magiliw
tayo sa pagtanggap. Bukas ang ating tahanan sa sinomang nais natin na
manatili rito at handa tayong magkaloob ng ating makakayanan para sa
kanila.
Sanggunian: https://www.teacher.com

You might also like