You are on page 1of 1

NARRATIVE REPORT PARA SA PHIL-IRI FILIPINO SY 2018-2019

Ang Philippine Informal reading inventory (PHIL-IRI) ay isang programa na unang


ipinatupad noong SY 2018-2019 ng Bureau of Learning Delivery ng Kagawaran ng edukasyon
na naglalayong malaman ang kahusayan o kahinaaan ng mga mag-aaral sa pagbasa ng Filipino at
English sa Ikatlong Baitang hanggang Ika-anim na Baitang. Ang pagtatasa ay binubuo ng labing
anim na teksto, walo sa English at walo sa Filipino. Ang Pagbasa ng Pabigkas ng Filipino ay
nagsisimula sa Ikatlong Baitang . Ang English naman ay mula sa Ikaapat na Baitang hanggang
Ika-anim na Baitang.
Inihanda ng mga dalubhasa sa Reading Education and teaching in the Early Grades, ang
mga teksto ay binubuo ng anim hanggang pitong tanong na tinataya ang literal, interpretative at
para matataya ang pag-unawa sa binasa ng isang mag-aaral. Ang tahimik na Pagbasa ay
isinasagawa sa buong klase at iniiskoran ng mga guro. Sa pagbasa ng Pabigkas naman ay
diniditermina ang maling pagbigkas,pagkakaltas,pagpapalit,pagsisingit,pag-uulit,pagpapalit ng
lugar at paglilipat.
81 na mag-aaral ng Ikalimang Baitang sa Paoad Elementary School and nasubok
nabigyan ng Panimulang Pagtataya. Nagkaroon ng masusing pag-aaral at nagsagawa ng mga
nararapat na interbensiyon para sa natukoy na mag-aaral na nakakuha ng mababang iskor. Labim
pitong lalaki at tatlong babae ang nakakuha ng Frustration Level. Nabigyan ng kanilang
nararapat na antas ng level ng kuwento ang bawat isa.
Dahil dito sinubukang magbigay ng guro ng interbensiyon sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga guro ng akat na maaring sanggunian. Isinasagawa ang pagbabasa ng mga
kawili-wiling kuwento tuwing tanghali, labinlimang minuto bago mag-ala una ng hapon.
Batay sa resuta ng mga ginawang interbensiyon, nakatulong ito ng sapat para makakuha
ng Instructional Level sa Panapos na Pagtatasa ang mga natukoy na dalawampong mag-aaral na
nakakuha ng frustration level noong Panimulang Pagtatasa.

You might also like