You are on page 1of 21

KABANATA 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL
1.1 Panimula
Ang tamang paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral ng STI
College-Caloocan ay mahalaga upang masabi ang nais iparating sa ibang magaaral. Madaming mag-aaral ang nagsasabi na hindi mahalaga kung mali-mali
ang gramatiko mo sa pagpapahayag ng iyong gustong sabihin kaya dapat ay
ating pagyamanin ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng wikang Filipino,
Ingles anumang linggwahe na ating madalas gamitin sa pakikipag-usap o
pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa. Marami nagsasabi na mahalaga ang
wikang Ingles kaysa wikang Filipino, dahil sinasabi nila na ang wikang Ingles ang
karaniwang ginagamit saan man magpunta sa buong mundo.
Sa panahon ngayon ang mga estudyante ay nakakaligtaan ang wastong
paggamit ng wikang Filipino at marami ring naglalabasang wika tulad ng
jejemon, bekimon at kadalasan taglish , at dahil na rin sa mga wikang ito,
nagkakaroon na ng kalituhan sa wastong paggamit ng wikang Filipino. Mahalaga
ang wastong paggamit ng wikang Filipino dahil ito ang pangunahing proseso ng
komunikasyon nating Pilipino, ito rin ang paraan upang makalikom ng mga
impormasyon mula sa iba. Kailangan malaman din ng mga mag-aaral sa
kolehiyo na kahit nagiging prayoridad na rin ng mga Pilipino ang wikang Ingles
,hindi pa rin natin dapat kalimutan ang wastong paggamit ng wikang Filipino.
1

1.2 Mga Layunin


A. Pangunahing Layunin
Malaman ang tamang paggamit ng wikang Filipino.
B. Mga Tiyak na Layunin
1. Malaman kung gaano kahalaga ang wikang Filipino.
2. Mapagbubuti ang paggamit ng wikang Filipino.
3. Maipaalam ang wastong paggamit ng wikang Filipino.
1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral
A. Estudyante
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa estudyante ay malaman
ang tamang paggamit ng wikang Filipino kaya dapat pagyamanin at
gamitin ng tama ang wikang Filipino.
B. Guro
Upang maipahayag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa magaaral at nagbibigay dunong sa mga estudyante upang malaman ang
tamang paggamit ng wikang Filipino .
C. Magulang
Upang maipamulat sa mga anak ang pagmamahal sa sariling wika.
D. Bansa
Dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino.
E. Iba pang mananaliksik
Upang ibigay ang kahalagahan ng wikang ffilipino sa iba pang
mananaliksik.
1.4 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang layunin ng mag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika
noong sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa paggamit
wika ay mapanatili ang kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Ginawa ito upang
malaman ang pananaw ng isandaang mag-aaral ng STI College- Caloocan ,
2

taong panuruan 2016-2017. Ang mag-aaral na nasa edad na labing liba


hanggang

disi-otsong

taong

gulang

lamang

ang

aming

magsisilbing

respondente.
1.5 Depinisyon ng mga Termino
Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga
sumusunod na salita ay binibigyang kahulugan.

Wika

Ang

wika

ay

isang

bahagi

ng

pakikipagtalastasan

,simbolo,tunog at kaugnay na batas upang maipahayag ang nais

sabihin ng kaisipan.
Ekonomiya - ay isang lumang tagalog na ginagamit bago ang
paggamit ng Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga
sinaunang anyo ng tagalog .

KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
2.1 Kaugnay na Literatura
Alam niyo ba na walang opisyal na salita o wika na ipinagamit sa mga
Pilipino ang mga lumikha ng 1899 Constitution, na mas kilala bilang Malolos
Constitution? Sa halip, itinakda ang Spanish language bilang pansamantalang
salita nang panahong iyon. Sa Article 93 ng Title IX ng Malolos Constitution na
nakasulat sa Spanish at isinalin sa wikang Ingles na: "The use of the languages
spoken in the Philippines shall not be compulsory. It cannot be regulated except
by virtue of law and only for acts of public authority and judicial affairs. On such
occasions, the Spanish language shall temporarily be used." Nang malikha ang
1935 Constitution, inatasan na ang Kongreso na gumawa ng hakbang para sa
pagkakaroon ng wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunman, nang panahong
iyon, patuloy na gagamitin ang wikang Ingles at Spanish bilang opisyal na wika
ng bansa. Nakasaad sa Section 3, Article XIV sa General Provision ng 1935
Constitution na: "The Congress shall take steps toward the development and
adoption of a common national language based on one of the existing native
languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue
as official languages." Nagsimula namang palaganapin ang paggamit ng wikang
Pilipino, kasama ang Ingles nang mabuo ang 1973 Constitution.

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang


mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at
angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang
kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman. Sa
bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan
ng mga sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o
nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen,
lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at
matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao. Ngunit gaya nga ng
nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang
magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o
balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito,
lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang
mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin. May matibay na
relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa
kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay
inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang
wikang Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating
bansa.

2.2 Kaugnay na Pag-aaral


Ayon kay Michael A.K. Halliday
Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika
ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating
pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali.
Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng
pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano
napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.
Ayon kay Roman Jakobson, isang Ruso-Amerikanong dalubwika,may anim (6)
na paraan ng paggamit ng wika:

Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)


Panghihikayat (Connative)
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
Paggamit bilang sanggunian (Referential)
Pagbibgay ng kuru-kuro (Metalingual)
Patalinghaga (Poetic)

Ayon kay Michael Halliday, isang British na dalubwika na ipinaganak sa


Australya, may pitong (7) tungkulin ang wika:

Pang-instrumental
Panregulatori
Pang-interaksyon
Pampersonal
Pang-imahinasyon
Pangheuristiko
Pang-impormatibo
6

Ayon kay Henry Allan Gleason, isang dalubwika at propesor sa


Pamantasan ng Toronto sa Estados Unidos, ang wika ay masistemang
balangkas.Lahat ng wika ay nakabatay ng mga Ponema o mga tunog.Kapag ang
mga ponema ay pinagsama-sama ito ay nakakabuo ng isang maliit na yunit na
salita na tinatawag ng Morpema.At ang mga pinagsama-samang morpema ay
nakakabuo ng isang Pangngusap. Habang ang mga pinagsama-samang mga
pangungusap ay nakabuo ng isang Talata na bumubuo sa mga lathain. At ayon
rin kay Gleason, may pitong (7) katangian ang wika:

Sinasalitang tunog
Masistemang balangkas
Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
Kabuhol ng kultura
Ginagamit sa komunikasyon
Nagbabago
Natatangi

2.3 Batayang Konseptuwal

Input

Proseso

Awput

Upang malaman ang

Ang mga

Nalaman ng mga

opinyon ng mga

mananaliksik ay

mananaliksik na

estudyante ukol dito

gumawa ng sarbey

nakakabuti ang

at upang malaman

upang malaman kung

pagbabago ng mga

kung nakabubuti ba

ang nakakabuti ba

wika sa pag-unlad n

ang pag-unlad ng

ang pag-unlad ng

bansa.

wika sa ating bansa.

wika sa ating bansa.

KABANATA 3
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
3.1 Disenyong Pananaliksik
Nagsagawa ng deskriptibo-sarbey
estudyante ng STI

ang mga mananaliksik sa bawat

College- Caloocan na kung saan sila rin ang nagsilbing

respondent. Tinangkang suriin ang pag-aaral na ito na mas mabisang wika na


ginamit sa larangan ng pagtuturo ng tamang paggamit ng wikang Filipino.

3.2 Instrumentong Pampananaliksik


Ang pag-aaral ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey at ilang interbyu
sa mga respondente. Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng isang sarbey na
may labing-limang katanungan upang makapangalap ng mga datos at pananaw
ng mga estudyante at guro ukol sa wikang Filipino.
3.3 Mga Respondentesa Pag-aaral
Ang mag magsisilbing respondente ng pag-aaral na ito ay estudyante ng
STI College Caloocan na tanging limampung mag-aaral sa BSHRM sa taong
panunuruan 2016-2017 at limampung mag-aaral sa SENIOR HIGH SCHOOL sa
taong 2016-2017.

3.4 Pangangalap ng mga Datos


Ang nasabing titulo ay nagmula sa mga mag-aaral na wala pangnaganap
na pangangalap ng datos. Masasagawa ng isang sarbey upang makakuha ng
datos na nagsabing titulo. Magiging madaliang pangangalap ng datos dahil sa
dami ng bilang ng mga responde at sa kanila at sa masasabi ukol sa napiling
paksa.

10

KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0

Oo

Hindi

10

11

12

13

14

15

1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?


Walumput apat (84%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na sang-ayon sila na umuunlad ang wikang Filipino. Samantalang
labing-anim (16%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na makakaapekto sa
pag-unlad ng wikang Filipino?
Pitumput dalawa (72%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na ang makabagong teknolohiya ay isa sa mga salik sa pag-unlad ng

11

wikang Filipino. Samantalang dalawamput walo (28%) na porsyento ng mga


respondente ang sumagot ng HINDI.
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino?
Siyam na put lima (95%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na mahalaga ang pag-unlad ng wikang Filipino. Samantalang limang
(5%) porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.
4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
Siyam-na-put tatlo (93%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na mahalaga ang wikang Filipino sa kasalukuyan. Samantalang pitong
(7%) porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan ng pagunlad ng wika?
Pitumput anim (76%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
OO na ang paglipas ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan ng pagunlad ng wika. Samantalang dalawamput apat (24%) na porsyento ng mga
respondente ang sumagot ng HINDI.
6. Nakaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
Pitumput anim (76%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
OO na nakaapekto ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

12

Samantalang dalawamput apat (24%) na porsyento ng mga respondente ang


sumagot ng HINDI.
7. Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating
wika?
Anim na put walo (68%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na nakaimpluwensya ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng
ating wika. Samantalang tatlumput dalawa (32%) na porsyento ng mga
respondente ang sumagot ng HINDI.
8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa
ating mga ninuno?
Labing-dalawa (12%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
OO na dapat ng kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa
ating mga ninuno. Samantalang walumput walo (88%) na porsyento ng mga
respondente ang sumagot ng HINDI.
9. Bilang mag-aaral , may maitutulong ka ba sa pag-unlad ng wika?
Siyam na put lima (95%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na bilang mag-aaral may maitutulong kami sa pag-unlad ng wika.
Samantalang limang (5%) porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
HINDI.

13

10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng ating pamumuhay?


Walumpu (80%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng OO
na naging epektibo ang pag-unlad ng ating pamumuhay. Samantalang
dalawampu (20%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.
11. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng ating lipunan?
Walumput tatlo (83%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na naging epektibo ang pag-unlad ng ating pamumuhay . Samantalang
labing-pito (17%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.
12. Sang-ayon ka bang tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo?
Labing-dalawa (12%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
OO na sang-ayon sila na tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo. Samantalang walumput walo (88%) na porsyento ng mga respondente
ang sumagot ng HINDI.
13. Sang-ayon k aba sa paggamit ng mix-mix na lenggwahe sa paaralan?
Limamput anim (56%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
OO na sang-ayon sila sa paggamit ng mix-mix na lenggwahe sa paaralan.
Samantalang apat-na-put apat (44%) na porsyento ng mga respondente ang
sumagot ng HINDI.

14

14. Mahalaga ba sa iyo ang wikang Filipino?


Siyam-na-put lima (95%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot
ng OO na mahalaga sa kanila ang wikang Filipino. Samantalang limang (5%)
porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.
15. Nagagamit mo ba ng tama ang wikang Filipino?
Pitumput siyam (79%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng
OO na nagagamit nila ng tama ang wikang Filipino. Samantalang dalawamput
apat (21%) na porsyento ng mga respondente ang sumagot ng HINDI.

15

KABANATA 5
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
5.1 Lagom
Ang mga mananaliksik ay binubuo ng pitong estudyante ng STI CollegeCaloocan na may kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant
Management (BSHRM). Ang unang proseso na isinagawa ng mga mananaliksik
sa kanilang riserts ay unawain ang paksang kanilang pag-aaralan, intindihin ang
bawat kabanata ng kanilang pananaliksik. Dapat din itong intindihing mabuti
upang lubusang maintindihan ang mga impormasyon at datos na nakalap. Dahil
dito nagsagawa kami ng sarbey o kwestyuner para sagutan ng mga napiling
estudyante ng STI College-Caloocan, upang makadagdag ito ng mga
impormasyon at datos tungkol sa Wastong paggamit ng Wikang Filipino.
Matapos isagawa ang sarbey sa mga piling estudyante ay pinagsama-sama na
ang mga ideya sa pamamagitan ng pagbilang ng kanilang mga kasagutan.
Matapos nito, nilista ang kanilang mga kasagutan upang mas tiyak ang mga
datos at impormasyon na makalap. Matatagpuan ang awtput ng prosesong ito sa
kabanata 4, ito ay ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos na binigyan
ng mas madaling representasyon sa pamamagitan ng Column Graph, upang
mas maipakita kung gaano karami ang mga sumagot ng OO at HINDI at upang
mas lalong maintindihan.

16

5.2 Konklusyon
Ang resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay nakabatay sa
ipinamahading mga talatanungan na sinagutan ng mga piling estudyante ng STI
College-Caloocan. Batay sa pagsusuri na ginawa ng mga mananaliksik sa magaaral, nakakarami sa kanila ay sumagot na mahalaga ang pag-unlad ng wikang
Filipino. Napatunayan din ng pag-aaral na ito na bilang mag-aaral may
maitutulong din sila sa pag-unlad ng wikang Filipino. Batay din sa pananaliksik,
mas marami pa rin ang estudyante na nagagamit ng tama ang wikang Filipino.
Ayon din sa pananaliksik, maraming mag-aaral ang tutol na tanggalin ang
Asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo at hati ang opinion ng mga
respondente sa paggamit ng mix-mix na lenggwahe sa paaralan. Sa huling
bahagi ng pananaliksik, nais lamang na ipakita dito kung tunay nga bang
pinapahalagahan pa rin ng mga mag-aaral ang wikang Filipino, kung nagagamit
pa rin ba nila ng wasto ang wikang Filipino.

5.3 Rekomendasyon
Para sa mga gurong nagtuturo, ito ay malaking hamon sa kanila sapagkat
kailangang masabayan nila ang mabilis na pagbabago ng ating henerasyon at ito
nga ay henerasyon ng mga makabagong mga salita. Dapat lamang na
maingganyo ang bawat mag-aaral na bigyang pansin ang wikang Filipino na
siyang sumisimbolo ng ating pagkatao, kailangan mag-isip ng mga makabagong
17

istratehiya sa pagtuturo ng modernong paraan upang mas mapadaling


mapaintindi sa mga mag-aaral ang mga paksang tinatalakay. Kailangan turuan
ang mga estudyante ng sapat na kaalaman kung papaano gamitin ng tama ang
wikang Filipino upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at
upang mapahalagahan ang wikang Filipino.

18

Apendiks A
Bibliograpiya
2.1 Kaugnay na Literatura

Mula sa Internet
o http://www.gmanetwork.com/news/story/373636/news/ulatfilipino/angpagbabago-ng-wikang-pambansa-sa-ating-mga-saligang-batas
o http://filipinotermpaper.blogspot.com/

2.2 Kaugnay na Pag-aaral

Mula sa Internet
o https://prezi.com/ydrdwwkm-b9z/filipino-11/
o http://hernrichbacla-ksaf1.blogspot.com/2015/02/ang-wika-malaki-angginampanan-ng-wika.html

Sarbey

Mula sa Internet
o http://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-samakabagong-panahon

Apendiks B

19

Talatanungan
Pangalan:

Petsa:

Kurso/Seksyon:

Numero:

Wastong paggamit ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral ng STI College-Caloocan


Panuto:Lagyan ng tsek ang napiling sagot.
Tanong
1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na
makakaapekto sa pag unlad ng wikang Filipino?
3. Mahalaga ba ang pag unlad ng wikang Filipino?
4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging
dahilan ng pag unlad ng wika?
6. Nakaapekto ba ang pag unlad ng wikang Filipino sa
kasalukuyan?
7. Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa
pag-unlad ng ating wika?
8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating
minana mula sa ating mga ninuno?
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sa pag-unlad
ng wika?
10. Naging epiktibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating
pamumuhay?
11. Naging epiktibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating
lipunan?
12. Sang ayon ka bang tanggalin ang wikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo?
13.Sang ayon ka ba sa paggamit ng mix mix na
lenggwahe sa paaralan?
14.Mahalaga ba saiyo ang wikang Filipino?
15.Nagagamit mo ba ng tama ang wikang Filipino?

20

Oo

Hindi

21

You might also like