You are on page 1of 10

SALITANG

GINAGAMIT NA
IDYOMA
ANO ANG IDYOMA?
Ang idyoma ay isang pangkat ng salita na ang
kahulugan ay iba kaysa sa literal na kahulugan ng
mga indibidwal na salita.

Nakatutulong sa mabisa, makulay at makahulugang


pagpapahayag ang paggamit ng idyoma.
 Ayon kay Santiago (1994), ang idyoma ay ang pinakapuso ng lahat
ng salita. Kapag inalis ang mga idyoma ng isang wika, nasisira ang
komunikasyon ng mga taong gumagamit nito.
 Ang idyoma ay nagpapahayag ng di-tuwirang kahulugan ng bawat
salita; sa halip, ang kaisipan o kahulugan ay ipinahihiwatig ng
pangkat ng mga salita.

 Yumayaman at yumayabong ang isang pahayag kung ginagamitan ng


idyoma, na minana pa natin sa ating mga ninuno.

 Ito'y isang ekpresyon na kung matamang susuriin ang kahulugan ng


bawat salita ay waring mali at lihis sa tuntuning pambalarila.
Ayon kay DAVID MINSBERG, ang kahulugan
ng idyoma ay maaaring malaman sa
pamamagitan ng
 1. pag-unawa sa kaugnayan nito sa ibang bagay.

 2. pagsuri sa kaugnayan nito sa ibang salita sa loob ng


pangungusap.

 3. paggamit nito nang malimit hanggang sa ito'y maging bahagi na


ng sariling bokabularyo.
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG IDYOMA:
 1. mababaw ang luha

- madaling umiyak

 2. nagtaingang-kawali

- nagbingi-bingihan

 3. magbanat ng buto

- magtrabaho

 4. putok sa buho

- anak sa pagkadalaga

 5. bukas palad

 - handang tumulong
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
IDYOMA:
 6. magmamahabang dulang

- mag-aasawa, pakakasal

 7. sanga-sangang dila

- sinungaling

 8. kapit-tuko

- mahigpit ang kapit

 9. may utak

- matalino

 10. pabalat-bunga

- hindi totoong paanyaya, pakunwari


NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
IDYOMA:
 11. patay-patay

- mabagal

 12. bantay-salakay

- pinahahalagahan

 13. ilista sa tubig

- kalimutan o ituring na wala

 14. nagpuputok ang butse

- galit na galit

 15. nasusian ang mga labi

- nasuhulan, napatahimik
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
IDYOMA:
 16. ikurus sa noo

– tandaan

 17. nagbibilang ng poste

- walang trabaho

 18. itaga sa bato

- tandaan

 19. itim na tupa

- masamang anak

 20. pagiisang dibdib

- kasal
NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
IDYOMA:
 21. pusong-bakal

- hindi marunong magpatawad

 22. Mahangin ang ulo

- mayabang

 23. mahina ang loob

- duwag

 24. makapal ang bulsa

- mapera

 25. maitim ang budhi

- tuso, masama ang ugali


NARITO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG
IDYOMA:
 26. malikot ang kamay

- kumukuha ng hindi kanya, magnanakaw


 27. basa ang papel

- bistado na
 28. asal hayop

- masama ang ugali/ salbahe


 29. anak-pawis

- batang mahirap
 30. Nagsunog ng kilay

- mag-aaral ng mabuti

You might also like