You are on page 1of 2

Repleksibong Sanaysay batay sa

artikulong "Bakit Ako Magsasalita sa


Filipino?

Likas na sa mga Pilipinos ang pagiging matalino sapagkat ang Pilipinas ay


isang bansang may naparaming wika,nandiyan ang Iokano,Cebuano,Hiligaynon at
iba pa. Pero nagkakaisa tayo sa ating pambansang wika na wikang Filipino dahil sa
lingguwaheng ito tayo ay nakilala sa buong mundo. Hindi maitatawa na marami sa
atin ang gustong mapag-aralan ang ng husto ang kasaysayan sa wikang ito.

Kilala ang mga Pilipino sa kakaibangtradisyon,iyong kung may bisita ay


paghahandaan talaga ng todo ang mga ito upang hindi magutom.Lahat ng pagkain
na masasarap ay ihahain para lang mabigyan ng kabusugan ang mga sikmura nito
kahit na nagkakandarapa na sa paghahanda ang may-bahay.Ganyan tayo naiiba sa
ibang lahi at kung meron mang mga banyagang bisita ay tayo ang nag-adjust sa
gagamiting wika na kung pagsusumahan ay sila dapat ang mag-aral sa wika natin
pero ang nangyari ay tayo mismo ang nagsasalita ng sarili nilang lingguwahe kahit
na nasa sarili bansa tayo.

Kung mapapansin rin natin sa mga bagong kaugalian nating mga Pilipino ay
ang mga batang nasa murang edad pa lamang ay tinututuruan nila ng wikang Ingles
imbes na wikang Filipino sana ang itututo sa mga ito. Ang iba ang kanilang dahilan
ay upang tumalino raw o di kaya’y mas makilala sa ibang bat ana magaling sila sa
nasabing wika.Kaya sa sobrang turo sa wikang Ingles pagdating sa paaralan, sa oras
ng asignaturang Filipino ay nagiging mangmang ang bata kasi di makaintindi sa
wikang Filipino.Guro na naman an mag-adjust dagdag na naman sa problema ang
ganitong uri ng kaugalian ng mga magulang. Hindi naman masamang ituturo ang
wikang Ingles pero sana ay dapat matutuhan rin nating kung paano magbalanse ng
mga bagay-bagay na makaintinidi ang bata sa ibang lingguwahe dahil di naman ikaw
na nagtuturo ang maging kawawa kindi ang bata.

Isaisip palagi na may wikang Filipino tayo na nagpapakilala sa ating


pagkakakilanlan sa sa atin sa buong mundo. Hindi natin to ikahiya bagkus ito ay
palaguin o pagyamanin sapagkat ito ay naiiba ay at pwede nating ipapamana sa
sususnod na henerasyon na makatutulong sa pagunlad ng kanilang buhay.
Ipinasa ni: Artemio M. Echavez Jr.

Ipapasa kay:Doc.Norly Plasenscia

You might also like