You are on page 1of 2

Margeoreen Sambilad

11 ABM – Versatility

Magandang araw sa inyong lahat. Ako nga pala si Margeoreen Sambilad, mula sa grade 11 abm
versatility. Para sa aking talumpati, sasagutin ‘ko ang katanungang, “Kumusta na nga ba ang kalagayan
ng wikang pambansa sa kasalukuyan?”. Bago ‘ko ito sagutin, nais ‘ko munang mag balik-aral tungkol sa
ating wika.

Unang-una sa lahat, ano nga ba ang wikang pambansa? Ang wikang pambansa ng Pilipinas, ay Filipino.
Ito ay wikang nasa proseso ng paglilinang at ito rin ay wikang katutubo na ginagamit sa buong bansa.

Ngayon, kumusta na nga ba ang kalagayan ng wikang pambansang Filipino sa kasalukuyan? Base sa
aking pagsasaliksik, ang Filipino ay unti-unti nang nakalilimutan ng mga Pilipino. Bakit?

Ang wika natin ay hindi na masyado nagagamit ng mga eskwelahan sa pag-aaral. Mas gamit na ang
wikang ingles sa mga asignaturang pampaaralan sa panahong ito. Kaunti na lamang ang mga ‘subject’ na
gumagamit ng wikang Filipino. Mas ginagamit na rin sa trabaho ang wikang ingles at sa bahay na lamang
madalas nagagamit ang Filipino. Wala na rin masyadong nagbabasa ng mga aklat o librong Filipino dahil
mas patok sa kanila ang mga babasahing gawa ng mga amerikano o ingles. Naisaliksik ‘ko rin na ang
Pilipinas ay isang “westernized” na bansa. Dahil ito sa pagsakop sa ‘tin nga mga Espanyol at dahil na rin
sa impluwensiya ng mga Amerikano sa atin. Isa rin sa mga dahilan ay, humigit kumulang siyamnapung
porsyento ang kristyano sa bansa.

Marami rin sa mga Pilipino ang hindi tumatanggap ng kultura ng ating bansa at mas pinipiling tangkilikin
ang sa ibang bansa tulad ng South Korea, Japan, at iba pa. At dahil na rin sa mahirap kumita ng pera sa
Pilipinas, laganap ang mga Overseas Filipino Workers o mas kilala sa tawag na “OFWs”. Marami sa mga
magulang na OFW ay mas inuunang ituro ang wikang ingles sa kanilang mga anak dahil sa paniniwala ng
marami sa atin na kapag magaling ang isang tao sa ingles, agad na itong matalino, edukado, o kabilang
sa mataas na klase ng lipunan.
Mga Pinagbatayan:

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.studocu.com/ph/document/
mariano-marcos-state-university/science-technology-and-the-society/kalagayan-ng-wikang-pambansa-
sa-kasalukuyang-panahon/
19148454&ved=2ahUKEwiIrpasiLT6AhVKx2EKHUs_DmMQFnoECBkQAQ&usg=AOvVaw1U_Np4AXCl0C6z
3IM_bcAj

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://kennethborbon.wordpress.com/
2020/11/08/example-post-2/
&ved=2ahUKEwiIrpasiLT6AhVKx2EKHUs_DmMQtwJ6BAgxEAE&usg=AOvVaw3OrWQ7vX3IQNjXOfDv1jnZ

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://samayroon.blogspot.com/2021/06/
ano-ang-kalagayan-ng-wikang-pambansa-sa.html%3Fm
%3D1&ved=2ahUKEwiIrpasiLT6AhVKx2EKHUs_DmMQFnoECEwQAQ&usg=AOvVaw0KCrltMja-
zAT27_FKimSi

You might also like