You are on page 1of 1

Huwag alisin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Sa aking pangangalap ng impormasyon, nakalap ko na may isang guro ang nakapag sabing, “ang filipino at
panitikan ay baluarte ng malayang pag iisip".

Wikang filipino ang pang araw araw nating ginagamit upang makisalamuha sa ating kapwa Pilipino. Wikang
Filipino ang una at opisyal na wika ng bansang Pilipinas. Hindi porket nasa kurikulum na ito ng k-12 at ginagamit na sa
pang araw araw ay hindi na natin ito pagyayamanin pag tungtong natin ng kolehiyo.

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging mapagkumpitensiya, sa pagandahan, palakasan, pagandahan ng boses, at
pagsayaw; ngunit paano naman sa pagmamalaki ng sariling wika? Ikumpara natin ito sa ibang bansa. Sa bansang Japan,
Korea, China, Thailand atbp. Bihira mong maririnig ang pagiging matatas nila sa pagsalita ng wikang ingles. Ito ay dahil
mas pinipili nalang gamitin ang sariling wika nila. Paano naman sa paraan ng pagsusulat? Ang mga bansa ay may ibat
ibang klase ng alpabeto. Tulad din ng Pilipinas, mayroon tayong tinatawag na baybayin. Ngunit ano ba ang ginagamit
natin sa araw araw? Alpabetong ingles pa rin sa halip na baybayin. Ngunit nanganib paring mawala ang asignaturang
panitikan sa kolehiyo? Ang paggamit ng wikang unibersal ay hindi masama at totoong importante. Sa katunayan pa nga
ay isa ang pilipinas sa nangungunang marunong mag-ingles sa buong asya. Ngunit sa kadahilanang ito, mas napaparami
pa ang mga taong “conyo” o mga taong sanay sa taglish kaisa sa mga taong kayang magsalita ng tuwid na Pilipino nang
walang kahirap-hirap. Kung ganito ang makikita mo sa araw-araw, gugustuhin mo pa bang alisin ang asignaturang filipino
at panitikan sa kolehiyo?

Isa pang dahilan kung bakit hindi dapat alisin ang filipino sa kolehiyo ay dahil sa mga guro o propesor na
pangunahing itinuturo ay filipino o panitikan. Bababa ang empleo ng mga guro at propesor na nagtuturo sa mga
unibersidad.

You might also like