You are on page 1of 11

Scene 1 (Kapanganakan ni Rizal)

IS: Gasera or kandila- Hulyo 19, 1861


F1: Kukuha ng tubig ang magpapaanak kay teodora
Magpapaanak 1: ate ang tubig *Pasigaw*
Magpapaanak 2: Sandali ate ito na *Daldalhin sa kama*
MS: Teodora * nahihirapan sa pag iri
Magpapaanak 1: Donya teodora iri pa po ninyo nakikita ko nap o ang ulo
Magpapaanak 2: ate Malaki ang ulo ng bata mahihirapan tayo ilabas ito
Magpapaanak 1: Donya sige pa po kailangan po nating mailabas ang bata hindi ito makakahinga
Teodora: * dadaing sa sakit* 2 iri sa pangalawa lalabas na si Rizal

Transition: IS: sasarado yung pinto then black

Scene 2 (Rizal at Paciano 1866)


IS: From transition black to bubukas yung pinto then
F1: Pagbukas ng pinto lalabas si Rizal at Paciano upang maglaro ng Saranggola
Teodora: Pepe, Paciano saan kayo pupunta? *Sigaw lang to*
Paciano: Nay, maglalaro lang po kami ni pepe sa labas
MSw/IS: Maghahabulan ang dalawa *slowmo Change angle then fade to MS*
Paciano: *Gumagawa ng Sarangola
Pepe: bakit lumilipad ang sarangola?
Paciano: Dahil sa hangin sa himpapawirin Pepe
Pepe: Bakit may tali ang sarangola?
Paciano: Dahil liliparin ito pag wala *tapos na nyang gawin ang sarangola*
Paciano: o ito hawakan mo papaliparin natin yan oh punta ka dun bilis sige pa oh yan hagis mo sige
*Papaliparin ni paciano ang Sarangola *slowmo*

Transition: Fade to black then Info Frame (IF)


Si Rizal o kilala sa tawag na pepe ay pang-pito sa labing-isang magkakapatid ngunit itinuturing syang
bunso sa lalaki kaya’t pinagbibigyan ang lahat ng gusto nito.

sa Murang edad marami din ang naging hilig ni pepe gaya ng pagpinta, paghulma ng putik at higit sa
lahat ang pagsusulat.

Scene 3 (Pagtuturo ng Ina)


MSw/IS: sa gasera ulit then sa binabasa * nagtuturo slowmo *Change angle Fade then nakatitig lang si pepe
sa gasera dahil napansin ni teodora na hindi na nakikinig si pepe nagkwento nalng ito tungkol sa gamu-gamu
*roll clip and voice over*
F1: pagkatapos ng kwento
Teodora: Kaya ikaw pepe "Huwag mong paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa
pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak"

Transition:
noong mga panahong iyon katulad ng mga ibang pamilya ang ina ang naging unang guro sa kanilang mga
anak gaya ni Teodora siya ang nagturo kay rizal na magbasa at magsulat.
at dahil kilala si Don Francisco (Ama ni Pepe) na isa sa may pinakamaraming libro. Binabasahan ni Teodora
palagi si pepe ng mga kwento at ito ang naging daan upang mahiligan ni pepe ang pagsusulat.

Scene 4 (Sa Ating mga kabata 1869)


IS: Gasera, nagsusulat, sulat mismo, pag sawsaw sa ink
MS: sa ating mga kabata puro insert shot to then may voice over ng tula dito pero di babasahin lahat
masyadong mahaba yun I hihighlight lang natin at para maipakita at maiparinig yung huling line ni pepe na ang
hindi magmahal chuchu* basta yun

VO: Kapagka ang baya'y sadyang umiibig / sa kanyang salitang kaloob ng langit / sanlang kalayaan nasa ring
masapit / katulad ng ibong nasa himpapawid.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita / mahigit sa hayop at malansang isda / kaya ang marapat
pagyamaning kusa / na tulad sa isang tunay na nagpala

Transition:
Nag aral si rizal sa bahay ng kanyang Guro na si Justiano Aquino-Cruz ngunit sa taglay nitong katalinuhan
ay nagpasya ang guro na ilipat na ito sa isang totoong paaralan kaya’t minagbuti ng pamilya rizal na ilipat si pepe
sa ateneo kung saan nya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Scene 5 (Ateneo 1872)


IS: Nakapila ang mga studyante naglalakad si pepe at ng Makita nya ang pila ay agad sya pupunta dito
ngunit sa paglalakad ay masasanggi sya ng mga bata na tila walang pakealam sa kanya

MS/F1: tatawagin ang pangalang Rizal ngunit tila hindi nakikinig si pepe
Guro: Jose Protacio Rizal?
Pepe: *nalilibang sa paligid kaya’t hindi sumasagot”
Guro: Rizal……….
Pepe: *lalapit*
Guro: ikaw ba si rizal?
Pepe: opo
Guro 2: *bubulong* bago lang po yan at isa syang Indio
Guro 1: pasok, Maupo ka doon sa upuan sa likod
*Pagpasok ni pepe ay magbubulungan ang kanyang mga kaklase habang nakatingin sa kanya pag-upo nito*

Transition: Naging aktibo si pepe sa klase sa nakalipas na mga taon ngunit hirap itong masabi ng kanyang mga
hinaing kaya’t nakagawa itong muli ng tula na pinamagatan nyang ALA juventud Filipina.
Scene 6 (Ala Juventud Filipina 1879)
MS/IS/VO: Nagsusulat sya habang nasa klase mga insert shot ng angles nya while nakaclose up sa
kanya at sa sinusulat
Itaas ang iyong noong aliwalas,
Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.

Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,


Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Transition: Pagkalipas ng ilang taon nagtapos si Pepe sa Ateneo bilang sobresaliente o ang pinakamataas sa
klase. Kasabay nito ang balita mula sa kanyang pamilya ang patungkol sa pagkalabo ng mata ng kanyang ina
kaya’t ito ang nagtulak sa kanya upang kuhanin ang kursong medisina ngunit dahil sa kawalan ng kursong ito sa
ateneo ay lumipat namang muli si pepe ng eskwelahan kung saan mayroong kursong medisina at nahanap nya
ito sa Unibersidad ng Sto Tomas ngunit naranasan ni pepe ang pang-aalipusta sa katulad niyang isang indo kaya’t
nawalan ito ng gana mag aral.

Scene 7 (Pag-aaral sa Europa 1882)


IS: hallway shot kasama sina pepe at Paciano
F1/MS: kukumbinsihin ni paciano si pepe upang ipagpatuloy ang pag aaral sa Europa
Paciano: Ipagpatuloy moa ng kolehiyo pepe, ako na ang bahalang tumulong sa ating pamilya at mag-alaga
sa ating mga kapatid
Pepe: Nais ko din sanang maging isang doctor ng sa gayon ako na rin ang mag opera sa ating ina, ngunit
malaking salapi ang aking gugugulin upang makapagtapos ako
Paciano: Sandali lang, napanghinaan k aba sa unibersidad? Dahil tayo daw ay mga indio?
Pepe: pero..
Paciano: hindi bat napagusapan na natin ang tungkol sa iyong pag-aaral? Malaking karangalan pepe ang
magkalisensya sa pagiging doktor. Ikaw mismo ang makatutulong sa ating mga kababayang kapos-palad.

Transition: Fading

Scene 8 (Sulat ni paciano sa kapatid)


IS: Shot na nagsusulat ang kapatid *slowmo* change Angle cam paglagay sa sobre
VO: Minamahal kung kapatid, nang mabalitaan ng ating pamilya ang iyong pag-alis lubos na nalungkot an
gating mga magulang ngunit higit sa lahat ang matanda nating babae na naging walang kibo at sa gabi’y umiiyak
hangad namin ang iyong kaligtasan sana’y wag mo kaming kalilimutan
Ang iyong kapatid
Paciano
Transition: Makalipas ang 2 taong pag aaral ni pepe sa europa ay nakilala nito ang mga kababayang sina juan
luna at Felix hidalgo at nakasama ito sa isang samahan ng mga mason.
Dito ay ipinagdiriwang nila ang pagkapanalo ng kapwa Pilipino na si Juan luna ng Gintong Medalya
para sa mural nito na “Spoliarium” at pilak na medalya naman kay Felix Resureccion Hidalgo para sa mural
nitong “Las Virgenes Cristianas Expuestas al populacho”.

Scene 9 (Philippines Pride 1884)


F1: Naglalakad si Rizal patungo sa paggaganapan ng kanilang pagpupulong ng salubungin ito nina Juan
luna at felix hidalgo

IS/MS: Convo
Juan Luna: Senior Rizal
Rizal: Juan Luna *kakamayan*
Felix Hidalgo: Kumusta Senior Rizal
Rizal: Hidalgo *Kakamayan din*
Juan Luna: Mayroon kaming maliit na salo-salo halika sumama ka sa amin
F2/IS: aakbayan ni Juan Luna si Rizal papunta sa hapagkainan
Juan: Mga kasama si Senior Rizal *ipapakilala si rizal*
Rizal: *uupo habang tinutunguan ang bawat isa*
F3/IS: *Panning from the wall* Nakatayo si rizal upang magbigay ng isang talumpati ng pagpupugay para kina
Juan Luan at Felix Resureccion Hidalgo.
MS Cont.:
Rizal: Malapit na magwakas ang patriarchal ng lipunan sa pilipinas. Ang mga anak ng ating bayan ay
namamayagpag ng talino, at talento sa buong mundo, ito ang simula ng ating pagkamulat… mga instrumento
upang mamulat ang ating bayan at magnais ng kapayapaan… pagkakaisa ng bansang espanya... at ang kanyang
anak na pilipinas ng sa hinaharap ang mga Pilipino ay may pantay na karapatan sa kanyang inang bayan
karapatang matuto, mamulat, mabuhay na maluwalhati at ngumiti na walang kapalit.
IS: Salud! o kampay *Itinaas ang glasswine* at gayun din sa iba then last IS iinom si rizal *palapakan sound*
then fade to black

Scene 10 (Noli me Tangere 1884-1886)


IS: pagsulat ni Rizal sa Paris, Madrid at Berlin ng nobelang Noli me tangere (20:38 cut clip)
F1/VO: Nagsusulat sya sa Madrid “Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan
(nakasuot ng itim). Binating lahat ni kapitán ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya
ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla nang makilala si Ibarra.”

F2/VO: Nagsusulat sa Paris “Tinignang mabuti ni Nyor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na
siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong
madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.”

F3/VO: Nagsusulat sa Berlin “Magmula nang pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa
Maynila. 'Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang
bangkay sa kaniyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, samâ ng loob o bangungot ang sanhi ng kaniyang ikinamatay.”

Transition: Fade to black


Scene 11 (Sulat ni Paciano kay Rizal)
IS: Pagbukas ng sulat at pagbabasa
MF/VO: Kapatid ko ng matanggap ko ang iyong sulat tungkol sa kulang na kabayaran upang maipalimbag ang iyong
ay lubos akong nag-alala alam kung ilang taon mo na rin iyang isinulat kaya’t pinagbuti ko at ng iba pa nating mga
kapatid na magpadala sa iyo ng salapi na iyong magagamit. Nabalitaan din ng iyong matalik na kaibigan na si Maximo
Viola ang balita kaya’t nagpadala ito ng malaking halaga at sinabing ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa at
maasahan mo ang kanyang suporta, ang mga ito ay makikita mo na nakalakip kasama ang liham na ito Hangad namin
ang iyong kaligtasan Pepe mahal na mahal ka namin. Ang iyong kapatid Paciano.

Transition: ang Noli me Tangere ay nailimbag taong 1887 buwan ng marso ito ay may 64 na kabanata na may 480 na
pahina.

sa halagang 300 pesos ay nailimbag ito na may 2000 kopya subalit ito ay unang nakalathala sa salitang espanyol
na nuoy mga ilustrado o mga edukadong tao lamang ang nakaiintindi.

Scene 12 (Pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas 1887)


IS: *Panning from anything door or upuan*
MS: *magmamano at uupo*
Rizal: Kumusta po kayo dito ina?
Teodora: Maayos naman kami Pepe. Ikaw ba’y nag hapunan na?
Rizal: opo, nasaan po ang aking mga kapatid?
Teodora: Ang mga nakababata mong kapatid ay tinuturuan ngayon ng iyong dating guro ang kuya
paciano mo naman ay naghahanap buhay.
Rizal: Kumusta naman po ang inyong mga mata
Teodora: Simula ng maoperahan mo ako malinaw pa sa tubig ang nakikita pepe
Rizal: sige po, ako po muna ay magpapahinga sapagkat ilang araw din po ang aking ginugol sa byahe.
Teodora: Magandang gabi
Rizal: Magandang gabi rin po ina

F1: tatayo si rizal at papasok sa kwarto pagkapasok ay makikita nito ang mga sulat ni Leonor Rivera at maalala
niya ang nakaraan.

Scene 13 (Segunda Katigbak 1877)


IS: *Panning from the wall* mag mamano ang magkaklase na sina Olympia at Segunda at pauupuin naman
ito ni Teodora.

F1/MS: nagsusulat si Rizal ng dumating ang kapatid nya at ang kaklase nitong si segunda
Olympia: Mano po nay sandal lang po ako’y magpapalit lamang ng damit
Segunda: Magandang umaga po
Teodora: magandang umaga din, ikaw ba’y isa sa mga kaibigan ni Olympia
Segunda: Opo, *Mapapatingin ito kay Rizal at titingin nman dito si rizal”
IS: Tinginan ng dalawa change angle

Transition: Panning from the wall


Scene 14 (Leonor Rivera 1878)
IS: Panning Out From a wall nakatalikod sila nakaupo medyo nakatagilid si rizal ginagamot ni segunda ang
sugat ni rizal

F1/MS: sa hallway ng school


Leonor: sabi ko nman sayo hayaan mo nalang sila ayan tuloy *habang ginagamot nito ang sugat sa ulo*
Rizal: Dapat kung ipagtanggol ang sarili ko *aray*
Leonor: ayy pasensya na, sandal…
Rizal: *mapapahawak ni Leonor na nakawahk din sa sugat nito magkakatinginan ang dalawa

Transition: tilting up then fade to black

Scene 15 (Leonor Valenzuela 1879)


IS: tilting up din sa nagsusulat si rizal gamit ang ink na gawa sa asin at tubig (Nagsusulat, focus sa kanya then
sasawsaw sa ink then change angle:

F1/MSw/VO
Rizal: *Habang nagsusulat* Orang… Lubos kung ikinabigla ang ipinadala mong sulat sa akin sapagkat wala
akong nakitang letra ngunit ng mabasa kung kailangan koi tong iharap sa ilawan upang Makita ko ang nakasulat
dito ay agad akong namagha dito gumawa na rin ako ng sarili kong tinta na gawa sa asin at tubig maaari mo rin
itong itapat sa ilawan ng mabasa moa ng nilalaman nito, sabik na akong Makita at makausap kang muli
nagmamahal Jose Rizal.

Transition: fade babalik kay rizal

Scene 16 (memorya ng pag-ibig)


IS: *hihiga si rizal shot from the candle or gasera*

MS/IS: Kumusta na kaya si Leonor? * Close up *


F1: papatayin nya yung kandila or gasera.

Transition: pagpatay ng garesa o kandila magbabablack na

Scene 17 (hinaing ng mga tao)


IS: Framing * darating ang mga trabahador sa bukid sa bahay nila Pepe (6 na trabahado)

F1/MSw/VO
Trabahador 1: Don Francisco.. Don Francisco
Josefa: (IS/VO) ano pong kailangan nila?
Trabahador 2: Nais po sana naming komunsulta kay don Francisco
Saturnina: ahh.. sige tuloy muna ho kayo

IS: maglalakad papunta sa kinaroroonan ni Don Francisco


Trabahador 3: Mataas ang buwis ngunit kaming mga mismong nagtanim ay walang makain sa araw-araw
Trabahado 4: wala na po ba tayong magagawa sa labis na paninigil ng buwis?
Rizal: *kasama ang ama at ang kapatid na si paciano* Ang pang aabuso at walang katarungan ay laganap
ngayon sa ating bayan.
Trabahador 1: Kailangan nating humingi ng katibayan sa mga prayle tungkol sa labis na paniningil
Rizal: ngunit hindi sa pamamagitan ng Dahas (IS trabahador 5) Kailangan natin itong gawin sa
mapayapang paraan, ginagawa namin ang lahat Maghintay ho lamang tayo
Trabahador 2: kailangan nating ipaabot sa ating pamahalaan na tayo’y ginigipit ng simbahan
Rizal: ang kapayapaan.. una sa lahat ang kailangan nating isulong, kaylangan nating pigilan ang pananakit
ng nasa kapangyarihan…. Kung magpapadalos-dalos tayo maraming madadamay. Maraming mamatay.

Scene 18 (Pagkalat ng Noli sa Pilipinas)


IS: Magbibihis, Magmamano sa magulang, isusuot yung coat tapos kukunin yung maleta or bag tapos aalis
na sya (IS palabas ng pinto then pagkalabas nya sasarado ito then fade black

VO: nabalitaan ko na nakarating na sa mga prayle ang iyong nobela, hindi ka na ligtas dito Pepe kailangan
mo ng bumalik ng Europa.

Transition: *shutting door fade to black* sa mga nagdaang taon na pananaligi ni rizal sa Europa isang liham ang
natanggap nito mula sa kanyang kapatid na si paciano, nakaasaad dito ang isang balitang makapag uusbong ng
galit sa puso ni Rizal.

Scene 19 (El filibusterismo 1891)


IS: Nagsusulat si rizal ng El filibusterismo, saw saw sa ink, sulat, then change angle

F1/MS: Darating ang kartero upang ipahatid ang sulat ni rizal galling kay paciano
Belgian mailman: *kakatok* Bonjour… Lettre (Hello, Letter)
RizaL: *bubuksan ang pinto* Bonjour Monsieur (Hello sir)
Mailman: Salut. Etes-vou Rizal? (Hi, are you rizal?)
Rizal: Oui, oui (yes, yes)
Mailman: tu as una lettre des Philippines, Voici. (you have a letter from the Philippines, Here you go)
Rizal: Je Vous Remercie! (Thank you!)
Mailman: de Rein, Au revoir (you’re welcome, bye)

IS: yung cam nag stay sa table kung saan nag susualt si rizal.

Scene 20 (Ang Masamang balita)


IS: Pagbukas ng sulat, then si Rizal *Puro Change Angle lang slow mo*

VO: Mahal kung kapatid…. Ayaw ko sanang ipadala ang sulat na ito ngunit kailangan mo itong malaman,
dahil sa pagkalat ng iyong nobela. Nag aklas ang kapwa nating Pilipino sa mga prayle subalit nagalit ang mga ito
kahapon tumungo sila sa ating tirahan sinunog ito at kinuha ang ating mga kapatid na babae at ipinatapon sa
ibat-ibang lugar maging ang ating ina ay muntikan ng makaranas ng pagmamalupit ngunit wag kang mag alala
kasama ko ngayon ang ating ama. Ang iyong kapatid Paciano.

Transition: Nang mabasa ni Rizal ang sulat napuno ito ng galit at napagbalingan ang kanayang nobelang El
Filibusterismo muntikan na nya itong sunugin ngunit mas nangibabaw sa kanya ang nakararami na isa ito sa
instrument ng paglaban.

Dahil sa pagmamalupit ng mga prayle umusbong ang dyaryong “La Solidaridad” Dito ipinahayag ni rizal
ang kanyang mga artikulo na bumabatikos sa mga prayle at gobyernong kastila. Nagtago siya sa pangalang
“Laong laan”

Dahil hindi makauwi ng pilipinas si Rizal Nagpasya ito na magtipon tipon ang pamilya sa Hongkong dahil
mainit pa sa kanya ang gobyerno ng espanyol.

Scene 21 (Ang pagkikita-kita 1891)


IS: hongkong nakaupo si rizal at don Francisco kasama ang mga kapatid na sina Maria, lucia at paciano

F1/MS:
Maria: Kinuha nila ang ating ina mga wala silang awa.
Rizal: Sobra sobrang Kawalang katarungan na ito. Ating ina, ating pamilya, Ating Kababayan!!! Kinuha na
nila ang lahat kung ganun wala ng mawawala pa sa atin. Magkakasama tayo dito ngayon ating Pamilya.
Lucia: wala ng mas sasama pa sa Pagpapalakad nila sa ating matandang Ina!!

Transition: Sumulat si Rizal kay gobernador Despujol upang payagang tumira ang pamilya sa Burneo ngunit hindi
ito pinayagan at pinayuhan na umuwi na lamang sa Pilipinas.

Scene 22 (La Solidaridad 1892)


IS: Philippines, Scene nakaupo ang lahat panning from the hand to the full face of rizal

F1/MS:
Rizal: “Matibay ang aking paniniwala na ang ligang ito ay simula ng pagbabagong nais natin, layunin ng la
liga Filipina ang mapagkaisa ang bayan, Malabanan ang karahasan, Mabigyan ng proteksyon ang bawat isa kung
kinakailangan at mapag-aralan ang reporma para sa bayan, Sa malinis at mapayapang paraan.”

Transition: Dahil makapangyarihan ang gobyerno ng mga espanyol nakarating agad sa kanila ang balita ng
pagtatag ni Rizal at ng kanyang mga kasama ng isang Sikretong Samahan o masonry.

Scene 23 (Ang Pagdakip kay Rizal)


IS: nakaupo ang mga espanyol

MS: Pag uusapan ang pagdakip kay Rizal


Col Arjona: ang dating pasulat-sulat lamang ngayo’y nagtatatag na ng kilusan.
Col Olive: Talagang mapanganib na ang Rizal nayan.
Gov-hen: Maghanda kayo at Dakpin ng Rizal na iyan, ipatapon sa dapitan at sabihan ang mga taon duon
na walang sinumang kakausap kay rizal ng walang pahintulot.

Transition: Makalipas ang tatlong araw matapos na itatag ni Rizal ang Samahang La Solidaridad nadakip ito at
ipinatapon sa dapitan. Duon ay mananatili sya at hindi maaaring lumabas at kumausap ng kung sino-sino.

Dahil sa kawalan ng mga manggagamot si Rizal ay pinayagan ng Gobyerno ng mga espanyol na kumausap
ng tao kung ito ay magpapagamot lamang sa kanya.

Scene 24 (Ang Rebolusyon sa Cuba)


MS: pupunta sina Roberto mata at Pio Valenzuela upang magpagamot kay rizal
Roberto: Magandang umaga po Dr. Rizal
Rizal: Magandang umaga din po, ano po’t kayo’y naparito kayo po ba’y may dinaramdam?
Pio : Hindi po pagpapagamot ang pinunta namin dito Dr. Rizal, may nais po sana kaming sabihin sa inyo
Roberto: Ang mga espanyol ay patuloy na nagpapalawak ng nasasakupan, kasalukuyang may nagaganap na
rebolusyon ngayon sa cuba Dr. Rizal at maraming mga Sundalong Espanyol ang sugatan kailangan po nila ang
inyong tulong.

Transition: Desyembre 17 Nang mabalitaan ni Rizal ang Rebolusyong nagaganap sa Cuba Kaya’t agad itong
sumulat kay Gobernador-Heneral blanco upang magboluntaryong sumama sa cuba upang gamutin ang mga
espanyol na lumalaban duon.

Hulyo 1, 1896 ng makarating kay rizal ang sagot ng gobernador galling sa maynila nakasaad dito ang
pagpayag sa nais ni rizal na makatulong sa mga sundalong espanyol sa cuba

Hindi alam ng Gobernador-Heneral na ang tunay na layunin ni rizal ay ang mapag-aralan pa ang
rebolusyon na nangyayari dito.

Scene 25 (Josephine Bracken Agosto, 1896)


MS: pag-uusapan ni rizal at ang nobya nito na si Josephine ang muling pag-alis ni Rizal papuntang Cuba
Josephine: Nabalitaan ko na ikaw raw ay muling aalis.
Rizal: Nais ko sanang mapag-aralan pa ang patungkol sa rebolusyon ng sa gayon ay magamit ko ito upang
ipagtanggol ang ating bayan
Josephine: Hindi mo kailangang gawin ito mahal ko. Ikakapahamak mo lamang kapag nagpasya ka pang
magtungo duon.
Rizal: Hindi ako papayag na dito na lamang magtatapos ang buhay ko, kailangan ko gumawa ng paraan
upang maimulat ang mga tao.
Josephine: Naiintindihan kita kung ganun mag iingat ka, hihintayin ko ang iyong pagbalik
Rizal: huwag kang mag-alala iingatan ko ang aking sarili, babalik ako pangako.

Transition: September 02, 1896 ng umalis papunta ng cuba si Rizal makalipas ang ilang araw Setyembre 28, 1896
nahuli si rizal dahil sa kasong pagpapausbong ng rebolusyon laban sa gobyerno ng mga Espanyol.

Nov. 3 1896 ng iuwi si rizal mula spain at agad itong idiniretso sa Fort Santiago kung saan sya
pansamantalang mananatili habang pinag-aaralan ang kaso nito. Higit sa kaalaman ni rizal ang kanyang kapatid
na si Paciano ay naroon din ngunit hindi nya ito makikita.

Scene 26 (Paglilitis sa kaso ni Rizal)


MS: Nililitis ang kaso ni Riza
Rizal: Kailan Ma’y Hindi ako nagtaksil sa Bayan, Kaalaman ang nais kung iparating sa aking mga
kababayan, Hindi apoy ng galit Laban sa kung sino man, isang kamulatan
Gob-Hen: Nguni t ang katotohanang isiniwalat mo ay pinagbubulaanan nagpunla ka ng poot sa Lahat!
ng Kasinungalingan!
Rizal: Higit pa sa riyan ang ninais kung ipaabot sa aking mga kababayan!

Scene 27 (Ang Pagpatay kay Rizal)


VO: Ikaw Jose Protacio Rizal ay napatunayang may kauganayan sa pagpapakalat ng balitang tumataliwas sa
gobyerno at simbahan ikaw ngayon ay kinakasuhan ng Konspirasyon Rebelyon at sedisyon. At nakatakdang
bitayin sa ika-30 ng Disyembre sa Bagumbayan.

IS: Naglalakad from malayo *bump fade fade push*

You might also like