0% found this document useful (4 votes)
3K views10 pages

Jose Rizal Script

Ang dokumento ay tungkol kay Jose Rizal noong ipinatapon siya sa Dapitan. Pinakita ang kanyang pag-aangkop sa bagong lugar at pagtulong sa mga tao roon. Nagbigay din ito ng impresyon tungkol sa kanyang pananaw sa relihiyon at sa mga prayle.
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (4 votes)
3K views10 pages

Jose Rizal Script

Ang dokumento ay tungkol kay Jose Rizal noong ipinatapon siya sa Dapitan. Pinakita ang kanyang pag-aangkop sa bagong lugar at pagtulong sa mga tao roon. Nagbigay din ito ng impresyon tungkol sa kanyang pananaw sa relihiyon at sa mga prayle.
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

SCENE 1 Hulyo 8, 1892 Sa Aking Kaibigan Kahapon lamang ay naaprubahan na ni Gobernador Heneral Despujo ang panukalang ako ay ipatapon

sa isang Isla sa Timog. Dapitan ang tawag nila sa lugar na iyon. Ilang araw lamang mula sa araw na ito ako ay papupuntahin doon sakay ng isang Bangka. Isang lugar kong saan wala ni isiman akong kakilala. Hindi ko alam kong ano ang naghihintay na kapalaran sa akin sa lugar na iyon. Dalagangin ko na lamang na sana ang maging bawat araw ko roon ay may kaakibat na magandang alaala magpahangang sa aking huling mga oras. Ang iyong kaibigan Jose Rizal SCENE 2 (carmi)Ina: isirado ninyo ang bintana, may mga parating na guwardya civil. (rouen)Capt. Carnicero: mi nombre este capitan Carnicero el comamdante de Dapitan. Maligayang pagdating sa aming bayan. (eros)Rizal: gracias, capitan! (rouen)Capt. Carnicero: padre, ipinakikilala ko sa inyo si Jose Rizal. (aldrine)Padre: kilala ko siya. Siya ang nagsulat ng librong noli me tangere at el filibustirismo. Isang taksil sa kanyang sariling bansa at pangunahing kalaban ng inang espanya. Ngdala ng kahihiyan sa katolisismo. Oo, kilalang kilala ko siya. (rouen)Capt. Car: anu ang masasabi mo sa aming lugar, dr. Rizal? (eros)Rizal: napakalungkot at napatahimik ng lugar na ito. Wala akong ibang marinig kahit man lamang huni ng ibon. Sadyang napakatahimik ng paligid. (rouen)Capt. Car: masasanay ka rin paglipas ng mga araw. Ang mga bahay dito ay nagsasarado eksaktong 6:00 ng gabi. Base sa sulat ng gobernador pwede kang mamili ng iyong titirahan. Pwede ka dito manirahan o kaya sa kombento. (aldrine)Padre: sa kombento? Hindi maaari, hindi ko mapapayagang tumira ang isang tulad niyang tulisan sa aking tahanan maliban na lamang kung siya ay maninilukluhod sa katolisismo at aminin ang kanyang kasalanan sa inang espanya. SCENE 3 (rouen)Capt. Car: bakit ka pa bumalik ng bansa? Habang nasa ibang bansa ka, ikaw ay ligtas. Bakit pinili mo pang bumalik dito? (eros)Rizal: hindi ako duwag capitan. Hindi ako nagaral para maging ganun lamang. Ang aking pinaglalaban ay reporma ng aking bansa. Nandito ang aking laban kaya nararapat lamang na akoy nandito. May magagawa ba ako kung mananatili ako sa hongkong? (rouen)Capt. Car: reporma? Anung reporma ang iyong binabanggit? (eros)Rizal: repormang ipinagkait ng ina sa kanyang anak. Kung itoy ibinigay lamang sana, mahahalintulad ito sa isang binhi na nalalaki bilang puno,isang malaking puno. Kung ibinigay lang sana ng espanya ang karapatan sa kanyang nasasakupan upang ito ay lumago hindi sana mangyayari ito. (rouen)Capt. Car: may punto ka don pepe. Ngunit ang espanya ay nakakaranas ngaun ng rebulosyon at pagkabaksak ng ekonomiya. (eros)Rizal: hindi ito nangangahulugan na mapapabayaan ng inang espanya ang kalupaan nito. (rouen)Capt. Car: anung bang reporma ba ang nais mo? (eros)Rizal: ang mapatalsik ang mga tiwaling prayle sa bansa. (rouen)Capt. Car. Hahaha! alam nating lubos na ang mga payle ay kasanggang dikit ng bansang espanya.

(eros)Rizal: ?????????????????????????????????????????????????????????? SCENE 4 (renz)Tino: buenas noches, capitan. Buenas noches senyor. Di ba po kayoy isang alemanyang manggagamot? Balita ko po ay may sikat na manggagamot na galing sa germany ang bumisita dito sa amin. (eros)Rizal: isa akong manggagamot ngunit hindi ako alemanya. Nanggalig ako sa germany upang magaral lamang doon. (renz)Tino: oh senyor! Ako poy inyong tulungan ang aking anak ay ilang araw ng may sakit. Hindi ko na po alam ang aking gagawin. (eros)Rizal: halikat puntahan natin siya. SCENE 5 (eros)Rizal: mataas ang kanyang temperature. Anu ba ang nangyari sa kanya? (sasa)Nanay: nagdurugo po ang kanyang ilong at hindi po naming alam ang gagawin. Kami po ay natatakot para sa kanyang kalagayan. (eros)Rizal: base sa sintomas niya siya ay nagtataglay ng sakit na kung tawagin ay dengue. Sakit na kung hindi magagamot ay ikamamatay niya. Meron ako dito isang halamang gamot na pwedeng magpagaling sa kanya, pakuluhan lamang niyo ito at ipainum sa kanya. Wag ninyong hayaan na siya ay matuyuan ng tubig. Babalik na lamang ako upang tignan ang kalagayan niya. (renz)Tino: marami pong salamat senyor, tangapin niyo po ang itong mga prutas bilang aming pasasalamat sa inyo. (eros)Rizal: naku huwag na mas kakailanganin ito ng anak mo sa ngayon. Alagaan mo ang iyong pamilya. Babalik na lamang ako sa susunod na araw upang tignan ang kalagayan ng iyong anak. SCENE 6 (eros)Rizal: sususnod. (Paulo de guzman)Blind man: dr. Gusto ko po sanang makakita ulit. (eros)Rizal: ikaw bay kasal na? (Paulo d.)Blind man: opo, senyor. (eros)Rizal: may anak ka na ba? (Paulo d.)Blind man: opo, tatlo na po ang aking anak. (eros)Rizal: ikaw ay kasal na pala at may tatlong anak, bakit nais mo pang maoperahan ang iyong mata? (Paulo d.)Blind man: mula po pagkabata ay nawala na po ang aking paningin. Nakalimutan ko na nga poh ang itsura ng araw at ang kagandahan nitong aking lugar na kinagisnan. (eros)Rizal: bueno, titignan ko ang aking magagawa upang mapanumbalik ang iyong paningin. (Paulo d.)Blind man: salamat senyor. ++++ (eros)Rizal: padre, nais mo pa rin bang magpagamot akin? Na inyong tinaguriang tulisan at taksil sa kanyang sariling bayan. (maiko)Padre sanchez: oh pepe, hindi mo na ba ako nakikilala? Ako bay iyong kinalimutan na? (eros)Rizal: padre sanchez! Ikaw pala iyan. Halika padre ikay aking iniimbitahan sa aking tahanan. SCENE 7 (maiko)Padre sanchez: kamusta ka na pepe?

(eros)Rizal: ako ay nalulungkot dito padre. Ang aking situwasyon dito ay kakatwa. Ngunit pinagsusumikapan kong maging maayos ang aking pamumuhay rito. (maiko)Padre sanchez: kamusta naman ang pagtrato nila sayo? (eros)Rizal: mabuti naman padre, mabait si capt. Carnicero at mabubuti ang mga tao dito. Pero si padre-------hindi ako nakakasigurado. (maiko)Padre sanchez: hindi na nakakapagtaka ang pakitungo na iyon ng mga prayle sayo. Alam naman nating silay lubos na nasira dahil sa iyong mga sulatin. (eros)Rizal: magpagayon man lubos akong nagagalak sa iyong pagdalaw sa akin padre. (maiko)Padre sanchez: magiging matapat ako sayo pepe, akoy pinadala rito ng arsobispo upang ikaw ay panumbalikin sa katolisismo. (eros)Rizal: mas lubos mong alam padre na ang mga tiwaling prayle lamang ang aking tinutuligsa at hindi ang relihiyong katoliko. (maiko)Padre sanchez: alam ko pepe. Sya, sya wag na natin itong pagusapan, gusto kong maging Masaya ang bawat araw ng pananatili ko rito. At manaliting isang mabuting guro sa iyo. SCENE 8 (manuel)Padre: bibigyan pa kita ng dagdag niyan kong matatapos mo ang iyong misyon. (ian)Lalaki: opo padre. (manuel)Padre: magiingat ka. Hindi siya madaling madaya. (ian)Lalaki: gagawin ko po lahat padre. Wag kayong mabahala. (manuel)Padre: mabuti kong ganun, gusto kong maparusahan ang rizal na iyon. SCENE 9 (maiko)Padre sanchez: saan mo ginugugol ang iyong oras dito pepe? (eros)Rizal: bumili ako nang labing anim na ektarya mula sa aking napanalunan sa loterya. Nakikita mo ba padre ang mga chiko, acacia at iba pa, itinanim ko ang lahat ng ito. At itong kawayan na ito ay pinagmumulan ng tubig mula sa karatig ilog. Puwede din itong inumin. (maiko)Padre sanchez: hindi ka lamang isang manunulat kundi isa ring inhenyero at magsasaka. Ako ay nagagalak. (eros)Rizal: (ngumiti) (maiko)Padre sanchez: napakaganda ang lugar na ito. Malinis ang kapaligiran, malinis ang simoy ng hangin at malamyo ang huni ng mga ibon. (eros)Rizal: tama ka padre. Ang lugar na ito ay paraiso ngunit isa pa rin akong bilango. (maiko)Padre sanchez: tanggapin mo ng maluwang sa dibdib ang lahat ng ito pepe dahil ito ang nakatadhana saiyo. Patnubayan ka nuwa ng Diyos. SCENE 10 (maiko)Padre sanchez: babalik na ako sa maynila bukas pepe. (eros)Rizal: (nalungkot) (maiko)Padre sanchez: maliwanag na wala akong magagawa pa upang mapanumbalik kita sa katolisismo. (eros)Rizal: naiintindihan kita padre. (maiko)Padre sanchez: bilang isang guro at mabuting kaibigan pinapayuhan kita pepe na iwasan mo na sanang kalabanin pa ang mga prayle. Dahil siguradong mapapahamak ka.

(eros)Rizal: ipagpapatuloy ko pa rin padre ang aking nasimulan na. Kakalabanin ko pa rin ang mga prayle, mga prayle na walang alam kundi manloko at ginagamit ang posisyon para sa pansariling kapakanan. (maiko)Padre sanchez: alam ko na gusto mo lamang ng kalakayan sa sarili mong bayan. Gusto rin natin malaman ang katotohanan. Ngunit alalahanin mong na ang katolisismoy nagbigay ng mabuting pagbabago sa bansa. (eros)Rizal: siguro padre, ngunit walang kamuwangmuwang ang aking kababayan ng kanilang sakupin ang aming bansa, pinilit nila ang mga taong talikdaan ang kanilang nakasanayang cultura upang silay makapapuno dito.matagal na panaho na puro pasakit at pagmamaltrato ang ng naranasan ng aking kababayan mula sa mga kamay ng espanyol. Marami ang nagbubulagbulagan, ngunit hindi ako padre. Ipaglalaban ko ang karapatan ng Pilipino. (maiko)Padre sanchez: napakasidhing pananampalataya! Patnubayan ka nuwa ng panginoon sa iyong mga naisin. (eros)Rizal: ang indibidwal na pananaw ay isang bigayaya mula sa panginoon. Kaya dapat natin itong gamitin upang pagliwanagin ang kaisipan ng mga nadidiliman. Ang mga relihiyon ay magkakaiba ngunit iisa lamang ang layunin- ang magbigay ng kaliwanagan. (maiko)Padre sanchez: isang matalinong salaysay mula sa matalinong nilalang. Oh pepe, lagi kang magiingat ang mga kalaban moy handang manalanta anu mang oras. (eros)Rizal: anong saysay ng kamatayan kung ang mahal mo naman ang dahilan? Pinapangako padre magiingat ako. Ikaw din padre. Parawarin mo sana ako na pati ikaw ay pwedeng padamay anung mang oras dahil sa kagagawan ko. (maiko)Padre sanchez: ano ka ba naman pepe. Ikinagagalak kong maging isang istudyente ang kagaya mo. Para na rin kitang anak. Adios pepe, patnubayan ka ng Panginoon. (eros)Rizal: muchas gracias! ikaw rin padre Patnubayan ka ng panginoon. Muy bien. SCENE 11 (eros)Rizal: hindi ko maintindihan, don Ricardo. Naging mabait at masunurin ako dito sa bayan na ito, bakit hindi ninyo ako payagan na madalaw ang aking pamilya. May naging kasalanan ba ako? (rouen)Capt. Carnicero: naggaling kay gobernador heneral ang desisyon pepe. Kong ako lamang ang masusunod, pinayagan na kita. (eros)Rizal: matanda na aking mga magulang. Nais ko man lamang silang Makita. Makasama ang aking mga kapatid. Hindi na sila nasiyahan na akoy ikulong dito, pati rin ang aking mga kamag anak ay kanila ring pinapahirapan. (rouen)Capt. Car: wag kang mawalan ng pagasa. Pagpapadala ako ulit ng panibagong sulat sa gob. Hen. (eros)Rizal: maraming salamat don Ricardo sa iyong kabutihan. (rouen)Capt. Car: walang anuman, ikaw ay aking kaibigan. Nais kitang matulungan. SCENE 12 (boses) (peter)Lalaki 1: gusto mo bang tulungan ka naming senyor? (eros)Rizal: saan kayo nangaling? Wala ba kayong klase? (abando)Lalaki 2: wala pong pera an gaming magulang para kamiy makapagaral. (halal)Lalaki 3: kaya tutulungan na lng po naming kayo. (eros)Rizal: (nagiisip) SCENE 13 (eros)Rizal: (may hawak na stick nakaturo sa blackboard) (eros)Rizal: ipagpatuloy natin ang magandang nagawa para sa ikauunlad ng ating bansa

Lahat ng Estudyente: ipagpatuloy natin ang magandang nagawa para sa ikauunlad ng ating bansa (eros)Rizal: sa salitang espanyol. (peter)Estudyente: Realizamos grandes logros para la prosperidad de nuestro pas (eros)Rizal: magaling. (eros)Rizal: bukas, ituturo ko sa inyo ang aritmitic. Puwede na kaung umuwi. Lahat ng Estudyente: paalam po senyor. ++++++ (eros)Rizal: anung sinasabi ng iba kung nalalaman nilang ikaw ay aking estudyente? (peter)Joselito: pagpumupunta po kami sa simbahan nila nanay at tatay, kami poy pinagtitingin at pinagtatawana ng mga tao. Sinasabi po nilang wala pong katotohanan ang lahat ng inyong mga sinasabi. (eros)Rizal: Naniniwala ka ba sakanila? (peter)Joselito: kung naniniwala po ako sa kanila, hindi na po ako puputa dito para magaral. Hindi po ako ngsisisi na maging estudyente ninyo dahil marami po akong natututunan. (eros)Rizal: ang edukasyon ay hindi natatapos sa paaralan, joselito. Patuloy tayong patututo at pagdating ng panahon malalaman mo kung anu ang iyong tadhana. Sumunod ka lamang at huwag mo itong talikdaan. SCENE 14 (aldrine)Priest: huwag kayong palinlang sa kaaway. Sila ay kampo ng kadiliman. At naghahasik ng lagim. Sinisira ang magandang imahe ng simbahang katoliko. Ilayo ninyo ang inyong mga anak sa isang kampo ng kadiliman dahil kung hindi, kayo ay masusunog sa impyerno. (peter)Joselito: (tumingin sa nanay at tatay niya). SCENE 15 Sa aking mahal na ina, Sa wakas ang gobernador heneral ay pumayag na sa aking kahilingan na kayoy makadalaw sa akin dito sa Dapitan. Ako ay sabik na sa inyong pagdating dito kasama ng aking dalawang kapatin. Naway maging matiwasay ang inyong paglalakbay. Ang inyong anak, Jose Rizal SCENE 16 (eros)Rizal: nanay, kamusta po ang inyong paglalakbay? Alam kong gutom na kayo tara at pumasok tayo s loob. Sa mesa... (eros)Rizal: nay, kamusta naman si itay? (allysa)Donya teodora: oh pepe, mabuti naman siya. Pero sympre tumatanda na rin siya. Pinapasabi nga pala niya na nangunngulila siya sayo at magiingat ka raw dito. maayos ba ang kalagayan mo dito pepe? (eros)Rizal: oo naman inay, ang pagdalaw ninyo ay mas lalong ngbigay saya sakin. Kamusta naman po si Leonor inay? (katahimikan) (eros)Rizal: naalala pa ba niya ako?

(Karen lumba)Maria: pepe, alam mo naman na siya ay ipinakasal ng kanyang magulang sa isang Briton ngunit hindi siya naging Masaya. (eros)Rizal: asan siya ngayon?(nakangiti) (rica)Narcisa: pepe, si Leonor ay patay na. (nalungkot si rizal) (eros)Rizal: pagpaumanhin pupunta muna ako sa aking kwarto. (nagiisip,nagbabaliktanaw) SCENE 17 (allysa)Donya teodora: napakatahimik ang lugar na ito, pepe (eros)Rizal: nagustuhan niyo ba ang lugar na ito? Inay (allysa)Donya teodora: sa pagdalaw ko dito ay ngbigay sa akin ng kapayapaan dahil alam kong nasa maayos kang kalagayan. Ano naman ang iyong pinagkakaabalan dito? (eros)Rizal: gumigising ako ng alasingko ng umaga upang pakainin ang aking mga alagang manok.ginigising ko na rin ang aking mga estudyente sa oras na iyon upang makapagumagahan kami sa oras ng alasiete. Pagkatapos pupunta ako sa bayan para bisitahin ang aking bahay pagamotan, manggamot hangang taghali. Babalik ako dito upang managhalihan pagtapos matuturo naman ako hanggang alaskwatro ng hapon. Pagkalipas nun akoy magbabasa na lamang ng libro. (allysa)Donya teodora: sadya ngang nagugugol ang iyong oras sa makabulohang bagay. (eros)Rizal: kailangn ko itong gawin inay upang maibsan ang aking pangungulila. (allysa)Donya teodora: lubos kaming nababahala sa bawat araw ng nagdaraan, pepe. Ngunit kamiy nananalig na papatnubayan tayo ng ating panginoong makapagyarihan sa lahat. SCENE 18 (eros)Rizal: inay nais mo po ba talagang operahan ang kaatarata sa iyong mata? (allysa)Donya teodora: mahusay ka sa paggagamot sa mata, akoy may tiwala sayo na mapapagaling mo ako, pepe. (pagkatapos ng operation) (allysa)Donya teodora: pepe, narcisa, maria! Asan kayo? (Karen l.)Maria: oh nay wag muna kayong gumalaw. (eros)Rizal: inay. Kailangan muna nating hintayin na gumaling ang iyong mata. Kaya magpahinga muna kayo. Kami na po ang bahala sa inyo. (allysa)Donya teodora: ngunit hindi ko nakikita ang mga nagyayari, gusto ko ng makakita. (eros)Rizal: makakakita ka din inay, kailangan muna nating magtiis sa sandaling panahon. (Pagkalipas ng ilang araw nakatanggap ng sulat si donya teodora na galing kay saturnine.) (allysa)Donya teodora: oh pepe! Gusto ko sanang manatili pa ng ilang araw dito ngunit akoy kailangan ng iyong ama. (eros)Rizal: naiintindihan ko inay, pakikamusta na lamang ako kay itay. At pakiabot na rin ang aking paumanhin sa mga problemang aking kinasangkutan na pati kayo ay nadamay. (allysa)Donya teodora: oh pepe, wag kang magsalita ng ganyan anak ka namin, kayo ng mga kapatid mo ay itinuturing naming isang bigayaya ng Diyos. At kamiy nagpapasalamat na binigyan niya kami ng isang matalino at mabait na anak na kagaya mo. Mahal na mahal ka naming pepe. Kami ng iyong ama, ipinagmamalaki ka naming. Magiinagat ka anak. Ang iyong kapatid na si saturnina ang magsusundo s akin sa pier.

(rica)Narcisa: pakikamusta nalang ako kay itay, inay. (lumba)Maria: ako din ina, paki halik na rin ako sa kanyang kamay. (eros)Rizal: maiinagat ka din inay, mahal kita inay. SCENE 19 (eros)Rizal: sino iyan? (ian)Lalaki: don pepe, si Pablo Mercado po ito. (eros)Rizal: sino? Ngunit hindi kita kilala. Kung magpapagmot ka bukas na lamang ng alasotso ng umaga dahil gabi na. (ian)Lalaki: oh senyor, ako poy inyong kamag anak. (eros)Rizal: kamag-anak? (ian)Lalaki: opo senyor, pero hindi pa po tayo ngkakakilala ng personal. (naawa si rizal) (ian)Lalaki: pwede po bang makituloy? Ako poy basang basa na. (eros)Rizal: sige, tuloy ka.(nagdududa) (ian)Lalaki: don pepe, ako po ay na naniniwala na dapat tayong magkaroon ng kalayaan mula sa espanya. Ako po ay nasa inyong panig. (eros)Rizal: ayaw kong dumanak ang dugo sa aking pakikibaka. Ang gusto ko lamang ay pagbabago at pagkapantaypantay na trato ng espanya sa mga Pilipino. (ian)Lalaki: ako po ay ipinadala ng mg katipunero upang kunin ang iyong mga sulat sa kanila at upang alamin ang iyong kalagayan dito ganun na rin ang iyong mga plano. (eros)Rizal: mahalaga sa akin ang aking mga sulat kaya ganoy hindi ko ito ipinagkakatiwala lamang sa kong sino man. Lalo na sa hindi ko kakilala. Gusto ma ba ng tsaa? (ian)Lalaki: sige po senyor. (pinagtangkaang patayin si rizal) (eros)Rizal: sino ka? Sino ang nagpadala sayo dito? (ian)Lalaki: ang totoo kong pangalan ay Florencio Namanan. Isang prayle sa manila ang nagpadala sa akin dito akoy binayaran ng pitongpput dalawang piso upang kunin ang mga sulat sayo para ikaw ay maipakulong habang buhay. (ian)Lalaki: ahhhhhhhhhhh!!!!! (Nakawala ang lalaki) SCENE 20 (peter/rica)Joselito and narcisa: pepe may naghihintay sayo. Galing pa daw sila sa hongkong. (Erika)Manuela: magandang araw ginoo, ako pala si Manuel orlac. Sinamahan ko sila rito dahil napagalaman nilang my magaling na manggagamot sa mata rito. Siya nga pala ito si ginoong taufer at ang kanyang anak na si Josephine bracken. (Nabighani si rizal kay josephine) (eros)Rizal: kinagagalak kitang makilala binibining Josephine. (joy)Josephine: ako din ginoong rizal.

(Vincent)Mr. Taufer: balita koy isa kang magaling na optalmology sa asia. Nais kong manunbalik ulit ang aking maningin. Maari mo ba akong gamutin? (eros)Rizal: gagawin ko ang lahat ng abot ng aking makakaya ginoong taufer. (kinahapon, naglalakad si rizal at josephine) (eros)Rizal: ano ang iyong masasabi sa aming bansang pilipinas. (joy)Josephine: napakaganda ng inyong bansa. Ang bulaklak ay kakaiba at kabighabighani. (eros)Rizal: katulad mo rin binibini. (joy)Josephine: ano ang iyong sinabi? (eros)Rizal: wag mo na lamang pagtuonan ng pansin ang aking nasabi. (joy)Josephine: nasabi ng marami na napakahusay mo raw na maggagamot. Naway mapanumbalik mo ang paningin ng aking ama, ikaw raw ang susi sa muli niyang paggaling. (eros)Rizal: hindi ako nagbibigay himala, tinutulungan ko lamang silang makakita. Ating napapabayaan an ating paningin at ang taglay nitong biyaya. Marami sa atin ang mapalad na masilayan ang liwang ng araw ngunit may ilan ding nakalugmok sa kadiliman. (joy)Josephine: napakamakata, isa ka sigurong manunuulat ng tula? (eros)Rizal: tama ka, isa akong lingkod ng sining, sa sining ko isinalalarawan ang aking nadarama. (joy)Josephine: isa rin akong pintor noon. Ngunit nang mamatay ang aking ina ay natigil ito. Dahil akoy naging isang ------orpan--------(eros)Rizal: hindi si ginoong taufer ang tunay mong ama? (joy)Josephine: tama ka, akoy kanyang inalagaan mula nong akoy tinanggihan ng aking ama na alagaan. (eros)Rizal: ganun ba. (joy)Josephine: utang ko ang aking buhay sa kanya. Siya lamang ang ppamilya na natitira sa akin. (eros)Rizal: naku bilisan natin baka hindi natin maabutan ang paglubog ng araw. (joy)Josephine: talaga? Hindi pa ako nakakakita ng paglubog ng araw. (eros)Rizal: kung ganun, halika na upang Makita mo ang kagandahan nitong taglay. SCENE 21 (joy)Josephine: anu ito? (eros)Rizal: hindi ko alam, nagyon ko pa lamang nakita ito. Para itong butiki na may pakpak. (eros)Rizal: hindi ko pa ito nakita o nabasa sa aking mga libro. Nais ko itong ipasurii sa aking kaibigan na taga pransya. Isa itong kakaibng nilalang. (joy)Jo: kung ganun baka sa iyo ipangalan ang nilalang na iyan. (eros)Rizal: nakakatuwa kung magkaganun, ngunit hindi siguro mangyayari iyon. (Binigyan ni rizal si jo ng bulaklak) (eros)Rizal: magagandang bulaklak para sa magandang binibini. (joy)Jo: maraming salamat dr. Rizal. SCENE 22

(eros)Rizal: ikinalulungkot ko mr. Taufer ngunit hindi na pwedeng mapanumbalik pa ang iyong paningin. (joy)Jo: oh, anu pa ang pwede naming gawin. (eros)Rizal: ikilulungkot ko ang bagay na ito. (joy)Jo: kung ganun. Oras na siguro upang kamiy umuwi na sa aming lugar. (eros)Rizal: oh Josephine, wag ka na lamang umalis. (joy)Jo: oh doctor. (rizal)Rizal: mahal kita. Simula palang ng una kitang Makita. (joy)Jo: akoy natatakot na baka nasasabi mo lamng ito dahil sa iyong kalungkutan. (eros)Rizal: ngunit tunay ang inihahandog kong magibig sayo. (joy)Jo: mahal din kita DR. Jose rizal. (kinagabihan) (eros)Rizal: mr. Taufer nais ko po sanang pakasalan ang iyong anak. (Vincent)Mr. Taufer: pakakasalan mo ang aking anak? Ngunit napakabata pa niya. (eros)Rizal: nasa tamang edad na po si Josephine mr. Taufer. (Vincent)Mr. Taufer: hindi mo na nga kayang gamutin ako, kukunin mo pa sa akin ang siyang tumatayong mata ko. Kung ganun, siya sige.(anyong magpapakamatay) (joy)Jo: papa, huwag. SCENE 23 (joy)Jo: patawarin mo ako ngunit hindi ko siya pwedeng iwanan. Napakabuti niya sa akin at dapat ko lamang bigyang sulit ang kanyang kabaitan sa akin. (Eros)Rizal: magkikita pa ba tayo? (joy)Jo: ang alon gaano man kalayo bumabalik pa rin sa pangpang. Kung tayo ay nakatadhana sa isat isa, ang panginoon na ang gagawa ng paraan. (eros)Rizal: hihintayin kita. (joy)Jo: paalam mahal ko, maraming salamat sa magandang alaala. (eros)Rizal: pano ako, nasa iyo na ang aking puso. (joy)Jo: at ang aking puso ay nasa iyo rin. SCENE 24 (eros)Rizal: napakadilim dito pag gabi, anung ginagawa ng mga mamamayan ukol dito? (rouen)Capt. Car: ginagamit lamang nila ang lampara bilang liwanag nila sa gabi. At kadalasan silay natutulog na lamang. (Kinabukasan) (aldrine)Padre obach: anu ang kanyang ginagawa? Ngsasayang lamang siya ng pera at oras. Isa siyang ipokrito. (eros)Rizal: buenas dias padre. (aldrine)Padre: (hnd pinansin si rial)

(Kinagabihan) (Jing) ina: umuwi n kayo, madilim na, baka may dumaang guwardya civil at kayoy kunin. (pinailaw ni rizal ang mga ilaw) (abando)Bata1: nay anu iyan? SCENE 25 (eros)Rizal: hay, napakaganda nang paligid. (eros)Rizal: Josephine. (joy)Jo: ako nga. (eros)Rizal: oh mahal, bumalik ka! Natakot akong baka hindi na kita Makita. (joy)Jo: ngunit nandito na ako ngaun. (eros)Rizal: oh Josephine pinawi mo ang pagluluksa ng aking puso nitong mga naaraang mga araw. ++++ (eros)Rizal: nababasa mo ba? (joy)Jo: (binasa) i love you Josephine (eros)Rizal: nangangahulugan na walang araw o oras na akoy nakalimut sayo mahal ko. Josephine nais kung makasama ka habang buhay--------------???????????? (joy)Jo: oo, oo, pamapayag ako DR. Jose rizal SCENE 26 (aldrine)Padre obach: paggpaumanhin ninyo ngunit hindi pwedeng ikasal dito sa simbahan ang mga taksil at tulisan. Hindi ka naming pinapagayangang ikasal dito ayon sa batas ng simbahan. (eros)Rizal: hindi po ba pwedeng gawan ito ng ibang paraan? (aldrine)Padre obach: wala kaming magagawa sa iyong naisin. Walang anuman problema sa panig ng babae dahil isa siyang katoliko, ngunit ikaw ang problema, isa kang kalaban ng simbahang katoliko. (Later ikinasal nila ang kanilang sarili) (rizal)Rizal: ikaw Josephine bracken, tinatanggap mo ba ako bilang asawa mo? (joy)Jo: oo, at ikaw jose rizal, tinatanggap mo ba ako bilang iyong asawa? (eros)Rizal: oo.

You might also like