You are on page 1of 17

PAG-AARAL NG

MEDISINA SA
UNIBERSIDAD NG
SANTO TOMAS
(1877-1882)
Kursong Kinuha sa Unibersidad
• pilosopiya at sulat (1877 – 1878)
• medisina

Ang Oposisyon ng Ina sa Mataas na


Pinag-aralan
- Nais ni Don Francisco at Paciano na
makapakarera si Jose sa isang
unibersidad
- Tutol si Doñ Teodora dahil sa takot na
mangyari kay Jose ang nangyari sa Gom-
Bur-Za
Pumasok si Rizal sa Unibersidad
• Abril 1877, 16 na taong gulang si Rizal
ay nagmatrikula sa Unibersidad ng
Santo Tomas sa kursong Pilosopiya at
Sulat.at Sulat?
Bakit Pilosopiya
- ito ng gusto ng kanyang ama
- hindi pa siya sigurado sa magiging
karera niya
Padre Pablo Ramon – Rektor ng
Ateneo na hiningian niya ng payo
sa pagpili ng karera
Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya, at
Kasaysayan ng Pilosopiya ang mga pinag-
aralan ni Jose sa unang taon niya sa
unibersidad (1877-1878)
Nag-enrol si Rizal ng Medisina dahil:
- Sinunod niya ang mungkahi ni
Padre Ramon
- Nais niyang magamot ang
pagkabulag ng kanyang ina
Tinapos ang Kurso ng Pagsasarbey sa
Ateneo (1878)
-Kumuha siya ng kursong bokasyonal at
naging dalubhaang agrimensor (perito
agrimensor)
- naipasa niya ang kurso sa edad na 17
ngunit naibigay lamang ang titulo noong
Nobyembre 25, 1881
Mga Pag-ibig ni Rizal
Segunda Katigbak – 14 na taong gulang
(nabanggit na sa naunang kabanata)
• “Binibining L” – maganda at may kahali-
halinang mga mata ngunit biglang itinigil ang
panliligaw dito dahil:
- Iniibig pa rin niya si Segunda
- Hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni
“Binibining L”
• Leonor “Orang” Valenzuela – anak nina Kap.
Juan at Kap. Sanday Valenzuela na kapitbahay
nila sa Pansanjan, Laguna
- Tintang di nakikita na gawa sa ordinaryong
asin at tubig ang ginagamit ni Rizal sa
pagpapadala ng liham ng pag-ibig dito
• Leonor Rivera – anak ni Antonio Rivera,
tiyuhin ni Jose at ang may-ari ng bahay na
tinirhan niya sa Casa Tomasina, Blg. 6
Kalye Santo Tomas, Intramuros noong
nasa ikatlong taon siya sa Unibersidad
(1879).
- estudyante sa Kolehiyo ng La Concordia
kung saan nag-aaral din si Soledad
- isinilang noong Abril 11, 1867 sa Camiling,
Tarlac
- “Taimis” ang inilalagda niyang pangalan
sa mga liham kay Rizal
Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Epanyol
• Isang madilim na gabi sa Calamba noong 1878
• Nadaanan niya ang isang tenyente ng
Guardias Civiles na hindi niya nakilala at binati
• Nagalit ito at hinampas si Rizal ng kanyang
espada at sinaktan ang likuran
• Isinumbong ni Rizal ang insidente ka Heneral
Primo de Rivera, ang Espanyol na gobernador-
heneral ngunit walang nangyari dahil sa siya
ay isang indio
• Sumulat siya kay Blumentritt noong Marso 21,
1887 at sinabi ang nangyari
“Para sa Kabataang Pilipino” (1879)
• Sa paligsahang pampanitikan ng Liceo Artistico-
Literario ng Maynila:
− Nagsumite si Rizal ng kanyang tulang
pinamagatang “A La Juventud Filipina” (Para sa
Kabataang Pilipino).
− Ang unang gantimpala na isang pilak na panulat,
hugis pakpak at may dekorasyon na gintong laso
ay iginawad sa batang Rizal
• Sa pamamagitan ng kanyang tula, hiniling ni Rizal sa
kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata sa mga
nangyayari sa kanilang paligid, na hayaang
pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham,
at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang
tao.
Ang tulang A La Juventud Filipina ay klasiko
sa panitikang Pilipino dahil:
− Isa itong napakagandang tula sa
Espanyol na isinulat ng isang Pilipino at
kinilala ng mga Espanyol na awtoridad
sa panitikan
− Ipinahayag nito sa kauna-unahang
pagkakataon ng isang Pilipino – hindi
mga dayuhan – ang konsepto ng
pagiging makabayan, na ang kabataan
ang siyang “pag-asa ng bayan”
“Ang Konseho ng mga Diyos” (1880)
Panibagong paligsahan sa panitikan ng Liceo Atistico-
Literario para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni
Cervantes ang itinanghal.

Manuel De Cervantes – dakilang Espanyol na


hinahangaan sa larangan ng panitikan na manunulat ng
Don Quixote.
El Consejo de los Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos)
isang dulang alegorikal na ibinatay sa klasikong Griyego
• Tinulungan si Rizal ni Padre Pablo Ramon sa
pangangalap ng mga kinakailangang materyales sa
panitikang ito
• Sa kabila ng mga pagtutol, iginawad pa rin kay Rizal
ang unang gantimpala: gintong singsing na may
nakaukit na mukha ni Cervantes
D. N. del Puzo – Espanyol na manunulat na nanalo ng
pangalawang gantimpala
Iba pang Pampanitikang Gawain
1879: Abd-el-Azis y Mahoma – tula na binigkas ng isang
Atenista, Manuel Fernandez, noong gabi ng Disyembre 8,
1879, pista ng Immaculada Concepcion, ang Patron ng
Ateneo

1880: Junto al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) – sarsuwelang


itinanghal ng mga Atenista noong Disyembre 8, 1880, bilang
parangal sa Patron ng Ateneo. Pangulo siya noon ng
Akademya ng Literaturang Espanyol

1880: A Filipinas – sonata para sa album ng Samahan ng


mga Iskultor kung saan hinikayat niya ang mga artistang
Pilipino na magbigay-dangal sa Pilipinas

1881: Al M. R. P. Pablo Ramon – tulang nagpapakita ng


pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rektor ng Ateneo na
naging mabuti at matulungin sa kanya
PAGBISITA NI RIZAL SA PAKIL AT PAGSANJAN

Mayo 1881 – sumama si Rizal sa kanyang mga


kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad at mga
kaibigang babae sa peregrinasyon ng kilalang
dambana ng Birhen Maria de los Dolores sa Pakil
• Kasko – sinakyan nila mula Calamba papuntang
Pakil, Laguna at tumuloy sa bahay ni Nicolas,
kaibigan ni Rizal sa Maynila, anak nina G. at
Gng. Manuel Regalado
• Turumba – sayaw habang ipinuprusisyon ang
istatwa ng milagrosang Birhen Maria de los
Dolores
• Nabighani si Rizal kay Vicenta Ybardolaza na
mahusay tumugtog ng alpa sa tahanan ng mga
Regalado

Dahilan ng pagbisita:
• ito ang bayang sinilangan ni Leonor Valenzuela
• upang makita ang Talon ng Pagsanjan na kilala sa
buong mundo
Kampeon ng mga Estudyanteng Pilipino
-Napapadalas ang pag-aaway ng mga estudyanteng
Pilipino sa mga estudyanteng Espanyol
-Tinatawag na “Indio, chongo” ang mga Pilipino at
“Kastila, bangus” naman ang tawag sa mga
Espanyol
• 1880: naitatag ang Compañerismo (Pagsasamahan)
– lihim na samahan ng mga estudyanteng Pilipino sa
UST na tinawag na “Kasama ni Jehu”
• Si Rizal ang pinuno ng samahan kasama ang pinsang
si Galicano Apacible na siya namang kalihim.

• Sa isa sa mga labanan sa may Escolta sa Maynila,


nasugatan sa ulo si Rizal. Dinala siya sa Casa
Tomasina at masuyong ginmot ni Leonor Rivera
Malulungkot na Araw sa UST

Hindi naging masaya si Rizal a UST dahil:


- Hindi maganda ang pagtingin sa kanya ng mga
Dominikong Propesor
- Mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino
- Sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo

Ikinuwento sa Kabanata XIII “Ang Klase sa Pisika” ng


El Filibuterismo na hindi ipinapagamit ni pahawakan sa
mga estudyante ang mga aparato sa laboratoryo dahil ito
ay para lamang maipakita sa mga panauhin.

- Hindi nagkamit si Rizal na siyang pinakamahusay na


estudyante sa Ateneo ang mataas na karangalan sa UST.
Desisyong Makapag-aral sa Ibang Bansa

Pagkaraang matapos ang ikaapat na taon sa kursong


medisina, nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya.

Sang-ayon dito sina:


- Paciano
- Saturnina (neneng) at Lucia
- Tiyo Antonio Rivera
- Mag-anak na Valenzuela
- Ilang kaibigan

Hindi siya nagpaalam sa:


- Kanyang mga magulang
- Kanyang minamahal na si Leonor Rivera
- Sa mga awtoridad na Espanyol
SALAMAT!!!

itutuloy…

You might also like