You are on page 1of 4

ISINUMITE NI JEFRI LAMUEL T.

MONTALLANA

ANG BUHAY NI

ANG KAPANGANAKAN NI

1861 JOSE RIZAL

Si Jose Rizal ay ipinanganak noong ika-19 ng

Hunyo taong 1861 sa mag-asawang Francisco

Rizal Mercado at Tedora Alonzo Realonda sa

bayan ng Calamba sa lalawigan ng Laguna. Siya

ang ikapito sa labing-isa nilang magkakapatid.

Makalipas ng tatlong araw sya ay bininyagan sa

pangalang Jose Protacio Rizal-Mercado y Alonzo-

Realonda.

1871

kabataan ni rizal

Matapos pag-aralin si Rizal kay Maestro Justiniano

Aquino Cruz sa edad na siyam, siya ay ipinabalik sa

Calamba noong Disyembre 1871. May mga pangyayaring

naganap habang siya ay nasa Calamba, una ay ang

pagka-akusa sa kanyang ina ukol sa panlalason. Ang

pangalawa ay ang pagbitay sa GOMBURZA noong 1872.


Malaki ang naging apekto ng mga pangyayaring ito sa

kabataan ni Rizal, dahil malalapit ang mga taong iyon sa

kanya.

187
2
Pag-aaral sa ateneo

Hunyo ng taong 1872 ay nagpatala siya sa Ateneo

Municipal de Manila. Nakasalamuha niya si Padre

Francisco de Paula Sanchez, na naging paborito niyang

guro na siyang nagmulat sa kaniya sa pagmamahal sa

literatura. Sa edad niyang labing-lima ay nakatanggap siya

ng Bachelor of Arts Degree sa Ateneo de Manila at

nahirang siyang Emperador bilang pinakahamahusay na

mag-aaral at ang kaniyang grado ay panay sobresaliente


o pinakamahusay. Matapos ang limang taon ay

matagumpay na natapos ni Jose Rizal ang kaniyang pag-

aaral sa Ateneo noong 1877.


Pag-pasok sa u.s.t.

Hulyo ng taong 1877 ay nagsimulang pumasok si Jose Rizal sa

Unibersidad ng Santo Tomas, sa kursong Pilosopiya at Panitikan.

Dito nagsimula ang hilig niya sa literatura at panitikan kaya't may

mga sinalihan siyang mga patimpalak at ginawaran siya ng mga

parangal gawa ng kanyang pagkapanalo sa mga ito. Kasama rito

ay ang karangalan mula sa Amigos del Pais. Ngunit noong

taong 1878 ay kailangan niyang kunin ang kursong Medisina


dahil sa nanlalabong paningin ng kaniyang ina. Patuloy padin

ang pagsali niya sa mga patimpalak kahit nakararanas siya ng

diskirminasyon sa mga panahong ito. Dito rin niya sa UST


nakilala si Segunda Katigbak na naging una niyang pag-ibig;

kapitbahay na si Leonor Valenzuela; ang kaniyang pinsan at


1877
tunay na pag-ibig na si Leonor Rivera. Nahati na ang kaniyang

atensyon sa pag-aaral at pag-ibig.

1882

Pag-aaral sa espanya

Taong 1882 napagpasya ni Rizal na ipagpatuloy ang

kaniyang pag-aaral sa Europa gawa ng di maayos na

sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Nobyembre 3,

1882, nag-enrol si Rizal sa dalawang kurso, Medisina

at Pilosopiya at Sulat sa Unibersidad Central de


Madrid sa Espanya.

188
4

madugong demonstrasyon

Matapos igawad kay Rizal ng nasabing unibersidad ang

digri ng Lisensiyado sa Medisina noong Hunyo 21, 1884, isa

rin sa di malilimutang karanasan ni Rizal ay ang naganap

na demonstrasyon noong Nobyembre 20-22, 1884. Si Rizal,

Valentin Ventura, at ilang estudyanteng Pilipino ay sumali


rito, kasama ang mga estudyanteng Kubano, Mehikano,

Peruvano, at Espanyol. Nangyari ang demonstrasyon dahil

sa pagkondena ng mga Katolikong Obispo ng Espanya sa

liberal na pananaw ni Dr. Miguel Morayta, isang propesor


ng kasaysayan. a. Naging madugo ang kaguluhan sa

unibersidad at sa kalsada.

1885
buhay mag-aaral

Maliban sa Medisina, ginawad sa kaniya ang digri ng

Lisensiyado sa Pilosopiya at Sulat ng Unibersidad Central de

Madrid noong Hunyo 19, 1885 na may antas na

“Pinakamahusay” (Sobresaliente). Nagbuhay-Spartan si

Rizal noong siya’y nag-aral sa Madrid. Alam niyang nasa

Espanya siya para mag-aral at ihanda ang sarili

mapaglingkuran ang lupang tinubuan. Kaya natuto siyang

magbadyet ng kaniyang pera at oras. Naging masinop siya

sa buhay, ginagasta lamang ang pera para sa pagkain,

damit, matirhan, at mga aklat. Hinding-hindi siya nag-

aksaya kahit isang peseta sa pagsusugal, pag-inom ng alak,

at pambababae. Ang perang natitipid niya ay ipinambibili

niya ng mga libro kung kaya’t nakapagtipon siya ng may

kalakihang aklatang pribado.


1886
Pagpapakadalubhasa sa

Optalmolohiya

Sa edad ni Rizal na 24, siya ay isa nang manggagamot. Siya ay

nagtungo sa Paris para magpakadalubhasa sa optalmolohiya.

Nanirahan si Rizal sa Paris nang apat na buwan, mula

Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886. Nagtrabaho at

nagsanay siya kay Dr. Louis de Weckert. Pagkatapos nito,

ipinagpatuloy ni Rizal ang pagpapakadalubhasa sa

optalmolohiya sa Heidelberg, Alemanya. Nagtrabaho siya sa

Ospital ng mga Mata sa Unibersidad ng 6 Heidelberg sa ilalim

ng direksiyon ni Dr. Otto Becker, kilalang optalmolohistang

Aleman. Dahil dito, lalong lumawak ang kaalaman ni Rizal sa

optalmolohiya.

1887

Pagkalathala ng noli

me tangere

Noong nag-aaral pa si Rizal sa Madrid ay sinimulan

niya na ang pagsulat sa Noli Me Tangere. Taong 1887,


hirap siya sa buhay dahil wala siyang pera upang

mailathala ang kaniyang mga nobela, at muntik na

siyang mawalan ng pag-asa. Ngunit sa gitna ng krisis,

dumating si Dr. Maximo Viola sa Berlin. Si Dr. Viola ay


isang kaibigan ni Rizal na nagmula sa Bulacan.

Tinustusan nito ang pagpapalimbag ng Noli at

pinahiram din niya si Rizal ng panggastos araw-araw.

188
8

ang paglalakbay ni rizal

Matapos mailathala ang Noli Me Tangere sa Berlin,

Maraming mga lugar at bansang napuntahan si Rizal sa

Europa. Matapos nitong paglalakbay niya upang sanayin

ang sarili sa Medisina, bumalik syang muli sa Pilipinas

ngunit umalis din at nagtungo sa Hongkong at Japan


noong taong 1888 upang ituloy pa ang kaniyang

pagsasanay. Ngunit di nagtapos rito ang paglalakbay ni

Rizal at bumalik siya ulit sa Europa.

paglathala ng el filibusterismo

Sa dinami ng pinuntahang lugar ni Rizal sa iba't ibang lupalop

ng mundo, kasabay nito ang pagsimula niyang pagsulat sa El


Filibusterismo. Hulyo 5, 1891, nagtungo siya sa Ghent, isang

siyuadad sa Belhika. Dito niya nais ipalimag ang El Fili, ngunit

tulad ng dati niyang problema ay kapos ulit ang kaniyang pondo

upang mailathala ang kaniyang nobela. Bago siya sumuko,

alaman ni Valentin Ventura ang suliranin ni Rizal at kaagad

siyang nagpadala ng kinakailangan niyang pondo. Dahil dito,

nailabas sa imprenta ang pangalawang nobela ni Rizal noong

Setyembre 18, 1891

1891
ang pagdakip kay rizal

Gawa ng kanyang mga isinulat na nobela, maraming

espanyol ang hindi natuwa at nais niyang arestohin sa akusa

nilang magrerebelyon. Taong 1892 nang sya ay dinakip ng

mga kastila upang arestuhin at ikulong sa Fort Santiago.

Pagtapos nito ay iniutos ni Eulogio Despujol y Dusay ang

pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Hulyo 17, 1892 nang

makarating si Rizal sa Dapitan.

1892

1895

josephine bracken

Sa pagka-destiyero ni Rizal sa Dapitan, siya naging

sikat doon sapagka't marami siyang naiambag at

naitulong upang mapaunlad ang lugar na iyon.

Doon niya na rin nakilala si Josephine Bracken,


taong 1895. Si Josephine Bracken ang naging

kasintahan ni Rizal sa gitna ng pagka-destiyero niya

sa Dapitan.

189
6
mga huling sandali

Matapos ang mga paglilitis patungkol sa mga

inakusa kay Rizal na pagtataksil, sedisyon, at pag buo

ng mga ilegal na samahan, siya ay hinatulan ng

kamatayan. Bago ito ay gumawa siya ng huling sulat

niyang pinamamagatang "My Last Farewell".


Desyembre 30, 1896 ay binaril si Rizal nang

nakatalikod ng isang firing squad sa Bagumbayan.

Ang kaniyang huling sinabi ay consummatum est! (It


is finished). Ito ang nagsilbing huling araw at

kamatayan ni Rizal.

1912

ika 30 ng disyembre, 1912 ay inilipat ang kaniyang abo sa

rizal mausoleum at itinatag ang ika 30 na araw ng disyembre

bilang pag alala sa karangalan ng pambansang bayani na si

jose rizal.

You might also like