You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
8

Kuwarter : 4
MELC Blg. : 1
PAMAGAT NG ARALIN:
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG FLORANTE AT LAURA

MELC: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura


batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda. F8PN-Iva-b-33

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Sariling Linangan Kit (SLK)
Ikaapat na Markahan – MELC Blg. 1 – Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral
ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda. F8PN-Iva-b-33

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
SLK na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng Ilocos Sur.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Ilocos Sur

Bumubuo sa Pagsulat ng SLK


Manunulat: Rhea G. Biteng, Dili National High School
Mga Editor/Tagasuri: Leah D. Manzano, Rose Joy C. Lagmay, Ronald P. Dominno
Tagaguhit ng Larawan sa Paunang Pahina: Cheryl C. Cantil

Tagaguhit:

Tagapamahala: Jorge M. Reinante, CSEE, CEO VI, CESO V


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
Nestor C. Heraña, CESO VI
Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan
Maria Salome R. Abero, EdD., Punong Superbisor ng Edukasyon,
Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum
Maria Teresita R. Gapate, EdD.
Superbisor ng Programang Pang-edukasyon, Filipino at MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I – Sangay ng Ilocos Sur


Office Address: Quirino Boulevard, Zone V, Bantay, 2727 Ilocos Sur
Telephone No.: (077) 722-2055
Telefax: : (077) 722-7400
Website: www.depedilocossur.info

2
PAMANAHUNAN BILANG 4
GABAY NG MAG-AARAL
1
SA PAGKATUTO BILANG

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Kumusta? Handa ka na ba sa iyong pag-aaral? Tunay ngang isang


napakalaking hamon sa inyong mga mag-aaral ang pandemya na
kinakaharap sa ngayon. Huwag mag-alala sapagkat malaking tulong ang
Sariling Linangan Kit para maipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral sa tulong at
gabay na rin ng iyong mga magulang. Sikaping masagot lahat ang mga
gawain na nakapaloob sa SELF LEARNING KIT na ito. Paalala lamang na
huwag susulatan at dudumihan ang SLK na ito. Gamitin ang kuwaderno para
sa mga sagot. Tulong-tulong at sabay-sabay nating yakapin ang tinatawag
nating new normal education.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura
batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda F8PN-Iva-b-33

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang kaligirang pangkasaysayan ng Florante at


Laura.
2. Nakasusulat ng isang maikling salaysay tungkol sa
kahalagahan ng Florante at Laura.
3. Napahahalagahan ang kasaysayan ng obrang Florante at
Laura.

PAGTALAKAY SA ARALIN
3
Sa loob ng hugis puso, magbigay ng mga posibleng
damdamin o nararamdaman ng isang taong umiibig at
nabibigo.

Damdamin ng umiibig Damdamin ng mabigo

MAIKLING PAGTALAKAY

Narito ako upang gabayan ka sa pag-aaral tungkol sa kaligirang


kasaysayan ng Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isa sa
mga akdang pampanitikan na punung-puno ng mga aral sa
buhay. Pinangkat ang mga saknong ayon sa mga pangyayari at
paksa na naging batayan ng bawat aralin sa modyul na ito.

4
5
6
MGA HALIMBAWA

Para sa unang bahagi ng tula na KAY SELYA


Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
Ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa
Nagdaang panaho’y inaalala
Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Mensahe o paliwanag:
Pilit na nagbalik sa gunita ni Balagtas ang masasaya at lipos na na
kalungkutan na sandali ng kanilang lumipas na kahapon ni Selya. Hindi ito
mapaknit sa kanyang isipan. Labis na nangagamba at natatakot si Kiko na baka
makalimot si Selya. Ang tanging pinagkukunan ng aliw ni Balagtas sa kalungkutang
kanyang nadarama ay ang paggunita sa larawan ni Selya na inilimbag niya sa
kanyang buong pagkatao sa isip, puso at damdamin.

Para sa ikalawang bahagi ng tula na SA BABASA NITO


Di ko hinihinging pakamahalin mo
Tawana’t dustain ang abang tula
Gawin ang ibig’t alap’y nasa iyo
Ay huwag mo lamang baguhin ang berso

Mensahe o paliwanag:
Hinihiling ni Balagtas na huwag huhusgahan ang kanyang akda. Unawaing
mabuti at namnamin ang mensahe na nais iparating ni Balagtas sa kayang tula.
Mahigpit din na hinihiling ni Balagtas na huwag baguhin ang berso ng kanyang tula
dahil baka mawala ang tamis ng mensahe na gustong iparating ni Balagtas.

PAGSASANAY

Basahing mabuti ang mga panuto bago sagutin ang mga


pagsasanay.

GAWAIN 1 TALASALITAAN

7
Panuto: Piliin sa hanay B ang kasingkahulugan ng salitang nasa hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Kapos a. dukha
2. Bubot b.hamakin
3. Aba c.kulang
4. Dustain d.hilaw
5. Mawatasan e.maunawaan
6. Tabsing f.kalungkutan
7. Namugad g.sinasamba
8. Panimdim h.nakahihilong alat
9. Namamanglaw i.nalulungkot
10. Pinipintakasi j.nanatili

GAWAIN 2

Panuto: Ibigay kung sino o ano ang tinutukoy ng mga sumusunod.Isulat sa patlang
ang sagot.
_______________1.Sumulat ng awit na Florante at Laura.
_______________2. Sa kanya inialay ang akdang Florante at Laura.
_______________3. Taon kung kailan isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura.
_______________4. Mahigpit na karibal ni Balagtas sa pag-ibig kay Maria Asuncion
Rivera.
_______________5. Patron ng musika at sa kanya hinango ang pangalang Selya.
_______________6.Tulang pasalaysay ng pag-ibig at puno ng pagpapahalaga sa
kabutihang asal.
_______________7.Ilang bahagi ang bumubuo sa tulang Florante at Laura
_______________8.Saan ginanap ang Florante at Laura?
_______________9. Taguri ni Francisco kay Maria Asuncion Rivera.
_______________10.Lugar kung saan isinulat ni Francisco ang Florante at Laura.

PAGLALAGOM

Ang Florante at Laura ay isang obra maestrang pinaglaanan ng puso at


panahon ni Balagtas dahil sa matinding pagkabigo sa pag-ibig at sa
maling pamamalakad ng mga Espanyol na kanyang dinanas. Ang awit
ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay,
tuald ng pag-iingat sa mga taong mapagkunwari at pagpapaalala na
maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib
na dulot sa byan ng pinunong sakim at mapagahangad sa yaman.

APLIKASYON
8
Sumulat ng isang maikling salaysay tungkol sa kahalagahan
ng pag-aaral ng Florante at Laura.

Rubric sa pagbuo/pagsulat ng maikling salaysay tungkol sa


kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Orihinalidad at
pagkamalikhain

Organisado at may
kaisahan

Masining at maingat na
paggamit ng wika

Kabuuang puntos

Interpretasyon:
5-----Napakahusay
4-----Mahusay
3-----Katamtaman
2-----Hindi Mahusay
1-----Sadyang hindi mahusay

PAGTATAYA

MADALI
9
PANUTO: Sagutin ng TAMA o MALI ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang
sagot.
________1.Kung nalulungkot si Francisco Balagtas, pumupunta siya sa mga pook
na pinamamasyalan nila ni Selya upang maaliw.
________2. Ang ibig sabihin ng MAR sa buhay ni Francisco Balagtas ay Magdalena
Ana Ramos.
________3.Natutong tumula si Francisco Balagtas dahil sa kabiguan sa pag-ibig.
________4.Si Nanong Kapule ay tunay na kaibigan ni Francisco.
________5.Inihandog ni Balagtas ang tula sa kanyang ina.

KATAMTAMAN

PANUTO .Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa


taludtod.

A. Paghamak; paag-aba; paghiya


B. Diwata
C. Ang binabathala; lakambini;paraluman;reyna
D. Pag-alat ng tubig-tabang dahil sa pagsanib ng tubig-dagat
E. Namahay
F. Pagkalungkot o pag-aalala tungkol sa maaaring mangyaring kabiguan
G. Pagpuna o pagpintas sa anumang katangian ng kapwa
H. Hindi masabi ang ibig sabihin dahil sa hiya
I. Naapi;naalipusta;napahamak
J. Pagkabagabag;pagkabalisa
K. pagkatuwa

1. Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel


Kusang inilimbag sa puso’t panimdim

2. Na kung maliligo’y sa tubig agap


Nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

3. Masayang nimpas salawa ng Ba’i

10
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili

4. Selya’y talastas ko’t malabis na umid


Mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig.

5. May mahagilap kayang natititik


Liban na kay Selyang namugad sa dibdib

MAHIRAP

PANUTO: Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang kahulugan ng ilang


matalinghagang pahayag na binasa.

1. Sa larawang guhit ng sa sintang pinsil


Kusang inilimbag sa puso’t panimdim
Nag-iisang sanlang naiwan sa akin
At di mananakaw magpahanggang libing

2. Magbabalik mandi’t parang hinahanap


Dito ang panahongmasayang lumipas,
Na kung maliligo’y sa tubig aagap
Nang hindi abutin ng tabsing sa dagat

3. Parang naririnig ang lagi mong wika


Tatlong araw na di nagtatanaw-tama
At sinasagot ko ng sabing may tuwa
Sa isa katao’y marami ang handa

4. Ngayong namamaanglaw sa pangungulila,


Ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
Nagdaang panaho’y inaalala
Sa iyong larawa’y ninitang ginihawa

5. Ito’y unang bukal ng bait kong kutad,


Na inihahandog sa mahal mong yapak
Tanggapin mo nawa kahit walang lasap
Nagbuhat sa puso ng lingkod 11na tapat
Rubric sa pagbibigay ng puntos sa pagpapakahulugan ng
matalinghagang pahayag

Di-Gaanong Kailangan pa ng
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Mahusay Pagsasanay
4 3
2 1
Kaayusan ng mga Maayos na Maayos ang May ilang Hindi maayos ang
pangungusap maayos ang mga pangungusap na pagkakabuo ng
pagkakabuo ng pangungusap magulo at Malabo mga pngungusap
mga ang ideya
pngungusap
Baybay ng mga Walang mali sa May isang mali May ilang mali sa May mga mali sa
salita at gamit ng baybay ng mga sa baybay ng baybay ng ilang baybay ng ilang
mga bantas salita at sa gamit salita pero tama salita pero wasto salita at sa gamit
ng mga bantas ang gamit ng ang gamit ng mga ng mga bantas
mga bantas bantas.
Organisasyon ng Talagang May isang ideya Hindi gaanong May kaguluhan
mga ideya maayos at na hindi angkop organisado ang ang mga ideya sa
organisado ang sa paksang mga ideya sa talata
mga ideya sa tinalakay talata
talata

Interpretasyon:
Napakahusay 15-20
Mahusay 10-14
Katamtaman 5-9
Paghusayin pa 1-4

SANGGUNIAN

Aida M. Guimare, Pinagyamang Wika at Panitikan.pp.236-247

12
Elvira G. dela Cruz, Florante at Laura.1946 A.F. Torres St. corner
Diamante Ext., Sta. Ana, Manila: Vicarish Publication and Trading INC. pp
1-9.

13
MGA SAGOT

PAGGANYAK

Para sa nabigo
Para sa umibig
/nasaktan
Masaya
Malungkot
Inspirado
Palaging galit
Parang nakalutang sa
Hindi makakain
alapaap

GAWAIN 1

1. Kapos --------- c. kulang


2. Bubot---------- d. hilaw
3. Aba------------- a. dukha
4. Dustain------- b. hamakin
5. Mawatasan---- e. maunawaan
6. Tabsing---------h nakahihilong alat
7. Namugad-------j nanatili
8. Panimdim------f kalungkutan
9. Namamanglaw- i.nalulungkot
10. Pinipintakasi------g.sinasamba

GAWAIN 2

1. Francisco “ Balagtas” Baltazar


2. Maria Asuncion Rivera
3. 1838
4. Nanong Kapule
5. Santa Cecilia
6. Florante at Laura
7. 3
8. Albanya
9. Selya
10. Selda

14
PAGTATAYA

MADALI

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Mali

KATAMTAMAN

1. F---Pagkalungkot o pag-aalala tungkol sa


maaaring mangyaring kabiguan
2. D. ---Pag-alat ng tubig tabang dahil sa pagsanib
ng tubig-dagat
3 B------Diwata
4 H-----Hindi masabi ang ibig sabihin dahil sa hiya
5 E-----namahay

MAHIRAP

Para sa mahirap na katanungan lahat ay may sariling pagpapaliwanag sa


kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa binasa.

15

You might also like