You are on page 1of 4

FILIPINO 8

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikalawa


MELC(s): Nailalahad ang saloobin ng may-akda gamit ang wika ng kabataan;
(F8WG-4a-b-35)
Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa akdang napakinggan
(F8PN-4c-d-34)
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan sa bawat kabanatang binasa.
(F8PB-4c-d-34)

 Florante at Laura ( Kay Selya, Sa Babasa Nito, Kabanata 1-83)


 Layunin:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa piling saknong
ng Florante at Laura.
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng piling saknong
sa Florante at laura;

Tuklasin Natin

Konek mo to: Hanapin ang magkatambal o salitang may kaugnayan sa bawat isa.
Pagdugtungin gamit ang linya.
Balagtas
Pinaghandugan ng
May-akda ng
Florante at KLaura
Florante at
Laura
Selya Laura

Prinsesa ng Makisig na binatang


Albanya Aladin Florant tagapagtanggol ng
e Albanya

Karibal ang
sariling ama

Basahin at unawain:
Kay Selya

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Isinulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura sa loob ng bilangguan.Inialay
niya ito kay Selya, bansag niya kay Maria Asuncion Rivera. Inalala ni Balagtas ang
naudlot nilang pagmamahalan at nangangambang tuluyan siyang makalimutan nito.
Inaliw niya ang sarili sa pag-aalala sa matamis nilang nakaraan habang nakatingin sa
napakagandang guhit na larawan ni Selya.
Sa Babasa Nito
Labis ang pasasalamat ng may-akda sa sinumang makababasa ng kanyang awit.
Hiling niya lamang na huwag babaguhin ang berso ng kanyang orihinal na akda. Suriin
muna bago ito pintasan.
Florante at Laura
Kabanata 1: May isang mapanglaw na gubat, madilim, masukal at pinamumugaran ng
mga mababangis na hayop tulad ng hyena, siyerpente, basilisko at tigre at dito rin
matatagpuan ang mga punong Cipres, puno ng Patay ( sa ilalim ay may inilibing) at
punong Higera, punong baog (hindi namumunga).
Kabanata 2: Nakagapos sa punong Higera ang mala-Adonis na binata na nananaghoy
sa sinapit ng Albanya sa kamay ni Adolfo. Bingi raw ang langit dahil ang masasama ay
itinataas at ang mga makatwiran ay ibinababa.
Kabanata 3: Naiibsan ang sakit na nararamdaman ni Florante kapag naaalala ang
pinakamamahal na si Laura ngunit napapalitan ito ng galit sa tuwing naalala na ito ay
nasa piling ng kaaway na si Konde Adolfo.
Kabanata 4: Hinimatay si Florante sa labis na paghihirap ng kalooban . Hindi niya
matanggap ang pagtataksil ng kanyang si Laura.
Kabanata 5: Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ni Florante kay Laura. Umaasa
siyang naaalala pa rin siya nito. Tanging si Laura lamang ang lunas sa kanyang
pagdurusa. Dinig sa buong kagubatan ang panaghoy ni Florante.
Kabanata 6: Sa isang dako ng kagubatan ay may isang gererong may putong na
turbante ang panay ang buntong-hininga habang nakatingala sa langit. Maaninag sa
mukha nito ang labis na kalungkutan, tumutulo ang luha habang naaalala ang
pinakamamahal na si Flerida na inagaw ng sariling ama. Si Aladin na taga-Persya.

Subukin Natin
pangyayari ay

Tukuyin ang mga pangyayaring naganap sa mga tauhan na nailahad sa bawat


kabanata . Piliin ang angkop na impormasyon mulaq sa kahon sa ibaba at isulat sa
talahanayan.
Tauhan Impormasyon tungkol sa Tauhan
1. Florante

2. Laura
3. Aladin

4. Adolfo

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Isagawa Natin

PAGSASANAY 1: Piliin ang angkop na salita sa loob na kahon upang mabuo ang
mga pangyayari sa mga talata. Isulat ang sagot sa patlang.

Luha suriin suyuan pag-asa karibal


baguhin makisig nagpahirap inspirasyon pagmamahal

Inialay ni Balagtas ang Florante at Laura kay Selya, tanda ng labis niyang
1.____________sa dalaga. Sa loob ng bilangguan, ang tanging 2.____________ niya
ay ang kanilang matamis na nakaraan.
Hiling ni Balagtas sa mambabasa na huwag 3.___________ ang berso ng
kanyang awit. Bago pintasan ay marapat lamang daw na 4. ____________ muna ito.
Sa Florante at Laura, matatagpuan sa isang gubat na mapanglaw ang 5.
____________ na binatang nananaghoy dahil sa sinapit sa kamay ni Adolfo. Lalong
6.____________sa kanya ang isiping nasa piling ng iba ang kanyang si Laura. Naiibsan
lamang ang kanyang paghihirap kapag naaalala ang matamis nilang 7.
____________. Sa kabilang dako ng kagubatan ay may isang binatang puspos din ng
lumbay dahil sariling ama ang 8. ____________ niya sa kasintahan. Nawawalan na rin
siya ng 9.____________ at tanging 10. ____________ lamang ang saksi sa
kapighatiang nadarama.

PAGSASANAY 2: Basahin ang saknong mula sa Florante at Laura at sagutin ang mga
katanungan.
“ Ay, ‘di saan ngayon ako mangangapit
Saan ipupukol ang tinangis-tangis
Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit
Ang sigaw ng aking malumbay na boses.
_____1. Alin ang pinakamabisang kaisipang angkop sa saknong?
a. Naghahanap ng masusulingan dahil hindi pinakikinggan ang kanyang dasal.
b. Labis ang kapighatian dahil walang tumutulong.
c. Nawawalan ng pag-asa sa paghihirap na nararanasan.
d. Sumisigaw dahil sa paghhirap ng kalooban.
_____2. Aling taludtod ang hindi nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-asa?
a. taludtod 1 b. taludtod 2 c. taludtod 3 d. taludtod 4
_____3. Bakit labis ang kanyang paghihirap ?
a. Walang siyang mahihingian ng tulong.
b. Hindi naririnig ang kanyang panalangin.
c. Hindi niya alam kung sino ang lalapitan.
d. Lahat ng nabanggit.

Ilapat Natin

Punan ng angkop na salita o pahayag ang talahanayan. Bigyang pansin


ang pamantayan sa pagwawasto o rubriks.
1. Ilahad ang kagubatan batay sa pagkalahad ni Balagtas sa Florante at Laura.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


2. Batay sa iyong sariling kaalaman, ilahad ang kasalukuyang kalagayan ng
kagubatan natin.
3. Magbigay ng mga mungkahi kung paano mapanatili ang kagandahan ng kagubatan.
Kagubatan batay sa Kagubatan sa Mga Mungkahi sa Pagpapanatili ng
Florante at Laura Kasalukuyan Kagandahan ng Kagubatan

Rubrik

Pamantayan sa Pagwawasto:

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos


Kolum 1: Nailahad ang tatlong Nailahad ang dalawang Nailahad ang isang katangian
Kagubatan batay sa katangian ng kagubatan katangian ng kagubatan ng kagubatan batay sa
Florante at Laura batay sa paglahad ni batay sa paglahad ni paglahad ni Balagtas.
Balagtas. Balagtas.
Kolum 2: Nailahad ang tatlong Nailahad ang dalawang Nailahad ang isang
Kagubatan sa katangian/kalagayan ng katangian/ kalagayan ng katangian/kalagayan ng
Kasalukuyan kagubatan sa kagubatan sa kasalukuyan. kagubatan sa kasalukyan.
kasalukuyan.
Kolum 3: Nakapagbigay ng tatlong Nakapagbigay ng dalawang Nakapagbigay ng isang
Mga hakbang upang mungkahi sa pagpapanatili mungkahi sa pagpapanatili mungkahi sa pagpapanatili
mapanatili ang ng kagandahan ng ng kagandahan ng ng kagandahan ng
kagandahan ng kagubatan kagubatan kagubatan
kagubatan

Sanggunian

Mga Tauhan ng Florante at laura ( Linangin #4). (2010). In Gabay sa Pagtuturo ng


Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 (FilipinoII) (p. 178). Philippines: Madys
Printing.

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng SSLM


Manunulat: Anna Liza A. Seniel
Tagasuri: Iluminada A. Babad at Imelda V. Villanueva
Illustrator: Ihryn L. Jaranilla
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lelita A. Laguda
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum and Instruction Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like