You are on page 1of 9

LILIAN-AR AESATHINE CASTRO

FLORANTE
AT LAURA
:FRANCISCO BALTAZAR
PINAIKLING BERSIYON
FILIPINO 8
ARALIN II
ARALIN II
LAURA, BAKIT KA NAGTAKSIL?
Laura, Bakit ka nagtaksil?
Sa pagitan ng mga paghihirap at pagtitiis ng nakataling si
Florante ay nakakintal sa kanyang alaala ang
napakagandang kasintahang si Laura, Ipinagkaloob niya
ang karangalan upang ipagtanggol ang kahariang Albanya
na pinamumunuan ni Haring Linseo na butihing ama ni
Laura. Ipinagkaloob din niya ang karangalan at kayamanan
ng kanyang dukeng ama. Subalit sa kabila ng lahat ay
nanaig ang kasamaan ni Konde Adolfo. Paulit-ulit na
nanalangin si Florante sa Diyos upang siya'y kahabagan at
bigyan ng katarungan ang sinapit.
Laura, Bakit ka nagtaksil?
Makailang ulit na siyang panawan ng ulirat at kulang na
lang ay panawan na rin siya ng bait dahil sa labis na
paghihirap. Ngunit sa tuwing magmumulat siya ng mga
mata, si Laura ang nakikita niya sa kanyang balintataw.
Naalala niya ang pangako ng kanilang mga puso bago pa
siya tumulak patungong digmaan. Pinabaunan siya ni
Laura ng maraming luha at pinahiyasan ang kanyang
turbante na pinalamutian ng perlas, topasyo,
maningning na rubi, at pinalibutan ng batong diyamante
ang sagisag na Letrang L.
Laura, Bakit ka nagtaksil?
Halos madurog ang puso ni Florante sa labis na
pagdaramdam kay Laura subalit patuloy siyang
nanawagan at nanaghoy na tanging si Laura lamang ang
makapagbibigay lunas sa kanyang kaluluwa't pusong
sugatan. Matinding panibugho ang kanyang
naramdamdan sapagkat tuluyang naagaw ng taksil na si
Adolfo ang pag-ibig ni Laura. Hanggang tuluyang igupo
ng paghihirap ang kanyang katawan at nagmistula siyang
bangkay na napayukayok.
Kayo ba ay may katanungan
sa ating binasa tungkol kay Florante at Laura
sa ikalawang aralin?
Punan ang mga blanko habang inaayos ang mga
Pinaghalo-halong salita
1) Ang kahariang Albanya na pinamumunuan ni _______ na butihing ama ni Laura.
★RNGIH SEINOL
2) Ang nang-agaw sa pag-ibig ni Laura ay si ______
★DEONK FOLDAO
3) ______ ang pinalibutan ng batong diyamente na pinabaunan ni Laura
★ RNGTELA L
4)Pinahiyasan ang kanyang turbante ng ______, topasyo, rubi at diyamente

ERLASP
5) Si ______ ay ang kilalang kasintahan ni Laura
★ TAFLERNO
ARAL SA KUWENTO:
Maging matapang tayo pagdating sa
pagtatanggol sa ating sariling
nararamdaman at lalo na sa ating
mga minamahal, Pag may minamahal
kang tao ay huwag mo silang
pabayaan, ipagtanggol mo siya sa
mga taong inilalayo siya sa iyo,
Tandaan.
Thank you for
You cooperation!

You might also like