You are on page 1of 31

PANONOOD NG VIDEO

“Sa hinaba-haba ng
prusisyon, sa simbahan din
ang tuloy.”
1. estangke
m_d_m_ng t_b_g
madaming tubig
Nilagyan ni Claudia ng estangke ang
pagkain ni Amor kaya ito nakaramdam
ng pananakit ng tiyan.
2. mawatasan
m_un_w_a_i_n
maunawain

Hindi mawatasan ni Carlo ang leksyon


dahil may gumugulo sa kanyang
isipin.
3. Lurayin
p_t_y_n
PATAYIN

Planong lurayin ni Adolfo si


Florante.
4. tumimo
t_m_g_s
TUMAGOS

Tumimo sa dibdib ni Adolfo


ang pana.
5. Ilugso
w_s__k_n
WASAKIN

Nais ilugso ni Adolfo ang puso


ni Florante dahil sa labis
pagkainggit.
Mga Gabay na Tanong:

 1. Ano ang ipinaratang kay Haring Linseo na


naging dahilan ng kanyang kamatayan?
 2. Ano ang kalapastanganang ginawa ni Adolfo

kay Laura?
 3. Sino ang nagligtas kay Laura?

 4. Sino ang nagligtas sa Albanya nang ito ay


nagkakagulo dahil sa kagagawan ni Adolfo?
 5. Ano ang naging hantungan ng pagmamahalang
Florante at Laura ; Aladin at Flerida?
SA KAHARIAN
NG ALBANYA
Nang matapos magsalaysay si Florante,
nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa
Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni
Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon
isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang
buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili
niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida.
Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya
ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng
sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya,
hinatulang pugutan ng ulosi Aladin.
Pinatawad siya sa kondisyong aalis
siya sa Persiya noon din. Bagama’t
nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni
Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba
ang pagmamahal ni Flerida.
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang
marinig ang dalawang babaing nag-uusap.
Ayon sa isa, nang malaman niyang
papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal,
nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang
sultan na patawarin ang nobyo ng babae,
kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang
nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon.
Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di
sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang
kasal tumakas ang babae na nakadamit-
gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga
bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya
ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante
at Aladin. Sa di inaasahang
pagtatagpong iyon, di masusukat ang
kaligayahan ng apat na tauhan.
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya,
napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-
bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng
pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang
matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari
at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata
ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng
limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si
Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa
pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang
magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na
siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante.
Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang
abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni
Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.

Matapos ang pagkukuwento ni Laura,
dumating si Menandro na may kasamang hukbo.
Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si
Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari
na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa
pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina
Florante at Laura at sina Aladin at Flerida.
Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang
mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa
Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa
pamumuno nina Florante at Laura.
 1. Ano ang ipinaratang kay Haring Linseo na
naging dahilan ng kanyang kamatayan?
 2. Ano ang kalapastanganang ginawa ni Adolfo
kay Laura?
 3. Sino ang nagligtas kay Laura?

 4. Sino ang nagligtas sa Albanya nang ito ay


nagkakagulo dahil sa kagagawan ni Adolfo?
 5. Ano ang naging hantungan ng

pagmamahalang Florante at Laura ; Aladin at


Flerida?
 Talakayan ukol sa Pang-angkop
 (Magpapabasa ng ilang mga pangungusap.)
1. Maduming tubig ang hinalo ni Adolfo sa trigo’t kakanin.
2. Matapang na niligtas ni Menandro at ng hukbo ang
Albanya.
3. Mahinhing dalaga si Laura.
4. Ang makasariling ama ni Aladin ay namatay.
5. Matibay na pagmamahalan ang namagitan kina Florante at
Laura
 Ano-ano ang mga napansin ninyo sa mga
pangungusap sa pisara?
 Pamilyar ba kayo sa mga ito? Kung
pamilyar kayo ay ano ang tawag sa mga
ito?
 Ano nga ba ang pang-angkop?
Pagtalakay sa Pang-angkop

 Pangkatang Gawain..
(Kunin ang papel na may kulay sa ilalim ng
armchair, idikit ito sa uniporme, ang kulay na
makukuha ay siyang magiging pangkat sa
gagawing aktibidad)
AWIT TULA

DULA FLIPTOP
Ano-ano ang

pinakamahalagang pangyayari
sa huling kabanata ng Florante
at Laura?
Hanay A Hanay B
____1.Ito ay ginagamit kapag nagtatapos ang a. -g

salita sa katinig maliban sa N. b. na

____2.Iniuugnay sa mga salitang nagtatapos sa titik c. -ng


N.
d. na
____3.Iniuugnay sa mga salitang nagtatapos sa
e. ng
patinig.

____4. Malupit ___ konde si Adolfo.

____5.Isang mabango___ bulaklak ang binigay

niya sa akin.
 • Anong aral ang iyong
natutunan sa buong
kabanata ng Florante at
Laura?
Maglabas ng sangkapat (1/4) na papel at sagutin ang mga sumusunod.
Titik na lamang ang isusulat sa papel.
1. Ang basa __ damit ni Ana ay sinampay niya.
a.na b.ng c. g
2. Bumili ng kahon __ malaki si Xandy.
a. g b. na c. ng
3. Ang mga leon ay mababangis __ hayop.
a. g b. ng c. na
4. Mamahalin __ baso ang nabasag ni Allyse.
a. ng b. ng c. g
5. Maganda __ dilag si Laura.
a. na b. g c. ng
6. Ano ang pamagat ng huling kabanata ng Florante at Laura?
a. Tagumpay sa Albanya b. Sa Kahariang Abanya c. Kasalan sa
Albanya
7. Sino ang nagtangkang gumahasa kay Laura?
a. Florante b. Sultan Ali-Adab c.kawal
8. Sino-sino ang mga nag-isang dibdib sa kabanatang tinalakay?
a. Florante at Laura; Aladin at Flerida
b. Aladin at Laura; Florante at Flerida
c. Sultan Ali-Adab at Flerida ; Adolfo at Laura
9. Ang pinaratang kay Haring Linseo ay ang paglalagay ng ____ sa
kakanin at trigo.
a. espalke b. estangke
c.estangle
10. Ano ang pumako at tumimo sa dibdib ni Adolfo na naging
dahilan ng kanyang kamatayan?
a. busog b. palaso c. sundang
Takdang – Aralin:

Gumawa ng repleksyon patungkol sa buong


kabanata ng Florante at Laura. Hindi ito
dapat lalagpas sa tatlongdaang (300) salita.
Ilagay sa short bond paper at gumamit ng
arial, 12, single spacing at margin 1.
Maraming Salamat sa
Pakikinig! 

You might also like