You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V-Bicol
SCHOOLS DIVISION OF LEGAZPI CITY

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO


FILIPINO 8
KWARTER 4 / Linggo 4

Pangalan:_______________________________________________ Petsa:____________________

AntasatSeksiyon:_________________________________________ Iskor:_____________________

I - Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan
2. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin.

II – Panimulang Konsepto:
Ang paglalarawan ay isang paglalahad ng katangiang pisikal o anyo batay sa
nakikita, nadarama, naaamoy, nalalasahan at naririnig tungkol sa isang bagay, tao o
pangyayari.
Sadyang mahalaga na magtaglay ang bawat isa ng matalas na pandinig at masusing
pag-iisip nang sa gayon mabigyan natin ng maayos na paglalarawan at kahulugan ang
isang bagay, tao o pangyayari.

III – Mga Gawain sa Pagkatuto:

a. Pagsasanay 1

Panuto: Ilarawan ang tagpuan sa bawat saknong na babasahin ng inyong mga


magulang.

Gererong namangha nang ito’y marinig,


Pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
Nang walang makita’y hinintay umulit,
Di naman nalao’y nagbangong humihibik

Sagot:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Malaong natigil na di nakakibo
Hininga’y hinabol na ibig lumayo
Matutulog disin sa habag ang dugo
Kundangan nagbangis leong nangagtayo

Sagot:
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

b. Pagsasanay 2
Panuto: Ilahad ang mga mahahalagang nangyari sa bawat aralin. Alin sa mga
ito ang masasabi mong mahalaga at tumatak sa iyong puso’t isipan.

KABANATA MAHAHALAGANG PANGYAYARI


Pagbabalik-tanaw ni florante sa kanyang
kamusmusan
Si Adolfo

Trahedya sa Buhay ni Florante

IV -Pagtataya:

A. Panuto: Sa isang malinis na papel, ilarawan ang tagpuang isinasaad sa aralin sa


ibaba sa pamamagitan ng pagguhit.

Alaala ng Kamusmusan Florante at Laura

Masayang isinalaysay ni Florante ang Kanyang kamusmusan kay Aladin. Ito ay alaala
ng kanyang masayang kabataan.

Siya Florante na ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado (dukedom) o pamilya ng


duke. Si Duke Briseo ang ama ni Florante. Ang ina ni Florante ay si Prinsesa Floresca.
Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad ng kanyang ina), imbes
na sa Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay naging mas masaya si Florante.

Ikinuwento ni Florante na ang kanyang ama na si Duke Briseo ay naging tagapag-payo


kay Haring Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya. Siya rin ang nagbibigay ng direksyon
para sa bayan.

Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya. PInakamatalino.


Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak.
Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak. Naalala ni Florante kung paano siya
tawagin nuon (nung munting bata pa siya) ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi
o nag-iisa. (My one and only special flower.)

Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-snatch) ng isang
buwitre (vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit nang mamatay na mga hayop.
Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang munting si Florante dun
sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta in Spanish) nila sa bundok, may pumasok
na ibon. Iyong buwitre ay may sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na
hayop mula tatlong legwas (leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or
4.828 kilometros

Sumigaw si Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si Menalipo na


taga Epiro (Epirus - isang rehiyon sa hilagang kanluran ng Gresya o northwestern Greece -
nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni Menalipo (Minelipus) ang buwitre. Agad namatay yung
ibon. Sa ibang pagkakataon naman, bago pa lamang natutong maglakad nang mag-isa si
Florante dun sa gitna ng salas, may dumating arko (ibong falcon) at inagaw nito ang kupidong
diamante (hearts and arrows diamond cut) na nasa dibdib ni Florante.
Nung si Florante'y siyam na taong gulang, madalas siyang gumala at maglaro sa burol
(hill). Pinapana niya ang mga ibon. Tuwing umaga, nung bagong labas palang ng araw,
andun na si Florante sa tabi ng gubat, kasama ang kanyang mga alagad. At hanggang
tumaas na ang sikat ng araw (Febo - Phoebus - sun god), malamang tanghaling tapat, andun
si Florante sa parang kasama ang kanyang mga alagad.

Pagbabalik-Tanaw ni Florante sa kanyang Kamusmusan


B. Basahin ang Kabanata 18-23, Ilahad ninyo gamit talahayanan ang mahahalagang pangyayaring
naganap sa bawat aralin.

MGA ARALIN MGA ARALIN MAHAHALAGANG


PANGYAYARI
Aralin 18: Ang Bayang Iniibig

Aralin 19 Ang Mapanibughong Puso ni Adolfo

Aralin 20 Ang Pananalakay ng mga Moro

Aralin 21Ang Muling Pakikidigma ni Florante

Aralin 22 Ang Tagumpay ng Kataksilan

Aralin 23 Ang Sawimpalad na Moro

V- Susi sa Pagwawasto:

RUBRIC SA PAG-IISKOR

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 5
Kaugnayan sa Binasa 5
Kalinawan ng Kaisipan 5
KABUUAN 15 puntos

VI – Sanggunian:

Kontekstuwalisadong Banghay Aralin sa Filipino 8. p. 85-98 Aklat sa Florante at Laura

MBL/CID/2021

You might also like