You are on page 1of 10

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 8

Filipino

SANAYANSA
SANAYAN SAFILIPINO
FILIPINO
Ikaapat na Kwarter – Unang Linggo
Aralin 1

FLORANTE AT LAURA

Baitang 8-Filipino
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang
mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan
ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy ng kalagayan ng lipunan sa panahong
nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Filipino - Baitang 8
Sanayan sa Filipino
Florante at Laura
Unang Edisyon, 2021
Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin

ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writer: Lorjie D. Sumalde, Glenn G. Nembra, Lorlyn T. Galiemba,

James R. Ciriaco, Marnie B. Balayo, Cherry Mae F. Cartojano
Owen Zafranco, Ralph Raven N. Mupada

Illustrators: Ariel L. Amado, Glenn G. Nembra & Mel June G. Flores

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor

Glenn G. Nembra, & Eladio J. Jovero

Division Quality Lorjie D. Sumalde, Glenn G. Nembra, Rhubilenn T. Garcesto

Assurance Team: Nelson S. Cabaluna, Rene B. Cordon, Armand Glenn S. Lapor,
Lilibeth E. Larupay & Dr. Marites C. Capilitan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez

Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay, & Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 8-Filipino
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang
mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan
ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy ng kalagayan ng lipunan sa panahong
nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 8.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na

papel.

Baitang 8-Filipino
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang
mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan
ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy ng kalagayan ng lipunan sa panahong
nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Aralin 1: Kahalagahan ng Florante at Laura
Isang mapagpalang araw sa iyo!

Ang karanasan ng isang tao hinggil sa mga pagsubok na kaniyang hinarap at

napagtagumpayan sa kabila ng pasakit, hirap at kabiguan ay malaking bahagi ng kanyang
pagkatao. Ang kwento ng buhay ay kadalasang repleksyon ng mga kwentong ating nababasa.
Bilang isang manunulat, malaking impluwensya ng kanilang mga obra ang buhay na kanilang
dinanas, ang masasayang alaala, ang malulungkot na gunita, ang mga sitwasyon at
pangyayaring nagpapabago sa kanilang kabuuang pagkatao sa kanilang buhay.

Ang Awit na “Florante at Laura” ay isang patunay ng mga pahayag na inilahad sa itaas na
talata. Bilang isang mahusay na manunulat, si Francisco Balagtas o kilala sa alyas na “Balagtas”
ay nag-iwan sa atin ng isang kayamanang sumasalamin sa kanyang buhay bilang isang mortal
na pinatibay ng pagsubok na kaniyang dinanas. Mula sa kaniyang paglaki, pagbibinata hanggang
siya’y umibig, lumaban, nabigo at nakapagsulat ng isang obra maestrang naging malaking bahagi
ng ating panitikang Pilipino sa kasalukuyan.

Sa linggong ito, gagabayan ka na matutuhan ang paksa sa tulong ng mga kompetensi:

nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang
mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan ng: pagtukoy ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito,
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos
itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Ngayon, simulan mong tuklasin at alamin ang buhay ng isang Balagtas, at kung bakit
itinuring na isang obra maestra ang Awit na Florante at Laura.

Kung handa ka na simulan natin ang talakayan tungkol sa Florante at Laura.

Panuto: Basahin nang mabuti ang ilan sa mga panimulang saknong ng Florante at Laura.
Subukin mong bigyang pagpapakahulugan ang ninanais ni Balagtas na gawin mo
bilang mambabasa ng awit na ito.

Saknong Mula sa Florante at Laura Paliwanag

1 Salamat sa iyo, o nanasang irog;

Kung halagahan mo itong aking pagod;
Ang tula ma’y bukal ng bait na kapos;
Pakikinabangan ng ibig tumarok

3 Di ko hinihinging pakamahalin mo;

Tawana’t dustain ang abang tula ko;
Gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo;
Ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Baitang 8-Filipino 1
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
6 Hanggang dito ako, O nanasang pantas;
Sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
Ay sa kababago ng tula’y umalat.

Bilang mambabasa aking…

______________________________________________________________________________

Panuto: Kilalanin mo si Balagtas. Punan ng tamang mga ideya o key concept na maari mong
iugnay kay Francisco Balagtas. Pagkatapos pag-ugnayin ang mga key concept sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang talata batay sa iyong nabuong diagram. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel.

FRANCISCO
BALAGTAS

Aking napagtanto na ang lipunan sa panahon ni Francisco Balagtas ay…

Magaling! Ipagpatuloy lang ang iyong magandang simulain. Nawa’y marami ka pang
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
matutuhan sa linggong ito. Sundan lamang ang gawain sa susunod na pahina.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Magaling! Inaasahan kong marami ka pang matututuhan sa linggong ito. Ipagpatuloy
lang ang iyong magandang simulain sa pagsagot sa modyul na ito. Sundan lamang ang mga
gawain sa susunod na pahina.

Baitang 8-Filipino 2
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Panuto: Narito ang isang akda na maghahatid sa iyo ng panibagong kaalaman. Alamin kung
ano ang nais ipahiwatig ng akdang ito.

Francisco Balagtas
Ang Prinsipe ng Makatang Tagalog ay tubong Bulacan na isinilang noong Abril 2, 1788
sa Panginay, Bigaa, Bulacan kung saan binigyang ngalan siyang Francisco. Anak siya nina
Juan Balagtas at Juana dela Cruz na pawang mula sa payak na pamilya. Kiko kung siya’y
tawagin ng mga nakakikilala sa kanya. Musmos pa lamang ay kinakitaan na siya ng talino at
hilig sa pag-aaral. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang manilbihan bilang katulong sa Tondo,
Maynila kapalit ng pagkakataong makapag-aral sa Colegio de San Jose kung saan
nakapagtapos siya ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia at Fisica, at Doctrina
Christiana na kanyang naging daan upang makapag-aral ng Canones, ang batas ng
pananampalataya.
Nang sa San Juan de Letran si Francisco, naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, isang
bantog na guro na sumalin ng Pasyon kung saan nahasa pa ang kaniyang angking talento sa
pagsulat ng tula, dahilan ng pagiging popular at sikat niyang manunulat sa mga pagdiriwang
kung saan siya naiimbitahang tumula at magpamalas ng galing.
Ang angking galing ni Francisco sa pagbigkas ng tula ay hindi nakapagtatakang naging
isang magandang daan upang maraming kababaihan ang humanga sa kanya. Ngunit ang puso
ni Kiko ay tumibok sa unang pagkakataon sa iisang dilag, siya ay walang iba kundi si Magdalena
Ana Ramos. Bilang paraan ng pagsuyo sa naiibigang dilag, sinikap niyang handugan ang iniibig
ng isang tula para sa kaarawan nito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa makatang si
Jose dela Cruz o mas kilalang si Huseng Sisiw. Dahil sa walang dalang sisiw si Francisco bilang
kabayaran sa hinihinging pabor, hindi siya natulungan ni dela Cruz dahilan upang
pagsumikapan at pagbutihin ni Francisco ang angking kakayahan sa pagsusulat ng sariling
mga tula. Hindi naglaon, ay mas nakilala at namayagpag pa sa larangan ng panulaan ang
pangalang “Balagtas” kaysa sa pangalan ni Jose dela Cruz.
Mula sa Tondo ay lumipat si Francisco “Kiko” Balagtas sa Pandacan. Dito nakilala niya si
Selya o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay. Nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa at di
nagtagal ay naging magkasintahan. Ngunit hindi naging madali ang lahat para kay Francisco
sapagkat dumating ang mahigpit niyang katunggali sa pag-ibig ni Selya, si Nanong Kapule. Isang
mayamang binata at nabibilang sa isang kilala, maimpluwensya’t makapangyarihang pamilya.
Dala na rin ng labis na pag-ibig ni Kapule para kay Selya, nagawa nitong ipabilanggo ang
makatang si Francisco sa salang di nito ginawa, at pawang maling paratang lamang. Sa puntong
ito ng buhay ni Francisco nakadama siyang labis na kalungkutan at kabiguan lalo na nang
mabalitaan niyang nagpakasal na ang kanyang Selya sa karibal niyang si Nanong Kapule.
Ang madilim na selda at malamig na rehas na bakal na kanyang naging kulungan ay naging
piping saksi sa pighati at kalungkutang nag-udyok kay Francisco upang maisulat ang kanyang
obra maestra, ang awit na Florante at Laura. Bagama’t may ilang nagsasabing natapos ni Kiko

Baitang 8-Filipino 3
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
ang kanyang obra sa Udyong, Bataan. Ang lalawigan kung saan siya nagsimulang muli, bumuo
ng pamilya kasama ang kabiyak na si Juana Tiambeng na kanyang pinakasalan sa edad na 54,
sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ni Juana sa kanya para sa dalaga dahil na rin sa agwat
ng kanilang mga edad.
Muling nakilala ang husay ni Balagtas. Naging kawani siya sa hukuman at hindi naglaon ay
naging tenyente mayor at juez de sementera. Noong mga panahong iyon ang posisyong iyon ay
pinagpipitaganan.
Ngunit kakambal na marahil ni Francisco ang masamang kapalaran, dahil muli siyang
nabilanggo dahil sa isang paratang na pagputol di umano niya ng buhok ng isang babaeng utusan
ng Alferez Lucas. Bagamat lumaban siya sa kaso na kinaubos ng kanyang kayamanan,
pinagdusahan pa rin niya ang naturang kasawian sa rehas ng kulungan. Sa kanyang paglaya’y
hindi na rin siya agad nakabawi sa buhay dala na rin ng pagkaubos ng kanyang kabuhayan. Sa
kabila ng mga unos na ito, hindi tumigil sa pagsusulat ng mga tula si Francisco hanggang noong
Pebrero 20, taong 1860 binawian siya ng buhay sa edad na 74.
Ang makatang tulad ni Francisco Balagtas, na naging buhay ang pagsusulat ay di
nakapagtatakang nakapag-iwan ng isang habang buhay na obra maestrang salinlahing pinasa-
pasa mula sa nakaraang henerasyon, kasalukuyan at maging sa hinaharap. Sapagkat ang
Florante at Laura ay hindi lang basta isang awit, sa halip ito ay tunay na buhay, karanasan,
emosyon at alaala ni Francisco Balagtas na patuloy na nabubuhay sa mga karakter na
nakapaloob rito.
Ang Florante at Laura ang nagsilbing tulay ng mga mambabasang Pilipino sa panahon kung
saan ipinamulat sa atin ang mga masamang naidulot ng mga mga mali’t baluktot na pag-uugali
mayroon tayo bilang isang lahi na naglalayong maitama at mabago sa kasalukuyang panahon.
Ang mga pagsubok ni Francisco na kanyang naranasan mula pagkabata hanggang sa kanyang
masalimuot na mga oras sa loob ng piitan kasama ang mga emosyong kanyang pilit na
nilabanan: ang kawalan ng hustisya para sa mga katulad niyang salat sa yaman; ang mga
paniniwalang ispiritwal na nagpatatag sa kanyang pananampalataya upang magpatuloy na
lumaban sa buhay; ang humubog sa kanya upang maging isang mahusay na manunulat.

Gabay na tanong:
1. Ano ang mahalagang aral na tumatak sa iyong isipan habang binabasa ang
talambuhay ni Francisco Balagtas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Hindi naging madali ang buhay ni Kiko o Francisco Balagtas bago niya narating ang
rurok ng tagumpay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iyo.

Ipagpatuloy lang ang pagsubaybay sa kanyang buhay sa mga susunod na pahina.

Baitang 8-Filipino 4
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Ngayon, subukan mo muling sariwain ang mga pangyayari sa buhay ni Balagtas gamit
ang ilang saknong ng awit ng Florante at Laura. Tukuyin ang pagkakapareho nito sa buhay na
dinanas at pinagdaanan ni Balagtas.

Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, paghahambingin ang pagkakapareho ng ilang

saknong ng Florante at Laura sa tunay na buhay ng may-akda nitong si Francisco
Balagtas.

Pangyayari sa Florante at Laura Pangyayari sa Buhay ni Francisco Balagatas

14) “Sa loob at labas ng bayan kong sawi,

Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

39) “Ay Laurang poo’y bakit isinuyo,

Sa iba ang sintang sa aki’y pangako;
At pinagliluhan ang tapat na puso,
Pinagugulan mo ng luhang tumulo?”

227) “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay

Ay hindi ang ditsong nasa orihinal
Kundi ang winikang: Ikaw na umagaw
Ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay.

Binabati kita sa matagumpay mong pag-uugnay ng ilang pangyayari sa Florante at

Laura sa tunay na buhay ni Francisco Balagtas. Nawa’y marami kang natutuhan hinggil sa
araling ito. Ngayon naman bilang pangwakas na gawain, ipaliwanag ang kahulugan ng
sumusunod na saknong mula sa Florante at Laura.

Baitang 8-Filipino 5
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng saknong mula sa Florante at Laura, iugnay ito sa iyong
buhay bilang anak. Gawing basehan ang rubrics sa pagbibigay ng puntos para sa
gawaing ito.

202
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.”

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

MGA BATAYAN
5 3 1
Hindi masyadong
Naipaliwanag nang Malabo at magulo
malinaw ang
Pagpapaliwanag mahusay at mabuti ang pagpapaliwanag
pagpapaliwanag ng
ang saknong ng saknong
saknong
Naiugnay nang Hindi masyadong Hindi naiugnay ang
mabuti ang sagot sa naiugnay ang sagot sagot sa sariling
Kaugnayan sa sarili
sariling pananaw sa sariling pananaw pananaw bilang
bilang isang anak bilang isang anak isang anak
Medyo di malinaw Hindi malinaw ang
Kalinawan, kaisahan ang paglalahad ng paglalahad ng ideya.
Napakalinaw ng
at kaugnayan ng mga ideya, makikitaan ng Walang kaugnayan
paglalahad ng ideya
ideya mga salitang di ang paliwanag sa
angkop sa pahayag ibinigay na katangian

Napakahusay! Binabati kita dahil napagtagumpayan mong sagutin nang buong puso at
husay ang mga gawain para sa sanayang ito. Nawa’y marami kang natutuhan mula sa modyul 1,
kwarter 4.

Hanggang sa susunod nating pagtuklas at pagkatuto. Manatiling ligtas at malusog,

patuloy lang sa pagpapaunlad ng iyong sarili.

Baitang 8-Filipino 6
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at pagsusuri
sa akda (F8PN-IVa-b-33); at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
Kompetensi Aralin 1: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig
Baitang 8-Filipino 7
FILIPINO 8 – KWARTER 4 - LINGGO 1 -ARALIN 1
MGA SUSING SAGOT
ARALIN 1: KAHALAGAHAN NG FLORANTE AT LAURA
TUKLASIN NATIN: (Halimbawang sagot)
SAKNONG MULA SA FLORANTE AT LAURA PALIWANAG
1 Salamat sa iyo, o nanasang irog;
Ang nais ipahiwatig ni Francisco Balagtas sa saknong na ito ay kung maaari ay
Kung halagahan mo itong aking pagod;
pahalagahan at bigyang tuon ang mga aral na napapaloob sa mga saknong ng Florante
Ang tula ma’y bukal ng bait na kapos;
at Laura na salamin ng kanyang buhay.
Pakikinabangan ng ibig tumaro
3 Di ko hinihinging pagkamahalin mo;
Tawana’t dustain ang abang tula ko;
Ang nais ipahiwatig ng saknong na ito na pinagbabawalan ni Balagtas na ibahin at
Gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo;
irebisa ang mga saknong na nakapaloob sa awit na Florante at Laura.
Ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
6 Hanggang dito ako, O nanasang pantas;
Paalala ni Francisco na ang pag-iiba at pagrerebisa sa mga saknong ay maaaring
Sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad;
magdulot ng pag-iiba ng mensahe at emosyong kanyang inilapat sa bawat titik ng
Sa gayong katamis wikang masasarap
bawat salita sa bawat saknong ng kanyang akda.
Ay sa kababago ng tula’y umalat.
Bilang mambabasa dapat kong bigyang halaga at paggalang ang obra maestrang ito ng dakilang makatang si Francisco Balagtas sapagkat ito’y hindi lang basta awit kundi
ito’y mismong buhay niya. Ang malulungkot at masasayang bahagi ng kanyang buhay na sa kabila ng kanyang paglisan sa mundo ay patuloy na nabubuhay sa bawat pahina at
saknong ng kanyang likha.
ALAMIN NATIN: (Halimbawang sagot)
PAGYAMANIN NATIN: (Halimbawang sagot)
Pangyayari sa Florante at Laura Pangyayari sa Buhay ni Francisco Balagatas
14) “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Pagkakabilanggo ni Francisco Balagtas sa mga pagkakasalang hindi niya naman ginawa o
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari, napatunayang ginawa.
Kagalinga’t bait ay nalulugami
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”
39) “Ay Laurang poo’y bakit isinuyo, Pagkabigo sa pag-ibig niya kay Selya dahil pinakasalan nito ang karibal niyang si Nanong
Sa iba ang sintang sa aki’y pangako; Kapule nang siya’y na sa loob ng piitan.
At pinagliluhan ang tapat na puso,
Pinagugulan mo ng luhang tumulo?”
227) “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay Dahil sa pagseselos ni Nanong Kapule sa makatang si Francisco para sa pag-
Ay hindi ang ditsong nasa orihinal ibig ni Selya, pinaratangan niya ito sa salang hindi nito ginawa dahilan upang si
Kundi ang winikang: Ikaw na umagaw Francisco ay makulong, at tuluyang nakuha ni Kapule ang pag-ibig ni Selya.
Ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay.
TAYAHIN NATIN:
(Sa bahaging ito, ang mag-aaral ay inaasahang sasagot ng sarili niyang gawa at iwawasto ito ng guro.)

You might also like