You are on page 1of 2

FILIPINO 4

(Q1-Week 6)

Pangalan: Lebel at Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pagsasalaysay Muli nang may Wastong Pagkasunod-Sunod ng Napakinggang Teksto Gamit
ang mga Larawan, Salitang Hudyat at Pangungusap

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pakikinig ay isang kasanayan na dapat nating matutuhan. Kung marunong kang
makinig, maisasalaysay mo muli ang isang tekstong napakinggan. Masasabi mo ang wastong
pagkakasunod-sunod nito ayon sa pangyayari.
Maaaring gamitin ang mga larawan o salitang hudyat sa pagsasalaysay muli sa
napakinggang teksto. Maaring gamitin ang mga hudyat na salita gaya ng una, pangalawa, sumunod,
pagkatapos, pinakahuli. Sa larawan, maari ring gamitin ang bilang 1 hanggang 5 upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod nito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisasalaysay muli nang may wastong pagkasunod-sunod ang napakinggang teksto gamit ang mga
larawan, salitang hudyat at pangungusap (F4PS-Ib-h-6.1)

Gawain 1
Parami ng Parami
Ma. Hazel J. Deria

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo sa ilalim ng punong mangga
sa kanilang paaralan. Sapat na sa kanya ang manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak
na palaruan.
Isang araw, sa kanyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa tabi niya. Habol nito ang
paghinga at bigla na lamang tumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Anong
nagyari sa iyo? May masakit ba sa iyo?”
Inatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena at tumakbo palayo sa
mag-aaral.
Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon, nagging matalik na silang
magkaibigan. Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may
kalaro, hindi lamang isa kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.

Panuto: Maalala mo pa ba ang binasa mong kuwento tungkol sa “Parami ng Parami”?


Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang mga pangungusap ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa
kuwento.

____ Inatake ng hika ang mag-aaral na katabi ni Lorena.


____ Laging nakaupo si Lorena sa ilalim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan.
____ Tumayo si Lorena at tumakbo palayo sa mag-aaral.
____Mula noon naging matalik na magkaibigan si Lorena at ang magaaral.
____ Kasama na ni Lorena ang kanilang nars.

Gawain 2
Mahilig ka bang gumawa ng juice tulad ng kalamansi? Alamin natin. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5
ang mga pamaraan sa paggawa ng kalamansi juice.
____Hatiin ang kalamansi sa gitna.
____Hugasan ang limang kalamansi.
____Pigain ang kalamansi sa baso.
____Tanggalin ang mga buto.
____Dagdagan ng asukal at tubig at haluin ito hanggang matunaw ang asukal.
Sanggunian
Mga Aklat
Lydia P. Lalunio, Ph.D., at Francisca G. Ril, Patrocinio V. Villafuerte, at Ma. Victoria A. Gugol, Ph.D. Hiyas sa Pagbasa 4
Binagong Edisyon 2010, LG & M Corporation
Angelika D. Jabines, Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolores S. de Castro,
Josenette R. Brana, Maryann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe
Catalina Guimto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gatcielo Chiara D. Badillo at Angelika
D. Jabines, Yaman ng Lahi 4, Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 2

Inihanda ni:
MYRNA B. JOLOYA
T-III

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like