You are on page 1of 3

LLORENTE CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

Llorente, Eastern Samar

LEARNER’S ACTIVITY SHEET (LAS) NO. 3


FILIPINO 4
(Quarter 1)

Pangalan: ____________________________________
Petsa: _____________________________________
Paaralan: ___________________________________
Grado/Seksyon: _____________________________

I. Layunin – Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay)


F4PB-Ia-97

II. Paksa – Elemento ng kuwento..

III. Pagtalakay

Ang kuwento ay may mga elemento. Ito ay ang tagpuan, tauhan, at mga
banghay.
Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar at panahong
pinangyarihan, ginalawan at kapaligiran ng mga tauhan.

Tauhan- dito malalaman kung sino-sino ang mga


magsisiganap sa kuwento at bida kung ano ang papel na
gagampanan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o
suporta.

Banghay- ito ay tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari sa kuwento.
IV. Paglalahat – Ano ang mga elemento ng kwento?

V. Pagsasanay

Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang mga sumusunod na


pangyayari. Isulat sa patlang kung ito ay tagpuan, tauhan, o banghay.

1. Inutusan ni Aling Lorna si Jose na bumili sa tindahan


ng mga kakailanganin.

2. Jose, Mang Ben, Aling Lorna, Mang Melchor, Mang


Kaloy, Aling Helen.
3. Sa wakas nakauwi na si Jose sa kanilang bahay

4. Sa bahay, sa kalsada, sa tindahan

5. Nakarating sa tindahan

VI. Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento at alamin kung paano


nagbago ang bida.

Parami ng Parami
Ni: Ma. Hazel J. Deria

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo


sa ilalim ng punong mangga sa kanilang paaralan. Sapat na sa kanya
ang manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na
palaruan.

Isang araw, sa kanyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo


sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang tumulo ang
luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Anong nagyari sa
iyo? May masakit ba sa iyo?”

Inatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si


Lorena at tumakbo palayo sa mag-aaral.

Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon, naging matalik na
silang magkaibigan. Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may kausap.
Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi parami pa nang parami ang
kaniyang nagiging kaibigan.
Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Saan at kailan nangyari ang kuwento?

3. Ano-ano ang mga pangyayari sa


kuwento?

A.

B.

C.

You might also like