You are on page 1of 3

PAGSUSURI SA AWIT NA FLORANTE AT LAURA

I. Bilang at Pamagat ng Napiling Aralin: Aralin 3: Gubat na Mapanglaw


II. Kahulugan ng Pamagat
Ang “Gubat na Mapanglaw” ay nangangahulugang gubat na malungkot.
III. Mga Tauhan: (Ilarawan)
1. Florante- Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ay mapagmahal,
masunuring anak at tapat umibig.

IV. Buod ng Awit


Nagsimula ang lagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi nasisinagan ng liwanang ng
araw. Dahil sa malalaking puno ng Higera na may malalapad na dahong nagpapadilim sa
buong kagubatan. May mga baging din na namimilipit sa sanga ng kahoy na
dumadagdag sa kapanglawan ng nakasusika at mabahong amoy ng gubat. Sa buong
kagubatan ay nababalot ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang mababangis na
hayop. Sa kalagayang iyon ay mayroong isang lalaking nakagapos sa puno ng HIgera.

V. Suliraning Panlipunang Nakapaloob sa Awit


Pinaghirapan at pinaparusahan ang kaaway para lang makuha ang gusto.
Paliwanag: (Paano naipakita sa awit ang nasabing suliranin?)
Iginapos ni Konde Adolfo ang kaawa-awang si Florante sa puno ng hiegra upang
makuha ang kanyang kagustuahan.

VI.Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman


1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
(Ano ang kalagayan ng mga tauhan sa aspektong sosyal at pangkabuhayan? Ano
ang nararanasan nila sa buhay?)

Ang kalagayan ng tauhan ay naghihirap sa gubat dahil may mga mababangis na


hayop at nasasaktan siya sa kanyang pagkagapos sa gubat.

2. Kulturang Pilipino
(Ano ang kulturang Pilipino na nakapaloob sa kabanata at paano ito naipakita ng
mga tauhan?)

Ang kulturang Pilipino na nakapaloob sa kabanatanng ito ay pananampalataya,


dahhil sa kanyang dinadaranas sa buhay ay nayroon parin siyang malakas na
pananampalataya sa Diyos.

3. Pilosopiyang Pilipino
(Ano ang salawikaing nababagay sa kabuuan ng kabanata?)

Ang salawikaing nababagay sa kabuuan ng kabanata ay Nasa Diyos ang awa, nasa
tao ang gawa.

VII. Paraan ng Pagpapahayag


(Bumanggit ng isang teoryang ginamit sa kabanata at patunayan)
IMAHISMO- Maaaring lapatan ng teoryang imahismo ang araling ito sapagkat kung
paanong inilalarawan ng may akda ang gubat, magkakaroo ka ng ideya na mabubuo sa
iyong kaisipan.

VIII. Implikasyon
Makikita si Florante sa punong gubat na iyon, naghihirap at hindi makaahon sa
kahirapan na kanyang kinakaharap. Naalala ni Florante ang lahat ng kahanga-hanga at
kakila-kilabot na karanasan sa kanyang buhay na naganap habang siya ay nasa
kagubatan ngunit hindi niya inaasahang mangyari ngayon.
Ano ang implikasyon ng mga pangyayari sa kabanata sa:
1. Kalagayang Panlipunan/ Pambansa
Ang kalagayan ng ating lipunan o bansa ay puno ng kaguluhan, nagkaroonng mga
paratang sa kapwa kung saan nagdudulot ng kaguluhan. Walang pagkakaisa ang
bansa noong mga panahong ito.

2. Kalagayang Pangkabuhayan
Ang kalagayang pangkabuhayan ni Florante sa kabanatang ito ay iginapos sa
puno ng Higera habang nagdadalamhati sa sakit na kanyang nararamdaman.
Maaari itong maihalintulad sa pagkakagapos o pagkakatali ng mas mahihina at
mga ordinaryong miyembro ng lipunan na nagdurusa sa mga problemang
pinagdaraanan, samantalang ang ibang may mataas na antas ng pamumuhay ay
halos walang balakid sa buhay.

3. Kalagayang Pansarili
Itoy mahirap o masakit dahil iginapos siyang kaawa-awa s aka dilim-dilim na
gubat at nagluluksa siya sa sakit na nararamdaman.

a. Bisa sa Isip (Ano ang nabatid mong kaalaman mula sa kabanata?)


Ito ay huwag dapat mataas ang tingin natin sa ating sarili, at huwag manakit
ng kapwa. Dahil sa kalagayan ni Florante nang siya ay nakagapos ay tila ba
nasa kawalan.

b. Bisa sa Damdamin (Anong damdamin ang namayani habang at pagkatapos


binasa ang kabanata?)
Tiyak na naantig ang sinumang mambabasa sa kalagayan ni Florste kung saan
siya ay nag-iisa at naiwang luhaan. Labis na nasaktan dahil ang kanyang mina-
mahal ay nasa kandungan na ng iba.

c. Bisa sa Kaasalan (Anong pag-uugali o kaasalan ang nahubog mula sa


kabanata?)
Si Florante ay naghihinagis at naiwang mag-isa, tiyak na magkakaroon ng
kamalayan at hinuha ang mga taga-basa na kapag mahal mo ang isang tao,
gagawa ka ng paraan upang maipaalam sa kanya at mabihag ang kanyang
puso. Dapat matuto tayong hindi sumuko sa anumang problemang ating
kahaharapin, maging sap ag-ibig man o ibang bagay.

IX. Sanggunian

Ito ang panitikang Pilipino na isinulat ni Francisco Balagtas ang awit na


Florante at Laura noong 1838. Ito ang pinagdaanang buhay nina Florante at Laura.

You might also like