You are on page 1of 4

Modyul - Florante at Laura

Ika-Apat na Markahan
Taong Panuruan 2023-2024

Lesson 7 : Pagtulong ng Isang Kaaway


Mga kasanayang Pampagkatuto/Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

a) Naipapaliwanag ang dahilan kung bakit iniligtas at inaruga ni Aladin si Florante


b) Nailalahad kung bakit kailangan tumulong sasa mga nangangailangan nang walang
hinihinging kapalitang.
c) Naibibigay ang mga tauhan, tagpuan, tema , tunggalian at pangyayari hango sa mga
saknong na binasa

ALAMIN NATIN!

Panuto: Basahin ang buod ng aralin upang masagutan ang bawat tanong sa
ibaba.
Pagtulong ng Isang Kaaway
Dahil sa habag ni Aladin sa mga narinig na panangis, hinanap niya ang kinaroroonan nito. Sa
pamamagitan ng kanyang matalim na kalis, nahawi niya ang makakapal na dawag. Hindi siya
tumigil sa paghahanap at inabot siya nang tanghaling tapat. Tamang-tamang sa pagdating niya,
nawalan ng malay si Florante at di nagtagal ay nagising ang mga leon at handang sakmalin si
Florante dala ng kagutuman. Kitang-kita ang taglay na bangis ng mga leon na maitutulad sa
isang Purya. Nang akma nang sakmalin si Florante biglang lumitaw si Aladin at pinagtataga ang
mga ito hanggang sa mamatay.

Nang magwagi si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya ng gapos si Florante.
Awang-awa siya rito kaya di niya napigilang lumuha. Kinulong niya ito at hinaplos nang buong
pagkalinga. Humanga rin siya sa taglay nitong kakisigan. Nang magkamalay si Florante, una
niyang hinanap si Laura. Nauunawaan ni Aladin na siya ay nagdidiliryo kaya di niya ito sinagot.
Sa muling pagkagising ni Florante nabigla siya dahil inaaruga siya ng isang kaaway. Ngunit,
pinayapa siya ni Aladin at sinabing nangingibabaw sa kanya ang utos ng langit na tumulong.
Napasigaw siya sa lalong kalungkutan nang sinabi ni Florante na hindi awa ang kailangan kundi
kamatayan.

Matapos iligtas ni Aladin si Florante sa kamatayan, pinagpahinga niya ito sa isang malapad na
bato. Hindi siya natulog magdamag, sa halip ay binantayan si Florante. Kinaumagahan, naging
lubos ang pasasalamat ni Aladin nang magkamalay ang inaalagaan. Hindi naman malaman ni
Florante kung paano mag- papasalamat sa kanyang tagapagligtas. Sinabi ng Persiano na kung
anuman ang ipinaghihirap ni Florante ay sabihin niya upang mapagtulungan nilang bigyan ng
lunas.
Isinalaysay ni Florante na siya ay taga-Albania, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng
Crotona. Bilang pangalawang puno ng Albania ang kanyang ama diumano ay matapang at
mabait. Idinagdag pa niya na walang kapantay ang kanyang ama sa pagkalinga sa anak at sa
pagtuturo ng kagandahang-asal. Ikinuwento rin niya ang dalawang pangyayari na kamuntik na
siyang mamatay. Ang una ay nang muntik nang madagit ng buwitre. Mabuti na lamang at
naging maagap ang pinsang si Menalipo na nagligtas sa kanya. Ang pangalawa naman ay nang
pagtangkaang kunin ng isang arcon (isang uri ng ibon) ang diyamanteng hiyas sa kanyang dibdib.

PANGKALAHATANG PANUTO : Isulat sa ISANG BUONG PAPEL ang kasagutan.

Gabay na Tanong:

1. Bakit hinanap ni Aladin ang taong nananaghoy?


2. Sino agad na ang naalala ni Florante nang una niyang idilat ang kanyang mga Mata?
3. Kung ikaw si Aladin tutulungan mo rin ba ang isang taong itinuring na kalaban sa iyong lahi
kapag nakita mong siya ay labis na nangangailangan? Ipalipawanag.

Gawain 1

Naunawaan mo ba ang mga binasang buod? Bakit kaya tinulungan ni Aladin si Florante? Sige
nga, ibuod mo ang nilalaman ng binasa sa pamamagitan ng pagpunan sa bituin o tala sa ibaba

Tauhan

Tema Tagpuan
Buod ng Aralin

Tunggalia Pangyayar
Lesson 8: Pagbabalik-tanaw ni Florante sa Kanyang kamusmusan,

Si Adolfo

Mga kasanayang Pampagkatuto/Layunin.


Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

a) Nauunawaan ang bawat saknong sa awit.


b) Naisasalaysay ang mahalagang detalye sa bahaging ito ng awit.
c) Nailalarawan si Adolfo batay sa pagkakakilala sa kanya at batay sa pagkakakilala ni Florante.

BASAHIN AT UNAWAIN NATIN!

Pagbabalik-tanaw ni Florante sa Kanyang kamusmusan, Si Adolfo


Buod ng Kabanata

Noong bata pa si Florante nakahiligan na niya ang mamasyal sa kagubatan at makitaa ng mga
hayop. Anupa't masasabing masaya ang naging kamusmusan ni Florante. Sa nangyayari ngayon
kay Florante napagmuni niya na di dapat palakihin ang bata sa saya dahil maaaring marami siyang
maranasang hirap. Ang sabi pa niya tiyak na mahihirapan ang taong hindi dumanas ng pagsubok.
Upang ihanda si Florante sa pakikibaka sa buhay pinag-aral siya ng mga magulang sa Atenas.
Tiniis nila ang hirap ng pagkakawalay sa isa't isa makatiyak lamang na mapabubuti ang
kinabukasan ng anak.

Kinailangang pumunta sa Atenas si Florante upang mag-aral. Naging guro niya si Antenor. Si
Antenor din ang umaliw kay Florante sa pangungulila niya sa kanyang mga magulang. Dinatnan
niya sa Atenas ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno. Hinahangaan si Adolfo dahil sa
kanyang karunungan at kabaitan. Kaya lamang hindi ito lubos na madama ni Florante. Madali
namang natutuhan ni Florante ang pilosopiya, matematika at mga bagay na kataka-taka na
ikinamangha ng kanyang guro at mga kamag-aral. Nadaig niya si Adolfo at nakilala sa Atenas.

Nag-aral si Florante sa Atenas. Isa sa naging gawain nila sa paaralan ang magpalabas ng isang
trahedya. Magkapatid ang ginampanang papel nina Florante at Adolfo. Sa hindi malamang
kadahilanan iniba ni Adolfo ang linyang dapat sabihin. Pinagtangkaan niya ang buhay ni Florante.
Mainam na lamang at naging maagap si Menandro. Iniligtas niya ang buhay ni Florante. Dahil sa
pangyayaring ito, umuwi si Adolfo at naiwan si Florante sa Atenas. Nagpatuloy sa pag- aaral si
Florante hanggang sa makatanggap siya ng isang liham mula sa ama na nagsasaad kung ano ang
nangyari sa kanyang ina. Ito ang dahilan ng hapis ni Florante. Labis siyang nalungkot. Ang gurong
si Antenor ang umaliw sa kanya upang mawala ang kanyang kalungkutan.

Tumanggap ng sulat si Florante galing sa kanyang ama pagkalipas ng dalawang buwan. May
kasama ng sundo at pinauuwi na siya sa Albania. Naging mahirap para kay Florante ang
pagpapaalam sa kanyang guro at sa kaibigan. Dahil dito pinasama na ni Antenor si Menandro. Sa
pag-alis ni Florante, pinayuhan siya ng gurong maging handa sa mga lihim na kaaway. Pagdating sa
Albania ay kaagad na nagtuloy sa kinta sina Florante. Kalungkutan ang sumalubong sa mag- ama
nang magkita. Magkayakap pa sila nang dumating ang embahada galing sa Crotona.
PANGKALAHATANG PANUTO : Isulat sa ISANG BUONG PAPEL ang kasagutan.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang ng unang liham na tinanggap ni Florante?

2. Bakit tinawag itong plasong liham.

3. Ano ang naging hadlang sa pagkakaibigan nina Florante at Adolfo.

Gawain 2

Ang estratehiya natin ay tinawag na ANA o KWL. Ang “K” ay kumakatawan sa alam mo na ukol sa
isang paksa. Ang “W” ay kumakatawan sa gusto mong malaman at ang “L” naman ay sa mga
natutunan mo.

Panuto: Itala sa K ang mga alam mo tungkol kay Adolfo. Ilagay sa W ang mga natuklasan tungkol
sa kanya sa paglipas ng mga araw ng pag-aaral niya sa Atenas. Ilagay mo naman sa L ang alam
mo na tungkol kay Adolfo matapos na may matuklasan ka sa kanya.

K W L

Kung gusto niyong basahin ang mga saknong ng kabanata ito po yung link. Simula po Aralin 11 hanggang Aralin 19

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-modern-tagalog-version-
kabanata-16-sa-atenas-si-adolfo_1215.html

You might also like