You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 8

Bilang 3 Kuwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________________________________


Baytang/Seksiyon: _______________________________________ Petsa: __________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Sa araling ito ay naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, mapanuring pag-iisip, pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya, iba’t ibang uri ng teksto at akdang
pampanitikan upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika
ng kabataan. (F8WG-IVa-b-35)

III. GAWAIN

A.Pagbalik-aralan Mo!

Gamit ang gabay na tanong na nakapaloob sa larawang nasa ibaba


magbigay ng iyong komento hinggil sa akdang Florante at Laura.

Image from: https://www.shorturl.at/nzTWX


https://www.shorturl.at/fjoyz

1
https://www.google.com/search?q=florante+at+laura&tbm
B. Pag-aralan Mo!

Florante at Laura
(Isang pagsusuri ni Victoria Burgus)

Ang akdang pampanitikan na Florante at Laura ay isang awit at Korido


na isinulat ni Francisco Baltazar a.k.a Balagtas. Ang awit na ito ay inihandog
niya sa kasintahang si Celia. May paunawa si Balagtas tungkol sa mga babasa
nito na kung maaari ay huwag baguhin ang anumang kaisipang nilalaman ng
kanyang akda.

Batay sa masusing pag-aaral ng balangkas, ang porma ng pagsasalaysay


ng tula ay hindi linear bagkus ito ay non-linear. Ito ang isa sa mga maituturing
na dahilan kung bakit isa sa pinakamahusay na manunulat at bantog na
makata si Balagtas. Sa kanyang panahon ay gumawa na siya ng pagbasag ng
balangkas sa porma at maging sa nilalaman ng kanyang akdang pampanitikan.

Ang Florante at Laura ay hindi lamang tungkol sa marubdob na pag-


iibigan ng dalawang pangunahing tauhan. Ito ay higit na tumatalakay tungkol
sa “pag-ibig” ni Florante sa kanyang bayan na tinatawag na kahariang Albanya
at sa karatig pook na kaharian. Si Florante ang naging tagapagligtas ng sariling
bayan at maging ng Kahariang Crotona na pinagmulan ng kanyang ina. Ang
Albanya ay representasyon ng “Inang Bayan” o ng Pilipinas. Ang pulitika o
pamumulitika sa panahon ng mga kaharian ay lutang sa akdang ito. Ang
pagtataksil sa bayan ay ipinakita sa katauhan ni Konde Adolfo na naghangad
pagharian ang Albanya at maangkin ang puso ni Laura sa pamamagitan ng
dahas. Ang isa sa malinaw na pagbasag ni Balagtas ng kumbensiyon ay ang
relasyon at ugnayang ipinakita sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim. Sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila, isa sa mga malinaw na propaganda ng
mga Kastila sa anumang moro-moro o mga dula ay ang labanang Muslim at
kristiyano kung saan malinaw na nagagapi ang mga Muslim at ang Kristiyano
ang nagtatagumpay. Madalas ituring na kaaway ang mga Muslim. Bagama’t
makikita sa akdang ito na ang mahigpit na kalaban ng Kahariang Albanya ay
ang mga mananalakay na Muslim, sapagkat ito pa rin ang malinaw na
representasyon ng ugnayang pampulitika na umiiral sa panahong iyon, ang
paggamit ni Balagtas sa katauhan ni Aladin bilang tagapagligtas ni Florante sa
tiyak na kamatayan ay isang uri ng pagbasag ng kumbensiyon. Ipinakita rin ni
Balagtas na hindi lamang patriyarkal ang umiiral na sistema sa kanyang
panahon sa pamamagitan ng paggamit sa mga tauhang babae. Si Flerida kung
saan ay nagdamit ng kasuotang lalaki ang naging tagapagligtas ni Laura.
Ipinakita sa katauhan ni Flerida na sa ayos at pananamit lamang nagkakaroon
ng kaibahan ang lalaki at babae dahil ang babae ay mayroon ding kakayahang
makipagtunggali. Bagama’t sa dulo ng akda ay bumalik sa kumbensiyon si
Balagtas sa pamamagitan ng pagpapabinyag ng dalawang tauhang Muslim na
sina Aladin at Flerida upang maging katanggap-tanggap marahil ang akdang ito
(sa panahon ng pananakop), hindi maikakailang napagtagumpayan ni Balagtas
na ipakita ang pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan anumang sekta o
relihiyon ang kanyang kinabibilangan.

2
C. Pagsanayan Mo!

Sa pamamagitan ng Double-Entry Journal, ilahad ang damdamin ng


may-akda at ang sariling damdamin kaugnay ng Florante at Laura sa
kasalukuyan.

Damdamin ng May-akda Sariling Damdamin

D. Tandaan Mo!

Alam mo bang lumaganap ang awit at korido sa panahon ng Kastila


dahil sa kahigpitan ng sensura sa Pilipinas? Ang nilalaman ng mga ito ay
imbokasyon, paghingi ng paumanhin, isang matandang siyang sumusubok
sa katangian ng tauhan, may hinahanap na panlunas, may kababalaghan o
mahika o milagro o engkanto, di-karaniwang katangian ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng tatlong sagisag: bathala, babae at bayan at may
paglalaban, pakikipagsapalaran, at pagsubok.

Mga halimbawa at pagkakaiba ng awit sa korido.

Awit

May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na


kung saan makatotohanan ang mga tauhan at maaaring maganap sa tunay
na buhay ang kanilang pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o
andante.

Korido

May walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na may


kasamang kababalaghan; ang mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay
na di maaring magawa sa tunay na buhay.

Pagkakaiba ng Awit sa Korido:

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa


“allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na
mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”.

3
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantalang
sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o
kasaysayang napapaloob dito.

Halimbawa ng Korido:

Ibong Adarna, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang


Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni
Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na
Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit:

Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni


Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni
Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe
Igmidio at Prinsesa Clariana

IV. PAGTATAYA

Sumulat ng dalawang saknong ng tula na binubuo ng apat na


taludtod na may kaugnayan sa Florante at Laura sa kasalukuyan sa
paraang pabigkas na rap. Isaalang-alang ang sukat at anyo sa
pagsulat ng awit. Isulat ito sa isang buong papel.

V. RUBRIK

✓ May sariling istilo sa pagsulat -------------------------- 5 Puntos


✓ May maayos na kaisahan, kaayusan,
kabuuan at kahusayan sa pagpili ng mga salita -----5 Puntos
✓ May wastong baybay, bantas, at balarila --------------5 Puntos
Kabuuan-----------------------------15 Puntos

4
V. SANGGUNIAN

https://www.shorturl.at/ewTZ1
https://www.shorturl.at/chuHM
http://depedfilipinoteacher.blogspot.com/2018/02/awit-at-korido-filipino.html

Inihanda ni:

FRANCIS I. ABAÑO
Guro I, Manunulat
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

Tiniyak ang kalidad ni:

ROSALIE Z. MORA
Ulong Guro I
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

You might also like