You are on page 1of 11

FLORANTE

AT
LAURA
(Isang
pagsusuri)
Ang akdang pampanitikan na
Florante at Laura ay isang awit at
korido na isinulat ni Francisco
Baltazar a.k.a. Balagtas. Ang awit
na ito ay inihandog niya sa
kasintahang si Celia. May paunawa
si balagtas tungkol sa mga babasa
nito na kung maaari ay huwag
baguhin ang anumang kaisipang
nilalaman ng kanyang akda.
Base sa masusing pag-aaral ng balangkas, ang
porma ng pagsasalaysay ng tula ay hindi linear bagkus
ito ay non-linear. Ito ang isa sa mga maituturing na
dahilan kung bakit maituturing na isa sa
pinakamahusay na manunulat at isang bantog na
makata si balagtas. Sa kanyang panahon ay gumawa na
siya ng pagbasag ng balangkas sa porma at maging sa
nilalaman ng kaniyang akdang pampanitikan.
Ang Florante at Laura ay hindi lamang tungkol sa
marubdob na pag-iibigan ng dalawang pangunahing
tauhan. Ito ay higit na tumalakay tungkol sa “pag-ibig”
ni Florante sa kanyang bayan na tinatawag na
kahariang albanya at sa mga karatig pook na
kaharian.Si Florante ang naging tagapagligtas ng
s a r i l i n g b a y a n a t m a g i n g n g K a h a r i a n g C ro t o n a n a
pinagmulan ng kaniyang ina. Ang Albanya ay
re p re s e n t a s y o n n g “ i n a n g b a y a n ” o n g P i l i p i n a s . A n g
pulitika o pamumulitika sa panahon ng kaharian ay
lutang na sa akdang ito. Ang pagtataksil sa bayan ay
ipinakita sa katauhan ni Konde Adolfo na hangad
pagharian ang Albanya at maangkin ang puso ni Laura
sa pamamagitan ng dahas. Ang isa sa malinaw na pagba-
s a g n i B a l a g t a s n g k u m b e n s i y o n a y a n g re l a s y o n a t
ugnayang ipinakita sa pagitan ng mga Kristiyano at
Muslim. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, isa
s a m g a m a l i n a w n a p ro p a g a n d a n g m g a K a s t i l a s a
a n u m a n g m o ro - m o ro o m g a d u l a a y a n g l a b a n a n n g
Kristiyano at Muslim kung saan malinaw na nagagapi
a n g m g a M u s l i m a t a n g K r i s t i y a n o a n g n a g t a t a g u m p a y.
Madalas ituring na kaaway ang mga Muslim. Bagama’t
makikita sa akdang ito na ang mahigpit na kalaban ng
Kahariang Albanya ay ang mga mananalakay na
Muslim, sapagkat ito pa rin ang malinaw na
re p re s e n t a s y o n n g u g n a y a n g p a m p u l i t i k a n a u m i i r a l s a
panahong iyon, ang paggamit ni Balagtas sa katauhan ni
Aladin bilang tagapagligtas ni Florante sa tiyak na ka-
matayan ay isang uri ng pagbasag ng kumbensiyon.
Ipinakita rin ni Balagtas na hindi lamang patriyarkal
ang umiiral na sistema sa kanyang panahon sa
pamamagitan ng paggamit sa mga tauhang babae. Si
Flerida kung saan ay nagdamit ng kasuotang lalaki ang
naging tagapagligtas ni Laura. Ipinakita sa katauhan ni
F l e r i d a n a s a a y o s a t p a n a n a m i t l a m a n g n a g k a ro o n n g
kaibahan ang lalaki at babae dahil ang babae ay
m a y ro o n d i n g k a k a y a h a n g m a k i p a g t u n g g a l i . B a g a m a ’ t
sa dulo ng akda ay bumalik sa kumbensiyon si Balagtas
sa pamamagitan ng pagpapabinyag ng dalawang tauhang
Muslim na sina Aladin at Flerida upang maging
katanggap-tanggap marahil ang akdang ito (sa panahin
ng pananakop), hindi maikakailang napagtagumpayan
ni Balagtas na ipakita ang pagkakapantay-pantay ng tao
s a l i p u n a n a n u m a n g s e k t a o re l i h i y o n a n g k a n y a n g
kinabibilangan.
PAGTATAYA
1. Ang akdang pampanitikan na Florante at Laura ay
isang ____________.
2. Sino ang sumulat sa akdang pampanitikan na Florante
at Laura?
3. Ang porma ng pagsasalaysay ng tula ay hindi linear
bagkus ito ay ________.
4. Ang Florante at Laura ay hindi lamang tungkol sa
marubdob na pag-iibigan ng dalwang pangunahing
tauhan. ito ay higit na tumatalakay tungkol sa “pag-
ibig” ni florante sa _____.
5. Para kay sino niya inihandog ang awit na ito?
6. Si Florante ay ang naging _______ ng sariling bayan at
maging ng Kahariang Crotona na pinagmulan ng
kaniyang ina.
7. Ang Albanya ay representasyon ng ________ o ng
Pilipinas.
8. Ang ______ sa panahon ng kaharian ay lutang na sa
akdang ito.
9. Ano ang ipinakita sa katauhan ni Flerida?
10. Sa anong pamamagitan bumalik sa kumbensiyon si
Balagtas?
11. Ang pagtataksil sa bayan ay ipinakita sa katauhan ni
________ na hangad pagharian ang Albanya at maangkin
ang puso ni Laura sa pamamagitan ng dahas.
12. Ang isa sa malinaw na pagbasag ni Balagtas ng
kumbensiyon ay ang relasyon at ugnayang ipinakita sa
pagitan ng mga ________.
13-20. Masasabi mo bang naging matagumpay si
Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at
Laura? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. awit at korido
2. Francisco Baltazar a.k.a Balagtas
3. non-linear
4. bayan
5. Celia
6. Ta g a p a g l i g t a s
7. Inang bayan
8. pulitika o pamumulitika
9. Ipinakita sa katauhan ni Flerida na sa ayos at pananamit lamang
nagkaroon ng kaibahan ang lalaki at babae.
10. Pagbubunyag sa dalawahang katauhang Muslim na sina Aladin at
Flerida.
11. Konde Alfonso
12. Muslim at Kristiyano

You might also like