You are on page 1of 4

Negros Oriental State

University
College of Teacher
Education

Petsa:
March 30, 2022
Pangalan: Marianne
Grace D. Yrin
Kasunduan 4: Kritika ng
Panitikan- Florante at
Laura

KRITIKO SA FLORANTE AT LAURA

Ang Florante at Laura ay katha ni Francisco Balagtas na kung saan ito ay isang piksyon at
nasa anyong patula. Isa ito sa nakapakatanyag na akda ng panitikan ng Pilipinas na hanggang sa
kasalukuyan ay itinuturo pa rin sa paaralan. Kasabay ng akdang ito ay ang apat niyang himagsik.

Sa akda, isa sa kanyang mga himagsik na ipinakita ay ang Himagsik Laban sa Hidwaang
Pananampalataya. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol , ang tanging relihiyon
lamang na tanggap ay ang Kristiyano. Kapag ikaw ay Moro, tinuturing ka ng kalaban. Ngunit sa
awit na nilikha ni Balagtas ipinkita niya na ibat-iba man ang ating pananampalataya, tayo ay iisa
parin. Pinatutunayan lamang ito ng ilang mga tauhan sa akda, kagaya ni Aladin na tinulungan si
Florante kahit batid niyang sila ay magkaaway.

Tinalakay ni Balagtas na hindi hadlang ang relihiyon sa pagtulong sa ating kapwa. Moro
man o Kristiyano tayo ay iisa sapagkat iisa lang ang Diyos na ating sinsamba. Hidi dapat maging
sagabal ang kaibahan ng pananampalataya sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa.

Ikalawa sa kanyang nabanggit na paghihimagsik ay ang Hidwaang Laban sa Maling Pag-


uugali. Sa kanyang akda, dalawa sa kanyang mga tauhan ang may masasamang ugali, si Adolfo
at Sultan Ali-Adab.

Ang Florante at Laura ay isang akda na umiikot sa buhay ni Florante at ang pag-iibigan
nila ni Laura. Sa unang bahagi ay inilarawan ang tagpuan ng kung saan naganap ito sa gubat na

ACR2022BSNEDWED
mayroong mababangis na hayop. Isinalaysay din ni Florante ang kanyang buhay kay Aladin
maging ang pangyayari sa kanyang pag-aaral sa Atenas.

Si Adolfo ay isang anak ng Konde na nagmula rin sa karian ng Albanya. Isa siya sa
pinakamalupit na tao na ang tanging hangad lamang ay siya ang manguna sa lahat. Ayaw niya na
mahigitan siya ng kahit kanino. Isa sa kanyang mahigpit na na karibal ay si Florante sapagkat si
Florante ay magaling sa lahat lalo na at nanaig ito sa pag-ibig kay Laura. Tinangka din ni Adolfo
na pagnasaan si Laura. Sa kabilang dako, Si Sultan Ali-Adab ay kaya nitong ipapatay ang
kanyang sariling anak para makuha ang pagmamahal ng sinisinta ng kanyang anak.

Ibinanggit din ni Balagtas ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan at mababang uri
ng panitikan. Sa kanyang akda, ipinakita niya ang kasamaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pagsakop at pagkakaoon ng away para mas lalong lumalaki ang teritoryo ng isang bansa.

Ang Florante at Laura ay nararapat na pag-aralan sapagkat tumutukoy ito sa mga


maraming aspeto ng pamumuhay sa lipunan. Isang napakagaling na obra na isinulat ni Francisco
Balagtas sa loob ng kulungan. Punong puno ng pighati at pag-asa, sinasalamin ng mahabang tula
o awit na ito ang tunay na naganap sa buhay ng Pilipino noon hanggang sa ngayon. Sa kalahatan
ng Florante at Laura, itinuturing ni Balagtas ang mga ibat-ibang mga suliranin ng bansa, tulad ng
laban sa mga Moro at kristiyano, ang mga banyaga na nang-aabuso sa atin at ang kurakot na
gobyerno. Bagama't ito'y nakapaloob sa kasaysayan ng pag-ibig , nababatid na maraming
pagsubok ang pagmamahalan ng Florante at Laura.

Mga pangunahing tauhan :

Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan
ng awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral
ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko. Ang iniibig ni Laura.
Inilalarawan siya ni Balagtas bilang magiting, mabuti at matulunging binata.

Laura
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig
ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.

ACR2022BSNEDWED
Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama ang pag-
uugli. Inilalarawan si Adolfo sa awit bilang isang taksil at lihim na may inggit kay Florante
mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral
at popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante at Laura, at
aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng
bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante. Inilalarawan ni
Balagtas sa awit bilang isang mabait at matuluging binata.

Flerida
Isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan ang
kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo. Batay sa
awit, siya ay isang maganda, matapang at matulunging babae.

Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Isang mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa
digmaan.

Mga iba pang tauhan :

Duke Briseo
Ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante. Isang mabait at mapagmahal na ina.

Haring Linceo
Hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura. Mabait at mapagmahal na ama.

Antenor
Ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni
Menandro.

Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya. Isang mabait na ama ngunit nagkaroon ng taksil na
anak.

ACR2022BSNEDWED
Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya. Gustong sakupin ang kaharian ng Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Gustong sakupin ang kaharian ng Albanya
para maging mas malawak pa ang kanilang teritoryo ngunit siya ay napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida. Masamang
ama na kayang pumatay ng sariling anak para sa kanyang sariling kapakanan.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si
Florante. Isang mabait at matulungin na binata.

Ang mga tauhan, mula sa pangunahin hanggang sa iba pang tauhan ay may kanya-kanyang
kaugalian na sumisimbolo sa lipunan noon. Isa laman ang pinatunayan ng may-akda na
mayroon ibat-ibang pag-uugali ang tao. Mayroong mabuti mayroon din namang kayang
gumawa ng masama makuha lamang ang sariling karangalan at hangarin nito.

Tagpuan

Ang tagpuan ng akdang ito ay inilalarawan ang mga mababangis na hayop, masalimuot at
madilim na kung saan ito ay sumisimbolo sa masalimuot na bayan ng Pilipinas. Ang mga
mababangis na hayop ay sumisimbolo sa mga mananakop na nagpahirap sa mga Filipino
noon.

Sa kabuuan, ang Florante at Laura ay ginamitan ng may akda ng ibat-ibang istilo sa


pagsusulat upang mas lalong maging maganda ang daloy ng mga pangyayari na nakapaloob rito.
Ginamitan ng mga matatalinghagang salita at bawat tauhan nito ay sumisimbolo sa ibat-ibang
pag-uugali ng tao maging ang gobyerno noon ay inilarawan din ni Balagtas. Ang Florante at
Laura ay isa lamang patunay na sumasalamin ito sa ating kasaysayan noon. Maging ang mga
pangyayari na nakapaloob sa nobelang ito. Masasalamin din natin ang paghihimagsik ng may-
akda laban sa katiwalian at pananampalataya.

ACR2022BSNEDWED

You might also like