You are on page 1of 16

MAGANDANG

HAPON!
kALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG FLORANTE AT LAURA
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

ALAMIN NATIN
KORIDO VS. AWIT
Mabilis ang bigkas ng korido May kabagalan naman ang
Ang korido ay may walong awit
pantig sa bawat taludtod at Ang awit ay may
binibigkas sa kumpas ng labindalawang pantig sa
martsa "allegro" bawat taludtod at inaawit na
Ito ay kinawiwilihan dahil sa mabagal sa saliw ng gitara o
mga mala-pantasyang taglay bandurya "allegro"
Korido: Ibong Adarna May kapani-paniwalang
daloy ng kuwento
Awit: Florante at Laura
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang Florante at Laura ay


isinulat ni Francisco
"Balagtas" Baltazar noong
1838, panahon ng
pananakop ng Espanyol sa
bansa.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol,


ang mga aklat na nalimbag sa panahong
ito ay karaniwang patungkol sa
relihiyon o 'di kaya’y sa paglalaban ng
mga Moro at Kristiyano na tinatawag
ding komedya o moro-moro, pati mga
diksyunaryo at aklat panggramatika.

Naging matagumpay si Balagtas na


mailusot ang kanyang awit dahil ang
temang kanyang ginamit dito ay
relihiyon at paglalaban ng mga Moro at
Kristiyano pero iniugnay niya ito sa pag-
iibigin nina Florante at Laura.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang kanyang pagtuligsa sa mga Espanyol


ay naitago niya sa pamamagitan ng
paggamit ng alegorya.

Gumamit din siya ng simbolismong


kakikitaan ng pailalim na diwa ng
nasyonalismo.

Ang mga tauhan at mga pangyayaring


nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng
kahariang Albanya ay masasalamin sa
naging karanasan ng Pilipinas noong
nasa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol.
Masasalamin sa akda ang
tinutukoy ni Lope K. Santos
na apat na himagsik na
naghari sa sa puso at
isipan ni Balagtas
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

1. Ang himagsik laban sa malupit


na pamahalaan.

2. Ang himagsik laban sa hidwaang


pananampalataya.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

3. Ang himagsik laban sa mga


maling kaugalian.

4. Ang himagsik laban sa mababang


uri ng panitikan.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang Florante at Laura ang nagbukas ng


landas para sa panulaang Tagalog
noong ika-19 na dantaon.

Si Balagtas lamang ang tanging


sumulat ng akda sa wikang Tagalog sa
panahong ang karamihan sa Pilipinong
manunulat ay wikang Espanyol ang
ginamit.

Ang Florante at Laura ay inialay niya


kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera,
ang babaeng minahal niya nang labis at
pinagmulan ng kanyang pinakamalaking
kabiguan.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang labis na sakit, kabiguan,


kaapihan, himagsik at walang
katarungang nararanasan ni
Kiko sa lipunang kanyang
ginagalawan ay siyang nagtulak
sa kanya upang likhain ang
walang kamatayang Florante
at Laura.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang awit na Florante at Laura ay


nagsilbing gabay at nagturo sa
mga Pilipino Ng maraming bagay
tulad ng:
Wastong pagpapalaki sa anak.
Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.
Pagiging mabuting magulang.
Pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o
mapagkunwari at makasarili.
Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng
pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan
ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang awit na Florante at Laura ay


nagsilbing gabay at nagturo sa
mga Pilipino Ng maraming bagay
tulad ng:
Ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon sa
may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at
Kristiyano.
Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang mahinhin,
hindi makabasag pinggan at mahina, binigyang-diin sa
akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni
Flerida, isang babaeng Muslim.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay Maging si Apolinario Mabini ay


nagdala ng kopya ng Florante at sumipi sa pamamagitan ng sarili
Laura habang siya’y naglalakbay sa niyang sulat-kamay ng kopya ng
Europa at naging inspirasyon niya sa awit habang siya ay nasa Guam
pagsulat ng Noli Me Tangere. noong 1901.
kALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Bagama’t napakatagal na ang panahon


mula nang isulat ni Balagtas ang awit
ay hindi mapasusubalian ang mga aral
na taglay nitong gumabay sa ating
mga ninuno at mga bayani ay
nanatiling makabuluhan, angkop, at
makagagabay pa rin sa mga Pilipino
hanggang sa kasalukuyang panahon.
maraming salamat
sa pakikinig!

You might also like