You are on page 1of 8

FILIPINO 1

GAWAIN 3: Paghahasa Challenge!


Meleza B. Banga
BEED GEN.ED 3-A

TTH 3:00-4:30 PM

Panuto: May 10 bahagi ang gawain na ito na gusto kong sagutan mo


para mahasa ang iyong mga natutunan sa Yunit 1.

A. PUNA MO, ISULAT MO!

Pansinin ang mga salita na nasa halimbawa at isulat ang iyong napansin
sa pagbabagong nagaganap sa ibaba nito.

Ang napansin ko sa mga salita na nasa itaas ay sa bawat pares na salita ay nagkaiba
lamang ng letra sa hulihan. Napansin ko rin na ang lahat ng mga salita ay nagkaiba lang ang
kanilang mga tunog ay naiiba na rin ang kanilang kahulugan. Kagaya ng dalawang salitang
tindero at tindera. Ang salitang tindero ay tumutukoy sa lalaking nagtitinda habang ang salitang
tindera ay tumutukoy sa babaeng nagtitinda.
B. GAMITIN SA PANGUNGUSAP CHALLENGE!
Ngayon, simulan mo nang magbigay ng lima pang mga halimbawa ng mga
salitang nagkaiba lang ang tunog ay naiiba na rin ang kanilang kahulugan
tulad ng mga nabanggit na tindero-tindera, maestro-maestra, at abogado-
abogada. May kaunting twist lang kasi nais kong gamitin mo ito sa
pangungusap ang dalawang salitang magkaiba ang kahulugan dahil sa
pagbabago ng isang tunog lamang. Magbigay ng 5.

Halimbawa:

1.tindero - tindera

Pangungusap:

Mas mahusay magbenta ang tinderang si Selya kaysa sa tinderong si Berto.

1. lolo-lola

Nagsasayaw sina lolo at lola.

2. bata-bato

Walang bata ang may gustong makipagkaibigan sa kanya dahil bato ang kanyang puso.

3. gobernador- gobernadora

Mas mahusay na gobernadora si Gwen Garcia kaysa ni gobernador Juan Dela Cruz.

4. kapitan-kapitana

Nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng kapitan at kapitana sa Cebu.

5. kusinero-kusinera

Magaling na kusinera at kusinero ang nanay at tatay ko.


C. ANO ANG MUNGKAHI MO?
Ano kayang aktibidad/gawain ang gagamitin mo kung sakaling ikaw ang
nabigyan ng pagkakataon sa pagtuturo ng ponemang segmental? Maaari mo
bang ibahagi kung ano ang nasa isip mo? Isulat sa espasyo ang mungkahi
mo. Maaaring ito ay online o face to face na gawain sa silid-aralan. :)

Araling Ituturo: Ang Ponemang Segmental

Pamagat ng Gawain: Sagot Ninyo, Ipaskil Ninyo!

Proseso ng Pagsasagawa:

Hahatiin ko ang klase sa apat na pangkat. Magkakaroon kami ng pangkatang gawain. Ngunit bago
yan ay babasahin ko muna ang mga pamantayan sa pagkakaroon ng pangkatang gawain. Ito ang
mga pamantayan na dapat nilang sundin: Gumawa ng walang ingay; Makilahok sa ka grupo; at
Magbahagi ng ideya o kaalaman sa ka grupo. Bawat grupo ay may iba-ibang katanungan para iwas
daya. Pagkatapos nilang sagutin ang lahat ng mga katanungan ay ipaskil ang kanilang manila paper
sa harap at Ipaliwanag ang kanilang mga sagot. Ito ang pagtatayang gagamitin ko…

Kawastuhan ng mga sagot- 20 puntos

Presentasyon- 10 puntos

Pagkamalikhain- 10 puntos

Pagtutulungan- 10 puntos

Total 50 puntos
Bigyan kung ano ang ibig ipakahulugan ng isang salita batay sa kanyang tono, diin, o antala na
maghahatid sa iyo sa tamang pagpapakahulugan. Isulat ang iyong pagpapakahulugan sa
nakalaang talahanayan. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Mga Salita/Parirala/Pangungusap Pagpapakahulugan

Halimbawa: /mag.basa/ ka. Ibig sabihin to read o basahin mo ang isang


aklat, diyaryo o iba pa.

1. /pa.so/ Ibig sabihin ay napaso dahil sa init.

2. /paso’/ Ibig sabihin taniman ng halaman.

3. Pablo, Juan, Pedro, ang tatay ko. Ipinapakilala sina Pablo, Juan at Pedro sa
tatay niya.

4. Pablo, Juan Pedro ang Tatay ko. Ipinapakilala kay Pablo na ang tatay niya ay
si Juan Pedro.

5. Mamaya? Nagtatanong kung mamaya na ba sila


lalakad.

6. Mamaya. Sinasabing mamaya na sila lalakad.

7. /kila.lah/ Ibig sabihin tanyag.

8. /ki.lalah/ Ibig sabihin alam ang pangalan.

9. Hindi, /bukas/ Ibig sabihin bukas ang tindahan.

10. Hindi /bu.kas/ Ibig sabihin hindi bukas sila lalakad.


D. GAMITIN MO AKO CHALLENGE!
Gamitin sa pangungusap ang mga salita upang mas lalo pang maunawaan ang gamit nito
kapag ginamit mo sa tamang konteksto.

Halimbawa:

/puno’/ at /pu.no/

Pangungusap:

/Puno’/ na ang basurahan na nasa ilalim ng /pu.no/ ng manga.

Mga Salita Pangungusap

1. /pa.la/ at /pala’/ /Pa.la/ /pala’/ ang gagamit sa pagbungkal ng


lupa.

2. /gabi’/ at /ga.bi/ Ang ulam namin ka/gabi’/ ay manok na may


/ga.bi/.

3. /tuyo’/ at /tu.yo/ Nagluluto ng /tuyo’/ si tatay habang


napapa/tu.yo/ ng damit si nanay.

4. /bina.sa./ at /binasa’/ /Binasa’/ ng kanyang kapatid ang kanyang


/bina.sa./ng libro.

5. /lo.bo/ at /lobo’/ Lumu/lobo’/ ang pera ni Linda dahil sa


negosyo kaya binilhan niya ng /lo.bo/ ang
kanyang nakakabatang kapatid.

E. ALAMIN MO!

Isulat ang angkop na pagkakabuo ng pangungusap na tumugon sa hinihingi gamit ang

wastong bantas. Ang una ay ginawa na para maging gabay mo.

Halimbawa:

Itinuturo ang ibang tao ang pumatay.

Hindi ako, siya ang pumatay.


1. Ipinapakilala mo ang iyong inang si Maria Donna sa iyong kaibigang si Rosa Mestica.

Rosa Mestica, Maria Donna ang nanay ko.

2. Sinasabi mo kay Mario na ninong mo si Padre Jose Guevarra.

Si Padre Jose Guevarra, ang ninong ko Mario.

3. Itinatanong mo kung nakita ba nila ang lola mong si Lola Rosita.

Nakita na ba ninyo si Lola Rosita?

4. Inutusan mong linisin ni Berta ang lababo at kwarto mo.

Linisin mo ang lababo at kwarto ko Berta.

5. Pinababasa mo ng aklat ang iyong kapatid na naglalaro.

Magbasa ka nalang ng aklat kaysa naglalaro.

F. SUBUKAN MO!
Isulat ang wastong diin sa mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong gamit nito sa
pangungusap.

Halimbawa:

(bata) Gustong-gusto ng /BA.ta?/ ang bagong /ba.TAh/ na binili ni ama.

(puno) 1. /pu.NO/ na ang drum na lalagyan ng tubig na nasa ilalim ng /PU.no/.

(basa) 2. Nalaman niyang /ba.SAh/ ang kanyang damit nang matapos siyang mag /BA.sa?/ ng
aklat sa silid-aralan.

(gabi) 3. Nagluluto ako ng minatamis na /GA.bi?/ tuwing martes ng /ga.BI?/.


(tubo) 4. Malaki ang maging /TU.bo/ ko sa mga itinanim kong /tu.BO/ ngayon.

(baba) 5. Parating na ang may mahabang /BA.ba?/. Siya ay /ba.BAh/ na mula sa hagdan.

G. KAYA MO ‘TO!
Bigkasin mo at isulat ang kahulugan ng mga pares na salita na magkapareho ang baybay
subalit iba ang bigkas at kahulugan. Isulat sa patlang ang sagot.

1. /BU.hay/ - ibig sabihin ay “life” /bu:HAY/ - ibig sabihin ay “alive”

2. /ba.TAH/ - ibig sabihin ay “robe” /BA.ta?/ - ibig sabihin ay “child”

3. /LA:bi?/ - ibig sabihin ay “lips” /la.BI?/ - katawan pagkatapos mamatay

4. /BA.gah/ - for instance of for example /ba.GA?/ - ibig sabihin ay “lungs”

5. /ta.lah/ - ibig sabihin ay listahan /ta.la?/ - ibig sabihin ay bituin

H. DIPTONGGO CHALLENGE!
Gumawa ng isang tula gamit ang mga salitang diptonggo. Gumamit ng lima o higit pang
diptonggong salita sa pagbuo ng tula na may apat na saknong.Tingnan ang halimbawa sa
ibaba.

Ako’y nabighani sa kanyang galing


Naaliw ako sa kanyang pagkinding
Hataw niya’y sadyang kahanga-hanga
Halos lahat kami’y napatulala

Ako’y namangha sa kanyang galing


Sa sayaw, at kanta siya’y magaling
Wala siyang katulad o giliw
Kaya kaming lahat ay naaaliw
I. HINTO/ANTALA CHALLENGE!

Basahin ang sumusunod na pahayag. Ibigay ang pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay

sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. A. Hindi ako tumawag sa’yo. ibig sabihin hindi siya ang tumawag

B. Hindi, ako ang tumawag sa’yo. ibig sabihin siya ang tumawag

2. A. Sheila Marie Agustin, ang kapatid ko. ipinapakilala niya na si Shiela Marie

Agustin ang kapatid niya

B. Sheila, Marie, Agustin, ang kapatid ko. ipinapakilala niya sina Shiela, Marie at

Agustin sa kapatid niya

3. A. Huwag, dito isabit. sinasabi na dito isabit

B. Huwag dito isabit. sinasabi na sa iba ito isabit

4. A. Padre Mhar Jose, ang tatay ko. Ipinapakilala niya na si Padre Mhar Jose

ang tatay niya

B. Padre, Mhar, Jose ang tatay ko. Ipinapakilala sina Padre, Mhar at Jose sa

tatay niya

5. A. Hindi siya ang kasali sa laro. sinasabi na hindi siya kasali sa laro

B. Hindi, siya ang kasali sa laro. sinasabi na siya ay kasali sa laro

You might also like