You are on page 1of 13

Sangay ng Tagapagbatas (Lehislatura)

Ang isang tagapagbatas o lehislatura ay isang asembliyang pangpamahalaan kasama ang kapangyarihang magpatibay ng mga batas. Kilala
sa maraming pangalan ang lehislatura, parliyamentaryo at kongreso ang
mga pinakakaraniwan, bagaman may mga partikular na kahulugan ang mga
katagang ito. Sa mga sistemang parliyamentaryo ng pamahalaan, ang
tagapagbatas ang pormal na makapangyarihan at hinihirang ang
tagapagpaganap. Sa mga sistemang presidensyal ng pamahalaan, tinuturing
ang tagapagbatas bilang isang kapangyarihang kagawaran na kapantay, at
malaya sa tagapagpaganap. Maliban sa mga paggawa ng batas, karaniwang
may ekslusibong kapangyarihan na magtaas ng mga buwis at pagtibayan
ang budget at ibang gastusin ng pamahalaan. Kadalasang kailangang ang
pagsang-ayon ng tagapagbatas sa pagpapatibay ng mga kasunduan at
pagpapahayag ng digmaan.
Sangay ng Tagapagpaganap (Ehukutibo)
Ang ehekutibo ay ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng
mga batas at alituntunin na ginawa ng sangay lehislatibo.

Gabinete
Ang Kagawaran
ng
Repormang
Pansakahan ng Pilipinas (Ingles:Department of Agrarian
Reform,
o
DAR)
ay
isang kagawarang
tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas na itinakdang
magsagawa ng lahat ng mga programang repormang
panlupa sa bansa, na may layuning itaguyod ang
katarungang panlipunan at industriyalisasyon.
Ang Kagawaran ng Pagsasaka (Ingles: Department of
Agriculture o DA) ay ang departamentong tagapagpatupad
ng Pamahalaan
ng
Pilipinas na
responsable
sa
pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka ganun na din
ang pagpapababa ng insedente ng kahirapan sa mga
sektor na rural ayon na rin sa nakasaad sa Katamtamang
Terminong Plano ng Pamahalaan ngPilipinas.
Ang Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala ng
Pilipinas (Ingles:Department of Budget and Management o

DBM)
ay
isang
departamentong
tagapagpatupad
ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa maayos at
akmang paggamit ng mga yaman ng pamahalaan para sa
pag-unlad ngbansa at maging instrumento para maabot
ang mga hangad na sosyo-ekonomiko at pampolitika na
pag-unlad.

Ang Kagawaran
ng
Edukasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of Educationo
DepEd)
ay
ang
departamentong
tagapagpatupad
ng Pamahalaan ng Pilipinasna responsable sa pamamahala
at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon
sa Pilipinas. Ito ang pangunahing tagaisip ng mga
polisiyang pang-edukasyon at responsable sa sistemang
pang elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Katarungan (Ingles: Department


of
Justice o
DOJ),
ay
isang
departamentong
tagapagpatupad Pamahalaan ng Pilipinas na responsable
sa pagpatupad ng mga batas ng Pilipinas. Sa kasalukuyan
ito ay pinamumunuan ni Leila de Lima simula pa noong
taong 2010.Ang misyon nito ay makapagtatag at
mapanatili ang pantay at maayos na lipunan sa
pamamagitan ng epektibo, mabilis at makataong
pagbibigay ng hustisya.

Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at


Pagpapaunlad (Ingles:Department of Social Welfare and
Development o
DSWD)
ay
ang
departamentong
tagapagpatupad
ng Pamahalaan
ng
Pilipinas na
responsable
sa
pangangalaga
ng
karapatan
ng
bawat Pilipino sa
kagaligang
panlipunan
at
sa
pagpapayabong ng Pag-unlad ng lipunan.
Ang Kagawaran
ng
Tanggulang
Pambansa (Ingles: Department of National Defense o DND)
ay ang departamentong tagapagpatupad ngPamahalaan

ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga


panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at
seguridad sa Pilipinas. Mayoroon itong kakayanang
mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), Office
of Civil Defense (OCD), Tanggapan ng Ugnayan sa mga
Beterano ng Pilipinas (PVAO), Dalubhasaan ng Tanggulang
Pambansa
ng
Pilipinas (NDCP),
at Arsenal
ng
Pamahalaan (GA).

Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of


Tourism),
ang kagawarang
tagapagpaganap ng
pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa
alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang
pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon.

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng


Pilipinas o Department of Trade and Industry, DTI ay isang
kagawaran ng sangay tagapagpaganapng Pamahalaan
ng Pilipinas na inaatasang palawigin ang kalakalan at
industriya sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng
mga bagong hanapbuhay at magtaas sa kinikita ng mga
Pilipino.

Ang Kagawaran
ng
Pagawaing
Bayan
at
Lansangan (Ingles: Department of Public Works and
Highways o DPWH) ay ang kagawarang tagapagpatupad
ng Pamahalaan ng Pilipinas na nakaatas sa kaligtasan ng
lahat ng proyektong sa larangang gawaing pambayan. Ito
rin ang responsable sa pagpapanatili at pagsasaayos ng
mga daan at mga patubig sa buong Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas


(Ingles:Department of Science and Technology o DOST) ay
isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng
Pilipinas na may tungkulin sa koordinasyon ng mga

proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiyasa


Pilipinas, at may tungkulin ding magsagawa ng mga
patakaran at mga proyekto sa mga larangan ng agham at
teknolohiya bilang pagtataguyod ng kaunlaranang
pambansa.

Ang Kagawaran ng Kalusugan (Ingles: Department of


Health) ang ahensiyang ito ang nangunguna sa
pangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga
mamamayan ng bansa.

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng


Pilipinas (Ingles:Department of the Interior and Local
Government o DILG) pangunahing tagapagpaganap ng
pamahalaan
ng Pilipinas na
responsable
para
sa
pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, pagpapanatili
ng seguridad ng mamamayan, at pagpapalawig ng
kapabilidad ng mga lokal na yunit ngpamahalaan. Ito rin
ang responsable sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ang Kagawaran
ng
Pananalapi ng
Pilipinas
(Ingles: Department
of
Finance o
DoF)
ay
isang
departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng
Pilipinas na may tungkulin na magplano at mangasiwa ng
mga polisiyang piskal, mamahala ng mga pinagkukunan ng
salapi ngpamahalaan, magpasunod sa pangangalap ng
buwis at kita sa bawat lokal na pamahalaan at pag-aaral,
pagsang-ayon at pamamahala sa mga utang ng
pampublikong sektor, at pamamahala ng mga korporasyon
na pagmamay-ari o hinahawakan ng pamahalaan.

Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na


Kayamanan (Ingles:Department
of
Environment
and
Natural Resources o DENR) ay ang departamentong
tagapagpatupad
ng Pamahalaan
ng
Pilipinas na

responsable
sa
pagkontrol
at
pamamahala
ng
eksplorasyon, pagpapaunlad, maayos na paggamit at
pananatili ng likas na yaman ng bansang Pilipinas.

Ang Kagawaran
ng
Enerhiya ng Pilipinas ay
nasasaklaw ng RA 7638 upang maghanda, bumuo,
makipagugnayan, pangasiwaan, at kontrolin lahat ng
proyekto, plano at aktibidad, ng pamahalaan na may
kinalaman sa pagpapalawak ng kaalaman, pag-pepresyo,
pamamahagi, at pangangalaga sa enerhiya.

Sangay ng Panghukuman (Hudikatura)


Sa batas, ang hudikatura o o sistemang panghudikatura ay ang
sistema ng mga hukuman na namamahala sa hustisya sa ngalan ng
soberenya ng estado, isang mekanismo upang maayos ang mga hindi
pagkakasunduan, sigalot o gulo. Binubuo ito ng Kataastaasang Hukuman,
Hukuman ng mga Apela at iba pang mababang hukuman. Sa ilalim ng
doktrina ng paghihiwalay ng mga kapangyarihan, ang hudikatura ay hindi
maaaring gumawa o magpatupad ng batas, na nasa pananagutan ng
tagapagbatas at tagapagpaganap, ngunit sa halip, kung mayroon isang
pagtatalo, binibigyan ito ng kahulugan at nilalapat ang batas sa mga
katotohanan ng bawat kaso.
Ang salita ay ginagamit din pantawag sa mga hukom, mahistrado at
iba pang bumubuo sa sangay ng hudikatura, pati na rin ang mga taong
nasa likod nito na nagpapanatili na maging maaayos ang takbo ng
sistema.

Court of Appeals

Ang Court of Appeals ang ikalawa sa pinakamataas na tribunal sa bansa, na


itinatag noong Pebrero 1, 1936 sa bisa ng Commonwealth Act No. 3. Ang
kasalukuyang anyo ng Court of Appeals ay binuo sa pamamagitan ng Batas
Pambansa Blg. 129, ayon sa amyenda ng Executive Order No. 33, s. 1986,
Republic Act No. 7902, at Republic Act No. 8246.
Ang hurisdiksiyon ng Court of Appeals ay ang sumusunod:
1. Orihinal na kapangyarihang maglabas ng mga writ of mandamus,
prohibition certiorari, habeas corpus, at quo warranto, at mga auxiliary
writ o process, maging tulong man o hindi ng kapangyarihan nito sa
pag-aapela;
2. Eksklusibong orihinal na kapangyarihan sa mga hakbang para sa
pagpapawalang-bisa ng mga hatol ng Regional Trial Court; at
3. Eksklusibong kapangyarihan sa pag-aapela sa lahat ng pinal na hatol,
resolusyon, kautusan o gawad ng mga Regional Trial Court at malhudisyal na mga ahensiya, instrumentaliti, lupon o kawanihan.
Magkakaroon din ang Court of Appeals ng kapangyarihan na maglitis ng mga
kaso at magsagawa ng mga pagdinig, tumanggap ng ebidensiya, at
magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang malutas ang mga isyu
sa katotohanan sa mga kasong nasa hurisdiksiyon nito, kabilang na ang
kapangyarihang magsagawa ng panibagong mga paglilitis.
Ang Court of Appeals ay binubuo ng isang tagapangulong mahistrado at 68
katuwang na mahistrado, na lahat itinalaga ng Pangulo mula sa isang pinal
na talaang isinumite ng Judicial and Bar Council. Ang ranggo ng mga
katuwang na mahistrado ay ayon sa petsa ng kani-kanilang pagkakatalaga (o
pagkakasunod-sunod, kung magkapetsa ng pagkakahirang). Ang mga
kuwalipikasyon para sa mga mahistrado ng Korte Suprema ay gagamitin din
para sa mga kasapi ng Court of Appeals.
Ang kasalukuyang tagapangulong mahistrado ng Court of Appeals ay si
Andres Reyes Jr., na nakatakdang magretiro sa Mayo 11, 2020.

Sandiganbayan

Upang matamo ang pinakamataas na antas ng moralidad sa mga opisyal at


empleado ng pamahalaan, isinaad sa Artikulo XIII, Seksyon 5 ng 1973
Konstitusyon ang pagkakaroon ng isang espesyal na korteng kontrakatiwalian na kikilalaning Sandiganbayan. Pormal na itinatag ang korteng ito
sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1606, na isinabatas noong
Disyembre 10, 1978.
Dahil sa Artikulo XI, Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon (Accountability of Public
Officers), nanatili ang Sandiganbayan maging pagkatapos ng EDSA
Revolution. Binuo ang kasalukuyang anyo ng Sandiganbayan gamit ang
Presidential Decree 1606, s. 1978, sa amyenda ng Republic Act No. 7975 at
Republic Act No. 8245.
May kapangyarihan ang Sandiganbayan sa mga sumusunod:
1. Mga paglabag ng Republic Act No. 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt
Practices Act, ayon sa amyenda, at Kabanata II, Seksyon 2, Titulo VII,
Libro II ng Revised Penal Code, kung saan isa o higit pa sa mga
akusado ay mga opisyal na nanunungkulan para sa sumusunod na mga
posisyon sa pamahalaan, nang permanente, acting o interim, sa
panahong ginawa nila ang paglabag:
1. Mga opisyal ng ehekutibong sangay na nanunungkulan sa
posisyon ng panlalawigang direktor (regional director) at mas
mataas pa, na kinikilala rin bilang Grade 27 at higit pa, sa
Compensation and Position Classification Act of 1989 (Republic
Act No. 6758):
1. Mga gobernador panlalawigan, bise gobernador, mga
miyembro ng sangguniang panlalawigan at ingat-yamang
panglalawigan, asesor, inhenyero, at iba pang pinunong
panlalawigan ng mga kagawaran;
2. Mga alkaldeng panlungsod, bise alkalde, miyembro ng
sangguniang panlungsod, ingat-yamang panlungsod,
asesor, inhenyero, at iba pang pinunong panlungsod ng
mga kagawaran;
3. Mga opisyal ng serbisyong diplomatikong may hawak na
posisyong konsul o mas mataas pa;

4. Mga koronel at mas mataas pang opisyal ng hukbong


sandatahan ng Pilipinas;
5. Mga opisyal ng Pambansang Kapulisan ng Pilipinas may
posisyong direktor panlalawigan at senior superintendent o
mas mataas pa;
6. Mga panlungsod at panlalawigang tagausig pati na ang
kanilang mga katuwang, at opisyal at tagausig sa
Tanggapan ng Tanodbayan (Office of the Ombudsman) at
espesyal na tagausig;
7. Mga presidente, director o katiwala, o tagapangasiwa ng
mga
korporasyong
pag-aari
at/o
kontrolado
ng
pamahalaan, pampamahalaang unibersidad at kolehiyo,
institusyong pang-edukasyon o foundation;
2. Mga miyembro ng Kongreso at opisyal na nasa Grade 27 at higit
pa sa ilalim ng Compensation and Position Classification Act of
1989;
3. Mga miyembro ng hudikatura;
4. Mga pinuno at miyembro ng mga lupong pansaligang batas
(constitutional commission); at
5. Lahat ng iba pang pambansa at lokal na opisyal na nasa Grade
27 at higit pa sa ilalim ng Compensation and Position
Classification Act of 1989.
2. Iba pang krimen, simple man o masalimuot, kasama ng ibang krimeng
ginawa ng mga opisyal ng gobyerno at empleadong nabanggit sa
seksiyon na ito na may kaugnayan sa kani-kanilang tanggapan.
3. Kasong sibil at kriminal na isinampa bilang pagsunod sa Executive
Order Nos. 1, 2, 14, at 14-A, s. 1986.
Bukod pa sa nabanggit, may eksklusibong kapangyarihan din ang
Sandiganbayan sa mga apela hinggil sa mga pinal na hatol, resolusyon o
kautusan ng mga Regional Trial Court.
May eksklusibong kapangyarihan din ang Sandiganbayan sa mga petisyon
para sa paglalabas ng mga writ of mandamus, prohibition, certiorari, habeas
corpus, injuction, at iba pang ancillary writ at process bilang tulong sa
pagsasagawa ng katungkulan nito, at sa mga petisyon ng parehong likas,
kabilang ang quo warranto, na nagmula o maaaring magmula sa mga kasong
isinampa o maaaring isampa sa ilalim ng Executive Order Nos. 1, 2, 14, at
14-A na inilathala noong 1986.
Kung sakaling nakasuhan ang mga pribadong indibidwal ng pagiging
kasabwat ng mga opisyal o empleado ng pamahalaan, kasama na iyong mga
nagtatrabaho sa korporasyong pag-aari at/o kontrolado ng gobyerno, lilitisin
sila kasama ng mga naturang mga tauhan ng pamahalaan sa naaayong na
korte para sa kanila.

Binubuo ang Sandiganbayan ng isang tagapangulong mahistrado at 14 na


katuwang na mahistrado, lahat ay hinirang ng Pangulo mula sa isang pinal
na listahang ibinigay ng Judicial and Bar Council. Ang ranggo ng mga
katuwang na mahistrado ay ayon sa petsa ng kani-kanilang paghirang (o
pagkakasunod-sunod, kung magkapareho ng petsa ng paghirang).

Regional Trial Court

The Regional Trial Court (RTC), formerly known as the Court of First
Instance (CFI), is part of the Philippine Court System classified as courts of
general jurisdiction. They handle and decide not only the particular
classes or kinds of cases assigned to them by law, but also those which
are not within the jurisdiction of the courts of the first level or
the Metropolitan Trial Courts .

Metropolitan Trial Courts

Municipal Trial Courts in the towns and cities in the Metropolitan Manila
area, as distinguished from the other political subdivisions in the
Philippines,
are
referred
to
as
Metropolitan
Trial
Courts.
In cities outside Metropolitan Manila, the equivalent of the Municipal Trial
Courts are referred to as Municipal Trial Courts in Cities.
Municipal Trial Court

Municipal Trial Court in Cities, Branch I


Adjudication of Civil and Criminal cases;
Solemnization of Marriage;
Staff services; and
Other auxiliary services.
Municipal Trial Court in Cities, Branch II
The foremost function of this Court is the adjudication of all cases filed in
pursuance to the law (Rules of Court & Special Laws) with emphasis on
the policy guidelines issued by the Supreme Court through memorandum
circulars and administrative order and auxiliary services such as the
solemnization of marriages, marriage counseling, and issuances of
clearances and administering of oaths.

Municipal Act
The Municipal code and the Provincial government act, being Act no.
82, entitled "A general act for the organization of municipal governments
in the Philippine island", and Act no. 83, entitled "A general act for the
organization of provincial governments in the Philippine islands" as
amended by the acts of the Philippine commission down to and including
May 31, 1905

Municipal Circuit Trial Court

Municipal Circuit Trial Courts are judicial courts of the Philippine Judicial
Sytem which covers two or more municipalities in the country. Every
municipality in the Philippines has its own Municipal Trial Court. It is
referred to as such if it covers only one municipality; otherwise, it is called
Municipal Circuit Trial Court if it covers two or more municipalities.

Court of Tax

Through the enactment of Republic Act No. 9282, the jurisdiction of the
CTA has been expanded to include not only civil tax cases but also cases
that are criminal in nature, as well as local tax cases, property taxes and
final collection of taxes.
Pursuant to the provisions of Republic Act No. 1125 and other laws prior to
R.A. 9282, the Court of Tax Appeals retains exclusive appellate jurisdiction
to review by appeal, the following:
Decisions of the Commissioner of Internal Revenue in cases involving
disputed assessments, refunds of internal revenue taxes, fees or other
charges, penalties imposed in relation thereto, or other matters arising
under the National Internal Revenue Code or other law or part of law
administered by the Bureau of Internal Revenue;
Decisions of the Commissioner of Customs in cases involving liability for
customs duties, fees or other money charges; seizure, detention or
release of property affected; fines, forfeitures or other penalties imposed
in relation thereto; or other matters arising under the Customs Law or
other law or part of law administered by the Bureau of Customs [Rep. Act.
No. 1125, (1954), Sec. 7];
In automatic review cases where such decisions of the Commission of
Customs favorable to the taxpayer is elevated to the Secretary of Finance
(Sec. 2315, TCC); and
Decisions of the Secretary of Trade and Industry, in the case of nonagricultural product, commodity or article, or the Secretary of Agriculture,
in the case of agricultural product, commodity or article, in connection
with the imposition of the Anti-Dumping Duty, Countervailing and
Safeguard Duty [Republic Act Nos. 8751 and 8752, (1999) Sec. 301 (a)
and (p), and Republic Act 8800].
Under Republic Act Number 9282, the CTA's original appellate jurisdiction
was expanded to include the following:
Criminal cases involving violations of the National Internal Revenue Code
and the Tariff and Customs Code;
Decisions of the Regional Trial Courts (RTC) in local tax cases;

Decisions of the Central Board of Assessment Appeals (CBAA) in cases


involving the assessment and taxation of real property; and
Collection of internal revenue taxes and customs duties the assessment of
which have already become final.

You might also like