You are on page 1of 35

Araling Panlipunan - Aralin 23

Panunugkulan ni Pangulong
Benigno S. Aquino III

Guro: Gng. Clarence Peracion.


Gabriel
Jelo Catipay Rian Quinto Ashley Lanuza Pagtalunan

mga miyembro.
Andre Saromo Zharlon Torres Kahreem Dadula

mga miyembro.
Mga layunin:
• Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaang Benigno S.
Aquino III tungo sa pag unlad ng bansa.
• Naiisa-isa ang mga kontribusyon ni Pangulong Benigno Aquino III na
nakapagdulot ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
• Nakasusulat ng maikling sanaysay tungkol sa mga patakaran ni
Pangulong Benigno Aquino III at ang ambag nito sa pag-unlad ng
lipunan at bansa.
• Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa pagtugon ng mga
Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan ; at
• Natatalakay ang mga mungkahi tungo sa pagbabago sa ilang probisyon
ng Saligang Batas ng 1987.
Unang paksa.
Kilalanin natin si
Former President
Benigno S. Aquino III
Benigno S. Aquino III
- Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III KGCR, na kilala
rin bilang Noynoy Aquino at bilang PNoy, ay isang politiko na
Pilipino na nagsilbi bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas mula
2010 hanggang 2016.
- Siya ang nagsabing ''Ang ating pangunahing tungkulin ay ang
magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa
pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting
pamamalakad sa pamahalaan."
Mga Ilan sa mga ginawa ng Pamahaalang
PNoy
• Pangangailangan ng mga mag-aaral;
• Pagpapaunlad sa ekonomiya;
• Pagpapabuti sa kalagayan ng mamamayan;
• Pagpapabuti sa impraestruktura;
• Pagpapataas ng koleksyon ng mga buwis;
• Pakpapalakas sa mga kasundaluhan at kapulisan;
at
• Paggawa ng kaayaaya ang Pilipinas para sa mga
negosyante
Mga Hakbang na Ginawa
• Tumaas ang rate ng paglago ng GDP sa Pilipinas sa pamumuno ni
Noynoy Aquino.
• Dumami ang namuhunan sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na
nagbibigay ng serbisyo at trabaho sa taumbayan.
• Tumaas ang ani ng palay sa bansa sa mga proyektong isinagawa
ng kagawaran ng agrikultura.
• Bumaba ang bilang ng walang trabaho at ng mga nagugutom.
• Tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa
pamamagitan ng Conditional Cash Transfer Program, at
sinasaklawan ng Philippine Health Insurance Corporation o
PhilHealth.
Mga Ginawa ng
Pamahalaang PNoy
Pagpapanumbalik sa Tiwala ng
Taumbayan
Upang manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan ay
inihayag ni PNoy na ang naging slogan niya sa panahon ng
kampanya, "Kung walang corrupt, walang mahirap," ay siya ring
prinsipyong magiging batayan ng kanyang administrasyon.
Bahagi pa rin ito ng plataporma niyang "Daang Matuwid", na
may layuning isulong ang mahusay na pamahalaan bilang salik
sa pag-unlad ng ekonomiya.
Pagpapatupad ng Reporma sa
edukasyon
Pinagtuunan niya ang larangan ng edukasyon. Isinulong niya
ang de-kalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong
bokasyonal upang mabigyan ng pagkakataong makahanap ng
trabaho ang mga hindi makapag-kolehiyo.
Pagpapatupad ng Reporma sa
edukasyon
Aniya, ang mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan na may
12-14 taon ay mas nakakuha ng magandang trabaho, at nais
niyang ganoon din ang maranasan ng mga batang nasa mga
pampublikong paaralan dahil mula sila sa mahihirap na pamilya.
Programang K to 12
Ito ay inilunsad upang makaagapay ang edukasyon sa
ibang bansa. Mula sa dating 10 taon ay ginawa itong 12
na taon ang batayang edukasyon.
Modernisasyon ng AFP at PNP

Ipinagpatuloy ni PNoy ang mga nasimulan ng mga naunang


pangulo na programa sa modernisasyon sa sandatahang lakas at
pambansang pulisya.
Modernisasyon ng AFP at PNP
Sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines Modernization
Program ay naglaan ng pondo para sa pagsasanay nila. Sa ilalim
naman ng Philippine National Police Modernization Program ay
sinikap na magkaroon ng mga makabagong gamit ang mga pulis
at mabigyan sila ng kinakailangang pagsasanay.
Sa ilalim ng pamumunuang PNoy ay nagpatupad ang PNP ng
mga inisyatibang naglalayong bawasan ang kriminalidad sa
bansa. pinapalawak ang mga gawaing tumitiyak sa kaayusan at
kapayapaan.
Pinag-ibayong Pangongolekta ng
Buwis

Hindi nagpataw ng bagong buwis o nagtaas ng dati ng buwis sa


ilalim ng pamahalaang PNoy, Ngunit patululoy parin ang
pangongolekta ng buwis. Dahil dito sa mga pinag-ibayong mga
hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs
(BOC) sa pangongolekta ng buwis.
Pagsusulong ng kagalingang
Panlipunan
Sa larangan ng kalusugan ay sinikap na bigyan ng pagkakaton
ang mga Pilipino lalo na iyong mahihirap na magkaroon ng may
kalidad na pangangalaga sa kalusugan.

Nag lunsad ang pamunuang PNoy ng iba't ibang programang


para sa kapakanan at panlipunang bawat mamamayan.
Isinakatuparan ang pagbabakuna para sa mga bata at pinalawak
ang PhilHealth.
Pantawid Pamilyang Pilipino
Program o 4Ps
Sakop nito ang mahihirap na pamilyang may anak na hindi lalampas sa
11 taong gulang. Binigyan sila ng perang pantulong sa mga gastusin sa
kalusugan at edukasyon.
Pagpapaunlad sa Ekonomiya
Naibalik ang tiwala ng mga dayuhang mamumunuhan sa bansa.
kasabay nito ang paglinag sa kakayahan ng mga manggagawa at
lokal na negosyo upang makaagapay sa kompetisyon.

Nakatulong nang malaki sa ekonomiya ang paglago ng turismo


sa bansa. Patuloy na dumami ang mga dayuhang turista na
bumibisita sa bansa.
Pangalawang paksa.
Iba pang Pinagtuonan ng
Pansin
Iba pang Pinagtuonan ng Pansin
Mayroon pang punagtuunan ng pansin tulad nalang ng programang pang
kalamidad at climate change.

Ilan na rito ang National Climate change action Plan at National Disaster
Risk Reduction and Management Plan. Bahagi nito ang paglaganap ng
impormasyon tungkol sa ibang bahagi ng bansa na maaaring masalanta ng
lindol, baha at storm surge.

Isinulong ng pamahalaan ang Moro Islamic Liberation Front o MILF bilang


bahagi ng Pagtatamo ng kapayapaan sa Mindanao. Bunga ng negosayon ang
panukalang batas ng Bangsamoro Basic Law.
Mga Puna at Hamon
Isa sa pinaka malubhang kontrebersyang hinarap ng pamunuang PNoy ang
Mamasapano massacre. Sa pangyayaring ito napatay ng mga kasapi ng MILF
ang 44 na pulis na kasapi ng special action force (SAF) ng PNP.

Nangyari ang insidente noong Enero 25, 2015 ng tangkaing hulihin ng mga
SAF ang dalawang torista sa mamasapano, maguindanao. Bukod sa mga
pulis ay 18 kasapi ng MILF at limang sibilyan pa ang namatay sa sagupaan.
Mga Puna at Hamon

Kaugnay ng pagtulong sa mga biktima ng kalamidada ay may mga pumuna


sa mabagal na pagtugonng pamahalaan sa mabagal na pagtugon ng
pamahalaan sa pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

May mga nakulangan din sa mga hakbang ng pamahalaan kaugnay ng


usapin sa West Philippine Sea.
Ang Saligang batas at mga Kaugnay na
Paksa

Binuo ang saligang batas ng 1987 bilang isang pangunahing


kasangkapan sa pagpapanibagong tatag sa bagong yugto ng
ating kasaysayan bilang isang bansa.
Mga tangkang pagsusog sa saligang batas

Mula pa noong panahon ng panunungkulan ni pangulong Ramos ay may


mga seryosong pagtangka ng susugan ang saligang batas ng 1987. Ninais ni
ramos na magkaroon ng parlamentaryong uri ng pamahalaan at mawala ang
limitasyon sa taon ng panunungkulan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa panahon naman ni pangulong estrada ay ninais susugan ang mga


probisyong ekonomiko ng saligang batas. Maging kay Pangulong Arroyo.
Sa ilalim naman ni PNoy ay nagpatuloy ang panaeagan para sa pagsusog sa
saligang batas.
Pangatlong paksa.
Mga karapatan ng mga
mamamayan
Mga karapatan ng mga Mamamayan
May tinamasang karapatan ang mga mamamayan. Marami dito
ang nakasaad sa saligang batas ng 1987, partikular sa Bill of
Rights. May karapatan din ang mamamayan na naukol sa
pakikipag ugnayan nila sa ibang mamamayan at sa pamahalaan.
Mga Karapatan ng mga Bata
Ang karapatan ng mga bata ay nakasaad sa ilang mga batas at
kasunduan, tulad ng:
• Saligang Batas ng 1987
• Child and Youth Welfare Code
• Convention on the Rights of the Child

Dahil sa mga batas at kasunduang ito, naisusulong at


napapangalagaan ang bawat karapatan ng batang Pilipino.
• Saligang Batas ng 1987
- Tinitiyak ng batas na ito ang karapatan ng mga bata sa edukasyon

- Sinusulong nito ang pagbibigay ng mga libreng edukasyong


pampubliko sa antas ng elementary at hayskul

- Nagbibigay rin ito ng mga probisyon gaya ng scholarships at iba pang


insentibo para sa mga mag-aaral na hirap sa buhay
• Child and Youth Welfare Code/Presidential Decree No. 603

- Isinasaad ng kasunduan na ito ang tungkulin ng mga magulang sa


kanilang mga anak

- Dapat mabigyan sila ng pagmamahal at pag-unawa, maturuan ng


magandang-asal at disiplina, at gisingin ang kanilang interes sa
paglahok sa mga gawaing sibiko

- Kailangan ding tiyakin ng mga magulang na hindi gagawa ng


masama at kung anong bisyo ang mga bata
• Convention on the Rights of the Child
- Ito ang pandaigdigang kasunduan na naglalaman ng karapatan ng bata
at kabataan sa buong mundo

- Pangunahin sa mga karapatang ito ang:


• karapatang mabuhay at maibigay ang pangunahing pangangailangan
ng mga bata
• karapatang mabigyan ng proteksyon mula sa panganib
• mapaunlad ang taglay na kakayahan ng kabataan
• mabigyan ng pagkakataong malibang
• maipahayag ang kanilang saloobin
Mga Tungkulin ng mga Mamamayan
• maging tapat sa bansa
• maging produktibong kasapi ng lipunan
• sumunod sa mga umiiral na batas at patakaran
• maging aktibo na makibahagi sa mga gawaing pangkaunlaran
• maging tapat at may malasakit sa kapwa
• maging responsable sa paghahayag ng saloobin
• umiwas sa pagbuo ng mga samahang labag sa batas
• maging mapanuri sa pagpili ng magiging opisyal ng pamahalaan
• igalang ang pananampalataya ng iba
• maging produktibong manggagawa na aktibong nakikibahagi sa pag-unlad ng
bansa
Panghuling paksa.
Mga karagdagang
kaalaman
Mga Karagdagang Kaalaman:
• AFP - Armed Forces of the Philippines
• PNP - Philippine National Police
• Benigno Aquino III - Anak ni Benigno Aquino Sr. Siya ay
nanungkulan bilang ika-15 Presidente ng Pilipinas mula taong
2010 hanggang 2016.
• K to 12 - Programang ginawa kung saan dinagdagan ang taon ng
pag-aaral mula 10 na taon ay ginawa itong 12 na taon.
• KGCR - Knights of Rizal
Maraming Salamat
sa pakikinig!

You might also like