You are on page 1of 1

Pagtatapos ng kahirapan sa taong 2024, posible -- Belmonte

Isa si Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa mga nangungunang mambabatas na n


akikipag-ugnayan sa iba t ibang partido sa Kamara upang isulong ang panukalang Fili
pino Volunteerism in National Building (VNB) Act of 2010, na mag-aahon sa bansa m
ula sa labis na kahirapan sa taong 2024.
Ayon kay Belmonte, sa ilalim ng panukalang House Bill 4374 na isinusulong
ng mga makabayang mambabatas, hindi madali ang hangaring ito, subali t magagawa nat
ing mapaunlad ang bawa t mamamayang Pilipino at maging tagapagtaguyod ng ating ban
sa.
Ang hamon ay tugon sa napakataas na antas ng kahirapan na umaabot sa 26 por
syento, katumbas ng 34 por syento ng populasyon na walang trabaho, at pambansan
g utang na umabot sa Php 325-bilyon sa pagtatapos ng taong 2010, na may negatibon
g epekto sa anumang programang kasalukuyang ipinatutupad upang maiangat ang anta
s ng pamumuhay.
Layunin ng HB 4374 na hikayatin ang pribadong sektor na tulungan at suporta
han ang pamahalaan, imbes na tumuligsa, upang maibalik ang pagtitiwala ng mga ma
mamayan sa pamahalaan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-uganayan at paki
kipagtulungan ng pribadong sektor, at ang pagsasaisantabi ng usaping pulitika, r
elihiyon, ideolohiya at paniniwala, at kumpitensya sa negosyo.
Nakatakda ng balangkasin ng Committee on People s Participation, na pinamumu
nuan ni Rep. (Dr.) Benjamin Asilo ang unang pagdinig hinggil sa usapin sa ika-11
ng Mayo, dalawang araw matapos ang muling pagbabalik ng regular na sesyon ng Ka
mara.
Ginagarantiya ng Saligang Batas at ng Local Government Code ang mahalagang
tungkulin ng sambayanan, mga non-government organization, volunteer groups at p
eople s organizations ang paggamit ng limitadong likas-yaman sa paklikibaka laban
sa kahirapan at iba pang suliraning panglipunan.
Inihalimbawa ni Belmonte na sa Pilipinas ay ipinatutupad ang programang Ga
wad Kalinga o GK na naglalayong paigtingin ang socio-economic-political frontiers
sa pamamagitan ng kakaibang sistema na tinawag na Social Engineering , kahalintula
d ng tradisyong Pinoy na bayanihan o pagboboluntaryo na may kasamang kalinga, na
maiuugat natin mula sa ating mga ninuno.
Ang GK ay isa na ngayong Asian Model of Development , at naging sanhi ng conve
rging point for multi-sectoral partnerships at Template for Good Governance dahil s
a pagtataguyod ng mga komunidad sa pamamagitan ng proyektong pabahay at imprastr
aktura, pangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan at nagdadalang-tao, edukasyon
ng mga kabataan, samu t-saring kabuhayan at pamuhunan, sapat na pagkain, pantay na
karapatan ng kasarian at kapangyarihan ng kababaihan, pagsusulong ng kapayapaan
, kultura, turismong pangkalikasan at pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan.
Ang lahat ng ito ay alinsunod sa walong puntos ng Millennium Development Go
als (MDGs) na kasamang itinataguyod ng bansa batay sa nilagdaang United Nations
Millennium Declaration ng mga nagkakasundong bansa, at naghahangad na maisasakat
uparan sa taong 2015, ani Belmonte.
Kasama ng Speaker sa nagtataguyod ng HB 4374 sina Reps. Freddie Tinga, Nep
tali Gonzales, II, Rufus Rodriguez, Rodollfo Valencia, Juan Edgardo Angara, Herm
ilando Mandanas, Deputy Speakers Raul Daza Jesus Crispin Remulla and Ma. Isabel
Climaco, Minority Leader Edcel Lagman, Reps., Lucy Torres-Gomez, Winston Castelo
, Henedina Abad, Amado Bagatsing, Jorge John Banal, Jr., Bernadette Herrera-Dy
at Fatima Aliah Dimaporo. ### jm

You might also like