You are on page 1of 15

Pangkat 2

Mga Pagtulong na Nagawa ng


Pamahalaan sa mga Mamamayan
1. DSWD(Department of Social Welfare and
Development)
2. FEMA (Federal Emergency Management Agency)
3. Gawad Kalinga
4. GMA Kapuso Foundation
5. ABS-CBN Foundation
Mga Pagtutulungan ng mga Mamamayan sa Kapuwa mga Mamamayan
at ang Suporta ng Pamahalaan sa Kanila

1.Pagkakaroon ng clean up drives - Ito ay nagpapakita ng


pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan at ng
gobyerno.
2.Pagkakaroon ng waste segragation programs - Sa
pamamagitan nito ay nababawasan ang mga basura na
naiipon sa isang komunidad
3.Pagpuksa sa mga peste at lamok - Naiiwasan ang pagkalat
ng mga sakit na nakukuha mula sa mga peste at lamok tulad
ng Dengue, Zika virus, at iba pa
4.Pagbabalot ng mga relief goods - Sa tuwing nagkakaroon
ng sakuna, ang mga mamamayan at ang gobyerno ay
nagkakaisa upang magbigay tulong sa mga taong nasalanta
5.Pagkakaroon ng mga pabahay - May mga lungsod sa Pilipinas
na kung saan ang gobyerno ang nagbibigay ng mga materyales
sa paggawa at ang mga mamamayan ang gumagawa
6.Paglilinis ng komunidad - Ito ay kahalintulad ng clean up drives
7.Pagkakaroon ng feeding programs - Ang pagpapakain sa mga
bata at boluntaryong pagtulong nga mga mamamayan ay
nagpapakita ng pagtutulungan ng gobyerno at mga tao
8.Pagkakaroon ng mga seminars para sa mamamayan - May
mga seminars na isinasagawa ang mga barangay upang
maturuan ang mga tao
9.Pagtuturo sa mga kabataan - Ito ay ang pagkakaroon ng mga
pampublikong institusyon sa ating bansa
10.Pagbibigay ng pinagkakakitaan sa mga mamamayan - Ang
gobyerno ay nagbibigay ng livelihood programs sa mga
mamamayan
a. Batay sa mga sagot ng pangkat sa talahanayan,
anong uri ng ugnayan ang nararapat sa pagitan ng
pinuno ng pamahalaan at ang mga mamamayan?

Ang pinuno at ang kaniyang mga taong pinamumunuan


ay dapat na may matibay na koneksyon. Sapagkat, ang
bawat desisyon at mga programang ipinapatupad para sa
benepisyo ng bawat tao ay dapat na naangkop sa
kanilang partikular na pangangailangan at hindi basta-
basta. Ugnayang nagpapatibay sa batas at karapatang
pantao, mabisang pakikipag-ugnayan. Ang isang pinuno
ay hindi lang dapat nasa mataas na pusisyon dahil sa
kaniyang kayamanan kundi dahil dapat sa boto ng tao o
nasa pabor ng mga tao.
a.1 Anong uri ng ugyanan naman ang nararapat sa
pagitan ng mga mamamayan sa kapuwa
mamamayan?Bakit? Ipaliwanag.

Kung ugnayan naman ng mga mamamayan sa kapwa, halos


kapareho din ng sa pinuno. Hindi dapat minamaliit ang tamang
komunikasyon, lalo’t kung sa pagitan ng mga kapwa tao. Dahil:
-pareho sila ng pag-iisip/pananaw ukol sa partikular na sitwasyon
-malapit ang kanilang lokasyon
-mas marami silang maitutulong para sa kapwa mamamayan

Kung ihahalintulad sa pinuno mas madaming pagkakataong


makipag-ugnayan ang mga kapwa mamamayan sa isa’t isa. Pareho
ng pag-iisip dahil sila mismo ang nakakaranas ng mga sitwasyong
nakakaapekto sa kanilang pamumuhay. Mas makakapag-bigay sila
ng opinyon base sa sariling karanasan, mas makakapag-ambag sila
dahil sila mismo ang nakatira sa mga lugar.
b. Sa kaliwang hanay, bakit mahalagang tulungan ng
pamahalaan ang mga mamamayan nito?

Dahil tungkulin nila na tulungan ang mga


mamamayan sapagkat sila ang inaasahan ng mga
mamamayan na handing tumulong sakanila at rin para
sa ikauunlad ng kanilang bayan.
b.1 Paano dapat gawin ng pinuno ng pamahalaan ang
mga pagtulong na ito sa kanyang mga mamamayan?

- Matutulungan ng pamahalaan ang mamamayan sa pag-iral ng


Executive government sa paraang pagliligtas ng mga
mamamayan sa mga panganib at krimen.
-Ang mga batas na ipinapasa ng Legislative ay dapat sumasalamin
sa tunay na layunin ng lipunan, ang pagpapakatao. Dito dapat ay
makamit ng mga mamamayan ang pantay-pantay na pagtingin.
Ang mga batas ay para sa panlahat at hindi para lamang sa
nakakarami.
-Ang Judicial ang hahatol sa mga mamamayan upang matamo
nila ang hustisya.
c. Sa kanang hanay naman, bakit mahalaga ang
pagtutulungan ng mga mamamayan sa kapuwa mga
mamamayan? Ipaliwanag. Paano sila susuportahan ng
pamahalaan?

Mahalaga ang makipagtulungan sa ating kapwa dahil ito dapat ang


likas na pag-uugali ng bawat isa; ang pakikipagkapwa-tao. Hindi sa lahat
ng oras ay nasa rurok ang ating katayuan. Kung ano man ang mayroon
ka na maaari mong maibahagi sa mga nangangailangan, huwag natin
ito ipagdamot. Kung ikaw naman ang nangailangan, may mga tao rin
naman na handang magbigay ng tulong. Tulad na lang sa ating bansa.
Ang mga Pilipino ay sadyang may angking katangian na handang
tumulong o sumaklolo sa mga nangangailangan. Tulad na lang ng
pagbabayanihan. Ang Pilipinas ay kadalasang nakararanas ng
matinding hagupit ng bagyo. Gayunpaman, marami pa rin ang handang
tumulong upang maka-ahon ang mga naging biktima nito. Nawa’y
maipagpatuloy natin ang ugaling sadyang napakagandang ipamana sa
mga susunod na henerasyon.
d. Sa palagay mo, alis sa kaliwa at kanang hanay ang ayon sa
Prinsipyo ng Subsidiarity? Alin naman ang ayon sa Prinsipyo ng
Pagkakaisa? Bakit?

Ang kanang hanay ang ayon sa Prinsipyo ng Subsidiarity . Ang kaliwang


hanay ang ayon sa Prinsipyo ng Pagkakaisa

Explanation: Ang kanang hanay ay likas sa mga tao na pangunahing tuonan ng


pansin ang kanilang mga sarili at pamilya.

Ang kaliwang hanay ay kung ano ang gusto ng mga pinamumunuan o


mamamayan ay siyang gagawin ng pinuno at ang pinamumunuan ay kailangan
sumunod sa giya ng kanilang pinuno. Ito ay tungkol sa INTERES kung saan ang
pinakamahalaga ay kapakanan ng lahat.
e. Para sa Iyo, ano ang kahulugan ng Prinsipyo ng
Subsidiarity?

Ang prinsipyo ng subsidiarity ay tinatawag na secondary


importance. Likas sa mga tao na pangunahing tuonan ng pansin
ang kanilang mga sarili at pamilya. Mahalagang maging isa sa
ating mga pagpapahalaga ang maiukol sa pamayanan bilang
bahagi ng komunidad, sapagkat makatutulong ito sa proseso ng
lipunan. Ang pamahalaan ay tutulungan ang mga mamamayan
na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Ang mga
tungkulin naman ng mga mamamayan ay ang magtulungan.
Mahalaga ang bayan sa bawat isa kaya dapat na pahalagahan
din natin ito.
e.1 Ano naman ang kahulugan ng Prisipyo ng
Pagkakaisa?

Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding prinsipyo ng


pagkakaisa. Sa prinsipyo na ito, kung ano ang gusto ng mga
pinamumunuan o mamamayan ay siyang gagawin ng pinuno at
ang pinamumunuan ay kailangan na sumusunod sa giya ng
kanilang pinuno. Ito ay tungkol sa interes kung saan ang
pinakamahalaga ay ang kapakanan ng lahat at kung ano ang
interes ng nakararami ay siyang papangibabawin. Ito rin ay tungkol
sa responsibilidad kung saan ganap na tinutugunan ng bawat
indibidwal ang gampaning nakaatang sa kanya. Ito ay mahalaga
upang magkaroon ng mabilis na pag-unlad ang pamayanang
kanyang kinabibilangan.
Mga Pagtulong na Nagawa ng
Pamahalaan sa mga Mamamayan
1. DSWD(Department of Social Welfare and
Development)
2. FEMA (Federal Emergency Management Agency)
3. Gawad Kalinga
4. GMA Kapuso Foundation
5. ABS-CBN Foundation
1.Pagkakaroon ng clean up drives - Ito ay nagpapakita ng
pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan at ng
gobyerno.
2.Pagkakaroon ng waste segragation programs - Sa
pamamagitan nito ay nababawasan ang mga basura na
naiipon sa isang komunidad
3.Pagpuksa sa mga peste at lamok - Naiiwasan ang pagkalat
ng mga sakit na nakukuha mula sa mga peste at lamok tulad
ng Dengue, Zika virus, at iba pa
4.Pagbabalot ng mga relief goods - Sa tuwing nagkakaroon
ng sakuna, ang mga mamamayan at ang gobyerno ay
nagkakaisa upang magbigay tulong sa mga taong nasalanta
5.Pagkakaroon ng mga pabahay - May mga lungsod sa Pilipinas
na kung saan ang gobyerno ang nagbibigay ng mga materyales
sa paggawa at ang mga mamamayan ang gumagawa
6.Paglilinis ng komunidad - Ito ay kahalintulad ng clean up drives
7.Pagkakaroon ng feeding programs - Ang pagpapakain sa mga
bata at boluntaryong pagtulong nga mga mamamayan ay
nagpapakita ng pagtutulungan ng gobyerno at mga tao
8.Pagkakaroon ng mga seminars para sa mamamayan - May
mga seminars na isinasagawa ang mga barangay upang
maturuan ang mga tao
9.Pagtuturo sa mga kabataan - Ito ay ang pagkakaroon ng mga
pampublikong institusyon sa ating bansa
10.Pagbibigay ng pinagkakakitaan sa mga mamamayan - Ang
gobyerno ay nagbibigay ng livelihood programs sa mga
mamamayan

You might also like